LOGINAshley’s POV
Pauwi na ako ng bahay. Tulad ng inaasahan ko, aalis si Dad… papunta sa kabit niya. Pero syempre, ang sabi niya ay business trip. At ako naman… naniwala noon. Ngayon? Hindi na. Tahimik kong nilagyan ng tracking device ang sasakyan niya. Kailangan kong malaman kung saan niya itinago ang kabit niya at ang anak nito. “Honey, take care,” malambing na sabi ni Mom. Niyakap siya ni Dad at hinalikan sa noo. Napangiwi ako. I want to vomit. Paano niya nagagawang umasta na parang wala lang? Parang wala siyang tinatago? Galit na galit pa rin ako sa kanya. Sa previous life ko, wala pang isang linggo matapos mailibing si Mom… inuwi niya agad ang kabit niya sa bahay na ito. At ako? Tinanggap ko lang. Mahina ako noon. Tahimik. Duwag. But not anymore. Ngayon na bumalik ako… pagbabayarin ko silang lahat. Umalis na si Dad sakay ng sasakyan niya. Agad akong umakyat sa kwarto ko at binuksan ang laptop. Nakatitig lang ako sa GPS tracker. Saan mo kaya tinatago ang kabit mo? After an hour, huminto ang sasakyan sa isang private villa. Napangisi ako. Worth millions. Wow. Kaya mong gastusan ang kabit mo ng milyon… pero hindi mo man lang madala si Mom sa isang mamahaling restaurant? What a good husband. What a great father. How shameless. Napatawa na lang ako sa sarili ko, saka napabuntong-hininga. Hindi ito ang oras para maawa. It’s time to work. Nagbihis ako agad at lumabas ng bahay. “Mom, alis lang ako saglit.” “Saan ka pupunta, anak?” “May bibilhin lang po. See you!” “Okay, take care.” Hindi na ako nagdala ng sariling sasakyan. Ayokong mahalata ni Dad. Pumara ako ng taxi. Pero bago pa ako makasakay, may isang sasakyan ang huminto sa harap ko. Kilalang-kilala ko ang kotse na ‘to. At ang taong nasa loob. Biglang nag-init ang dugo ko. Xander. Ayoko siyang makita. Hindi ngayon. “Hi, Ash. Want a ride? Where are you going?” nakangiti niyang tanong. Sa timeline na ito… hindi pa kami. Nanliligaw pa lang siya. Sinagot ko siya noon dahil “sinagip” niya ako nang muntik na akong mahulog sa hagdan. But now I know… May nagtulak sa akin noon. “Thanks, but no thanks,” malamig kong sagot. “And by the way… don’t show up in front of me again. Don’t pester me. Kahit mamatay pa ako… hinding-hindi magiging tayo.” Iniwan ko siya at naglakad palayo. Wala akong oras para sa kanya. Pero sumunod pa siya. “I said stay away from me!” sigaw ko, halatang iritado. “Hey, relax. Ang laki naman ng galit mo sa’kin. I don’t even know what I did,” sagot niya. Hindi ko siya pinansin at naglakad ulit. Pero hinawakan niya ang kamay ko. “I said… don’t touch me.” Tiningnan ko siya ng masama. Nagulat siya sa reaction ko, pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Akmang sisipain ko na sana siya… Biglang may humawak sa braso niya… at malakas siyang naitulak palayo. “She said don’t touch her.” Napalingon ako. Isang lalaki ang nakatayo sa likod ko. Nakahawak siya sa bewang ko, hinila ako palapit sa kanya. Napatigil ako. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya. Napaka gwapo. Wait… Kilala ko siya. Siya ‘yung lalaking kausap ng director kanina. “Hey! Who are you?” galit na tanong ni Xander. “Me?” malamig niyang sagot. “You don’t deserve to know my name. So f*ck off.” May kakaibang bigat ang presensya niya. Nakakatakot. At makapangyarihan. Hindi na nakipagtalo pa si Xander. Umalis na lang siya. Doon ko lang napansin… Nakahawak pa rin siya sa bewang ko. Agad ko siyang tinulak. “Thanks… but don’t meddle in my business again,” sabi ko habang diretso ko siyang tinitigan. Gosh… Bakit ako namumula? Hindi