Partager

030: I Know Places

Auteur: ailabyrinth
last update Date de publication: 2026-05-24 02:36:30

Pagkatapos ng awarding, parang sabay-sabay kaming nawalan ng buto sa katawan.

'Yung adrenaline na kanina lang nagpapabilis ng tibok ng puso namin, unti-unti nang napapalitan ng pagod at relief habang naglalakad kami palabas ng covered court ng Antipolo National High School.

Bitbit nina Neville at Jedrick 'yung medals nila habang walang tigil sa pang-aasar 'yung buong grupo.

“Champion daw oh!” sigaw ni Ahmad habang kinakalabit ang medal ni Jedrick.

“Baka gusto mo na ipa-frame agad?”

“Lagyan nati
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   031: Actually Romantic

    Pagkauwi ko ng bahay, pakiramdam ko kalahati ng katawan ko pagod at ang kalahati naman ay lumulutang pa rin sa saya.'Yung klase ng pagod na masarap sa pakiramdam, 'yung alam mong nanggaling sa tawanan, gala, at mga ala-alang gusto mong balikan kahit hindi pa tapos mawala 'yung amoy ng biyahe sa damit mo.Pagkabukas ko pa lang ng gate, sinalubong agad ako ni Mama.“O, mukhang masaya.”Napatawa ako habang hinuhubad ang sapatos ko.“Halata ba?”“Anak, nakangiti ka mag-isa.”Napailing ako pero hindi ko rin mapigilang ngumiti ulit.Pakiramdam ko hanggang ngayon nasa Antipolo pa rin ang isip ko. Sa hanging bridge. Sa hotel room na puno ng tawanan. Sa publication family kong parang walang katapusan 'yung energy.Siyempre, kay Sean.“Kamusta trip?” tanong ni Papa mula sa sala habang nanonood ng balita.“Masaya po.” Umupo ako sa sofa habang yakap 'yung bag ko. “Nanalo sina Neville saka si Jedrick.”“Oo nga raw,” sabi ni Mama habang may dalang tubig. “Nagchat si Miss Myrtle.”Habang nagkukwent

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   030: I Know Places

    Pagkatapos ng awarding, parang sabay-sabay kaming nawalan ng buto sa katawan.'Yung adrenaline na kanina lang nagpapabilis ng tibok ng puso namin, unti-unti nang napapalitan ng pagod at relief habang naglalakad kami palabas ng covered court ng Antipolo National High School.Bitbit nina Neville at Jedrick 'yung medals nila habang walang tigil sa pang-aasar 'yung buong grupo.“Champion daw oh!” sigaw ni Ahmad habang kinakalabit ang medal ni Jedrick.“Baka gusto mo na ipa-frame agad?”“Lagyan natin caption: *journalist pero ghoster*,” dagdag ni Kang.“Mga insecure,” sagot ni Jedrick habang natatawa.Si Neville naman literal nang naka-story lahat ng nangyayari habang hawak ang medal niya na parang baby.“Guys,” sabi niya habang nakatutok ang camera sa mukha namin, “remember this moment kasi hindi na ako babati kapag sikat na ako.”“Feeling mo naman may fans ka,” sagot ni Romalyn.Nagtawanan ang lahat dahil do'n at habang naglalakad kami sa parking area, napansin kong mas magaan ang lahat

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   029: Long Story Short

    Pagdating namin sa Antipolo National High School, parang sabay-sabay kaming natahimik.Hindi dahil walang energy kundi dahil biglang naging totoo lahat.'Yung Media Convergence, 'yung contest, 'yung buwan ng pagpupuyat, revisions, brainstorming, breakdowns, at mga gabing halos sa publication room na kami natutulog para lang matapos lahat ng outputs namin.Sa labas ng bus, tanaw ko agad 'yung malawak na campus na puno ng estudyante mula sa iba’t-ibang schools. May mga nakasabit na tarpaulin sa covered court, may students na bitbit 'yung DSLR cameras nila, tripods, laptops, folders, at press IDs.Parang buong paligid amoy journalism.Amoy pressure, amoy pangarap, at shuta, bigla akong kinabahan!“Uy,” bulong ni Ahmad mula sa likod ko habang nakasilip sa bintana. “Ang daming campus crushes!”“Wala ka talagang focus,” sagot ni Kang habang inaayos ang bag niya.“Journalist ako pero tao rin!”Tumawa ako nang mahina habang nakasandal pa rin sa upuan. Sa tabi ko, tahimik lang si Jedrick haban

