Colter POV
Milyonaryo. Gwapo. Successful. At walang duda, pinapantasya ng halos lahat ng babaeng nakikilala ko. Pero ngayong nakaupo ako sa driver’s seat ng kotse ko, tagaktak ang pawis ko at mabilis ang tibok ng puso. Ito ay dahil may hinahabol akong lalaki—isang scammer na kumuha ng milyon-milyong piso mula sa kumpanya ko. “Damn it!” sigaw ko habang pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan ko. Kanina ko pa siya sinusundan, pero ang bilis ng motor niya. Paikot-ikot siya sa mga masisikip na eskinita ng lungsod habang pilit akong nilalayuan. Kinuha niya ang pera ko, pero hindi ko siya papayagang makatakas. Oo, trillionaire ako pero hindi ko ata kayang sayangin ang milyon-milyon na kinuha niya. Hindi ko palalagpasin ito. Nasa kalagitnaan ako ng paghabol nang bigla siyang lumiko sa kanan. Sa pagmamadali kong huwag siyang mawala, kinabig ko rin ang manibela pakanan, pero hindi ko napansin ang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada. “Sh*t!” Napadiin ako sa preno, pero huli na. Ang isang supot na bitbit niya ay tumilapon sa lupa, at siya naman ay napatumba. Nagmamadali akong lumabas ng kotse. Hindi ko alam kung magagalit siya o ano, pero ramdam ko ang kaba. Hindi ko puwedeng iwan ang ganitong sitwasyon. “I’m so sorry, miss! Are you hurt? Let me take you to the hospital,” alok ko sa kaniya habang halatang kinakabahan ako kasi baka napilay o kung napaano na siya. Babae pa naman siya. Kasalanan ito ng scammer na iyon. Napakunot ang noo niya. “Hospital? Hindi ko kailangan ‘yun! Ang kailangan ko, bigas!” Hindi ko na pinansin ang sinabi niya kasi nasa scammer ang atensyon ko kaya dinukot ko na ang wallet sa bulsa ko. Naglabas ako ng makapal na pera, at iniabot ko iyon sa sa kaniya. “Here, take this. I hope it covers your loss.” Nanlaki ang mga mata niya. Ang dami kong pera na binigay kaya halos hindi na siya makapagsalita. “Wait, what? You’re just giving me this?” tanong pa niya ngunit mabilis na akong bumalik sa loob ng kotse at pinaandar iyon para mahabol ko ang gagong scammer. Napalingon ako. Nakita ko ang scammer, mukhang tinutukso pa ako. Sinundan ko ang motor hanggang sa isang bakanteng lote sa dulo ng lungsod. Bumaba siya, at bumaba rin ako sa kotse ko, hingal na hingal pero determinado harapin siya. “Hah, finally caught you,” sabi ko pero halatang dehado ako. Ang lalaki, maskulado, mukhang sanay sa suntukan. Ako? Well, hindi ako sanay sa ganito. Malaki ang tiyan ko at wala akong pakialam sa gym dati. Lumapit siya sa akin habang mayabang ang ngiti. “You think you can take me, Mr. Alcazan?” “I don’t care. Give me my money back!” sigaw ko habang galit na galit. Hindi siya sumagot. Sa halip, mabilis siyang umatake. Nasuntok niya ako sa tagiliran bago pa ako makaiwas. Masakit. Parang nanlambot ang buong katawan ko. Tinangka kong lumaban, pero ramdam ko ang kahinaan ko. Isang suntok pa ang dumapo sa mukha ko at napaupo ako sa lupa. “I told you, you’re no match for me,” sabi niya bago ulit tumakbo papalayo. Hindi ko na siya hinabol. Hindi ko na kaya. Nanatili na lang akong nakaupo sa lupa, hinahabol ang hininga ko habang iniisip ang nangyari. Napatingin ako sa tiyan kong malaki. Sa braso kong walang kalakasan. Natawa ako habang puno ng pagkadismaya sa sarili ko. “Colter, you’re pathetic,” sabi ko sa sarili ko. Sa sandaling iyon, natauhan ako. Kung gusto kong maibalik ang pera ko, kung gusto kong protektahan ang sarili