"Sino ang nagbigay sayo ng Droga?" tanong ni Leo kay Carlo Sañiego na ngayon ay nakaupo habang nakaharap sa amin. Nasa tabi nito ang payat na lalaki na mukhang takot na takot. Narito kami sa silid kung saan may maliit na selda sa gilid kung saan natulog ang dalawa kagabi. May mesang sakto ang laki na nakaharap kay Carlo Sañiego. Nasa gilid nito si Leo at nakatayo. Sina Brandon, Faith at Alexandra ay nakaupo sa upuan na nasa mesa nakaharap kay Carlo Sañiego. Ako nandito sa isang tabi at nakikinig sa usapan nila."Bakit ko sasabihin? Hindi ko gusto mapahamak ang mag-iina ko." wika nito. Tumayo si Brandon at lumapit dito."Kung makikipagkaisa ka samin. Sabihin mo kung nasaan ang mag-iina mo at ililigtas namin sila. Titiyakin namin na magiging ligtas siya sa aming pangangalaga" wika ni Brandon."Si Don Ysmael, siya ang pinaka-pinuno. Inuutusan lang ako. Narinig ko sa usapan ng mga nag-utos sakin. Kapag di daw ako sumunod at nagsumbong ako, mapapahamak ang mga anak ko pati ang asawa ko.
Pagkatapos naming maidala si Mrs Sañiego sa isang lugar na ligtas kung saan mga Agent lang ang nakakaalam. Agad kaming bumalik sa Head Quarters para sa pagsasanay. Alas tres na ng hapon ng makarating kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kaming nagtungo ni Leo sa likod ng Head Quarters kung saan saan ginaganap ang pagsasanay. May nakasabit sa gitna na isang papel na may nakaguhit na tao. Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay."Halika upo tayo doon kina Faith." yaya sakin ni Alexandra at kinuha ang kamay ko patungo sa gilid kung saan nakaupo si Faith. Iniwan ko si Leo na kausap si Harold. Umupo kami sa bakanteng silya na nasa tabi ni Faith. Lumingon sakin si Faith. Ngumiti siya sakin."Ikaw yung dinala ni Leo na sugatan diba?" tanong niya sakin."Opo, Agent. Ako nga po." wika ko sa kanya."Masyadong pormal. Just call me Faith. What's your name?" Inilahad nito ang kamay sakin at tinanggap ko iyon."Rhianna, Rhianna Evangelista." wika ko."Sandali, naiihi ako. Punta lang ako sa CR." paa
Leonardo'sPOVMinamaneho ko ang kotse papuntang Head Quarters kasama si Rhianna. Napatingin ako sa kanya habang nakatanaw siya sa labas ng bintana."Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. Sobra akong nag-alala sa kanya kagabi. Sobra kong seneryuso ang laban. Hindi ko napansin na nasasaktan na pala siya.Lumingon siya sakin. Ayon na naman ang mga tingin niya. Tinging nakakahalina. Biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko. "Ayos na ako. Salamat pala sa ginawa mong paghilot sa paa ko kagabi." wika niya tsaka ngumiti sakin. Kusang kumurba ang aking mga labi para suklian siya ng matamis na ngiti.Ibinalik ko ang atensyon sa daan. Isang linggo ang gagawing pagsasanay ni Rhianna bago kami sasabak. Ililigtas namin ang kanyang Ina at Kapatid. Ganunpaman, nandito pa rin ako sa tabi niya at handa siyang iligtas."Leo." untag sakin ni Rhianna."Bakit Rhianna?" tanong ko."May sasabihin ako." wika niya. Nilingon ko siya."Si Don Ysmael, siya ang aking amain na nagkulong samin." Naihinto ko a
Rhianna'sPOV"Leo, ikaw daw magtuturo sakin?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Paglabas ko ng Head Quarters ay nakasalubong ko si Brandon at sinabi sakin na si Leo na daw ang magtuturo sakin. Lumingon sakin si Leo saka ibinalik ang tingin sa baril na hawak. "Sa susunod nalang kita tuturuan." wika niya at tumalikod siya papuntang Head Quarters. Nasaktan ako sa sinabi niya. Dahil ba sa hindi ako nagpaalam sa kanya kaya ayaw niya na akong turuan? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahid ko iyon ng palad ko. Hindi niya ako dapat makitang ganito. Hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako. "Hi Leo, tara mag-ensayo tayo." wika ng isang tinig sa aking likuran. Boses pa lang, alam kong si Carmela ang nagsalita. Lumingon ako at nakita na palapit sa kinaroroonan ko sina Alexandra, Harold, Carmela at si Leo. Umalis ako sa kinatatayuan ko. Pupunta nalang ako sa Head Quarters at doon muna mananatili. Nang matapat ako sa kanila. Kinuha ni Alexandra ang kamay ko.
