Share

Kabanata 170

Author: Glazed Snow
Agad naman na ikinawit ni Monica ang kanyang braso sa braso ni Shawn.

“Shawn, magsasama tayo sa isang kwarto.”

Samantala, ipinatong naman ni Lucas ang isang braso sa maringal na balikat ni Maxine bago magsalita.

“Maxine, tayo naman ay magsasama rin sa isang kwarto.”

Napatingin si Shawn kay Maxine at bahagyang tumango ang babae.

“Sige.”

Pumayag siyang manatili sa parehong kwarto kasama si Lucas. Mariin naman na idinikit ni Shawn ang kanyang maninipis na labi.

Samantala, napansin naman ni Maxine ang kanyang tingin at iniangat ang mga mata upang salubungin ang malamig at malalim niyang titig.

'Ano ang tinitingnan niya?' tanong niya sa isipan.

Muling bumalik sa isip ni Maxine ang text message sa messenger dalawang gabi ang nakalipas. Isang sandali nang kahihiyan kung saan naisip niyang sana ay bumaon na lang siya sa lupa. Ngunit ngayon, mariin niyang inilihis ang tingin, at pinanatili ang pagiging kalmado.

Lumapit naman ang manager ng resort na may magalang na ngiti sa kanyang m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 406

    Umupo si Maxine sa sofa nang napakatagal. Pagkatapos no'n, tumayo na siya at nagdesisyon na pumunta sa ospital.Kailangan niya ng oras upang pag-isipan ang tungkol sa sanggol, ngunit sa ngayon, may appointment siya kay Monica.Halos kalahating oras ang lumipas bago dumating si Maxine sa VIP hospital room ni Monica at nakita na niya ito.Agad naman na ngumiti si Monica sa kanya, saka nagsalita.“Maxine, narito ka na. Ang bilis mo namang dumating,” ani Monica.Tiningnan ni Maxine ang maputlang mukha ni Monica, bago sumagot sa babae.“Lalo pa yatang lumalala ang kondisyon ng puso mo. Kung muli kang mahihimatay sa susunod, baka malagay na sa panganib ang buhay mo, kaya pupunta ako habang maaari pa,” sagot ni Maxine.“Maxine!” sagot ni Monica.Sa wakas, naintindihan ni Monica kung bakit lumalala ang kanyang puso ay dahil siguro palagi siyang pinipikon ni Maxine.Inayos niya ang kanyang damdamin bago sinagot si Maxine.“Maxine, hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan. Natagpuan

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 405

    Sa kabilang linya, tumunog ang matamis na ringtone nang isang beses bago sagutin ang tawag. Dumating ang malinaw at mahinahong boses ni Maxine sa kabilang linya.“Hello?”Ngumiti si Monica. Hindi pa alam ni Maxine ang tungkol dito. Ang isipin ang kapalaran ni Maxine ay punong-puno na ng kasiyahan.“Maxine, tinawagan kita para magpasalamat. Salamat sa pagtulong sa amin na mahuli ang pekeng si Surgery Master. Ginagawa na namin ang lahat para mabawi ang perang ipinuhunan ng pamilya Garcia sa kanya. Kahit hindi namin mabawi ang lahat, gusto ko pa rin pasalamatan ka sa tulong mo,” ani Monica sa kabilang linya.Samantala, nasa Haven Condominium naman si Maxine ngayon. Hindi siya gaanong lumabas nitong mga nakaraang araw at karamihan ng oras ay natutulog lamang siya.Napansin niyang labis ang antok niya nitong mga nakaraang araw at hindi niya alam kung bakit.Nang marinig ang pasasalamat ni Monica, bahagyang tumaas ang kanyang marilag na kilay. “Monica, huwag ka nang magpaliguy-ligoy

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 404

    Walang kahit ano na emosyon sa marangal at gwapong mukha ni Shawn sa mga oras na ito. Kalmado at walang pakialam ang kanyang boses nang magsalita siya.“Hindi pa.”“Mr. Velasco, kailangan nating aksyunan agad ang bagay na ito. Hindi pwedeng ipagpaliban ang kondisyon ni Monica,” pang-uudyok naman na sabat ni Nora.Sumang-ayon naman si Wilbert sa kanyang pangamba.“Oo, Mr. Velasco. Swerte si Monica na nailigtas siya nitong minsang nahimatay siya, pero paano kung sa susunod hindi na siya maililigtas? Ano ang mangyayari sa aking Monica?”“Alam ko ang ginagawa ko,” malamig na tugon ni Shawn sa kanila.Sa sandaling iyon, tumunog naman ang isang matamis na ringtone. Isang papasok na tawag ang biglang lumitaw.Kinuha ni Shawn ang kanyang telepono at nagsalita.“Lalabas muna ako para sagutin ang tawag.”Tumalikod siya at lumabas ng silid na iyon.Pinanood naman ni Monica ang kanyang pag-alis, na tila nalulunod sa pag-iisip.Samantala, biglang pumasok si Assistant sa silid at agad na

