LABING-WALO: SugatNANG MAGISING sina Tina at Tj ay tuwang-tuwa sila nang malaman na narito na kami sa kung saan sila madalas magbakasyon. Hindi nga natigil si Tina sa pagkukulit kay sir dahil gusto niya nang lumusong agad sa dagat. Mayroon kasing tanaw na dagat mula rito sa bahay. Hindi naman kalayuan. “We’ll swim tomorrow, okay?” ani sir sa makulit na si Tina. “For now, let’s us all rest.”Sumimangot naman si Tina pero agad ding tumango.Naubos ang oras na puro lamang pagtanaw ang ginawa ni Tina sa dagat. May minsanan pang kinulit niya ako na tumingin lang daw doon ngunit narinig iyon ni sir kaya agad kaming pinigilan. Pinapaalalahan ko naman siya na makakatapak siya roon bukas ngunit lagi niyang sagot ay gusto niya na raw ngayon. Wala naman kaming magawa dahil nakabantay sa amin si sir habang nagawa sa harap ng laptop nito. Kaya hanggang sa pagsapit ng dilim ay walang ginawa si Tina kundi mag-aya para tumungo sa dagat ngunit nauudlot din dahil sa naririnig iyon ni sir.Nang makatu
LABING-SIYAM: Aksidenteng Halik"Hindi naman ba sumasakit ang sugat sa paa mo?"Umiling ako sa sinabi ni Manang Loyda.Narito kami ngayon sa kusina at kasalukuyan na gumagawa ng tanghalian. Nasa dagat naman sila sir at ang mga bata. Naroon din sina Mel at Cecil para kung may iuutos sila ay mauutusan. Kami ni Manang Loyda ang naiwan sa bahay. Kahit na ayaw ni Manang Loyda na pakilusin ako dahil sa kalagayan ko ay nagmatigas pa rin ako.Hindi na naman masakit ang paa ko. Medyo na kirot nalang ngunit nakakayanan ko naman. Tsaka nakaupo lang naman ako at naghihiwa ng mga gulay kaya hindi rin sumasakit."Hindi po," sagot ko.Hawak niya ang sandok na pinanghahalo sa niluluto niya nang ituro niya ako gamit 'yon."Huwag kang mahihiyang magsabi kung masakit ha?" sabi niya.Tumango naman ako."Opo.""O, sya, sya, tapos mo na bang hiwain ang patatas?"Kinuha ko ang mangkok na may laman ng mga patatas na binalatan ko."Heto po." Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako."Oh. Oh. Huwag ka nang tum
20"Sumasakit ba ang paa mo?"Umiling ako sa tanong ni Manang Loyda. Nakaupo ako habang abala sa paghihiwa habang siya naman ay pinapakuluan ang baboy."O, e, bakit yukong-yuko ka naman diyan? Baka matusok ka ng kutsilyo niyan?"Umiling lang ulit ako.Paano ba naman kasi nasa tapat ko lang si sir. Bakit kasi hindi siya sumama kina Ma'am Ana na mamasyal? Kanina pa ako naiilang sa kaniya dahil sa nangyari. Hindi ko kayang iangat ang tingin sa kaniya. Nahihiya ako!"Ay, sir, dito po ba kakain sila Madam?" tanong bigla ni Manang.Umalis kasi sila Ma'am Ana kasama ang mga bata pati si Mel at Cecille ay kasama. Kaya kaming tatlo lang nina sir at Manang ang naiwan sa bahay na lalong nagpailang sa akin. Matapos nang nangyari talagang maiilang ako! Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari. Dama pa rin ng labi ko ang mga labi niya. Bakit ganito? Ganito ba talaga dapat? "No, Manang. Gabi na raw sila uuwi."Natigilan ako nang marinig na nagsalita si sir. Kumabog ang dibdib ko. Anong probl
21Naalimpungatan ako ng may kubg anong tumama sa mukha ko. Idinilat ko ang mga mata at nakita ang paa ni Tina na siyang nasa mukha ko ngayon. Marahan ko iyong inalis at dahan-dahan na inilapag sa kama. Umupo ako at tumingin sa orasan sa maliit na mesa sa tabi ng kama."Mag a alas dose na pala," bulong ko aa sarili.Tinignan ko si Tina. Mahimbing ang tulog niya. Dahan-dahan akong umalis sa kama at saka lumabas ng kwarto. Natigilan lamang ako nang makita ang nakabukas na pinto ng kwarto ni Sir ngunit madilim ang loob dahil patay ang ilaw.Lumabas ba si sir? Saan naman siya pumunta?Dumungaw ako sa ibaba ngunit katulad ng kwarto ni sir ay madilim ito. Nasaan kaya siya? Sinarado ko ng tuluyan ang pinto ng kwarto ni sir saka naglakad sa patungo sa kwarto ni sir. Dahil madilim, hindi ko makita kung nasa loob ba siya o wala.Kumatok ako kahit na nakabukas ang pinto."Sir?" tawag ko ngunit walang sumagot. "Ayos lang po kayo, sir?"Wala pa rin akong natanggap na sagot."Sir? Sir, papasok po a
22"Mukhang close na kayo ni sir sa isa't isa, ah?"Gabi na at kaming dalawa ni Mel nalang ang narito sa kusina. Naghuhugas ng mga pinagkainan si Mel at ako naman ang nagpupunas. Tumigil ako sa pagpunas ng mga plato at nilingon siya."Ha?"Tumingin siya sa akin suot ang kakaibang klaseng ngiti. Makahulugan din ang mga tingin niya. "Maang-maangan siya, oh!" asar niya, natatawa. "Kako mas naging malapit na kayo ni sir nitong mga nagdaang araw. Parati ko kayong naabutan na masayang nag-uusap."Iniwas ko ang tingin sa kaniya."H-hindi naman." Labas sa ilong ko iyon. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Nahihiya lamang ako pag-usapan. "Sus! Huwag ako, Jossa, ah?" aniya. "Kita ko kung paano ka magpapansin kay sir.""H-Hindi, ah!" napalakas na sabi ko. "H-hindi kaya..." mahinang sabi ko nang tawanan niya lamang ako."Sige, kung 'yan ang gusto mo. Kunwari wala akong alam, wala akong nakita," hindi pa rin naalis ang pang-aasar sa tono niya. "Bakit ayaw mo nalang kasing aminin?"Umiling ako at t
23"Busog pa po talaga ako, sir."Hindi ko alam kung ilang beses ko na nabigkas ang mga salitang iyon. Kanina pa kami lakad nang lakad para maghanap ng makakainan. Kanina pa rin ako umaangal at nag-aaya pauwi. Hindi na rin ako nililingon o tinitignan man lang ni sir. Siguro ay nakukulitan na dahil nga kanina pa ako nag-aaya pauwi. Mukhang nakulitan na sa akin. "Sir, totoo pong busog pa ako—"Hindi pa man ako tapos nang huminto siya at nagsalita. "Let's eat here."Napatingin ako sa tinitignan niya. Unang tingin palang ay mukhang mamahalin na agad. Hindi ko mabasa ang pangalan dahil mukhang ibang lengguwahe ang gamit. Nilingon niya ako. "Let's go." Lalakad na sana siya papasok nang pigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso. Napabitawa naman agad ako nang makaramdam ng kuryenteng dumaloy mula sa braso niya patungo sa palad ko. Ano iyon? Muli niya akong tinignan. "Why?" Inangat ko ang tingin sa kaniya at tinago ang kamay sa likuran. "B-busog pa talaga ako. U-uwi nalang po tayo bak
24"Ate, miss na miss na po kita. Uwi ka na po, ah?"Gumuhit sa akin ang lungkot nang marinig ang pagmamakaawa sa boses ni Anton. Nandito ako kina Tiya Lorna. Kanina pa ako rito, sabado naman kaya walang pasok ang mga bata at nagpalaam din ako na buong ako rito ngayon kina Tiya."Miss na rin kita," sambit ko. "Hindi pa pwede, Anton, e. Alam mo naman iyon, hindi ba?""H-hindi mo na ba ko mahal, ate? Bakit... Bakit natitiis mo kong m-malayo sa iyo?"Kusang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko man siya nakikita ngunit alam umiiyak siya ngayon na katulad ko. Kung alam niya lang kung gaano ko na kagusto umuwi para makasama siya. Ngunit para sa kaniya rin ito. Para sa kinabukasan niya."Anton—""Hindi mo na ko m-mahal, ate...?" hikbing tanong niya. "T-totoo ba iyong sabi ni tiyo? Na iiwanan mo na rin ako katulad... katulad nina Inay at Itay, ate? Hindi naman, hindi ba, a-ate? M-mali si tiyo, 'di ba?"Napatakip ako ng bibig para hindi niya marinig ang hikbi ko. Nakara
25Unang bumungad sa akin ang puting liwanag sa kisame nang buksan ko ang mga mata. Nilibot ko ang paningin at napagtanto na nasa hindi pamilyar akong silid. Hindi ito ang silid ni Tina. Nasaan ako? Kaninong kwarto ito?Dahan-dahan akong umupo sa higaan. Nanghihina ang katawan ko sa hindi ko alam na rason. Ano bang nangyari sa akin? Ang huling natandaan ko lang ay kausap ko si sir habang naghuhugas ng pinggan. Tapos no'n bigla nalang nandilim ang paningin ko at pagtapos no'n ay wala na akong maalala.Napahawak ako sa ulo nang sumakit iyon. Napapikit pa ako sa sobrang sakit. Kasunod ko ang pagbukas ng pinto."You're awake. Masakit ang ulo mo?" Hindi ko man tignan ngunit alam kong si sir ang pumasok. "Here, eat and drink this. Para gumaling ka."Lumapit siya sa akin at naglapag ng maliit na mesa sa harap ko. Umupo rin siya paharap sa akin. Tinignan ko siya. Nakasuot ito ng pajama niya na pantulog. Anong oras na ba? At nasaan kami? Bakit ganiyan ang ayos niya?"N-nasaan po tayo, sir? Ano