Lumipas ang isang linggong pagsasanay at natutunan ko ang paghawak ng baril. Si Leo ang nagturo sakin sa loob ng isang linggo. Ayos na din sila ni Brandon. Minabuti namin na hindi na ipaalam kay Agent Jerald ang nangyari. Pauwi na kami ni Leo galing sa pagsasanay sa Head Quarters. Nilalakbay namin ang daan pauwi, nang may mamataan akong sasakyan na kanina pa kami sinusundan. Bigla akong kinabahan."Leo, napapansin mo yung sasakyan na sumusunod sa atin?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sakin."Oo, kanina ko pa napapansin." Kinuha niya ang cellphone na nakalapatong sa dashboard. Nag-dial siya at inilagay iyon sa kaniyang tainga. Ilang segundo din ang lumipas bago siya nagsalita. Marahil sinagot ng kung sinuman ang kaniyang tawag."May sumusunod samin Harold. Nasa panganib lami. Pakiback-apan kami. Salamat." wika niya at agad na pinatay ang tawag at ibinalik ang cellphone sa dashboard."Anong gagawin natin ngayon Leo?" tanong ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi kaya galama
Namamayani ang katahimikan ng gabi. Tanging ang tunog ng aming kobyertos ang maririnig ng mga pagkakataong yun. Walang sinuman ang gustong magsalita samin. Bumuntong-hininga si Leo. Napatingin ako sa kaniya."Ang lalim nun ah." biro ko sa kanya. Tumingin siya sakin. Ibinalik ko agad ang atensyon sa pagkain bang magtama ang aming mata. Hindi ko parin kayang magtagal sa titig niya. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay."I'm want to say sorry sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako." wika niya. Bakit parang napakasakit na marinig ang mga katagang iyon sa kaniya. Na hindi bukal sa kaniya ang paghalik niya sakin. Parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Napakasakit. Napalunok ako. Hindi ko dapat ipahalata sa kaniya na naaapektuhan ako sa sinabi niya. Ayaw kong isipin niya na may gusto ako sa kaniya. Baka mapahiya lang ako."Ayos lang yun. Nadala din ako." wika ko at agad na tumayo para ligpitin ang aking pinagkainan. Tumayo na rin si Leo."Ireready ko lang mga gamit
Isang ingay ang nagpagising sakin. Iminulat ko ang aking mga mata at sinundan kung saan nanggagaling ang ingay na yun. Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. Nakita kong naghahanda ng pagkain si Carmela. Tumingin sakin si Carmela at binigyan ako ng matamis na ngiti."Good Morning Rhianna." bati niya sakin. Ayaw ko naman maging bastos kaya sasagot ako."Good Morning din Carmela." ganting-bati ko at umupo sa bakanteng upuan sa mesa. Tiningnan ko si Carmela habang naghihiwa ng mga gulay. Chapsoy ang lulutuin niya."Gusto mo bang tulungan na kita? Para mas mapadali ka." wika ko. Tiningnan siya nito mula sa ginagawa."No need ako na." wika niya at tsaka nagtungo sa kalan para magluto. Hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Mas bagay talaga si Carmela kay Leo."Gising ka na pala Rhianna." wika ni Leo na papalapit sakin. Tiningala ko siya. Bagong ligo siya. Napakagwapo niya sa suot na plain white t-shirt at gray na short. Tumango ako."Saan punta mo?" tanong ko sa kaniya."Mamamalengke kam
Rhianna'sPOVNandito kami sa silid kung saan ginagawa ang pagpupulong dahil sa susunod na araw na ang gagawin naming pagliligtas sa aking Ina at Kapatid. May pinadala na tauhan para icheck ang lugar at nakita niya na nandun pa ang aking Ina at Kapatid dahil nandun pa ang mga tagapagbantay. Pinagplanuhan namin mga dapat gawin. Syempre sinabi ko sa kanila kung saang bahagi ng bahay ang ligtas at hindi sila makikita ng mga tagapagbantay."Kailangan may kanya-kanyang partner ang bawat isa. Para mas mapabilis ang trabaho at hindi mapansin ng mga tagapagbantay ang ating presensya." wika ni Leo habang nakaharap sa kanila."Pwede tayo ang magpartner Leo?" wika ni Carmela at may kasama pang pagtaas ng kamay. Nagtaas naman ng kamay si Brandon."Kami naman ni Faith at Rhianna ang magkasama." wika niya. Napansin ko na kinuyom ni Leo ang kaniyang kamao. Subalit nawala rin iyon. Galit ba siya? Hindi ko nalang pinansin iyon."Okay. Ako at si Carmela ang magkaparehas. Brandon, Faith at Rhianna. Har