Share

Hawak-Kamay

- Rhianna'sPOV

Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Leo. Nagtungo siya kina Brandon para sa isang pagpupulong kasama si Carmela. Hindi ko maiwasan makaramdam ng paninibugho. Naiinis ako! Oo alam ko na na nagmamalasakit siya sakin pero katunayan lang iyon na wala siyang tiwala sakin! Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng saya sa aking damdamin dahil sa pagmamalasakit niya sakin.

Napagpasyahan kong magluto nalang ng hapunan para kahit papaano may pinagkakaabalahan ako. Patapos na ako sa pagluluto ng maulingan ko ang mga yabag na papalapit sakin.

"Rhianna." wika niya.

Halos nanlambot ako sa aking kinatatayuan dahil sa pagbigkas niya sa aking pangalan. Kaysarap dinggin ng tinig niya. Pakiwari ko nawala yung inis na nararamdaman ko kanina. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sakin. Nagbaba ako ng tingin dahil diko kayang salubungin ang mga titig niya. Lumapit siya sakin. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.

"Galit ka ba?" tanong niya habang papalapit siya sakin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status