Share

Kabanata 12

Penulis: Glazed Snow
Nang makita ni Shawn ang pangalan ni Monica, bumalik siya sa reyalidad. Sa mga sandaling magkalapit sila ni Maxine, naguluhan siya. Halos basa ang damit niya at ang katawan niya ay may mga marka ng halik at hindi rin pantay ang kanyang paghinga.

Kanina pa siya na-e-excite. Siya ay na-excite dahil kay Maxine!

Hindi naman niya gusto si Maxine. Sinisisi ni Shawn ang pagiging lalaki niya at ang hindi niya magawang pagtakas sa tukso ng isang mapang-akit na babae.

Sinagot ni Shawn ang tawag. Nakaramdam siya ng guilt para kay Monica. Habang tumitindi ang guilt na iyon, lalong naging banayad ang tinig niya.

“Monica.”

Malakas ang tugtog na maririnig mula sa kabilang linya. Malamyos ang boses ni Monica nang magsalita ito.

“Shawn, alam mo bang nasa bar ako ngayon?”

“Huwag kang uminom, Monica,” paalala ni Shawn. “Mag-juice ka na lang.”

“Sige. Nakikinig naman ako sa ‘yo, eh. Pwede ka bang pumunta dito? Hintayin kita dito.”

Ngunit may maliit na kamay na humila sa manggas ng damit ni Shawn. Lumingon siya at nakita si Maxine na basang-basa. Ang strap ng bra nito ay nalalaglag na at kitang-kita ang kurba. Pulang-pula din ang mga mata habang mahigpit na hinahawakan ang manggas niya, tila ayaw siyang pakawalan.

Sinubukan pa ni Shawn na hilahin ang manggas niya mula sa kamay nito pero matigas ang ulo ng babae at lalo pang namumula ang mga mata habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Magsasalita sana si Shawn pero bigla na naman siyang niyakap ni Maxine nang mahigpit. Bumulong pa ito sa tenga niya, “Huwag kang aalis. Dito ka lang.”

Nasa tamang edad na si Maxine pero doon niya napagtanto na kahit gaano na katagal ay natatakot pa rin siyang maiwanan. Kahit sa mga kalye ay may takot siyang maiwan lalo na kung matao.

Nakaramdam nang kawalang-magawa si Shawn. Nasa alanganing sitwasyon siya. Samantala, narinig niya ang boses ni Monica sa kabilang linya.

“Hello, Shawn? Naririnig mo ba ako? Bilisan mo.”

Nakatingkayad na si Maxine at marahang bumulong, “Kuya Sungit…”

‘Kuya!?’ Ang tumatawag sa kanya nang ganoon ay isang tao lang, pero hindi ba si Monica lang ang tumatawag sa akin ng ganoon?

Nagbago nang husto ang ekspresyon ni Shawn. “Monica, may emergency. Pasensya na pero hindi ako makakapunta.”

Pinutol na niya ang tawag at itinulak si Maxine sa pader. Matalim ang titig niya, “Sino ang nagsabing tawagin mo akong ‘Kuya Sungit’? Maxine, sino ka ba talaga?”

Imbes na sumagot, yumakap pa si Maxine sa leeg niya at hinipo ang minipis niyang labi. Ang malambot na labi ng babae ay may ibang klase ng bango at pang-aakit.

Hindi ipinikit ni Shawn ang mga mata. Sinalubong niya ang mga tingin nito. Si Maxine ay ganoon din ang ginawa. Ang mabilog at medyo namumugto nitong mga mata ay tumitig din pabalik.

Biglang napagtanto ni Shawn—ganoon din ang mga mata ng batang babae noon. Kagayang-kagaya nang kay Maxine.

Siniil siya ng halik ni Maxine. Pero walang tugon mula kay Shawn. Sa halip ay tumigil pa ito at umatras kaya napagpasyahan niyang itigil na iyon. Tumalikod si Maxine para umalis na.

Pero biglang hinapit ni Shawn ang braso niya at hinila siya palapit. Sa isang iglap, binalot sila ng kakaibang init habang ibinababa niya ang ulo para halikan ang babae pabalik.

***

Sa bar.

Nasa counter si Monica kasama ang assistant niya sa mga oras na ‘to.

