MULA sa pagdalaw kay Mark sa ospital ay tumuloy si Raquel sa Baguio. Pagpasok niya sa villa ay nagulat siya nang makita ang dalawang kasambahay na pababa ng hagdan at bitbit ang mga maleta niya. “Akin ang mga ‘yan, ah?” Tukoy niya sa mga maleta. “Saan n’yo dadalhin ang mga ‘yan?” “Ma’am, sabi po ni senyorito, 'pag nakabalik ka ng villa puntahan mo raw siya sa library,” sa halip ‘yon ang sinagot sa kanya ng isang kasambahay. Napakurap siya. Nasundan niya pa ng tingin ang dalawang kasambahay na ngayon ay patungo sa maluwag na sala. Isang buntong hininga ang kumawala sa lalamunan niya. Mahigpit ang hawak niya sa handrail ng hagdan bago nagsimulang humakbang. Nang marating ang library, kumatok muna siya bago pinihit ang seradura. Nakita niyang kausap ni Arthur si Dianna. “She’s here,” si Dianna. “Mabuti at dumating ka na,” ani Arthur na puno ng pag-aalala ang mukha. “Ipinahanda ko ang mga gamit mo. Kailangan mong umuwi sa San Ruiz ngayon din.” “San Ruiz?
NANG makarating si Raquel sa city limits ng Baguio City, dumilim ang langit. Tila uulan, naisip niya. Kailangan siyang magmadali dahil ayaw niyang abutin ng malakas na ulan sa zigzag roads ng Mountain Province. Hindi niya kabisado ang daan, umaasa lang siya sa waze map. Nakalampas na siya sa zigzag pero pababa at pataas pa rin ang makipot na mga daan. Nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan at malalaki ang mga patak nito sa windshield ng kotse. Mula sa loob ng sasakyan ay narinig ni Raquel ang kulog at nakikita niya rin ang paminsan-minsang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Natensyon siya. Ninais niyang sana ay naroon siya sa ospital kasama ang kapatid. Binabantayan ito habang gumuguhit sa kanyang sketch pad. O kaya ay nagbabasa ng isang horror story na akda ni Miss Contessa. Hindi talaga siya mahilig magbasa ng love story, wala naman siyang love life. Biglang gumuhit sa kanyang isipan si Zeus. Damn him! Ito ang may kasalanan kaya naroon siya ngayon sa gitn
NALIGO si Raquel at nagpasalamat siya dahil may cold and hot water sa shower. Napakaginaw ng panahon at tiyak na mangangatog siya kapag malamig ang ipinaligo niya. Binuksan niya ang isang maleta at kumuha ng isusuot. Nagbihis siya ng pambahay at nagsuot ng sweater. Inilipat niya sa dresser ang mga damit niya. Pagkatapos ay saka pinagmasdan muli ang loob ng kuwarto. Malinis ang bedsheet at pillowcases. Parang laging nakahanda ang mga ito sa magiging panauhin. Lumabas siya ng kuwarto at pumanaog. Nalanghap niya ang masarap na aroma ng pagkain. Sinundan ng pang-amoy niya ang pinanggagalingan nito. Bigla siyang nagutom nang makita ang pagkain sa mesa. Pakbet, inihaw na isda at ensaladang talbos ng kamote na may ginayat na kamatis at sibuyas. May ginisang bagoong alamang pa. “Hmmm, ang sarap ng mga ito, Aling Tonyang!” “Ganyan lamang kasimple ang mga ulam dito sa kabundukan. Isda, gulay. Pero may alagang mga manok at baboy kami. Kabuhayan na binigay sa ‘m
PINAGMASDAN ni Raquel ang lalaki. Marahil masakit pa rin ang mga mata nito dahil nakayuko. Tumatabing sa mukha ng lalaki ang buhok nito na hanggang balikat ang haba. Nakasuot ito ng V-necked shirt na pinatungan ng black leather jacket at jeans na hindi niya matukoy kung color navy o black dahil medyo may kadiliman sa kinaroroonan nila. “Akala mo siguro magtatagumpay ka sa maitim mong binabalak ‘no?” “What are you talking about?” Galit ang tono ng boses ng lalaki. Nag-angat ito ng mukha at hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga mata. Adonis! hiyaw ng kanyang isipan. In Greek mythology, Adonis was the god of beauty and desire. Napalunok siya. Nakakapang lambot ng tuhod ang mga mata nito kapag tumitig. Hindi niya tuloy maiwasan titigan ang gwapong mukha ng lalaki. Matangos ang aristokratong ilong nito, mamula-mula ang mga labi. Maya’t mayang lumilitaw ang biloy nito sa kaliwang pisngi dahil sa pabago-bagong ekspresyon ng mukha. “Aren't you do
