Sumubo na na naman ng isang malaking hiwa ng cake si Graciella. Napapikit siya sabay sabi, “ang sarap din nito.” Nilingon niya ang mga tao sa paligid na pawang abala na sa kani-kanilang ginagawa. Nakakahiya din kaya ang kumain at malaki pa talaga ang subo. Wala naman pakialam ang mga naroon sa ginagawa nila magkaibigan. “Kaya nga ‘di ba? Tingnan mo doon sa kabilang side naroon ang mga seafood,” saad ni Sheila sabay turo sa king crab na malalaki ang mga sipt. Napaawang ang mga labi nila pareho. “Nakakahiya, Sheila. May sauce ang crabs at hindi bagay sa suot natin na gown na hahawak tayo ng ganyang klaseng pagkain,” bulong ni Graciella sa kaibigan. Nahagip ng kanyang paningin ang mga cherry at makuha nito ang atensiyon. Tila kasi kumakaway ito sa kanya at nag-aanyaya na tikman ito. At hindi siya nagkamali. Katulad ng dessert, napapikit siya nang matikman an
Naalerto si Alberto at Louie. Nakita kasi nila ang isang pamilyar na pigura. Nasa unahan sila at nagmamasid sa paligid. Strikto ang kanilang amo pagdating sa security at aaw nilang may isa man lang babae na halos ihagis na ang sarili sa kanilang Senyorito Menard. Samantala, nasa gitna si Menard at hindi komportable sa ingay ng mga naroon. Mabuti na lang at nakapalibot sa kanya ang kanyang mga tauhan. Highly trained at matatangkad ang mga bodyguard. Hindi rin nakangiti ang mga ito. Alerto ang mga ito lalo at maraming mga babae na ginagawa ang lahat makalapit lang sa kanilang amo. At ito ang pinakaayaw nilang mangyari. Sa lahat ng mga dinadauhang event ni Menard, kasama niya ang kanyang security team lalo at ayaw niya na masyadong lumalapit sa kanya ang mga tao, lalong lalo na ang mga babae. He doesn’t want to deal with delusional girls who always do crazy things just to get his attention. He doesn’
“Tsismis lang naman ‘yan eh. Wala pa akong confirmation. At saka isa pa, never ko pa naman siya na-meet. Unfair naman sa kanya kung i-judge natin siya with us knowing him,” paliwanag ni Sheila. “Malay natin, mabait pala talaga siya at kaya siya hinuhusgahan ng iba dahil hindi rin nila siya ganun kakilala.” “Mayaman na plus gwapo pa. Malamang sa malamang habulin ng mga babae itong si Mr. Young. May asawa na kaya siya? Ano sa palagay mo, Sheila?” Hindi tuloy maiwasan ni Graciella na ma-curious. Normal sa mga mayaman na pamilya na pumili din ng galing sa mayaman na pamilya kung mag-aasawa ang mga apo ng mga ito. Kaya minsan ang hirap din intindihin ang mundo ng mga mayayaman. “Ano nga pangalan ng herederong si Mr. Young?” tanong ni Graciella. Kinalkal muna ni Sheila ang sagot sa kanyang isipan bago sinagot ang kaibigan. “Tristan. Tristan Young ang pangalan ni Mr. H
