Share

Chapter 4

"Pansamantala dito ka muna titira sa aking bahay habang humahanap ka pa ng matitirhan mo." Malumanay na sambit ni manang Lily kay Celeste.

"Maraming salamat po talaga, napakalaking tulong na naman po ito sa akin."

"Sus, ikaw pa eh kilala kita tsaka close kami ng nanay mo nung araw."

"Ay talaga po, hindi ito nabanggit sa akin ni inay na may kaibigan pala siyang matulungin."

"Sus, nambola ka pa. Tsaka ito yung magiging kwarto mo. Sandali lang kukuha muna ako ng kumot at unan mo para makapagpahinga kana."

"Sige po."

Nilibot ni Celeste ang mga mata niya sa bawat sulok ng kwarto. Napagtanto niya na medyo maliit pero okay na ito sa kanya kesa naman na wala siyang matutulugan ngayong gabi.

"Ito na ang kumot mo at unan. Ano okay ka lang ba sa kwarto mo. Pasensiya kana ha maliit lang kase ang bahay ko."

"Nako okay na po ito sa akin. Maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy sa akin dito manang Lily."

"Walang anuman at magpahinga kana maaga pa tayo bukas."

Tumango na lamang si Celeste bilang tugon niya sa matanda at nag-inat siya ng katawan bago humiga. Nakaramdam siya ng pagkalma dahil sa wakas makapagpahinga na rin siya sa mahabang araw at nakakapagod niyang maghapon.

Nakatitig siya sa kisame at iniisip ang anak niyang naiwan sa probinsya. Namimiss na niya ito lalong lalo na sa kakulitan. Pero kailangan niyang tiisin upang magtrabaho. Kung hindi siya magtatrabaho ay di niya alam kung saan sila pupulutin. Malaking tulong na itong trabahong natanggap niya upang di natutulog ng gutom ang kanyang anak.

Huminga siya ng malalim at nakita niya sa isip ang mukha ni Noah, ang lalaking pinakamamahal niya. Mula noong iniwan siya ay wala na siyang balita kung nasaan ba talaga ang lalaking minsan siyang minahal nito. Gusto niyang kalimutan ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya sa araw ng kasal nila at kung paano siya iniwang luhaan sa gitna ng simbahan. 

Mahal na mahal niya si Noah pero sinaktan lang siya nito. 

Matutulog na sana siya ng tumunog ang kanyang telepono, kinuha niya ito mula sa lamisa at sinagot.

"Hello po, inay. Kumusta kayo diyan?" Saad ni Celeste.

"Hello po mama ako po ito si Stacey." Mangiyak-ngiyak nitong sambit.

"Oh anak anong nangyari? Bakit hawak mo ang telepono ng lola mo asan siya?" Tanong niya dito sa anak.

"Hiniram ko po sa kanya, sinabi kong tatawagan po kita. Andito nga po si lola sa tabi ko ehh."

"Oh bakit ang lungkot ng anak ko?"

"Ka-kase po mi-miss na po kita." Humihikbi na sambit ng bata.

"Ako rin anak, hayaan mo, makakauwi rin ako diyan. Huwag ka ng umiyak ha, at tsaka matulog kana malalim na ang gabi."

"Opo mama, goodnight po. Ingat ka po palagi." 

"Oo anak goodnight rin ingat ka din diyan, paki kumusta na lang ako sa lola mo." 

"Opo mama babyee po."

"Bye anak."

Natapos ang tawag ng mag-ina na may luhang pumapatak sa mga mata nila. Miss na miss na ni Celeste ang kanyang anak. Parang nahihirapan na din ang anak sa sitwasyon nilang mag-ina. Pinili na lang ni Celeste na matulog upang di damdamin ang sitwasyon nila. Natulog siya na mabigat ang pakiramdam dahil hindi niya katabi ang anak sa pagtulog.

**********

Makalipas ang dalawang buwan na pananatili ni Celeste sa syudad ay nakasanayan na niyang gumising ng maaga para magtrabaho.

