Share

Chapter 3

Mabilis na lumipas ang mga araw at naging abala ako sa mga school activities. Sunod-sunod ang mga naging ganap sa aming paaralan kaya halos lahat kaming magkaklase ay sinusulit na ang mga araw na wala pang pasok.

Halos makalimutan ko na din ang nangyari nung mga nakaraang linggo. Malimit na ding dumalaw ang mga panaginip ko dahil inaabala ko na lang ang aking sarili sa pag babasa at pag-aaral. Labis akong nagpapasalamat doon. Things are getting better I guess.

Abala ako sa paglalakad-lakad at pagtingin sa kiosk ng mga seniors. Pansamantala akong umalis muna sa aming booth para makapaglibot na rin. Natutuwa akong pagmasdan ang mga nagbabantay sa booth nila habang sumasayaw para makakuha pa ng attention ng ibang mag-aaral. Ang iba naman ay halos habulin na ang mga prospect nilang costumers. Habang abala, naramdaman ko ang pag vibrate ng aking lumang cellphone. Kinuha ko iyon mula sa dala kong maliit na bag at binasa ang mensahe. Galing kay papa.

”Anak, kumusta kana? Miss na miss na kita at baka makauwi ang papa sa makalawa. Mag-ingat ka diyan palagi.” 

Bahagya akong nagulat sa message ni papa. Hindi naman kasi ako masyadong nakakatanggap ng message o tawag mula sa kanya. Kung meron man minsan isang beses sa isang buwan o di kaya’y inaabot pa nga ng ilang buwan na hindi kami nakakapag-usap. Sa buong buhay ko, ilang beses lang din siyang umuwi dahil abala siya sa pagtatrabaho. Gusto ko mang mag reply pero wala din akong load. Mamaya siguro sasabihin ko kay lola na nagmessage sa siya sa akin 

Medyo napapalayo na din ako sa aming kiosk kaya naisipan kong bumalik na. Mabilis ang paglalakad ko nang may tumawag sa akin. 

"Miss! Sandali!"

Napalingon ako. Nakita ko ang isang lalaking papalapit sa sa aking gawi.

"Sa'yo ba tong nahulog na panyo?"  

Mabilis kong sinipat ang dala kong bag at wala nga doon ang panyo ko. Nahulog siguro nang kunin ko ang aking cellphone.

"Sakin nga yan," sabay kuha ng panyo. "Maraming salamat." Tipid akong ngumiti. 

"By the way I'm Brian nga pala," sabay lahad ng kamay nito.

Napatingin ako sa kanyang kamay at medyo nag alinlangan. Ito ang unang beses na may nakipagkilala sa akin liban sa aking mga kaklase. Nahalata nito siguro ang pag-aalinlangan ko kaya mabilis niya ding binawi ang kanyang kamay.

"Uh, pasensya kana," napakamot siya sa gilid ng kanyang noo. Tila ba nahihiya.

"Ayos lang. Shea ang pangalan ko."

"Yeah, ikaw nga, yung lagi kong nakikita sa school paper natin. Laging nananalo sa mga quiz bee at contests," dagdag niya. 

Ako nasa school paper? Di yata ako aware.

"Ahm.. Ga-nun ba?" nauutal kong sagot.

I am not really aware of it. Ganun na ba talaga ako ka walang pakialam para hindi ma pansin na lagi palang na pa publish sa school paper ang mga napanalunan kong contest. Inaamin ko na dun nga lahat nauubos ang oras ko, sa pag-aaral at sa pagsali sa mga quiz bee to divert my attention. To deny my ability to forsee things.

Pero di ko talaga alam na ganoon pala. Natawa ako sa loob-loob ko. Sobra akong pre-occupied sa mga bagay na hindi ko kontrol. Really Shea? Kahit simpleng ganap lang sa school paper di mo alam?

"Classmate mo din pala 'yung kapatid ko, si Maureen. Lagi ka niyang ibinibida sakin." He laughed.

For some point, I can tell that he's being nosy. Pero parang hindi ganun ang dating sa akin. I guess he's just being friendly. I looked at him at bahagya siyang pinagmasdan. Matangkad" at hula ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon. He has a boyish smile on his face. Medyo makapal ang kilay at bilugan ang mga mata. Matangos din ang ilong. The typical "gwapo" for teenagers. And I can't believe he's talking to me.

"Kung okay lang sa'yo puwede ba kitang maging kaibiga--" 

"Hoy! Brian ano yan ha?! Dumidiskarte ka na naman no?" putol ng isa pang lalaki na papalapit sa amin.

I bet he's a senior too. Bigla akong nahiya sa mga nangyayari. I can't believe that someone is trying to be friendly with me.

Siniko ng Brian ang kasama nito. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. 

