Share

CHAPTER 7

Agad namang pumayag si nanay nang magpaalam si Belinda at Jones na isasama nila ako sa isang pagdiriwang kaya hindi na rin kami nahirapan pa. Ang akala ko'y hindi nila ako papayagan dahil iniisip ko ang tungkol sa kanilang pinag-usapan kanina patungkol sa pamilya Buenasesca na hindi ko naman kilala.

Mabuti na lamang at mukhang wala namang kaso iyon kay nanay at bigla naman siyang pumayag doon. Matapos nilang makapagpaalam kay nanay ay agad din silang umuwi dahil maghahanda pa rin daw sila para sa gaganaping pagdiriwang mamaya at dadaanan na lamang ulit nila ako para isabay.

Bandang alas singko y medya na ng bumalik sila sa amin para daanan ako. I was wearing a simple white floral dress just above my knees partnered with my school white shoes.

Hinayaan ko lamang na nakaladlad ang itim at medyo kulot kong buhok na aabot hanggang sa aking balikat upang dumagdag naman ng kaunting komplemeto sa aking kabuoan. Nang dumating na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status