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 403

    Alam na alam ni Franco ang matibay na ugnayan nina Maxine at ng kanyang ama. Labis na minahal ng kanyang ama si Maxine at ilan iyon sa kakaunting tunay na masayang sandali sa buhay ni Maxine.Ngayon na nakumpirma nang nalason ang kanyang ama ng mga miyembro ng pamilya Garcia, natural lamang na maghiganti si Maxine bilang kanyang anak na kinuhanan nila ng ama. Ang ama na dapat ay nasa kanyang tabi hanggang ngayon.Tumango si Franco nang may kaginhawaan at tumaya nang tuwid bago magsilta.“Maxine, palagi akong nasa panig mo. Alam mo 'yan.”****Samantala, nagmadali namang pumunta si Shawn sa ospital at dumating sa VIP ward nito.Muling na-ospital si Monica. Naka-blue na gown siya at nakaupo sa kama, kasama sina Wilbert at Nora sa kanyang tabi.Bagamat naging malamig na si Shawn kay Monica, siya pa rin ang kanyang babae, at hindi niya ito kayang iwan. Nang marinig niya ang balita, agad siyang nagmadaling pumunta.“Monica, how are you feeling?” tanong ni Shawn nang may pagkabahala

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 402

    Nakatingin si Shawn sa direksyong pinaglahoan ni Maxine. Sa isip niya, ganoon nga ba talaga 'yon? Baka gano'n na nga talaga.Sa sandaling iyon naman, nabasag ang katahimikan ng isang malinaw na ringtone. Biglang tumunog ang kanyang telepono.Agad namang pinindot ni Shawn ang answer button at sa kabilang linya, umalingawngaw ang balisang boses ni Nora.“Mr. Velasco, may masamang nangyari. K-Kanina lang ay nakaramdam ng matinding pagkabalisa si Monica sa puso at bigla siyang nahimatay. Dinala na siya sa ospital para sa agarang g-gamutan.”Dahil sa narinig, ibinaba ni Shawn ang tawag at agad na tumalikod, humakbang palayo nang walang anumang pag-aatubili.Sa kabilang bahagi naman, pumasok sina Maxine at Franco sa laboratoryo. Itinali ni Maxine ang kanyang itim na buhok sa isang mababang ponytail at isinusuot ang puting lab gown.“Magsisimula na akong magsagawa ng pagsusuri sa abo ng ama ko,” sabi niya, ang tinig ay kalmado ngunit may bigat ng damdamin.Tumingin naman si Franco sa k

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 401

    At ito ang pagkabunyag sa pinagmulan ni Maxine. Sa kasalukuyan, tanging sina Wilbert at Marivic lamang ang nakakaalam tungkol sa kanyang pinagmulan. Noon, alam din ito ni Louie, ngunit ang kaalaman na iyon ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.Agad naman na nagsalita si Wilbert upang pigilan ang ina sa nais pa nitong sabihin.“Ma, huwag mo nang sabihin pa kung ano ang balak mong sabihin.”Alam ni Marivic kung gaano kaseryoso ang usapin, kaya mabilis niyang pinigilan ang kanyang sarili.Sa simula, nakikinig si Nora nang mabuti, umaasang makakakuha ng mahalagang impormasyon. Ngunit nang huminto ang usapan, bahagya siyang nadismaya, damang-dama ang bigat ng katahimikan.Samantala, sina Monica at Amanda ay pinalibutan ang pekeng si Surgery Master sa mga oras na ito.“Sinungaling ka! Bilisan mo na at ibalik ang pera namin!” galit na sigaw ni Monica sa lalaki. “Naglakas-loob ka pa na lokohin ang pamilya Garcia na parang hinahamon mo ang madaling kamatayan mo!”Nagpatuloy si Amanda, a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status