ko, kailangan kong magbago. Hindi sapat ang pagiging mayaman. Kailangan kong magpalakas. Ayokong palaging umasa sa mga bodyguard ko, lalo lang akong nagiging tamad at mahina. Late na nang dumating ang maraming kotse na lulan ng mga bodyguard ko. Dali-dali silang lumapit sa akin para itayo at alalayan ako. Ang iba ay nagmasid sa paligid, hinahanap ang kalaban ko pero hindi na ako nag-aksaya ng oras na sabihin sa kanila na umalis na ang scammer. Ayokong maging mahina rin sa mga mata nila at baka kapag nakatalikod ako ay pagtawanan lang nila ako. Bilang boss, dapat malakas at mas matapang sa kanila. Iyon ang gusto kong mangyari ngayon. Pag-uwi ko sa bahay, diretso ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at agad naghanap ng gym. “This is it,” sabi ko habang tinitigan ang sarili ko sa salamin. “No more excuses. Time to become the man I need to be.”Satya POVKahit busog na ako mula sa dinner sa restaurant nina Nanay at Tatay, wala akong nagawa kundi umupo sa hapag-kainan para sabayan si Colter. Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagod at bahagyang galit, pero hindi na kasing tindi ng kanina.“Eat,” sabi niya habang inaabot ang isang plato sa akin. “I don’t want you skipping meals.”Ewan ko ba, parang siya ang tatay ko. Hindi siya galit dahil late ako, galit pala siya kasi akala niya ay nagpapalipas ako ng gutom. Hindi niya alam, busog na ako dahil kakakain ko lang.“Okay,” sagot ko habang pilit na ngumingiti. Kahit gusto kong sabihin na busog pa ako, alam kong hindi niya iyon tatanggapin bilang sagot. Kaya kahit mabigat na ang tiyan ko, kumuha ako ng kaunting pagkain at sinimulan itong kainin.Dahan-dahan na lang ako sa pagkain para hindi ako mabusog lalo.Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan o kung kailangan pa bang magsalita. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil mas
Satya POVMaaga pa naman at hindi pa ako gaanong pagod, kaya naisip kong dumaan sa bagong bahay nina Nanay at Tatay. Ilang na rin mula nang huli kong makita sila, at curious din akong makita ang bahay na para sa kanila.Akala nila ay kaya hindi rin ako umuuwi sa bagong bahay namin ay dahil naka-stay ako sa mansiyon ng pamilya gabaldon pero ang totoo ay sa bahay ni Colter ako umuuwi tuwing gabi.Bumaba ako sa tricycle pagkaabot ko ng bayad kay Manong. Pagdating ko sa harap ng bahay nila nanay at tatay agad kong napansin ang bagong at maayos na nilang bahay. Ang dating maliit na bahay na halos hindi namin mapuno ng gamit ay ngayon puno ng magagarang kagamitan sa bagong bahay na ito. May Malaking fridge, flat screen TV, mga bagong upuan, at dining set na parang galing pa sa mamahaling furniture shop. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.“Wow,” bulong ko habang iniikot ang paningin ko sa sala. Walang tao sa bahay. May susi lang ako kasi inabutan ako ni Terter ng susi ng bahay na
Satya POV Pagod man, hindi ko mapigilan ang excitement na maramdaman nang mag-aya si Taylin na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho ko. Isang mahabang araw na naman ang natapos sa Pamilyang Gabaldon, at ang simpleng pagkain sa labas ay parang malaking reward na para sa akin. Kasama pa namin ang kaibigan naming si Orin, kaya sigurado akong mas masaya ang gabi. Libre na naman ako ng mga friend kong rich kid. “Libre ko,” sabi ni Taylin habang nilalakad namin ang daan palabas ng Gabaldon mansion. “Kaya order lang kayo ng gusto niyo.” “Sigurado ka?” tanong ko sabay tawa. Kahit ang totoo ay dati namang puro siya ang nanlilibre sa amin. “Baka magalit ang wallet mo.” “Walang problema,” sagot niya sabay wink. “Deserve ko rin namang gumastos paminsan-minsan para sa mga kaibigan ko.” Sumakay kami sa sasakyan ni Orin at habang bumibiyahe, nagkukulitan kami sa mga kuwento mula sa trabaho at buhay-buhay. Nakaupo ako sa likod habang si Taylin at Orin ay nasa harap. Napansin kong parang may pina
