Share

Chapter 1

A happy day. 

Yes, indeed it was a happy day for me. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari sa araw na iyon. Sa mga nagdaang buwan, nahaluan ng masayang disposisyon ang pang araw-araw ko. Tumingala ako at tila ba nakikisama ang mga dahon habang sumasayaw sa ihip ng hangin. 

Masaya. Sana mag tuloy-tuloy na. 

Napatigil ako sa  paghakbang sa gilid ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong nakakasabay sa pag-abang na pumitik ang berdeng ilaw ng traffic light para makatawid. 

“Shea!” 

Napalingon ako. 

“Dito na kami dadaan, see you tomorrow!" sabay kaway ng tumawag sa akin. 

I smiled again and can’t help to wave back at them. 

"Mag-ingat din kayo." 

The green light flashed at nagsimula nang gumalaw ang mga naghihintay. Nakisabay ako sa pag uunahan ng mga taong tumatawid. 

15, 14, 13, 12... 

Sa kalagitnaan ng paglalakad biglang napako ang aking mga paa sa kalsada. Hindi ako makagalaw. Nag mistula akong estatwa. 

11, 10, 9, 8...

Pinilit kong gumalaw pero tuluyan nang nanigas ang aking katawan at di na ko makahakbang. 

"Teka lang po sandali!" pilit kong inaabot ang mga naglalakad pero tila hindi nila ako napapansin. 

7, 6, 5, 4...

"Tulong!" ngunit wala pa ding nakakarinig. What's happening?

3, 2, 1... 

Sinubukan kong gumalaw muli and suddenly I felt loose. Ngunit huli na ang lahat. Bago pa ako makatakbo sa kabilang kalsada, nakita ko ang mabilis at papalapit na sasakyan papunta sa aking gawi. 

Napapikit ako. Imbes na tumilapon sa ere, naramdaman ko ang isang malakas na hila sa aking kamay patungo sa ibang direksyon. 

Napasubsob ako sa kabilang kalsada at unti-unting dumilat. 

"Ayos ka lang ba?" a male voice. 

Sa nanlalabong paningin, pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki. Bago pa ako makapag pasalamat ay kinain na ng kadiliman ang aking sistema. 

Napabalikwas ako ng bangon at basang-basa ng pawis. Isang panaginip na naman ulit. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang sarili.  

I have series of dreams but this one is different. It was all about me. Maaaksidente ako. At may nagligtas sa akin. Pinilig ko ang aking ulo at pilit na inaalala ang itsura ng lalaki. He's a complete stranger. Even in my dreams, I haven't feel any familiarity about the guy. 

"Who are you? What is it this time?" my voice croaked from sleep. 

I glance at the wall clock. It's 5 in the morning. Tuluyan na akong bumangon at pilit na isinantabi ang panaginip. Inayos ko ang aking higaan. Kailangan ko nang maghanda para hindi ma late sa eskwela. 

Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Lola Sela. 

"Good morning La," bati ko 

"Magandang umaga apo, tamang-tama at gigisingin pa sana kita. Teka, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Ayos lang po. Asan po si Lolo?"

My eyes roam around our small abode. Nakita kong may nakahanda nang almusal sa mesa. Araw-araw laging nagigising ng maaga si Lola para ipaghanda ako ng makakain.  I always wonder kung di ba sya inaantok. Minsan ay mas maaga pa sa nakasanayan siya bumabangon. Ganun talaga siguro ang mga matatanda. 

"Ay maaga yung umalis para tingnan ang mga pananim sa bukid, halina at mag almusal kana dito." 

Lumapit ako at naupo na.  Bago pa ako makakuha ng pagkain ay may kumalabit na sa aking binti. I glance at Tom, my not-so-obese cat. Hinimas ko sya gamit ang mga paa. Bigla kong naalala muli ang lalaki sa panaginip ko kanina. Magkikita ba kami mamaya? Kung magkikita man kami ibig bang sabihin... 

Pinilig ko ang aking ulo sa naisip. Hindi puwedeng maaaksidente din ako mamaya. Kung yun lang naman ang oras na makikilala ko sya. Mabuti pang huwag na lang sana kaming magtagpo kelan man. I groaned at my thoughts. Napalingon si Lola sa akin. 

"Lola... nanaginip po ulit ako." 

Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi. Handang makinig sa kung ano mang sasabihin ko. She looked at me with worried eyes. Pero nang makita ko kung gaano siya nag-aalala para sakin nagsisi ako kung bakit ko pa binanggit iyon. 

"Tungkol saan at kanino ang panaginip mo?" si Lola 

I look at her not ready to tell the truth. Baka mag-alala lang siya sa akin buong araw. May mga pagkakataong tuwing sinasabi ko sa kanya ang mga napapanaginipan ko, labis siyang nag aalala at hatid-sundo ako sa eskwela para lang masigurado na ligtas ako. 

"Marami daw po akong kaibigan. Lagi kong nakakasabay sa pag-uwi." pilit akong ngumiti. 

Hinaplos niya ang aking ulo at masuyo siyang tumingin sa akin. Assuring me that everything will be alright. Binaba niya ang kanyang mga kulubot na kamay at kinulong ang aking mga palad. 

"Mabuti naman pero lagi kang magdasal, wala nang hihigit pa sa proteksyon Niya. Lagi ka Niyang gagabayan." tears formed her eyes. 

I nodded. Niyakap ko si Lola. Pilit kong tinatago ang mga luha. Ayaw kong makita niya na kahit ako, labis na binabagabag ng mga panaginip na iyon.

"Oh, sya maghanda kana, baka ma late ka pa." kumalas siya ng yakap at nagpunas ng mumunting luha. 

Dali-dali akong kumain ng almusal at naghanda na. Kasalukuyan akong nasa ika-siyam na baitang ng junior high school. At the age of 15, I can't blame my grandparents when they're overprotective of me. With my gift of foreseeing things, lagi silang nakaantabay sa mga puwedeng mangyari sa akin. Maganda man or hindi. They would always tell me,

"Bata ka pa apo, marami ka pang puwedeng maabot sa buhay. Susuportahan  at aalagaan ka namin sa abot ng aming makakaya." 

Mabilis akong nag-ayos at sinilid ang lahat ng aking gamit sa luma ngunit maayos pa namang bag. Sinuot ko na rin ang bagong biling sapatos ni Lolo para sa akin. Bumaba ako at humalik na kay Lola para magpaalam. 

Napatingala ako sa unti-unting pagsikat ng haring araw. Hindi ako gumalaw hanggang sa nasilaw na ng liwanag. Pinagmasdan ko ang mga ibon na nagsisimula na ding mag hanap ng kanilang makakain. Bago pa man tumungo, pinagkrus ko ang aking mga daliri at saglit na nagdasal. 

Dumilat ako at huminga ng malalim. Ano man ang mangyari ngayong araw at sa mga sumunod pa inaalay ko na lahat sa Kanya.

With prayers, I know this is not a bad day to start. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status