Share

Kabanata 171

Penulis: Glazed Snow
Biglang lumiko ang sports car ni Shawn, pilit na tinataboy si Maxine paatras. Ngunit hinarap ni Maxine ang panganib nang walang takot. Biglang lumitaw ang mga kislap ng apoy nang magasgas ang kanang bahagi ng kanyang sasakyan sa isang pader, at sa isang iglap, nag-drift ang kotse niya pasulong, nakahabol kay Shawn.

Kahanga-hanga ang kanyang galing sa pagmamaneho. Nakakabigla, at nakamamangha sa mga makakakita no'n.

Tinitigan naman siya ni Shawn. Dumampi ang banayad na hangin, iniangat ang itim na buhok niyang kumikislap sa kadalisayan, sumasayaw sa ere, at ang ilang hibla ay dumampi sa kanyang maputing pisngi at payat na leeg. Napakaganda niyang pagmasdan, at hindi ito maialis ni Shawn sa kanyang mga mata.

Suot ang salamin, marahan niyang ibinaling ang tingin kay Shawn at tinaas ang gitnang daliri.

'Damn it!' singhal ni Shawn sa isipan niya.

Isang mababa at tila paos na tawa ang lumabas mula sa lalamunan ni Shawn. Sa sandaling iyon, pinakiliti siya nito. Isang kiliti na mahirap ko
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Datu Garry Om
sna intake kna Monica pra mamatay insecure at mayabang
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
deserve mo yan girl,,lalo n kung mlaman nyung sya ay henyo at ang surgery master hahha luluwa mata nyu
goodnovel comment avatar
Bingkai Gasra Conuda
buwhahahah ani kayo ngayon.. Mr velasco at Monica Hahha manigas kayo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 412

    Tumigil sandali sina Maxine, Althea, at Jessica sa kanilang narinig.“Sikat talaga ang bar sa restaurant na ito. Narinig ko na may main attraction dito na sobrang patok lalo na sa mayayamang babae. Kapag umaakyat siya sa entablado at nag-perfrom, hindi tumitigil ang tip galing sa mga babae,” saad ni Althea.“Narinig ko rin ‘yan. Sabi nila, lahat ng waiter sa bar na ito ay mga kalalakihang may magandang mga katawan, naka-bare upper body at may six-pack abs. Pasok tayo, para naman lumawak ang kaalaman natin,” wika ni Jessica.Natural na wala namang pagtutol si Maxine kaya sumang-ayon na rin siya.“Sige, pasok tayo.”Pumasok ang tatlo sa bar. Puno na ito, at karamihan ay nakapwesto na sa paligid ng entablado.Ilang gwapong lalaki ang nasa entablado at nagsimula nang mag-perform. Malakas ang tugtog habang sabay-sabay ang sigawan ng tao roon. “Hubad! Hubad! Hubad!” At nagsimulang hubarin ng mga lalaki ang kanilang damit.Sa gitna ng lahat, nakatayo ang pangunahing atraksyon ng ba

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 411

    Tinitingnan ni Maxine ang nangyayari sa loob nang mariin.Ang isang magandang babae na nakasuot ng pulang damit ay nakayakap sa mga bisig ni Shawn, tinitingnan siya nang may malalim na pagmamahal. Ibinaba rin ni Shawn ang kanyang ulo upang ito ay tingnan. Talagang kitang-kita na nasisiyahan siya sa romantikong sandaling iyon.Samantala, inalis naman ni Maxine ang kanyang tingin mula roon.“Sige na. Tigilan na natin ang pagtingin. Wala na kaming koneksyon ni Mr. Velasco ngayon. Wala ring sinabi si Monica, kaya mas wala akong masasabi. Tara na.”Tumalikod na siya at umalis kasama sina Althea at Jessica.Pumasok naman si Maxine sa banyo, habang naghintay sina Althea at Jessica sa kanya sa labas.Bumuntong-hininga si Althea saka sinabi, “Ang swerte talaga ni Mr. Velasco.”Biglang kumislap ang mga mata ni Jessica nang may naisip siya.“May naisip ako,” ani Jessica.Kinuha niya ang kanyang telepono, pinili ang litrato ni Maxine, at ipinost ito sa kanyang social media account na may

