Share

Kabanata 15

DALAWANG magarang sasakyan ang agad na nakaagaw ng atensyon ni Raquel. Ngunit nalipat ang tingin niya kay Aling Tonyang na ngayon ay naglalakad upang salubungin sila.

“Señorito, narito si Sir Dr–”

“Aling Tonyang,” agad na putol ni Drake sa sasabihin sana ng matanda. “Samahan mo muna si Raquel sa komedor. Ipaghanda mo siya ng merienda. Sa likod-bahay na kayo dumaan.”

Gustong tumutol ng dalaga pero agad na siyang hinawakan sa isang kamay ng matanda. Kinuha niya sa kamay ni Drake ang balanggot na punô ng bunga ng caimito at saka walang salitang tinalikuran ito.

Drake put the horse back in its stable and then walked towards the lawn where two luxury cars were parked.

Sinipat nang mabuti ng binata ang kanyang sasakyan. Bukod sa maliliit na gasgas sa ilang bahagi ng sasakyan ay wala na siyang nakitang malala na pinsala rito.

Nakapamulsang pumasok sa asyenda si Drake. Isang nakangiting lalaki ang sumalubong sa kanya.

“Zeus, pinsan!”

“Watch your mouth,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status