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin tapos ang event. Sa sobrang kabusugan, nakakaramdam na rin ng antok si Graciella kahit paano. Pero kahit ganun man ang nangyrai masaya siyang kumain at uminom habang may kita. “Tapos na ba ang event?” Tanong niya kay Jeron habang pinagmamasdan ang ilang tauhan na nagliligpit na. “Kailangan pa ba natin tumulong?” “Hindi na sabi, ate,” sagot ni Jeron. “Masaya na ako at satisfied ka ngayong gabi. Kaya yayain ko ulit kayo dito ni Ate Sheila.” “Suntok sa buwan. Tigilan mo nga ang ambisyon na ‘yan, Jeron,” supla ni Sheila sa pinsan. Ang alam niya nagpapalapad ng papel si Jeron kasi gusto nitong magtapat sa kaibigan. Naalala niya na dapat tapatin na ng kaibigan ang pinsan para hindi na ito umasa pa. “May sasabihin si Graciella sayo.” Pinanlakihan ng mata ni Graciella ang kaibigan. Bakit kasi kailangan pa sabihin kay Jeron na nag asawa na siya? May relevanc
“Galing naman siya sa maayos na pamilya. Nakapagtapos ng pag-aaral at may itsura din. I am more than sure na makakita ng mas babagay sa kanya si Jeron,” sabi ni Graciella. Naaalala pa niya nang unang nakilala si Jeron. Pumunta sila ni Sheila sa bookstore dahil may binili silang libro. High school pa lang si Jeron noon. Kay bilis talaga ng panahon. Ngayon ang tangkad na nito at nasa wastong edad na. Hindi niya kailan an nilagyan ng Mali sya angvpakikipaglapit nito sa kanya. “Uuwi na ba tayo? Maaga pa naman,” saad ni Sheila habang hinahaplos ang tiyan. “May bakante pa oh,” natatawa niyang sabi. “Tumigil ka na nga. Baka maimpatso na tayo. Tama na ‘yong kinain natin. Ang dami na kaya,” reklamo ni Graciella. “At saka bumalik muna tayo sa shop at magpalit ng damit. Hindi pwedeng ganito ang suot ko pauwi. Magtataka ang asawa ko.” “Huwag ka na magpalit ng damit. Umuwi ka na
Tinanaw pa rin ni Jeron ang papalayong taxi na sinakyan ni Graciella at Sheila. Hindi pa rin niya lubos maisip na ora orada na nagpakasal si Graciella. Na- bad trip siya ngayong gabi na wala na siyang pag-asa sa babaeng tinatangi ng kanyang puso. Pero kung madalian ang kasal ng mga ito, malaki ang chance na maghiwalay din ang mga ito. Iyon na lang ang pinagkukunan niya ng lakas. May pag-asa pa siyang mapasakanya si Graciella. Nang lumingon siya naroon pala ang special guest ng gabi, si Menard Tristan Young. Masyadong okupado ng kanyang isip ang pag-uwi ng dalawa kaya nakalimutan niyang nasa parking area pala siya. Tumabi siya at binigyan daan ang sasakyan ni Mr. Young. Huminto ito sa kanyang tapat. “Sir Jeron,” bati sa kanya ng assistant na si Louie. Sumungaw ito sa bukas na bintana ng sasakyan.Kilala niya ang assistant ni Menard. Kalmado itong tao kahit palagi itong busy sa pagsunod sa mga utos ng boss
Hindi mawaglit sa isip ni Menard ang pigura ni Graciella. Sa totoo lang, sexy nga ito. Well-proportioned ang katawan. Malapad ang balikat at makipot ang waistline. Gusto na sana niyang tawagan ang asawa at tanungin ito kung nasaan na pero narinig ang pagbukas ng electronic door. Pumasok si Graciella bitbit ang dalawang malalaking paper bag. Hindi na ito nakasuot ng gown pero hindi pa natatatanggal ang makeup nito. Loose na tshirt at tattered jeans na ang suot nitong damit. Napansin naman ni Graciella na kararating lang din ni Menard. Suot pa kasi nito ang damit nito na pangtrabo at hindi pa nagpapalit ng pambahay. “Sorry at late na ako nakauwi. Kararating mo lang din ba?” tanong ni Graciella habang nilalapag sa kitchen counter ang mga dalang paper bag. Akala niya tulog na si Menard pero nadatnan pa niya ito sa sofa. Nakabukas na ang TV. Nawala naman ang k
