MasukTiningnan ni Margaret si Roberto, ang kanyang mga mata ay puno ng damdamin na matagal nang kinimkim. “Roberto, mahal kita.”Ilang saglit lang, mahigpit siyang niyakap ni Roberto. Ang klase ng yakap na tila nais siyang isama sa kanyang mga buto at dugo, na para bang natatakot siyang muling mawala ito sa kanyang mga bisig.Sa isip ni Roberto, mahal din siya nito. At pareho silang nagmamahalan.Isang matinding saya ang bumalot sa dibdib ni Roberto. Hindi siya makapaniwala, tila nangangamba pa rin na baka panaginip lamang ang lahat. Bahagya siyang lumayo upang masdan ang mukha ni Margaret, at halos pabulong na nakiusap.“Margaret, ulitin mo. Sabihin mo ulit na mahal mo ako.”Pumatak ang mga luha ng kaligayahan mula sa mga mata ni Margaret. Hindi na niya pinigilan ang sarili, saka isinigaw niya ang laman ng kanyang puso, malinaw at buong tapang.“Roberto, mahal kita! Minahal kita noon, ngayon, at mamahalin kita habambuhay. Palagi at magpakailanman!”Muli niyang niyakap ang leeg nit
“Okay.”Agad na kinuha ni Maxine ang isang matalim na punyal. Mahigpit ang hawak niya rito, at ang kanyang mga mata ay naging seryoso. “Mr. Aguilar, magsisimula na po ako.”“Sige,” sagot ni Roberti nang walang pag-aalinlangan.Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, tila handang isugal ang lahat para sa iisang layunin. Ang mailigtas si Margaret.Itinaas ni Maxine ang kutsilyo. Kumislap ang talim nito sa liwanag, at ang matulis na dulo ay unti-unting lumapit sa dibdib ni Roberto, sa mismong tapat ng kanyang puso.“Hindi!”Sa sandaling iyon, parang may sumabog na takot sa hangin.Biglang bumangon si Margaret mula sa kama, kahit mahina pa ang kanyang katawan. Sa isang iglap, hinablot niya ang kamay ni Maxine, pinigilan ang punyal, at saka niyakap nang mahigpit si Roberto, parang natatakot na mawala ito sa kanya anumang oras.Binuksan ni Roberto ang kanyang mga mata, naguguluhan ngunit agad ding napuno ng pag-aalala ang kanyang tingin.“Margaret, ano'ng nangyari?”Umi
“I-Ikaw!” Galit na sumigaw si Margaret, nanginginig ang boses sa tindi ng emosyon.Isang mapanuyang tawa ang pinakawalan ni Imelda, tila ba lalo pang nasiyahan sa galit na kanyang naidulot. “Monica, tayo na.”Sa isang kumpas ng kanyang kamay, tumalikod siya nang may kayabangan. Walang pag-aatubiling sumunod si Monica sa kanyang tabi, at sabay silang naglakad palayo na parang walang anumang bigat ang kanilang iniwan sa likuran.“Monica!” muling sigaw ni Margaret, punong-puno ng sakit at pangungulila ang tono.Ngunit hindi na lumingon si Monica.Habang unti-unting naglalaho sa kanilang paningin ang dalawa, napahawak si Margaret sa kanyang dibdib. Halatang nahihirapan siyang huminga, at ang sakit na matagal niyang kinikimkim ay muling sumiklab.“Margaret!” Agad siyang inalalayan ni Roberto at niyakap nang mahigpit, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.Mabilis namang lumapit si Maxine nang kalmado, ngunit may bahid ng pagmamadali ang kanyang boses sa kanyang pagsalita. “Mr
Sa isang kumpas ng kamay, ipinatawag ni Shawn ang isang grupo ng mga bodyguard na nakaitim. Isa-isang pumasok ang mga ito at walang pag-aalinlangang pinalibutan sina Imelda at Monica, na para bang wala nang anumang puwang para sa pagtakas.Malamig ang tinig ni Shawn nang magsalita.“Imelda, nahuli ka na. Wala ka nang takas pa at mung hindi mo aalisin ang lason ngayon, hindi ka na aabutin pa ng bukas.”Mariing tinitigan ni Roberto si Imelda, saka nagsalita.“Nasa bingit ka na ng kamatayan. Bilisan mo na at tanggalin ang poison.”Ngunit sa halip na mataranta, bahagya lamang na ngumiti si Imelda, puno ng paghamon ang kanyang mga mata. “Maxine, ikaw ang sikat na doktor na si Surgery Master, hindi ba? Huwag mong sabihing hindi mo alam? Kapag namatay ako, hindi na kailanman magagamot ang poison sa katawan ni Shawn,” ani Imelda, at bahagya itong huminto, saka lalong lumalim ang kanyang ngiti. “Kaya ang dapat ninyong katakutan na mawala ay ako. Mas mabuti pang ipagdasal ninyong mabuhay