NANG masigurong naka-lock na ang pinto ay pumanhik na sa ikalawang palapag si Raquel. Maingat ang bawat hakbang niya dahil madadaanan muna ang kuwartong tinutuluyan ni Drake bago ang sa kanya. Ano ‘yon? naisatinig niya sa isipan. May narinig siyang malakas na kalabog mula sa loob ng kwarto. Hindi na siya nagdalawang isip na kumatok. “Drake?” tawag niya rito at dinikit ang tenga sa nakapinid na pinto. “May narinig akong ingay sa loob ng kwarto mo. Ano’ng nagyayari sa ‘yo?” Panay-panay na ang katok niya dahil walang tugon mula sa lalaki. Hinawakan niya ang door knob at pinihit ito. Hindi naka-lock kaya tinulak niya ang pinto. Sumalubong sa kanya ang kadiliman. “Drake?” muling tawag niya sa pangalan ng lalaki. Kinapa niya ang dingding sa pag-asang mahawakan ang switch ng ilaw. Natuwa siya nang madama ng kanyang palad ang hinahanap. Pinindot niya ang switch at kumalat ang liwanag sa loob ng kwarto. Nakita niya si Drake na nakahiga sa carpeted floor, nangingin
INABOT ni Raquel ang tableta kay Drake. Niligpit niya ang pinagkainan ng lalaki. Tumayo siya at humakbang patungo sa pintuan. “Raquel,” tawag nito sa kanya. Nilingon niya ito. “Bakit?” “Salamat sa pag-aasikaso mo sa ‘kin.” Ngumiti ito. Para siyang nahihipnotismo habang nakatitig sa mukha nito. Iyon na yata ang pinakamagandang ngiting nakita niya. Kung gwapo ito sa paningin niya kanina ay mas naging gwapo pa ito. Mahirap paniwalaan na ang supladong lalaki ay marunong ngumiti at marunong ding magpasalamat kahit sa simpleng ginawa niya. Ginantihan niya ito ng ngiti. “Walang anuman.” Nang lumabas siya sa kwartong ‘yon ay sandaling tinitigan niya ang nakapinid na pinto. Hindi niya maunawaan ang sariling damdamin. Hindi siya basta-bastang na-a-attract sa pisikal na anyo ng isang lalaki. Pero iba si Drake… Mahinang sinampal niya ang kanang pisngi. Hindi niya dapat maramdaman ‘yon lalo na’t ikakasal na siya kay Arthur. Isa’t kalahating taon ang kontra
NAKASUOT si Raquel ng jeans at sweater. Mabuti na lang at dala-dala niya ang kanyang paboritong sneakers, ‘yon ang isinuot niya. Nakasuot ng denim at checkered long sleeved polo shirt si Drake nang magkita sila sa hardin at akay nito ang isang malaking kabayong kulay itim. “Si Hagibis,” sabi ng lalaki na hinimas ang likod ng kabayo. “Mabait ito at marunong sumunod.” Binuhat siya ni Drake at isinakay sa likod ng kabayo. Sumampa na rin ito at pumuwesto sa likuran niya. Nagtungo sila sa gilid ng pinakamalapit na bundok at pumasok ang kabayo sa isang gubat. “W-wala bang wild animals dito?” nababahalang tanong ni Raquel. “May mangilan-ngilan na baboy-ramo, nagtatago ang mga ito kapag may nangangabayo rito. But there are many wild birds and wildflowers here.” Parang paraiso ang lugar na iyon na punô ng pine trees and wildflowers. May munting batis silang nadaanan hanggang sa makarating sila sa isang waterfall. “Isang paraiso ito, Drake!” naibulalas ni
DALAWANG magarang sasakyan ang agad na nakaagaw ng atensyon ni Raquel. Ngunit nalipat ang tingin niya kay Aling Tonyang na ngayon ay naglalakad upang salubungin sila. “Señorito, narito si Sir Dr–” “Aling Tonyang,” agad na putol ni Drake sa sasabihin sana ng matanda. “Samahan mo muna si Raquel sa komedor. Ipaghanda mo siya ng merienda. Sa likod-bahay na kayo dumaan.” Gustong tumutol ng dalaga pero agad na siyang hinawakan sa isang kamay ng matanda. Kinuha niya sa kamay ni Drake ang balanggot na punô ng bunga ng caimito at saka walang salitang tinalikuran ito. Drake put the horse back in its stable and then walked towards the lawn where two luxury cars were parked. Sinipat nang mabuti ng binata ang kanyang sasakyan. Bukod sa maliliit na gasgas sa ilang bahagi ng sasakyan ay wala na siyang nakitang malala na pinsala rito. Nakapamulsang pumasok sa asyenda si Drake. Isang nakangiting lalaki ang sumalubong sa kanya. “Zeus, pinsan!” “Watch your mouth,