Ilang beses na pinindot ni Menard ang remote control ng TV. Naghahanap siya ng matinong channel pero wala siyang makita. “Na-meet mo ba ang richest man of the night?” Tanong ni Menard. “Hindi. At wala akong plano na ma-meet siya. Pero, I’m curious, pareho kayo ng last name,” saad ni Graciella. “Hindi ba nakapagtataka? Nabitin ang pagpindot ni Meanrd ng remote control ng TV. Pinatay na lang niya ito lalo at wala naman siyang magustuhan na palabas. Napako ang kanyang tingin sa sariling reflection sa screen ng TV. Napatitig si Graciella sa matangos na ilong ni Menard. Sa tingin niya parang isang sculptured masterpiece ang nasa harapan niya. “Are you done staring at me?” Tanong ni Menard sa asawa. “You have a problem?” “Naisip ko since magkalapit lang ang opisina niyo at ang head office ng Young Group. Hindi kaya magkamag-anak lang din ang may-ari ng kumpanya na pinagtatrab
Hinampas ni Graciella ang kanyang cellphone sa braso ni Menard. “Ang kapal ng mukha mo na pagbintangan ako na may ginagawang milagro! Ang dumi ng isip mo. Para kang walang pinag-aralan!” sunod-sunod na akusa ni Graciella sa asawa. Masakit din naman ang kamay niya nang hampasin niya ang braso ni Menard. Nabasag pa nga ang screen ng kanyang cellphone at nasugat ang kanyang palad dahil sa ginawa. Napaigik si Menard dahil sumakit ang braso na hinampas ng asawa ng cellphone nito. Sa tangkad niya, nagkasya na lang siya na ibaluktot ang mga braso para masangga ang mga atake ng asawa niya na namumula na sa galit. Hindi pa rin papipigil si Graciella. Ilang beses pa niyang hinampas si Menard na walang nagawa kundi ang umilag na lang. Ibinuhos niya ang inis sa asawa na walang pakundangan kung pag-isipan siya ng malalaswang bagay. “Stop it!” “Hindi ako titigil!” Umangat ang kamay ni Graciella at dahil sa pag-ilag ni Menard, tumama ang kamay nito sa bibig ni
Na-realize niya na hindi tama ang pagkakaintindi ni Menard sa relasyon nila ni Jeron. “Graciella, may pinarmahan tayong kasunduan at kailangan natin sundin ang mga nakasaad doon. Kung may iba ka palang gusto na lalaki, sabihin mo sa akin. Wala akong problema kahit makipaghiwalay ka na sa akin ngayon din. Kung gusto mo, tutulungan pa kita mag-file ng annulment. Wala akong pakialam!” bulalas ni Menard. Nag-iinit ang kanyang pisngi. “Mag-asawa na tayo ngayon. Dala ko ang pangalan ko at apelyido. Bakit kailangan mo pa ipamukha sa akin na may iba kang gusto?” Kahit wala silang nararamdaman sa isa’t isa, naapakan ang pride ni Menard na nakikipagdate at nakikipagkita sa ibang lalaki ang kanyang asawa. “Ano ba ang mga pinagsasabi mo?” Masama ang loob ni Graciella. Masamang babae pala ang tingin sa kanya ni Menard. “Ang lalaking naghatid sa akin, si Jeron Gonzales yon. Matanda ako sa kanya ng six years at matagal na naming kilala ni Sheila na kaibigan.
