LOGIN
“Anya, aalis ka na ba?”
Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla iyong itanong ni Lola. Nakaupo siya sa gilid ng aming papag, hawak ang isang basong tubig at ang huling piraso ng kanyang gamot. Ilang araw na rin siyang nagrereklamo sa sakit ng puso niya kaya naman kahit gustuhin kong mag-inarte sa pagod, pinipilit kong huwag na lang para hindi siya mag-alala. “Opo, Lola. Maghahanap lang ng himala... este, trabaho,” sagot ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Suot ko ang polo blouse kong puti na medyo naninilaw na, pero plantsadong-plantsado kaya mukhang disente. “May extra ka ba dyan, apo?” marahang tanong ni Lola. Alam kong nahihiya siya, pero kailangan niya ang maintenance niya. “Meron po, Lola. Huwag niyo na po alalahanin,” pagsisinungaling ko. Pagbukas ko ng wallet, muntik na akong himatayin. Limang daang piso na lang ang nasa loob. Paglabas ko ng bahay, tila nakikipag-away ang sikat ng araw sa balat ko. Habang naglalakad sa bayan, bitbit ang envelope ng resume kong mukhang pagod na rin sa buhay, biglang may nakapukaw ng atensyon ko sa isang bulletin board. Isang hiring post. WANTED: STAY-IN HOUSEMAID Location: Villamor Manor Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Villamor? Iisa lang ang kilala kong Villamor na may kakayahang magmay-ari ng mansion. “Lucas?” bulong ko. Biglang bumalik ang alaala ng high school. Ang matangkad, suplado, pero napakagwapong si Lucas Villamor. Crush ko nung high school. Noong hindi pa kasi kami iniiwan ng tatay ko, pinag-aral niya ako sa isang private school ng isang taon. Na-bully ako non kasi kahit tinapay lang sa canteen hindi ko afford, si Lucas lang ang umaawat sa kanila kaya naging crush ko siya. Lord, sign na ba ‘to? Ito ba yung killing two birds with one stone?! Makakatulong na ako kay Lola, makaka-score pa ako ng view sa mukha ng long-time crush ko! Agad kong tiningnan ang address. Malapit lang! Wait for me, baby! Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, lutang ang isip ko. Iniisip ko na kung anong klaseng outfit ang isusuot ko bilang katulong. Ayoko naman magmukhang nanay sa harap ng crush ko! Siguro yung medyo fit na duster? O baka naman pwedeng bikini? Maganda naman ang katawan ko. Syempre joke lang, baka mapatalsik ako agad. Sa lalim ng pagpapantasya ko, hindi ko napansin na tumatawid na pala ako sa kalsada. Isang matinis na tunog ng preno ang bumasag sa katahimikan. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo. Nanigas ako sa gitna ng kalsada nang maaninag ang isang makintab at itim na SUV na muntik nang gawing sapin sa kalsada ang katawan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig. Bumukas ang pinto ng driver’s seat. Lumabas ang isang lalaking matangkad, nakasuot ng mamahaling polo shirt. Nang tumingala ako, tila nag-slow motion ang paligid. Ang panga niyang kayang makahiwa ng papel, ang ilong niyang mas matuwid pa sa landas ko, at ang mga mata niyang tila nag-aapoy sa galit. Si Lucas ito….hindi ako pwedeng magkamali. “Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” sigaw niya. Ang boses niya ay malalim pero puno ng awtoridad. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko para patayuin ako. Kahit na nakita ko na siya ulit, hindi agad ako nakapag-celebrate dahil muntik na akong mamatay! Kasalanan ko rin dahil hindi ako tumitingin sa daan at baka nakaabala pa sa kanya. Sobrang na-guguilty ako. “P-pasensya na po, Sir… Hindi ko po sinasadya,” panginginig kong sabi. “Nataranta lang po ako… kailangan ko lang pong mabilhan ng gamot ang lola ko, tapos wala pa akong mahanap na trabaho…” Natigilan siya. Binitawan niya ang braso ko at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. May kung anong dumaan sa mata niya na para bang may napagtanto siya. “Sa susunod, huwag kang nag-iisip nang kung ano-ano habang nasa kalsada,” masungit niyang sabi. “Sorry po, desperada na po kasi ako…” “Anong alam mong gawin?” tanong niya nang biglaan. “Po?” “Trabaho. Sabi mo naghahanap ka ng trabaho. Anong alam mong gawin?” “K-kahit ano po! Marunong po akong maglinis, maglaba, magluto…” kahit mag-alaga sa'yo, Sir, kayang-kaya ko! “I’m looking for a stay-in maid for my mansion. My current staff is… incompetent. 