DUMISTANSIYA si Raquel kay Drake pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nilang halik. Hindi na rin siya sumasabay rito kapag kumakain. “Iniiwasan mo ba ako?” minsa'y tanong sa kanya ni Drake. Imbes na sagutin ang tanong ng lalaki ay tinalikuran niya lang ito. Tumanggi na rin siyang sumama sa pamamasyal sa lalaki. Pati na sa pangangabayo. Naging mailap siya rito. Dapat sana ay naging ganito siya noon pa mang una silang magkita. Naging ugali na niyang manatili sa gubat kapag walang ginagawa. Ayaw niyang manatili sa asyenda. Ayaw niyang laging nakikita si Drake. Pero hindi rin naman siya nakatiis. Tulad ngayon. Nakatalungko siya sa bintana ng kuwartong kanyang tinutuluyan at mula roon ay tanaw ang flower and vegetable plantation. Inaasahan niyang makikita niya ang lalaki pero bigo siya. Nasaan kaya si Drake? tanong niya sa isipan. Nagpasya siyang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa plantation. Gusto niyang pagmasdan nang malapitan ang mga bulaklak. Malapi
MABILIS na tumayo si Raquel nang bitiwan siya ni Drake. Isang lalaki ang nakita niyang nakatayo sa bungad ng komedor. Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa nakitang ayos nila kanina ni Drake. Ngayon lang niya ito nakita sa asyenda. Nahihiyang nagyuko ng ulo ang dalaga. “Draegan, what are you doing here?” tanong ni Drake sa lalaki. “Masama bang dalawin kita?” balik-tanong nito kay Drake. May nakapaskil na ngiti sa mga labi nito. Tumingin ito sa dalaga. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa pagitan ng dalawang naggugwapuhang nilalang. Kaya naman walang kibo na lumabas siya ng komedor. Pumanhik siya sa ikalawang palapag. At nang makapasok siya sa tinutuluyang kwarto ay naging balisa siya. Patuloy na umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ni Drake. Hindi niya mahal si Arthur kaya hindi niya ito dapat pakasalan. Alam ni Drake ang tunay niyang nararamdaman. Tila ba nakikita at nababasa nito ang saloobin niya. Ngunit ano ang mangyayari sa kanya kung su
YAKAP ni Raquel ang sarili habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan mula sa balkonahe. Ayaw siyang dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa kanyang isipan. Paulit-ulit na pinapaalala niya sa sarili na tama lang ang desisyon niyang piliin si Arthur kaysa si Drake. Tunay ngang siya ay umiibig na sa estranghero. Kaya nga nakadama siya ng kawalan. Tuluyan nang mawawala si Drake sa buhay niya. Hindi na niya ito makikita. Dahil… dahil naisip niyang umalis na ng San Ruiz. Kung hahayaan lang sana niya ang sarili na maging hibang kahit sa isang gabi lang. Kung mapapasakanya lang sana si Drake kahit sa isang sandali. Raquel, narinig niyang bulong ng hangin sa pangalan niya. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang humaplos ang boses ni Drake kasabay ng malamig na dapyo ng hangin. Imahinasyon lang niyang tinatawag nito ang pangalan niya. Na yayakapin siya nito upang pawiin ang lamig na nararamdaman. “Aren’t you cold?” tanong muli ng isang tinig. Subalit sa pagkakat
ALAM ni Raquel na dapat pigilan niya si Drake. Ngunit tila tinutunaw ng bawat halik nito ang natitira pang katinuan niya. At wala siyang ibang mapagpilian kundi ang tugunin ang halik nito. Imbes na itulak palayo ay hinila niya ito palapit. Imbes na putulin ang halik ay tinugon niya ito ng may katumbas na pananabik. Now that they were in bed and Drake seemed intent on kissing every part of her body, she did nothing but kiss him too. Ang hawakan ang kung anumang maabot ng kamay niya at haplusin iyon. His kisses were making her mindless, but not so that she would forget how she wanted to touch him back. May ibinulong ito sa pagitan ng paghalik sa kanyang leeg ngunit ‘di niya maintindihan. Napakislot siya nang maramdaman ang mainit nitong kamay na nasa ilalim ng kanyang kamiseta. She gasped when she felt his hand carefully unhook her bra and throw it on the floor. He then cupped her breast, his mouth trailing kisses from her neck to her jaw then back to her lips. Salitan ni