Iniisip pa lang ni Menard na pinagtataksilan siya ng asawa, kumukulo na ang dugo niya! Wala pang nangahas na gaguhin siya. Ang asawa pa lang niya ang may lakas ng loob na gawin ang kalokohan na pagsama nito sa ibang lalaki! Kung gusto pala nito si Jeron, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Graciella? Bakit kailangan pa niyang maging third wheel sa relasyon ng dalawa? Pakiramdam ni Menard, napakatanga niya para maniwala sa mga kwento ni Graciella. Napaniwala siya nito na kaya ito mag-aasawa ay para tumakas sa emotional blackmail ng adoptive aunt nito. “Anong oras ka ba umuwi ngayon, Mr. Young?” “Ano ba ang pakialam mo kung anong oras na ako umuwi?” malamig na sagot ni Menard. “Tinatanong lang naman kita.” Inabot ni Graciella ang isang wooden fork na kasali na binigay ng barbeque house. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang ginawa niya. Kaya binaba na lang niya ang tinidor. “Madaling araw na. Para ka na ring hindi umuw
Napailing na lang si Graciella. Hindi naman siguro masyadong babad sa TV si Jeron at kung anu anong kalokohan na lang ang pumasok sa utak nito? May asawa na siyang tao at mali kahit saang anggulo tingnan na umaasa pa rin ito na may pag-asa pa silang dalawa! “I’m happy with my choice, Jeron. Minsan kailangan natin tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi nakalaan sa atin,” seryosong saad ni Graciella. Ayaw niyang masaktan si Jeron pero wala siyang choice kundi putulin ang anumang iniisip nito na may posibilidad pa na may aasahan ito sa kanya. Siguro naman wala itong clue na nasa trial phase pa ang pagsasama nila ni Menard. Kung malaman ito ni Jeron, alam niyang lalakas lang ang loob nito at aasa ito sa kanya. Ayaw naman ni Graciella na ganun ang mangyari. Masa maraming babae ang mas deserve ang isang Jeron Gonzales. Isang babae na nababagay sa social class nito at kaedad pa nito. “Don’t push me away. Just because you are six years older than me, I’m not gonn
“Pwede ko sabihin sayo na para siyang artista o isang bathala na bumaba galing sa langit. Hindi siya pwedeng ihambing sa ordinaryong tao lang.” Kinuha ni Graciella ang isang hiwa ng pork belly at nilagay sa plato ni Jeron. “Gutom lang ‘yan. Kung i-describe mo siya para ka talagang nag-describe ng mga Greek gods.” Nag-blush nang bahagya si Jeron sa gesture ni Graciella. “Pero totoo ang sinasabi ko sayo. Iba ang dating niya. Hindi lang siya basta mayaman lang at gwapo. At saka nang magkita kami, na-appreciate niya ang ginawa kong OJT sa kanila.” “You mean to say siya ang may-ari ng hotel na pinagdaluhan ng event na pinuntahan natin?” Hindi makapaniwala si Graciella sa yaman ng hinahangaan ni Jeron. Out of touch nga ang yaman ng lalaki at ni sa hinagap hindi siya lingunin nito. Kahit pa siguro approachable itong si Mr. Young, hindi siya nito papansinin. Isa lang siyang ulila na lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents. Lumaki din siya na salat sa
Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella
Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal
Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya
Walang ideya si Graciella na may karibal pala siya kay Menard. Busy lang naman siya sa kanyang mga ginagawang painting sa kanilang pwesto ni Sheila. Tapos na mag-live si Sheila at may sinasagot lang na mga messages mula sa mga followers nito. “Ikaw ha, kaya pala ayaw mo ipakilala si Papa Menard mo kasi takot kang agawan kita?” Bungad ni Sheila sa kaibigan habang in-off ang ginamit na laptop. Medyo nagtatampo siya at late na niya na-meet ang asawa ng bestfriend. “Takot? Bakit naman ako matatakot? Busy siya, oy! At saka malay ko ba na nagsumbong pala si Trent sa kanya kaya napasugod tuloy ang pobre sa Camilla Cafe nang wala sa oras,” dahilan ni Graciella. “Hindi mo sinabi na gwapo ang asawa mo. Kaya magtatampo talaga ako sayo.” Tumulis ang nguso ni Sheila. “Para kang timang diyan. Gwapo nga si Mr. Young pero hindi naman ubod ng gwapo ang isang ‘yon. Kumbaga lamang lang siya ng dalawang paligo sa mga normal na lalaki,” napapakibit balikat na saad ni Grac