Satya POVPagmulat ng mga mata ko, masarap sa pakiramdam kasi parang napaka-perfect ng tulog ko. Hindi manlang ata ako naalimpungatan, pero nang maramdaman kong may kakaiba ay doon na ako tuluyang dumilat. Putangina! Ano ‘to—bakit ako nakayakap sa natutulog na si Colter?!Parang tumigil ang mundo ko habang napatingin ako sa mukha niya—banayad ang paghinga, perpekto ang bawat anggulo, at parang gawa ng mga diyos ang mukha niya. Anong ginagawa ko? tanong ko sa sarili ko habang nanlalamig ang buong katawan ko sa gulat. Grabe, ang umbok ng dibdib niya na yakap-yakap ko. Ang matipuno ng katawan niya. Ibig sabihin ay matagal na akong nakaganito sa kaniya?Hindi ko alam kung aalis ba ako sa posisyon ko o hindi. Nakapako ako sa mukha niya. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at ang natural na linya ng kanyang labi—para bang isang obra maestra na hindi kayang pantayan ng kahit sinong artist. Napaisip tuloy ako kung paano naging posibl
Colter POVNang tawagin ko si Satya, nakita kong para siyang estatwa na nakatayo lang sa may harap ko paglapit niya rito sa dining area, parang walang buhay, mukhang pagod na pagod, at halatang galing sa iyak. Ang bigat sa dibdib tingnan ang ganoong kalagayan, pero hindi ko alam kung bakit. Sa unang tingin, halatang may mabigat siyang pinagdaraanan.Napakunot ang noo ko. Bukod ba sa pagiging kasambahay, may iba pa siyang trabaho? Hindi ko maiwasang mag-isip. May mga taong nagkakandarapa sa pera, at minsan, kahit ang katawan ay nagiging puhunan na. Hindi naman siguro ako nakakuha ng asawa na pokpök? Sana ay hindi kasi maaga palang ay paaalisin ko na siya."Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili ko. Pero alam mo iyon, kapag ganoon ang itsura ng isang tao, mahirap pigilan ang mag-isip ng masama."Eat," malamig kong sabi sa kaniya habang nakaupo na ako sa dulo. Hindi ko na iniwasang magmukhang brusko. "I don’t want to sleep beside someone who smells bad and feels filthy. So after you e
Satya POVPagkatapos ng isang buong araw ng walang katapusang trabaho, halos wala na akong lakas na maglakad palabas ng mansiyon ng pamilyang Gabaldon. Tatlong kuwarto ang pinaglilinis sa akin ngayong araw, at parang binitiwan na rin ng katawan ko ang anumang natitirang energy ko.“Satya, maaga ka na lang umuwi,” sabi ni Tita Linda—ang mayordoma dito sa mansiyon ng pamilyang gabaldon, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo ko. “Mukha kang babagsak sa pagod. Kami na ang bahala dito. Wala naman na sila, kaya sige, uwi na at magpahinga ka na.”Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong kung pipilitin ko pang manatili doon, baka mag-collapse lang ako sa gitna ng sala. Tumango ako bilang pasasalamat bago ako naglakad palabas ng malaking gate ng mansiyon.Habang nasa daan, hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Taylin, ang matalik kong kaibigan.“Hello, Taylin?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.“Satya? Ano’ng nangyar