WALANG maayos na tulog kagabi si Raquel dahil maraming gumugulo sa kanyang isipan. At ngayon ay sumisilip na si Haring Araw, natatanaw niya iyon mula sa nakabukas na bintana. Tahimik siyang lumuluha habang nakahiga sa kama. Sa labas ng kanyang kwarto ay naririnig niya ang boses ni Drake na kausap si Aling Tonyang. Alam niyang inaasahan ni Drake na pormal siyang magpapaalam dito. Kagabi lang ay magkaulayaw sila sa kama ng binata at ngayon naman ay hindi magawang magpakita nang umiiyak siya. Hindi pa rin niya binuksan ang pinto kahit makailang ulit siyang nakarinig ng katok. “Narito na ho ang susi, señorito.” Boses ni Aling Tonyang ang narinig niya. “Salamat. Kakausapin ko lang ho si Raquel.” Nakarinig si Raquel ng katok kasunod ng pagbukas ng pinto. Hindi na niya kailangan lumingon pa upang malaman kung sino ang tao roon–si Drake. “I know you're awake, Raquel.” “Umalis ka na,” wika niya sa matamlay na boses. Lihim niyang pinahid ang luha sa mga m
HINDI mabilang ni Raquel kung ilang beses na siyang bumuntong hininga. Araw-araw na lang ay naroon siya sa bintana ng kwartong tinutuluyan at nakatanaw sa labas. Isang linggo nang lumipas mula nang umalis si Drake upang pumunta sa ibang bansa. Ang tanga nga niya, hindi man lang naitanong kung saang bansa ito patungo. Nabanggit sa kanya noon ni Aling Tonyang na may bahay sa San Ruiz si Drake. Gusto niya itong tanungin tungkol sa binata ngunit nagdadalang hiya naman siya. Ikakasal siya kay Arthur tapos magtatanong siya rito ng tungkol kay Drake. Ano na lang kaya ang iisipin sa kanya ni Aling Tonyang? Kaysa tanungin ang matanda ay nagpasya na lang siyang araw-araw mag-abang sa bintana. Umaasa siyang isang araw ay makita niya ang kotse ni Drake na paparada sa malawak na lawn at bababa ito. Pinaniwala niya ang sarili na tutuparin nito ang pangakong babalikan siya. Nagulat siya nang makarinig ng katok sa pinto. Inaasahan niyang si Aling Tonyang iyon. “Buk
HINDI alintana ni Raquel ang sikat ng araw. Enjoy na enjoy siya sa pagha-harvest ng mga gulay ng napakalawak na vegetable plantation. Maituturing na maganda nga namang investment ang pagpapatayo ng farm sa isang probinsya. Kahit na kaakibat man nito ang hirap at mahabang proseso, magiging maganda pa rin ang bunga nito. Tulad na lamang ng kasabihang ‘kapag may tiyaga, may nilaga’. Kaya naman pala pursigido si Arthur na gawing flower farm ang malawak nitong lupain sa Baguio. Hindi pa nga lang nito masimulan dahil ginigipit ito ng kapatid na si Zeus Del Prado. At tanging pagpapakasal lang nito sa kanya ang naisip na solusyon upang makuha ang malaking halaga ng pera na ipinamana rito ng namayapang ina. Nabaling ang tingin niya sa dalawang tauhan ng plantation. Kasama ng dalawang lalaki ang kani-kanilang katipan. Kahit abala sa mga ginagawa ay naisisingit naman ng mga ito ang paglalambingan. Naiinggit siya. Kung babalik marahil si Drake ay magiging masaya siya. Gabi
KANINA pa paikot-ikot si Raquel sa loob ng kwarto pero hindi mahanap ang kanyang sketchpad. Nabaling ang tingin niya sa pinto nang makarinig ng katok. “Pasok,” sabi niya. Dumapa siya sa sahig upang silipin ang ilalim ng kama. “Raquel, kanina pa kita hinihintay sa sala. Ano ba–” Hindi natapos ang sasabihin ni Arthur nang makita ang ayos ng dalaga. “Hey, may hinahanap ka ba?” “Oo,” sagot ni Raquel sabay tayo. “Hindi ko makita ang sketchpad ko.” “Marami namang mabibiling sketchpad sa Manila. Pagdating natin doon ay ibibili kita nang marami.” “Hindi lang ‘yon basta sketchpad.” Nasapo niya ang sariling noo at disappointed na umupo sa gilid ng kama. “Sa sketchpad na iyon ang final na iginuhit kong dream house namin ng kapatid ko.” “Oh, I’m sorry,” mukhang sincere naman sa sinabi nito ang lalaki. “Pwede ka naman gumuhit ulit. Pagkatapos ng ating kasal titira na kayong magkapatid sa bahay ko sa Baguio. Handa akong tulungan ka na matupad ang dream house n’yo