Share

Chapter 4

My father bought so many stuffs. Galing Maynila daw lahat ng iyon. Bumili din siya ng mga kakailanganin ko sa school. Damit, sapatos, mga gamit sa bahay at kung ano-anu pa. Habang nag-aayos ng kanyang mga dala, naupo ako sa kanyang tabi at tumulong na din.

"Sige na anak, magpahinga kana muna at mag-aral, ako na dito."

"Kumusta ka Pa?" binalewala ko ang kanyang sinabi. 

Ang huli naming pagkikita ay noong nakaraang taon. Birthday ko iyon at naaalala ko pa na hindi din naman siya nagtagal. Bumalik din sa trabaho pagkatapos ng ilang araw. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Malaki ang itinanda ni papa. Mas dumadami rin ang puti niyang buhok. Sa aming dalawa siya ang mas pagod. Hindi ko alam kung anong nang klase ng trabaho ang meron siya ngayon dahil hindi niya masyadong nababanggit.

Isang beses narinig kong sinabi niya kay lola na nagsisilbi siyang driver ng isang mayamang pamilya sa Maynila. Hindi ako sigurado kung ganun pa din ba ang trabaho niya hanggang ngayon. Matagal din mula nang huli kaming nagkausap.

Napatigil siya sa ginagawa dahil sa tanong. Bumaling siya sa akin hinaplos ang ulo ko at ngumiti. 

"Ayos lang ako anak, medyo pagod lang din sa byahe. Pero ayos na ayos, " he said cheerfully. 

The usual answer I'm expecting to hear. 'Yun ang lagi niyang sagot tuwing kinukumusta ko siya o kung nagkakausap man kami. Laging ayos lang. 

Napansin niya ang pananahimik ko kaya siya naman ang nagtanong. 

"Ikaw ba, kumusta ang pag-aaral mo? Balita ko sabi ng Lola Sela mo ay ang galing mo daw sa school. Marami kang napapanalunang contest." 

"Nag-aaral lang po ako ng mabuti Pa."

"Naku, alam ko namang matalino ka. Manang-mana ka samin ng mama mo," nangingiti niyang sabi. 

For the first time in a long due, nabanggit niya ulit si mama. Hindi namin siya masyadong napapag-usapan. Si Lola lang ang matiyagang nagkukwento sa akin tungkol sa aking ina. 

My mom died the moment I was born. The world didn't let me experience the feeling of having a mother. The only memoir that was left are her pictures. Simula pagkabata yun na lang ang tanging alaala ko sa kanya. Sina Lolo Vico at Lola Sela na ang nag alaga sa akin dahil laging umaalis si papa para magtrabaho. 

I am showered with love by my grandparents. Nag-iisang apo ako dahil wala namang kapatid si papa. Pero kahit busog sa pagmamahal, hindi ko maiwasang mangulila. 

I glance at my father longingly. Pinagmamasdan ko siya habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. 

"Magtatagal ka ba ngayon dito Pa?" hindi ko mapigilang itanong. 

Nagulat uli siya pero agad namang sumagot. 

"Oo anak. Dito na muna ako sa Victorias. Nireto ako ng boss ko sa mga Chrysalis. Ako na ang mag sisilbing family driver nila, atleast malapit lang at madali akong makakauwi kung sakali." 

The Chrysalis. One of the richest and most prominent family in Victorias. I often heard about their family name in the news. Namamayagpag ang pangalan nila sa larangan ng engineering. Marami din silang mga naglalakihang negosyo at construction firms. 

"Ta-talaga po?" di ko mapigilan ang saya. "Ibig sabihin mas madalas na tayong magkakasama!" 

"Uuwi ako dito pagnabakante anak," my father's assurance made me more livelier. 