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 410

    Itinaas ng tatlo ang kanilang baso para sa isang toast.Sa sandaling iyon naman, bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok ang isang grupo ng mga tao. Pinangunahan sila ng isang matangkad, gwapo, at marangal na pigura ng isang lalaki. Si Shawn Velasco.Dumating rin si Shawn sa restaurant, ngunit para sa negosyo ang dahilan. Kasama niya ang ilang mga executives ng kumpanya.Masiglang pinangunahan ng restaurant manager ang daan para sa exclusive na mga bisita.“Mr. Velasco. Velasco, handa na ang private room. Dito po kayo. Sumunod kayo sa 'kin.”Sinundan naman ni Shawn ang manager papunta sa private room, at agad na napansin ang payat at mala-ethereal na anyo ni Maxine sa gitna ng mga tao.Kasama ni Maxine sina Althea at Jessica sa pagkain. Ang tatlo ay tila abala sa isang masinsinang pag-uusap, ang kanilang mga mukha ay nagliliwanag sa kasiyahan habang nag-to-toast. Kitang-kita na napakaganda ng kanilang mood.Tiningnan din ng mga executive na sumusunod kay Shawn si Maxine at an

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 409

    Ang tanong na iyon ay nagpahinto nang sobra kay Maxine. Sa katunayan, hindi pa niya napagdesisyonan kung ano ang gagawin niya tungkol sa pagpapanatili ng bata.Ipinatong niya ang maliit na kamay sa kanyang patag na tiyan. Ngunit ang ideya ng pagpapalaglag ay talaga namang hindi niya magagawa iyon. Hindi lang ito anak ni Shawn. Anak din niya ito. Anak ni Maxine.'Kung ayaw ni Shawn sa batang ito, ibig ba sabihin ay ayaw ko din?' aniya sa isipan.“Maxine, kung gusto mong manganak, gawin mo na. Sa financial naman ay hindi problema ang pera. Ngayon, marami nang kababaihan ang pinapanatili ang kanilang anak kahit wala ang ama. Kung ayaw ni Mr. Velasco. Velasco sa bata, mas mabuti pang alisin mo siya at tayo na mismo ang mag-aalaga. Ako na ang magiging ninang ng bata,” saad naman ni Althea.Tumango rin si Jessica bilang pagsang-ayon. Bagamat pinsan niya si Shawn, rerespetuhin niya ang kagustuhan ni Maxine kung ayaw nitong ipaalam ang pagbubuntis niya. Lubos niyang sinusuportahan ang laha

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 408

    Tumingin naman si Shawn kay Monica, habang nanatiling hindi mabasa ang kanyang ekspresyon.“Alam mo na ba ang tungkol sa pagiging tugma ng tungkol sa puso?” tanong ni Shawn sa kanyang seryosong boses.“Oo, alam ko na ngayon ang tungkol doon. Ang puso ni Maxine ay maaaring tumugma sa akin. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin, Shawn?” sagot ni Monica sa diretsong pag-amin niya sa totoo.“Kung sasabihin ko sa 'yo ang tungkol doon. Tapos ano?” seryosong tanong ni Shawn.“Hahanap ka ng paraan para mailigtas ako ni Maxine,” sagot naman ni Monica ng walang pag-alinlangan.Nanahimik si Shawn. Hindu niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.“Shawn, ayaw mo ba akong iligtas? Sa pagitan ko at ni Maxine, nag-aalinlangan ka pa rin ba? Ngayon sabihin mo sa 'kin, kaya ka ba nag-aalinlangan dahil kay Maxine?” patuloy ni Monica.Matatag ang tingin ni Shawn sa kanya at ilang sandali lang, nagsalita ito.“Hindi pwede si Maxine.”Nang dahil sa kanyang narinig, namumutla ang mukha ni Monica.Hindi niya

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 407

    Tinawag ni Maxine si Shawn sa gilid dahil may mahalaga siyang sasabihin sa lalaki.Agad naman na nabahala si Monica. Hinawakan niya nang malakas ang braso ni Shawn. “Maxine, bakit hindi mo na lang sabihin dito?” ani Monica.Hindi niya hahayaang umalis si Shawn para makipag-usap kay Maxine.Tumingin naman si Maxine sa kanila pareho. Ngayon na siya ay buntis, bakit siya lamang ang dapat magdusa habang naglalaro sina Shawn at Monica? Hindi niya papayagan iyon. Kailangan niyang sabihin ito kay Shawn.“Monica, hindi ko ito pwedeng sabihin sa 'yo,” matatag na sabi ni Maxine. “Si Mr. Velasco. Velasco lamang ang maaari kong kausapin. Kaya, Shawn, hihintayin kita sa labas.”Pagkatapos sabihin iyon, umalis na siya.Samantala, hinila naman ni Monica si Shawn, pilit pinipigilan ang lalaki.“Shawn, huwag kang aalis.”Ngunit, inalis niya ang braso niya mula sa babae.“I'll be quick outside.”Pagkatapos ay naglakad na siya palayo. Namula naman ang mukha ni Monica dahil sa galit. “Shawn!

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status