“Miss Monica, hindi ba darating si Mr. Velasco ngayon?” tanong ng assistant sa boss niya.

Nagsimulang maghinala si Monica. Medyo kakaiba ang boses ni Shawn kanina habang magkausap sila at para bang may kasama ito.

Dali-dali siyang tumawag kay Jared. “Hello, magkasama ba kayo ni Shawn ngayon?”

“Ha?” nagtatakang tanong ni Jared sa kabilang linya. “Hindi, pero tinawagan niya ako kanina. Ang sabi niya may babae daw na na-drugs at nagtatanong siya kung ano ang dapat niyang gawin. Monica, hindi kaya si Maxine ang tinutukoy niya?”

‘Posible,’ hinala ni Monica.

Palaging malinis ang bahay ni Shawn. Dati ay si Monica lang ang kasama niya. Iba na ngayon dahil naroon na si Maxine at hindi mahirap hulaan na siya ang kasama nito.

Dumilim ang mukha ni Monica at nagkuyom ang mga kamao. ‘So, kasama nga niya si Maxine?! Magkasama sila!’

Sa kabila ng galit, nakuha pa rin ni Monica na ngumiti. “May ipapagawa ako. Kuhanan mo ako ng isang pakete ng gamot.”

Naguluhan ang assistant, “Anong gamot po?”

May mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Monica.

“Aphrodisiac.”

***

Sa banyo ng villa.

Nanghihina ang mga binti ni Maxine mula sa marubdob na halik ni Shawn. Halos bumagsak siya sa sahig. Naramdaman ito ni Shawn kaya niyakap niya ang babae nang mahigpit sa baywang gamit ang malakas niyang braso para hindi ito matumba.

Namula ang mga pisngi ni Shawn.

Naputol ang eksenang iyon nang biglang may video call request sa cellphone niya—si Monica iyon. Tiningnan muna niya si Maxine bago tinanggap ang tawag.

Nasa bar pa rin si Monica, may baso ng alak sa harapan niya at nakangiti.

“Shawn, huwag kang mag-deny. Kasama mo si Maxine, hindi ba? Na-drugs daw siya?”

Hindi sumagot si Shawn.

Dinampot ni Monica ang isang pill at sa harap ng camera, ininom iyon.

Nagtaka si Shawn, “Monica, ano ‘yon? Anong ininom mo?”

Ngumisi si Monica.

“Ah, ‘yon ba? Isang aphrodisiac.”

Nanginig ang kalamnan ni Maxine. Malinaw na sa kanya ngayon, pero hindi pa rin niya inaasahan na si Monica ang nag-droga sa kanya.

Dumilim ang mukha ni Shawn. “Monica!”

Bigla na lang may isang matangkad at gwapong lalaki ang lumapit kay Monica. Mukhang sinusubukan nitong makipag-usap sa babae.

“Hi, beautiful. Can I buy you drinks?”

Itinuro ni Monica ang screen ng cellphone niya, sabay sabi, “Kita mo ‘yan? Siya ang boyfriend ko pero kung hindi siya nakarating dito sa loob ng thirty minutes, sa ‘yo na ako ngayong gabi.”

Natawa ang lalaki.

Nagyeyelo ang boses ni Shawn nang sabihin, “Monica, ano bang ginagawa mo?”

Umaliwalas ang mukha ni Monica. Kampante at sarkastiko niyang sinabi, “Hindi ba malinaw? Sige, ganito na lang. Isang babae lang ang pwede mong piliin ngayong gabi, Shawn. Ako, o si Maxine.”

Pinutol nito kaagad ang tawag.

Nagliyab ang mga mata ni Shawn sa galit. Umiigting din ang mga ugat sa kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak sa cellphone niya.

Pero si Maxine, iba ang naririnig niya.

‘Isang babae lang ang pwede mong makasama. Isang anak lang ang pwede mong mahalin.’

Paulit-ulit na bumalik sa tenga niya ang mga salitang iyon na para bang sumpa.

Nawala na rin ang init sa katawan niya kaya pinakawalan na siya ni Shawn at umalis.

Tumingala pa si Maxine sa lalaki pero hindi na siya pinapansin nito. Nagpapalit na ito ng damit na isang T-shirt at maong na ang suot nito.