Sabado ng umaga ng maisipan ni Papa na isama ako sa mansyon ng mga Chrysalis para makausap daw ang magiging bago niyang boss. Medyo na excite ako dahil malimit lang akong nakakagala sa aming barrio. Bahay at eskwelahan lang kasi lagi ang aking gawi. Kaya naman sinamantala ko na nang tanungin ako ng aking ama kung sasama ba ako. 

Nagprotesta si Lola. “Talagang isasama mo pa Anton! Huwag mo nang dalhin si Shea!"

My grandmother kept on muttering her sentiments. Naiintindihan ko ang pag-aalala niya. Di ako lumalabas sa aming barrio kapag hindi siya ang kasama. At hindi rin alam ni Papa ang tungkol sa kakayahan ko. Simula pagkabata si Lola Sela at Lolo Vico lang ang tanging nakakalaam. Mas mabuti na daw na walang makaalam liban sa kanila dahil baka mas mapahamak lang ako kapag nagkataon. 

"Lola gusto ko pong sumama."

Napatigil siya sa pagdadakdak sa ama ko at napatingin sa akin. 

"Kasama ko naman po si Papa. Babalik naman kami kaagad," kumbinsi ko. 

Sinigundahan naman ako ni Lolo Vico. "Sela, payagan mo na ang mag-ama. Minsan lang sila makapasyal. Hindi naman masyadong malayo ang mansyon ng mga Chrysalis. Hayaan mong makapaglibot-libot si Shea."

I looked at my grandmother with a hopeful eyes. One thing that I really love from my Lolo is that, he's trying to give me the normal life as much as possible. He's always supportive and protective at the same time. 

Wala nang nagawa si Lola kundi payagan ako. Mabilis akong nag-ayos. Dala ang maliit na bag at lumang cellphone bumaba na ako sa aming kawayang hagdan para sumunod kay Papa. Bago pa ako makalabas ng pinto ay bahagya ako hinila ni Lola. 

Before, she used to squat a little to level our eyes whenever she talks to me. Ngayon halos tumingala na siya sa akin. 

Lumapit siya sa aking tainga at maingat na bumulong. 

"Kapag may naramdaman kang hindi maganda o kung alam mong may mangyayari, tawagan mo ako.. Hmm?" 

Binaba niya ang kanyang mga kamay at pinisil ang aking mga palad. 

"Opo, tatawag po ako."

Humalik ako sa kanilang dalawa ni Lolo at nagpaalam na. Nakita ko sa labas ng aming bakuran ang isang magarang sasakyan. Sa labas ng pinto ay may kinakausap si Papa na kasing edad niya. Lumapit ako at namangha sa sasakyan. 

"Anak, eto pala si Tito Gardo mo. Isa siya sa mga magiging kasama ko sa trabaho. Sinundo tayo para mabilis," pagpapakilala ni Papa sa kausap niya. 

"Magandang umaga po." bati ko. 

"Magandang umaga din hija. Kay gandang bata, manang-mana sa'yo Anton." 

Humalakhak si Papa habang iginigiya ako papasok ng sasakyan. Ilang sandali pa ay tinatahak na namin ang daan patungo sa mga Chrysalis. Dumungaw ako sa bintana. Namamangha ako habang pinagmamasdan ang mga nagtataasang puno sa gilid ng kalsada. Meron din akong nakitang nag-iisang mataas na building sa likod ng tila mini forest. 

"Iyan ang factory ng semento na isa sa  pagmamay-ari ng mga Chrysalis anak." 

Napalingon ako kay Papa. "Talaga po? Meron palang ganito sa atin?" 

"Isa lang yan sa mga pagmamay-ari nila. Marami pa sa Maynila," dagdag pa ni Papa. 

Muli akong dumungaw sa bintana. Mukhang marami nang alam si Papa sa bagong pagtatrabahuan niya. Sobrang yaman pala ng bago niyang boss. Matapos ang isang oras na biyahe ay nakarating na kami sa mansyon ng mga Chrysalis. Sa labas ng gate ay may guard house. Bago pa man makausad ang sasakyan, may iniradyo si Tito Gardo. Automatic na bumukas ang napakalaking gate. Wow! 

