Share

KABANATA 59

ASHLEY

MARIIN siyang napapikit kasabay ang paglubog ng katawan niya sa malamig na tubig dagat. Naramdaman din niya ang matigas na brasong humapit sa beywang niya paangat. Napasinghap siya nang malalim, habol niya ang paghinga ng tuluyang umangat katawan niya sa ibabaw ng tubig. Pero mas kinasinghap niya nang mapagtantong tumalon din pala ang lalaki at ngayon magkadikit ang mga katawan nila habang nakapulupot ang isang braso nito sa beywang niya.

Langhap niya ang mainit nito paghinga. Pakiwari niya nagsasalitan na sila ng hininga dahil sa sobrang lapit din ng mga mukha nila. Bakit ganito ang epekto nito sa kanya? Napalunok siya ng laway. Umiwas siya ng tingin. Naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"T-Tinakot mo ako, akala ko talaga malulunod ka," hinihingal na bigkas nito.

Muli siyang napalunok dahil tumama sa leeg niya ang mainit nito hininga. Shit! Marahan niya tinulak ito.

"M-Marunong akong lumangoy. Bitawan mo na ako,"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status