Bumalik si Shawn na ngayon ay bihis na. Malalim at madilim ang mga mata nito.

“Anong tipo ang gusto mo?”

“Ano?” Hindi maintindihan ni Maxine ang ibig niyang sabihin.

“Hahanap ako ng lalaki para sa ‘yo. Kahit dalawa pa, kung gusto mo.”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (71)
goodnovel comment avatar
RhenaLita Monses
anu ba yan,nasa kabanata 258 na ako ngaun back to zero..badtrip naman to.
goodnovel comment avatar
❤Charmz❤
kapal na Shawn
goodnovel comment avatar
Emily Denila Tumul
bakit bumalik sa chapter 1 ang binabasa ko
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 381

    Ngumiti si Jessica, at ang kanyang pulang mga labi ay gumuhit sa isang magaan at mahinahong ngiti. “Tita, natatakot akong istorbohin ka, kaya palagi akong nakikipagkita kay Raven sa paaralan,” wika niya nang may kaunting hiya.Napangiti si Mrs. Alfonso nang mahina, at ang kanyang mga mata ay nagbigay nang mainit na tingin. Sa sandaling iyon, dumating si Doctor Manalo, at tahimik na lumabas si Jessica.Sa opisina ng direktor, iniabot ni Doctor Manalo ang resulta ng pagsusuri kay Jessica. “Miss Castro, dumating na ang result ng pagsusuri ng pasyente.”“Ano ang mga resulta?” tanong ni Jessica, may pag-aalala sa kanyang mga mata.Umiling nang mabigat si Doctor Manalo at sinabi, “The patient is in the late stage of cancer.”Biglang nanlumo si Jessica sa pagkabigla dahil sa kanyang narinig.“Late stage of cancer? Sigurado ka ba? Palaging malusog si Mrs. Alfonso.”“Walang pagkakamali,” tugon ni Doctor Manalo nang may mabigat na tinig. “Marahil ay nagkaroon na ng cancer ang pasyente

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 380

    Gustong habulin ni Jessica si Raven, ngunit agad siyang hinawakan ni Adrian.“Bakit mo siya hinahabol? Hindi ka pwedeng pumunta,” mariing wika nito sa kanya.Subalit, iwinaksi ni Jessica ang kanyang kamay at mariin na sinabi, “Kahit ang dagat ay hindi ako pinapamahalaan gaya mo!”Mabilis siyang tumakbo upang abutin si Raven, habang kumuyom sa galit ang mga kamao ni Adrian.****Sinundan ni Jessica si Raven sa isang maliit na ospital. Nakahiga ang ina ni Raven sa puting kama, hindi pa rin nagigising.Nakatayo naman malapit si Thalia, luha ang bumabalot sa kanyang maputlang mukha, habang sinisikap siyang aliwin ng isang kapitbahay na tita.Agad na dumiretso si Raven sa kapatid.“Thalia!”“Kuya!” ani Thalia, ang payat na katawan niya ay bumagsak sa mga bisig ni Raven, umiiyak nang walang tigil. “Kuya, dali! Puntahan natin si lama! Kahit ano'ng tawag namin sa kanya, hindi siya nagigising.”Mabilis naman na pinakalma ni Raven si Thalia, pagkatapos ay lumingon sa kanyang ina sa k

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 379

    Dali-dali namang nagpunga si Jessica patungo sa tabi ni Raven, sinusubukang pigilan ang mapanganib na larong iyon. “Raven, huwag mo na gawin ‘to para kay Adrian! Delikado ito sa katawan mo. Kung talagang kailangan mo ng pera, pwede kong—”Tumingin si Raven kay Jessica, at agad naman siyang nanahimik. Hindi niya ito sinasadya sa paraan na para bang gusto niyang pagsabihan siya. Ang gusto niya ay pigilan lamang si Raven na saktan ang sarili niya.Tumingin si Raven sa foreman at sinabi, “Magsimula na tayo.”Sinimulan ng foreman ang paglalagay ng isa-isang sako ng semento sa mga balikat ni Raven. Mabilis itong umabot sa walong sako. Pagkatapos, idinagdag niya ang ikasiyam at ikasampu.Pinanood naman ni Adrian na may kasabikan ang nangyayari, habang napapalakpak ang mga kamay. “Oh! Hindi ko akalain na magsusumikap ka nang ganito para sa pera. Walang libo, siyam na libo...”Ibinato ni Adrian sa lupa ang siyam na libo sa lupa.Idinagdag naman ng foreman ang ikalabing-isa at ikalabin

