Share

Chapter 2

"Almeda, Shea Jade."

Napatayo ako nang tinawag ang aking pangalan. Isa-isang binibigay ng aming guro ang mga test papers. Kakatapos lang ng midterms kaya wala na masyadong ginagawa sa araw na iyon.

"Congratulations, you got a perfect score again. Just be consistent and you'll be good," pagpupuri ng teacher ko sa Science

Nahihiya akong napangiti at nagpasalamat. Bumalik ako sa aking inuupuan ng mapabaling ang lahat ng kaklase ko. 

"Grabe naman Shea!" 

"Turuan mo naman kami!" 

"Congrats! Puwede bang mag pa tutor na lang sa'yo?" 

"Hmmp! Pasikat na naman!" 

Iba-ibang reaksyon ang inaani ko sa tuwing nakakakuha ako ng mataas na score sa mga quizzes and exams. Tahimik na lang akong bumalik sa aking upuan at di na pinansin ang mga hinaing nila. May mga umiirap, may tila nagmamakaawa na at may namamangha pa din. Sanay na din naman ako. Sa aming classroom wala akong malapit na kaibigan na matatawag ngunit di naman ako masyadong mailap. 

May mga pagkakataong nagpapaturo sila sa mga mahihirap na subjects at malugod naman akong tumutulong. Meron ding umaaya sa birthday party or di kaya'y gustong may makasabay sa lunch.  The relationship I had with my classmates is not that bad. I just don't want to get involve with them too much. 

Dahil sa kakayahan na meron ako, di ko alam kung paano magtitiwala o kaya ba nila akong paniwalaan kung sakali man. Kaya mas maganda nang tama lang ang pakikitungo ko sa kanila.

"Okay class, since tapos na ang midterms, your next activity will be summarizing the whole Lesson 5. I will group you into three para di kayo mahirapan. By topic tayo and after that you're going to report it here in front bukas. Okay?" tuloy-tuloy na sabi ng aming guro.

Everyone groaned. Yung iba naman ay nag protesta but at the end of the day wala naman na kaming magagawa. We need to do it. 

Isa-isa kaming nag headcount at pumunta sa kanya-kanyang mga ka grupo. I was paired with two boys. I glance at them, very timid of my moves. 

"Shea, ako na ang gagawa check mo na lang kung tama ba or merong kulang," presenta ng isa kong kaklase.

"Ako na din ang magsusulat sa manila paper para mabilis," dagdag pa ng isa. 

Napangiti ako. Atleast they're cooperative.

"Sige, tutulong din ako sa pag summarize." ngumiti ako ng tipid.

Nakita ko sa gilid ng aking paningin na tila ba natulala silang dalawa.

"Mas maganda ka pala pag ngumingiti Shea."

Uminit ang pisngi ko. I seldom receive compliments when it comes to my looks dahil sa totoo lang wala naman akong pakialam kung ano ang itsura ko. I am more preoccupied with important things. Pero lagi namang sinasabi ni Lola na kamukha ko daw si Mama.

My mom has spanish and chinese features. Medyo singkit na mga mata at matangos na ilong.  Her cheekbones are also prominent at binagayan ng maliit na labi. Hindi ko man siya nakita mula pagkabata, lagi namang pinapakita ni Lola ang mga litrato niya. 

Most of her facial features ay nakuha ko talaga. I suddenly feel consciouos about my looks.

"Shea, tapos ko na yung 1st part. Puwede mo na din sigurong e-check."

"Sige, salamat."

Maagang natapos ng aming grupo ang report kaya maaga din kaming nakauwi. Masayang nagtutulakan ang mga kasama ko at kinantyaw ang mga kaklaseng di pa tapos sa kanilang report. Habang bigla naman akong nakaramdam ng hindi maganda. I suddenly feel gloomy. 

"Kasama niyo kasi si Shea kaya mabilis kayong natapos!" 

Di ko na sila pinansin at lumabas na ako ng classroom. Habang naglalakad palabas ng school grounds, a sudden flashback of memory came across my mind. It made me stop. 

Isang pagewang-gewang na kotse ang papalapit sa matanda habang naglalakad ito sa sidewalk. Hindi nito namalayan ang pangyayari at sa isang iglap sigawan at pag panic ng mga tao ang naririnig. Plus the incoming loud sirens of police cars and ambulance. Nakabulagta na ang kaninang naglalakad na matanda. Duguan na ito ngayon. Habang umuusok naman ang hood ng kotseng nakabangga.

Napakurap-kurap ako. May mangyayaring aksidente. Huminga ako ng malalim at saglit na pumikit para alalahanin kung saan ang lugar na iyon. Parang pagbabalik tanaw sa isang pelikula ang aking nakita. Sa lugar kung saan ako sumasakay ng jeep pauwi mangyayari ang aksidente. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. 

I have clairvoyance. My sixth sense. Since I was a kid I have the  ability to perceive things beyond the range of ordinary perception.  Pero di ko alam kung bakit ako at saan galing ang kakayahan kong iyon. My grandma would always assure me that everything, including what I have has a purpose. But for years I tried to deny it. Hindi ko tanggap. Why it has to be me? 

I can't deny the fact that for how many times, my life was saved because of it. Pero marami din ang pagkakataon na hindi ako nakakatulog dahil sa takot kung ano ang puwedeng mangyari bukas o sa mga susunod na araw. Ilang beses ko na ring sinisi ang aking sarili sa mga pangyayari na kahit alam ko na ay wala pa din akong nagawa. All I want is to live a normal life ahead of me. I think it's not too much to ask. 

Binilisan ko ang aking paglalakad. One thing that I'm not certain is that, hindi ko masasabi kung kelan ang eksaktong oras o araw ng mga nagiging pangitain ko. All I know is that whenever something will happen probably that very moment or the next days or months, I always got a gloomy feeling. Kaya hindi ako sigurado kung mangyayari ba ngayon ang pangitain ko kanina or hindi. 

Sa labis na pag-iisip, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa kanto kung saan mangyayari ang aksidente. Nakita ko sa di kalayuan ang pagkukumpulan ng mga tao. Kinabahan ako bigla. Mabilis akong lumapit sa kanilang pinagkakaguluhan at nakita ko ang matandang nakahandusay. Lumingon ako, ang kotseng umuusok, the loud sirens of police cars and ambulance. Katulad na katulad sa pangitain ko kanina. 

Dahan-dahan akong umatras. Nanghihina ang aking mga tuhod. Di ko inaasahan na ganun ka bilis. Pinara ko ang isang paparating na jeep at di na muling nilingon pa ang pinangyarihan ng aksidente. 

Pagkarating ng bahay agad akong sinalubong ni Lola at Lolo. Hindi ko napigilang tumakbo at umiyak sa kanilang mga bisig.

"Lola...may nangya-ri kanina sa..., " napalunok ako habang naiiyak. Di matapos tapos ang sasabihin. 

"Shh tahan na," hinimas niya ang likod ko at pikit na pinapakalma, "huwag mo nang pilitin apo." 

Kahit hindi man buo ang mga salitang  lumalabas sa akin. Alam at dama nila. Hindi pa din ako nasasanay sa kung ano ang meron at kaya pang gawin ng kakayahan ko. 

Niyakap ko ng mahigpit si Lola Sela. Siguro nga kahit kelan, hinding-hindi ako masasanay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status