12,000 a month, free food, and board. If you’re as desperate as you look, take it.” Nanlaki ang mga mata ko. 12,000? Plus free board and lodging? Plus free view ng face niya araw-araw? Jackpot! “T-totoo po ba?” “I don’t joke. Sumakay ka sa kotse. I’ll bring you to the estate. If you can clean the library to my satisfaction within two hours, the job is yours,” sabi niya sabay talikod. Pagdating sa Villamor Manor, halos malaglag ang panga ko. Mansion kung mansion! Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Ang lapad ng balikat. Sarap yakapin mula sa likod habang nagluluto siya ng…. ah, teka, ako nga pala ang magluluto. “I’m Lucas Villamor,” pakilala niya. I know, baby. I’ve known you for ten years. “Simple lang ang rules ko. Huwag kang makikialam sa mga gamit ko, huwag kang maingay, at huwag kang magdadala ng kung sino rito.” Dinala niya ako sa isang silid na puno ng mga libro. Grabe, ang alikabok! Mukhang dito nag-meeting ang lahat ng mga alikabok sa Pilipinas. “Clean this. I’ll be back in two hours,” utos niya bago ako iniwan. Agad akong kumilos. Kinuha ko ang basahan at nagsimulang makipag-gyera. Isang oras mahigit din akong nagpunas, nag-ayos, at nag-wax ng sahig. Patapos na sana ako nang may makaharap akong problema. Ang itaas na bahagi ng shelf. Pinilit ko itong abutin, tumitingkayad pa ako. “Kaunti na lang... konti pa... ayan!” Pero sa sobrang pilit ko, nabitawan ko ang hawak kong makapal na libro at dahil sa gulat, nawalan ako ng balanse. Napapikit ako, handa nang makipaghalikan ang puwet ko sa sahig. Ngunit sa halip na matigas na tiles, isang matigas na dibdib ang sumalubong sa akin. Isang pares ng malalakas na braso ang sumalo sa akin, habang ang kabilang kamay niya ay mabilis na sinalo ang librong babagsak sana sa ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inangat ko ang tingin sa likod ko. Nang makita siya, naramdaman ko ang init ng mukha ko. Ang lapit namin! Ramdam ko ang hininga niya sa labi ko. Lord, kung panaginip ‘to, pakisakal na lang ako para ‘wag na akong magising. “You’re so clumsy,” masungit na bulong niya, pero hindi niya agad ako binitawan. Nakatingin siya sa mga mata ko, tila naghahanap ng sagot sa isang tanong na hindi niya mabuo. Ano, Lucas? Naaalala mo na ba yung babaeng niligtas mo sa mga bully noong grade 10? Umatras siya agad at napa-ubo. “Not bad,” sabi niya, tinutukoy ang linis ng kwarto. Kumuha siya ng wallet at naglabas ng limang libong piso. “Advance salary. Start tomorrow, 6 AM. Don't be late.” Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap ang pera. May pambili na ng gamot si Lola! “Salamat po, Sir Lucas! Promise, gagalingan ko po! Kahit pati bubong niyo, didilaan ko para kuminang!” Tiningnan niya lang ako na parang nababaliw na ako, pero may konting kurba sa labi niya bago siya tumalikod. “Don’t thank me yet,” malamig niyang sagot. “Being a maid in this house isn't as easy as it looks. You’ll see.”Habang bumibiyahe kami, pasulyap-sulyap ako kay Sir Lucas. Lord, bakit ganoon? Kahit yata mag-drive siya ng truck ng basura, magmumukha pa rin siyang hari ng kalsada. Ang higpit ng hawak niya sa manibela, kitang-kita ang ugat sa braso niya na parang gusto kong kabitan ng dextrose. Saka ang rinig ko sa mga maugat, malaki ang….."Stop staring, Anya. You might cause an accident," seryoso pero may bahid ng panunukso niyang sabi."Ay, accident agad? Hindi pa nga tayo nagkikiss?" pabulong kong sagot."What was that?""Sabi ko po, Sir, ang galing niyo mag-drive! Smooth na smooth, parang balat niyo lang!" palusot ko habang kinakamot ang ulo. Tumawa siya nang mahina, yung tawang parang musika sa pandinig ko. Grabeng lalaki ito, bawat galaw, kinikilig ako. Sir, sana mahulog ka na sa kamandag ko para matawag kitang baby nang hindi pabulong.Nang malapit na kami sa kanto ng aming barangay, unti-unti nang sumisikip ang daan. Ang mga tricycle ay parang mga langgam na nagsisiksikan, at ang mga nagti
Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para akong lantang gulay na naglilinis ng mansyon. Pero sa loob ng mga araw na iyon, nakita ko ang ibang mga Villamor na bihira ko lang masilayan.Isang hapon habang nagdidilig ako sa garden, may isang pulang sports car na pumarada sa harap. Bumaba doon ang isang babaeng parang galing sa takip ng magazine. Si Cindy Villamor, ang bunsong kapatid ni Sir Lucas. Dumaan siya sa gilid ko nang hindi man lang tumitingin. Wala kaming imikan. Para lang akong isang ornamental plant sa paningin niya, maganda, pero hindi kinakausap. Future sister-in-law mo kaya ako girl!Narinig ko lang siyang nagsusungit sa phone habang papasok ng pinto. "I told you, I want the dress in emerald, not mint!" Hay, buhay mayam
Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba ko, feeling ko pati kaluluwa ko nakikita na ni Sir Lucas.Nanatili kaming nakaupo sa maliit kong kama. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya pati yung init na nanggagaling sa katawan niya, parang oven na nakabukas. Ang bango-bango niya talaga, amoy mayaman na may halong mamahaling fabric softener. Lord, ganito ba talaga amoy ng mga lalaki? Bakit yung mga tambay sa kanto namin amoy kalsada at menthol lang?“Sir, bakit kailangan niyo pang bumaba rito?” tanong ko para lang mabura ang awkward na katahimikan. “Pwede niyo naman po akong ipatawag sa intercom o kaya i-text.”Pumunta kaya siya dito kasi nahulog na siya sa ganda ko at di na nakatiis na puntahan ako kahit dis oras na ng gabi? Kinikilig
Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan kanina, pero pagbagsak ng likod ko sa manipis na kutson, tinalo na ako ng antok.“Mamaya na lang... five minutes lang,” bulong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ang unan. Pero ang five minutes, nagtuloy-tuloy. Nakalimutan ko na nang tuluyan ang basket ng mga de-kalidad na tela na nakatambak sa gilid ng higaan ko.Maghahating-gabi na nang magising ako dahil sa isang mahinang kaluskos. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko, iniisip na baka si Gina lang na naiihi o si Tess na nananaginip na naman. Pero kakaiba ang tunog. Mabibigat na hakbang, seryoso, at parang galing sa direksyon ng pintuan ko.Dahan-dahan kong iminulat ang isang mata. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matangkad na
Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang nakatoka sa’yo? Good luck, gurl. Suwerte mo sa view, pero malas mo sa kuskos.”Lumapit ako sa malaking washing machine at dahan-dahang inilapag ang basket. “Bakit naman malas sa kuskos, Ate Gina? Mukha namang malinis si Sir, ah? Amoy baby powder na mamahalin pa nga,” sabi ko sabay singhot nang palihim sa isang itim na polo shirt. Lord, patawad, kailangan ko lang ng oxygen.Nagtawanan silang tatlo. “Naku, Anya, akala mo lang ’yan,” sabat naman ni Tess, ’yung isa pang maid. “Si Sir Lucas, sobrang pihikan niyan. Isang mantsa lang na kasingliit ng tuldok, ipapaulit niya sa’yo ang buong batch. At huwag na huwag mong gagamitan ng matapang na fabcon, sumasakit ang ulo n’yan. Gusto niya, amoy ‘fre
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ikalaglag ng kutsilyo ni Nanay.“Jusko kang bata ka, akala ko naman kung napano ka na!” bulyaw ni Nanay, pero bakas ang ginhawa sa mukha niya matapos akong makita. “Saan ka nakahanap? Sigurado ka bang matino ‘yan?”“Sa mga Villamor po, Nay. Stay-in maid ako doon,” sagot ko habang inilalabas ang limang libong binigay ni Lucas. “At tingnan niyo, binigyan na agad ako ng advance payment ng amo ko. Pambili niyo ito ng gamot, Lola, at pang-grocery niyo rito sa bahay habang wala ako.”Nanlaki ang mga mata nila. Para kaming nanalo sa lotto na hindi naman tumataya. “Totoo ba ito?” tanong ni Lola, bakas ang gulat. “Aba, napakabait naman palang amo iyon.”Mabait at masarap sa mata, Lola! Bulong ng malandi