"Nice meeting you Shea. I hope we can catch up soon. Pasensya kana sa kasama ko." He laughed a bit and wave his goodbye.

Medyo naninibago ako sa mga nangyari. Hindi na kami muling nagkita ni Brian ng hapong iyon. Pareho nang abala ang bawat estudyante sa pagligpit ng mga gamit mula sa kiosk. Kakatapos lang din ng last program ng aming event.

Mula nang mag-aral ako sa Victorias Integrated School hindi ako masyadong nagkaroon ng mga kaibigan. My school is one of the most prestige institution in our province. Karamihan ng mga nag-aaral dito ay mga anak ng may sinasabi talaga sa buhay. It's either anak ng mga politiko o mayayamang negosyante. Kaya minsan nahihiya na akong makipaghalubilo lalo na sa mga pinag-uusapan ng mga kaklase ko. They always talk about the latest fad. Kahit papano minsan nakakarelate naman ako. Hindi naman yung tipo na talagang outdated. But most of the time they will talk about luxury. Something that I can't fathom. 

Minsan pag naririnig ko silang nag-uusap, di ko maiwasang magkumpara. Ang layo nga talaga ng agwat ng pamumuhay namin. 

In my case, nakapasok lang naman ako sa mamahaling school dahil sa recommendation ng mayamang amo ni Lola nung namamasukan pa siya. Kumuha ako ng exam for full grant scholarship at sa kabutihang-palad nakapasa ako. Meron ding nag-alok ng scholarship mula sa iba't ibang agencies. Kaya naman kahit papano ay hindi ko problema ang pang tuition.

Kaya hindi puwedeng pa peteks peteks lang. Kailangan kong ma maintain lahat ng grades ko.

"Uy Shea, iba ka din ah, rinig ko kinausap ka daw ni Brian kanina?" sabay siko sa akin ng kaklase kong si Valerie.

"Nanliligaw ba sa'yo? Yieee! Ang swerte mo naman!" dagdag pa nito.

Nanligaw? Kaagad?

"Ha? Hindi naman inabot lang ang panyo kong nahulog kanina at nakikipagkaibigan lang." paliwanag ko.

"Weh? Talaga? Siya yung tipo na hindi puwedeng kaibigan lang. Pang boyfriend material kaya yon! Matalino na at gwapo pa!"

Napangiwi na lang ako sa sinasabi ni Valerie.

"Totoo naman talagang nakikipagkaibigan lang at ngayon ko lang siya nakilala."

"Talaga? Hindi mo kilala si Brian? Ay wag ako Shea, hmm. Sikat na sikat kaya yan sa buong school! Pag nanligaw balitaan mo ako ha! Crush ko pa naman sana yun."

Napapailing na lang ako. Minsan ko na ring narinig ang pangalan niya na pinag-uusapan ng mga classmates kong babae. Well, hindi nga talaga ako aware sa mga bagay- bagay. Nahagip ng mga mata ko si Maureen na abala sa pag-aayos. Saglit din siyang napatingin sa akin at nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. Nginitian ko na lang din siya pabalik.

Habang naglalakad pauwi bigla kong naalala ang lalaki sa aking panaginip. Hindi ko maiwasang itanong kung bago ba ang aksidente, magkikita ba kami sa ibang pagkakataon? Makakasalubong ko ba siya sa daan o di kaya'y sa school ko ba siya nag-aaral? Dun ba kami magkaka kilala?

Sa school? Napatikhim ako sa naisip. Ayokong pangunahan ang aking pangitain. Na baka si Brian na ang lalaking iyon. Hindi ko lang maiwasang isipin dahil sa dinami-rami ng nakakasalamuha ko, siya ang naglakas ng loob para makipagkaibigan. O baka nagkataon lang din.

Tsk. Bahala na. Mabilis akong nakarating ng bahay. Ngunit sa labas pa lang ay may narinig na akong nag-uusap. Sinalubong ako ni Tom. Nag-inat muna siya ng katawan bago tumakbo palapit sa akin. I give him some petting at kinarga ito.

"Ang taba-taba mo na, kailangan mo na sigurong mag diet."

He just lean on my shoulder and purr contentedly. Kumatok ako sa pintuan at pumasok na. Nagulat ako nang una kong masilayan ang nakaupong si papa. Hindi ko inaasahan na uuwi siya ngayong araw.

Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti. Nag-aambang yumakap. 

"Yang."

The nickname that I'm longing to hear everyday. Si papa lang ang tumatawag sa akin gamit ang palayaw ko. I've realized that I missed him too. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita. Binaba ko muna si Tom bago lumapit kay papa at yumakap na rin. I can't suppress my happiness.

"Akala ko po sa makalawa ka pa uuwi." Tumingala ako kay papa at yumakap muli. 

"Surprise anak." 

And this is one of the higlights of my life everytime I go home. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status