LOGINGusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin sa sarili ko na nagsisinungaling lang ang babaeng iyon para sirain kami ni Lucas. Pero gaano man kalakas ang nais ng puso kong tanggihan ang lahat, hindi kayang magsinungaling ng lohika. Naalala ko ang mga gabing nakatitig si Lucas sa screen ng kaniyang laptop, ang pagkunot ng kaniyang noo, ang lalim ng kaniyang mga buntong-hininga kapag akala niyang tulog na ako.Pilit kong pinalakas ang loob ko habang tumatayo mula sa silya. Kailangan kong tapusin ang shift ko sa cafe. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon habang nasa trabaho. Sanay akong magtiis. Sanay akong magkimkim.Ilang oras ang dumaan na parang isang malabo at mabagal na panaginip. Naghugas ako ng mga baso, nagpunas ng mga mesa, at nag-abot ng sukli sa mga customer na parang isang rebolusyonaryong makinang nawalan ng kaluluwa. Bawat galaw ko ay awtomatiko, ngunit ang isip ko ay nakakulong sa madilim na silid ng panlalait at katotohanang iniiwasan kong harapin.Nang sa wakas ay matapos a
Tinitigan ko nang diretso si Ma’am Sofia. Kahit nanlalamig ang mga kamay ko at tila tinatapos na ng kabog ng dibdib ko ang natitirang lakas ko, pinilit kong hindi pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Ramdam ko ang pamumuo ng init sa aking mga pilikmata, ngunit mariin kong ipinikit ang aking mga mata sandali upang pawiin iyon. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap ng babaeng ito. Hinding-hindi sa harap ng taong walang ibang ginawa kundi ang tapakan ang pagkatao ko at ipamukha sa akin na wala akong halaga.Umayos ako ng upo, idinikit ang aking likod sa sandalan ng upuan, pinalakas ang loob, at nagsalita sa pinakamatatag na tonong kaya kong likhain."Hindi po ako aalis, Ma'am Sofia," pormal at pinal kong pahayag. Wala na ang panginginig sa aking boses dahil nilagyan ko ito ng paninindigan at lalim na galing sa mismo sa kaibuturan ng aking puso. "Hindi po ako lalayo kay Lucas nang dahil lang sa gusto ninyo."Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya sa gulat. Bahagyang naangat an
Sa totoo lang, nagsimula na akong maniwala sa mga happily ever after. Masaya na ako sa aking trabaho sa cafe, ma-ooperahan na si Lola at gabi-gabi akong umuuwi sa isang marangyang penthouse kung saan naghihintay ang isang lalaking minamahal ko nang buong-puso. Ang mga araw ay naging madali, payapa, at puno ng pag-asa. Kahit pa nammroblema pa rin sa pera, panatag ako dahil naging sobrang ganda ng takbo ng mga pangyayari kaya sa kaibuturan ng aking isipan, naisip ko na baka ganito na lang ito palagi, na ang mundong ito na pinagsasaluhan namin ay mananatiling ligtas mula sa anumang bagyo. Akala ko okay na, basta magkasama kami ni Lucas. Akala ko kaya na naming malampasan ang lahat.Nasa gitna ako ng pagpupunas ng mga mesa malapit sa glass counter nang biglang bumukas ang awtomatikong pintuan ng cafe. Hindi na ako lumingon para batiin ang bagong dating dahil abala ako sa pag-aayos ng mga baso, ngunit napatigil ako nang maramdaman ang biglang pagbigat ng atmospera sa paligid. May mga yaba
Isang linggo na ang lumipas simula nang opisyal akong magsimula sa aking trabaho sa cafe, at sa maikling panahong iyon, masasabi ko nang unti-unti na akong nakaka-adapt sa mabilis at masiglang sistema roon. Noong mga unang araw ko, grabe ang kaba sa aking dibdib. Natatakot akong magkamali sa paggamit ng mga mamahaling kagamitan, malito sa mga pangalan ng mga customer, o kaya ay matapon ang mainit na kape. Ngunit dahil sa matiyagang paggabay ni Marcus at sa mainit na pagtanggap ng aking mga kasama sa trabaho, ang mga pangamba kong iyon ay unti-unting napalitan ng tiwala sa sarili.Ngayon, kabisado ko na ang bawat sulok ng cafe. Alam ko na kung paano patakbuhin ang espresso machine nang may kasanayan, kilala ko na ang tamang timpla ng mga paboritong inumin ng aming mga regular na customer, at mas mabilis na ang aking mga kilos pagdating sa pagliligpit at pag-aayos ng mga mesa. Masayang-masaya ako dahil bukod sa kumikita na ako ng sarili kong pera para pandagdag sa mga gastusin at pagpap
"That's the spirit, Anya," nakangiting sabi ni Marcus habang iniaabot ang kaniyang kamay para makipag-kamay sa akin. "You can officially start tomorrow morning for your first shift. Just make sure to arrive fifteen minutes early so we can brief you on the opening procedures." Nakahinga ako nang malalim sa labis na tuwa at agad na tinanggap ang kaniyang kamay. "Opo, Sir Marcus. Asahan niyo pong darating ako nang maaga. Maraming-maraming salamat po talaga!" Pagkatapos naming mag-usap at tapusin ang ilang maliit na detalye tungkol sa schedule at uniporme, nagpasya na akong magpaalam. "Aalis na po ako, Sir Marcus. Maraming salamat po ulit, at magkita po tayo bukas." "Sige, Anya. Ingat sa pag-uwi at magpahinga ka na rin para handa ka bukas," tugon niya habang masayang kumakaway. Lumabas ako ng cafe na may dalang kakaibang gaan sa aking dibdib. Sa wakas, pagkatapos ng sunod-sunod na matitinding pagsubok ngayong linggo, may maganda ring balita na dumating. Nabigyan ako ng pagkakataon na
Napatigil si Lucas sa kaniyang paglakad. Kumunot ang kaniyang noo, tila hindi nagustuhan ang narinig. "What? Anya, no. You don't need to do that." "Kailangan, Lucas," mabilis kong sagot habang itinataas ang aking baba. "Pumayag ka na sa installment plan. Nagkasundo tayo na tutulong ako sa pagbabayad ng operasyon ni Lola buwan-buwan sa loob ng anim na buwan. Hindi ako pwedeng umasa lang sa 'yo habang nakaupo at naghihintay dito. Kailangan kong magtrabaho para may maipang-ambag ako sa ibabayad natin sa ospital." "Anya, I told you I can cover the entire installment by myself," giit ni Lucas, bahagyang kumakapal ang tono ng kaniyang boses sa pag-aalala. "Besides, you’re already working for me. You don't have to burden yourself with finding another job right now. I will just less the surgery cost with your salary then we’ll be both fine." "Kahit pa, Lucas! Ito ang paraan ko para magkaroon ng pakinabang sa sarili kong pamilya! Oo, nagtatrabaho ako sa'yo, pero pakiramdam ko ay parang wal
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, at fear of height yata ang naramdaman ko noong makita ko ang layo ng sahig mula sa kutson. Parang kailangan ko pa ng elevator para lang makababa nang ligtas. Ang mga tuhod ko, kung may sarili lang silang boses, malamang ay nagmumura na sa akin ngayon dahil
Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para
Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba k
Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan







