Share

CHAPTER 13

Hapon na nang makauwi ako sa amin. Naabutan kong nandoon na si nanay at naglalaba. Hindi ko na lamang siya inabala pa sa kanyang ginagawa dahil dumiretso na ako papasok sa bahay. Nang makapasok na ako ay dumiretso ako nang tungo sa kusina para makapagsaing na bago pa man dumating si tatay galing dagat.

Habang nagsasaing ay pinili kong linisin na rin ang lababo dahil sa dumi na mayroon iyon pati na rin ang buong kusina. Naglilinis ako nang makarinig ako ng yabag galing sa aking likuran. Dahil doon ay itinigil ko muna ang aking ginagawa para tignan kung sino iyon.

Si nanay.

"Tapos ka na, nay?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa may kalan.

"Hindi pa nga e." Sagot niya sa tanong ko sa kanya.

"Hapon na ho, ah!" Sabi ko habang tinitignan ang aking sinaing na kanin.

"Oo nga't hapon na, diba? Kaya saan ka ba nagpunta ha, anak?" Kanina lamang ay iniisip kong

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status