Kumakayod siya sa pang araw-araw para may maipadalang pera sa ina. Sa dalawang buwan niyang pagtatrabaho ay maayos naman ang takbo ng buhay niya maliban nung unang araw na pinahiya siya ng anak ng may-ari. Simula nun ay wala ng umaaway kay Celeste marami na din siyang naging kaibigan na kanyang customer at kapwa waitress na may mabait na puso. 

Maagang lumabas ng bahay sina Celeste kasama si manang Lily. Naghahanap sila ng masasakyan patungong restaurant. Pagkatapos nilang makahanap ng masasakyan ay sumakay na kaagad sila at nagmamadali dahil malalate na sila. 

Pagkadating nila ay kaagad silang nagbihis ng kanilang uniporme at agad namang puwesto si Celeste.

May pumapasok na bagong customer sa restaurant at agad naman itong nilapitan ni Celeste. 

"Hi, what's your order. Here's the menu." Paunang sambit ni Celeste sa lalaki nitong customer.

"Bigyan mo na lang ako ng kahit na ano basta masarap."

"Okay sir,"

Nang paalis na si Celeste bigla siyang hinawakan ng lalaki niyang customer sa kamay. Nanlaki ang mga mata at nabigla, tiningnan niya ito mula sa likuran at nagtanong, "Bakit po sir?"

"Gusto mo bang sumama sa akin mamaya sa hotel?"

"Bawal po dito yan sir at hindi ho ako bayaran na babae, waitress po ako!" Matigas niyang sabi at binawi ni Celeste ang kamay niya mula sa lalaking nambabastos sa kanya. 

Tumayo ang lalaki at hinawakan ulit siya sa mga braso ng mahigpit.

"Sige na, napakaarte mo naman." Pabulong na sabi nito.

"Sir, kung yan lang po ang pinunta ninyo dito mabuti pa pong umalis na kayo, hindi ito bar!" Pasigaw na sabi ni Celeste na ikinatingin ng mga taong nasa paligid.

Nagalit ang lalaki at tinulak si Celeste ng malakas dahilan para bumagsak siya sa sahig.

Bigla namang lumapit ang mga katrabaho ni Celeste sa kanya upang ipagtanggol siya.

"Sir, bawal po kayong manakit ng kapwa naming waitress. Umalis na po kayo bago po namin kayo idemanda!" Sabi pa ng isa sa mga katrabaho ni Celeste na lalaki.

Walang sinabi ang lalaki at diretsong umalis. 

"Okay ka lang ba, Celeste. Ano ang pakay nun sayo bakit ka niya naitulak." Sabi pa ng isa niyang katrabaho.

"Binabastos niya ako at gusto niyang sumama ako sa kanya sa hotel." Diretsong sagot ni Celeste.

"Ang mga tao talaga ngayon ang sasama." Sabat naman ng isa niyang katrabaho na babae.

"Anong pinagkukumpulan ninyo diyan?" Boses ng babae na nanggaling sa kanilang likuran.

Nang kanila itong tinignan, anak pala ng may-ari ng restaurant ang nagsalita. Ang babaeng sinalo lahat ng kamalditahan.

Iniyuko nila ang kanilang mga ulo at nagsalita na wala lang iyun.

"Oh, anong ginagawa ninyo diyan balik na sa trabaho!" Sigaw ng malditang babae.

Agad naman silang bumalik sa kanya-kanya nilang trabaho. Si Celeste naman ay dinadamdam pa rin ang nangyari sa kanya kanina. Paano pag sa labas yun nangyari at hindi sa restaurant? Napagtanto niyang walang magtatanggol sa kanya at tuluyan na siyang makuha at madala ng lalaking iyun sa hotel. Naisipan niyang mapapahamak talaga siya.

Agad na pumasok si Celeste sa kwarto na pinaggagamotan sa kanya ni Manang Lily noon at nagdarasal, "Diyos ko po, ilayo ninyo ako sa mga masasamang tao at ilayo ninyo ako sa kapahamakan may anak pa po akong binubuhay. Kayo na po ang bahala sa akin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status