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   028: Illicit Affairs

    Madaling-araw pa lang gising na kami ni Ahmad. Well—technically, hindi naman talaga kami natulog dahil buong gabi kaming nagdaldalan sa kwarto niya na parang dalawang sirang podcast hosts na parehong walang balak manahimik tungkol sa love life ko.Nakakalat sa kama niya 'yung chips, iced coffee na maligamgam na, at dalawang unan na halos magamit na namin pambato sa isa’t-isa sa kakulitan.“Hindi ko pa rin matanggap,” sabi ni Ahmad habang nakadapa sa kama at nakatitig sa'kin na parang disappointed parent. “Si Sean?”“Anong problema kay Sean?” nakataas kilay kong tanong habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin niya.“Wala!” mabilis niyang sagot. “Masyado lang siyang green flag. Nakakapanibago.” aniya.Napatawa ako.“Masama ba 'yon?” tanong.“Hindi naman.” Umikot siya sa kama at yumakap sa unan. “Pero ikaw kasi 'yung tipo ng babae na mahilig sa emotionally unavailable men.” pangrrealtalk niya.“Hoy!”“Sinungaling ka ba?”Tinapon ko 'yung hair tie sa mukha niya. Tumawa lang 'yung g

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   027: Mastermind

    Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi dahil may alarm kundi dahil buong gabi akong hati sa pagitan ng kilig at takot. Kilig dahil hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin 'yung lambing ng boses ni Sean kagabi. 'Yung paraan ng pagsabi niyang "pretty girl" na hanggang ngayon parang nakaukit pa rin sa balat ko... at takot dahil paggising ko pa lang, bumalik agad 'yung realidad. 'Yung kaso. 'Yung mga screenshots, statements, at article drafts na parang granada na pwedeng sumabog anumang oras. Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Mainit na 'yung araw sa labas pero malamig pa rin pakiramdam ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung handa ba talaga ako para rito pero wala na ring atrasan, e. Kapag nagsalita ka na laban sa mga lalaking sanay protektahan ng sistema, hindi ka na pwedeng umatras nang basta-basta. Nakakatakot hindi 'yung possibility na matalo kami kundi 'yung possibility na kahit magsabi kami ng totoo, baka hindi pa rin sapat. Nag-vibrate ang phone ko sa

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   026: Evermore

    Hindi ako makatulog.Alas-dos na ng madaling-araw pero gising pa rin buong diwa ko habang nakahiga sa kama, yakap 'yung unan na parang makakatulong 'yon para pakalmahin 'yung puso kong hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on sa nangyari kanina.Sa first date namin. First date.Jusko! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga 'yun!Napatingin ako sa kisame habang may ngiti pa rin sa labi ko na ayaw mawala kahit ilang beses ko nang piliting magmukhang normal pero paano ba kasi magiging normal pagkatapos ng araw na 'yun?Pagkatapos ng paraan ng pagtitig ni Sean sa'kin habang bumababa ako ng hagdan.Pagkatapos ng marahang paghawak niya sa likod ko habang tumatawid kami.Pagkatapos ng mga simpleng tingin at ngiti na parang ako lang ang babae sa mundo niya.Shet! Parang teenage girl ako sa unang beses kinilig at nakakahiya kung gaano ako kasaya.Napabaliktad ako sa kama habang pilit tinatakpan ang mukha ko gamit unan.“Kalma,” bulong ko sa sarili ko kahit halatang h

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status