Samantala, tiningnan naman ni Imelda si Margaret nang may naglalagablab na poot sa kanyang mga mata at saka nagsalita.“Margaret, masaya ka na ba ngayon? Ikaw ang umagaw kay Roberto mula sa akin. Inagaw mo ang posisyon ng pagiging isang Mrs. Aguilat. At lahat na meron ka ngayon, dapat ay akin!”Ngumisi naman si Margaret, malamig at matalim ang tingin ang ipinukol niya kay Imelda.“Imelda, mukhang tuluyan ka nga talagang nabaliw. Ikaw ang nagnasa sa asawa ng iba at gumamit ka pa ng lason para saktan ako. Ang lahat nang ito ay ikaw mismo ang may kasalanan.”Dahan-dahang tumayo si Imelda, may bahid ng panunuya ang kanyang ekspresyon.“E ano naman kung ginawa ko?” malamig niyang tugon. “Kahit ang sarili mong anak ay ayaw sa ’yo. Mas gusto pa nga niyang manatili sa akin.”Pagkasabi nito, lumingon siya kay Monica, ang ngiti niya ay puno ng panunukso at panalo.“Monica, gusto mo ba na maging ina mo si Margaret?”Napatigil si Monica. Alam niyang dumating na ang sandaling kailangan niya
Tinitigan ni Roberto si Imelda na mabigat at malamig ang kanyang mga mata.“Imelda, hindi ba dapat mo lang akong bigyan ng paliwanag tungkol dito?”Alam na ni Imelda na wala nang pag-asa ang sitwasyon. Wala nang saysay ang makipagtalo o magpaliwanag pa. Sa halip, tiningnan niya ito nang kalmado, na para bang tinanggap na niya ang lahat.“Roberto, ano pa ba ang gusto mong ipaliwanag ko?”Lalo lamang sumiklab ang galit sa dibdib ni Roberto. Sa isang iglap, lumapit siya at mariing hinawakan ang leeg ni Imelda, halos hindi na ito makahinga.“Imelda, pinagkatiwalaan nang lubos. Bakit mo ito ginawa?” galit na galit niyang sabi. “Si Margaret ang asawa ko, ang Mrs. Aguilar ng pamilya. Bakit mo siya ginawan ng masama? Noong nanganak siya, muntik na siyang mamatay. At sa lahat ng mga taon na ito, pinrotektahan kita, iniisip kong ikaw ay mabuti at totoo!”Hirap na hirap huminga si Imelda sa mahigpit na pagkakahawak sa kanyang leeg. Ngunit sa kabila nito, nang makita niya nang malapitan ang
Ngumiti si Monica nang mahinhin, matamis, at puno ng lambing.Sa sandaling iyon, bumukas ang malalaking pinto ng Garden City Hotel. Sabay na pumasok sina Maxine at Franco.“Maxine,” wika ni Franco. “Naghihintay na si Doctor Manalo. Pumasok na tayo.”Tumango si Maxine at humakbang pasulong, ngunit
Naalala pa rin ni Shawn ang gabing una siyang humiling ng diborsyo. Iyon ay ang kanyang kaarawan. Noong gabing iyon, naghanda si Maxine ng buong mesa ng pagkain at naghintay sa kanyang pag-uwi.Ang mga bagay na noon na hindi niya pinapahalagahan, ngayon ay nawala na lahat. Ang biglaang pagkawala ay
Tinanong ni Maxine ang tanong na matagal nang bumabagabag sa kanyang dibdib kung gusto ba talaga siya ni Shawn, o isa lamang siyang pansamantalang aliwan.Hindi sumagot si Shawn. Sa halip, marahang hinawakan niya ang maliit na mukha ni Maxine sa pagitan ng kanyang mga palad at muling inangkin ang k
Tahimik lamang ang loob ng sasakyan, tanging ugong ng makina ang pumupuno sa pagitan nila.Biglang nagsalita si Shawn, tila walang emosyon ngunit mabigat ang tanong.“Magkasama ba kayong matutulog ngayong gabi?”Biglang nanigas ang katawan ni Maxine. Sandali siyang napahinto bago sumagot, ang bos