Pagkailang sandali ay tumigil na ang sasakyan. Bumaba ako at nalaglag ang panga sa bumungad sa akin. In front of me is an enormous house. Malawak ang sakop ng mansyon pati na ang bakuran. Merong fountain sa gitna na pinapalibutan ng mga halaman at bulaklak. 

Pumasok kami sa isang malaking pinto. At di pa natatapos ang pantasya ko ay bumungad naman ang engrandeng hagdan at sala. May naglalakihang chandeliers na nakakabit sa kisame at mga mamahaling vase na hula ko ay doble pa sa tuition ko ang halaga ng bawat isa. 

Sinalubong kami ng medyo may edad na na kasambahay at iginiyang maupo. 

"Bababa na din ang assistant ni Sir Leandro para maka-usap kayo. Kukuha lang ako ng meryenda," nakangiting sabi ng kasambahay. 

"Salamat Ester," si Tito Gardo. 

Hindi ko matigil ang paggala ng aking mga mata sa bahay. Namamangha pa rin. Ano kaya ang feeling pag dito nakatira? Nakakapagod sigurong umakyat-baba sa mahabang hagdan? Mahirap din sigurong linisan ang bahay sa sobrang laki. 

Lumabas si Manang Ester dala ang meryenda galing sa isa pang malaking pinto. Doon siguro ang kusina. Nakita ko ding bumaba ang isang may salamin na lalaki. Medyo bata lang ng ilang taon kay Papa. 

"Good afternoon po sa inyo. Ako nga pala si Alvin. Dala ko na ang inyong kontrata. At okay na din kay sir Leandro dahil natanggap niya na ang inyong recommendation. Pipirma na lang po kayo."

Habang nag-uusap sila, kumain muna ako ng meryenda. Chocolate cake at juice ang naroon kaya di ko na pinalampas. Minsan lang kasi kami kumakain nito sa bahay. Tuwing may okasyon o birthday lang, pero minsan wala din. 

"Yes po, pero ma-aasign ka Mang Anton sa isang branch ng hotel sa karatig-bayan. Mas kailangan po kasi doon ng driver dahil dumadami ang turista."

Napabaling ako kay papa. Akala ko ba family driver? Ibig sabihin magtatrabaho din ulit siya sa malayo? Bigla akong nalungkot. 

Bumaling si Papa at tinawag ako. "Yang."

Tinapos ko muna ang aking pagkain bago lumapit. 

"Pasensya kana mukhang mapapalayo ulit si Papa, pero gusto mo bang mamasyal muna sa labas? Tatawagin lang kita mamaya pag-uuwi na tayo. Di pa kasi kami tapos eh, para di ka mabagot sa kakahintay."

Tumango na lang ako dahil wala din naman akong ginagawa doon. Siguro mamaya pag-uwi kakausapin ako ni Papa tungkol sa trabaho niya. Lumapit ako kay Manang Ester para humingi ng pahintulot na mamasyal sa labas. 

"Ahm, excuse me po. Ah.. Puwede po ba akong mamasyal sa labas?" medyo nag-aalinlangan kong tanong.

"Aba, siyempre naman hija. Ano nga palang pangalan mo?"

"Shea po." 

"Shea, ang ganda mong bata. Naku manang-mana ka kay Sela." puri nito. 

"Po? Kilala niyo si Lola?" 

Ngumiti si Manang Ester. "Aba eh, siyempre naman! Magkaibigan kami simula noong kabataan namin. Paki kumusta nga ako sa kanya mamaya."

Inihatid ako ni Manang Ester sa malawak na bakuran. Muli kong iginala ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Bawat sulok ay nagsusumigaw ng karangyaan. 

I close my eyes. I feel like I'm in a fairytale. I guess I should live in this moment for a while. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status