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 378

    Napakuyom ang mga kamao ni Adrian habang nakatitig kay Jessica nang mataman.“Jessica, nilagyam ka ba ni Raven ng gayuma o ano?” sambit ni Adrian.“Wala ‘yang kinalaman sa ’yo!” sagot niya, puno ng galit at pagtatanggol sa sarili.Inilagay ni Adrian ang mga kamay sa kanyang baywang at tumawa, ngunit halatang may matinding galit. “Sige, kung gano'n, wala rin akong pakialam sa ’yo. Hahanapin ko na lang si Raven ngayon.”Hindi naghintay ng sagot, tumalikod siya at humakbang patungo kay Raven.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Jessica. Inabot niya ang braso niya, pilit na pigilan si Adrian. “Ano ang ginagawa mo? Workplace ito ng ibang tao! Ano ang karapatan mo na istorbohin sila?” inis niyang sambit.Sa sandaling iyon, biglang humakbang ang foreman ng construction site, humihingal sa pagod. Paulit-ulit siyang yumuko kay Adrian.“Sir Adrian, bakit po kayo narito? Mag-ingat po kayo na hindi madumihan ang inyong damit. Nagpunta po ba kayo para inspeksyunin ang construction ngayon?”

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 377

    Nang marinig ang sinabi niya, tumigil si Jessica sa paglaban at masunuring sumakay sa pasaherong upuan ng sports car.Bumalik si Adrian sa upuan ng driver, madilim ang mukha. “Jessica, talaga bang interesado ka kay Raven?” seryosong tanong ng lalaki sa kanya. Sa simula, tumanggi siya na sumakay sa kotse ni Adrian, ngunit ngayon, ginawa niya ito para kay Raven.Tumingala si Jessica sa kanya, may bahagyang pangungutya sa tingin nang magsalita.“Adrian, hindi mo ba napapansin na kakaiba ang itsura mo ngayon?” tanong niya sa lalaki.Sandaling natigilan si Adrian sa kanyang narinig.“Pinayagan na kita kay Crizza. Ngayon, siya na ang girlfriend mo. Malaki ang dibdib niya, payat ang baywang, nag-aaral na maging isang sikat na celebrity. Ganitong type ang gusto mo, ‘di ba? Dapat kasama mo siya. So, bakit nakatali ka pa rin sa 'kin?” dagdag na sambit ni Jessica.Mahigpit na hinawakan ni Adrian ang manibela at sinabi, “Ako…”“Adrian, huwag mong sabihin na nahulog ka na sa 'kin,” patul

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 376

    Tumalikod si Jessica at nagsimulang lumayo. Mabigat ang bawat hakbang, tila gusto niyang talikuran ang lahat ng ingay at panghuhusga sa paligid.Napabulong si Crizza sa sarili, mahina at halos hindi marinig ang kanyang sinabi.Bago pa man makalayo si Jessica, humarang si Adrian sa kanyang daraanan. Matalim ang tingin nito, puno ng pagdududa at hindi makapaniwalang galit.“Jessica,” mariin ang tono niya. “Talaga bang nahulog ka na kay Raven?”Tumango ang dalaga. Simple, diretso, at walang pag-aalinlangan. “Oo.”Nanigas ang panga ni Adrian. Hindi pa rin makapaniwala, napailing siya, parang inuusig ng katotohanang ayaw niyang tanggapin.“Imposible,” mariin niyang tugon. “Paano mo nagustuhan ang lalaking 'yon? Ginagawa mo lang ‘to para galitin ako, ‘di ba? Jessica, hindi ko akalaing gagawa ka ng maliliit na laro ng isip para lang makuha ang atensyon ko.”Mabilis na umakyat ang inis sa dibdib ni Jessica. Napatingala siya sa lalaki at diretso itong tinitigan sa kanyang malamig, mata

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status