ito ang oras para dito. “He’s your business?” tanong niya. “I don’t think so. But…” Lumapit siya. Hinawakan niya ang isang hibla ng buhok ko habang nakangiti. What a psycho. Inirapan ko siya. “As I said… none of your business.” Ngumiti siya nang bahagya. “That’s how you treat your future husband?” Napakunot ang noo ko. Future husband? May sira ba siya? Sa previous life ko, iisa lang ang naging fiancé ko… At ayoko nang maulit ‘yon. Tinitigan ko siya. Gwapo. Mukhang mayaman. At halatang hindi basta-basta. Not bad. Ngumiti ako at inilapit ang mukha ko sa kanya. Hinaplos ko ang dibdib niya. “Oh? My dear future husband… nice to meet you. You’re so good-looking,” bulong ko. “What if… gusto kitang gawing ama ng magiging anak ko?” Napalunok siya. Mukhang hindi niya inaasahan iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at isinandal ako sa sasakyan niya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa balikat niya. At bigla… Hinalikan niya ako. Nagulat ako. Pero hindi ako nagpatinag. Sinagot ko ang halik niya. After a moment… Pareho kaming napahinga. Nagtama ang mga mata namin. At sa unang pagkakataon… Napangiti ako. Mukhang… mas magiging interesting ang buhay ko sa pagkakataong ito. “Huh… nice kiss. Parang marami ka nang babaeng nahalikan, Mr. Handsome,” pang-aasar kong sabi. Ngumiti lang siya. “What if I told you… this is my first kiss? Can you take responsibility?” Napataas ang kilay ko. First kiss? As if naman maniniwala ako. “This is my first kiss too,” sagot ko, diretso sa mata niya. Tinitigan niya ako. “You said you want to have a child with me, right?” tanong niya. “Yeah… so what?” walang pakialam kong sagot. Gusto ko lang… bumalik ang anak ko. Kung pipili ako ng lalaki… he’s the best choice. “I want to… but…” Lumapit siya at marahang hinaplos ang mukha ko. “You’re not in the right condition yet,” seryoso niyang sabi. “Your body is still weak. And based on your recent medical record… you can’t risk getting pregnant for now.” Napatigil ako. Ah… that’s right. In this life, kagagaling ko lang sa aksidente. My body isn’t fully recovered yet. If I get pregnant now… it could endanger both me and the baby. “I can wait,” dagdag niya. “Hanggang maging okay ka.” What a… strange man. Pero may punto siya. “So, Mr. Handsome… can you do me a favor?” tanong ko. “Yes,” sagot niya agad. “But what can you give me in return?” Napairap ako. “Hey! You took my first kiss. That’s enough.” “But you also took mine,” ngisi niya. Napabuntong-hininga ako. “I can’t argue with you… fine. What do you want?” “I want you to marry me.” Napatulala ako. For God’s sake. We just met a few hours ago… tapos proposal agad? May sira ba ‘to? “No, thanks. Magta-taxi na lang ako.” “Walang dadaang taxi dito,” kalmado niyang sagot. “Maghihintay ka hanggang gabi.” “Okay lang. Kesa naman magpakasal sa’yo.” Ngumiti siya nang bahagya. “Fine. I won’t pressure you. Ihahatid na lang kita.” Napaisip ako saglit… saka sumakay sa kotse niya. Wala naman akong choice. “Saan ba ang punta mo?” tanong niya. Ibinigay ko ang address. Tahimik kaming bumiyahe. Pagdating namin, agad kong kinuha ang binoculars ko at tumingin sa villa. At doon… Nakita ko sila. Masayang nag-uusap sa sala. My dad… and his mistress. “Is that your dad?” tanong niya. Hindi ko siya sinagot. “By the way, Mr. Handsome… what’s your name?” tanong ko. “You’ll know tomorrow,” sagot niya. Napailing na lang ako. Nakakaubos ng brain cells makipag-usap sa taong ‘to. Habang nakatingin ako sa binoculars, napansin kong may hawak din siyang binocular. Weird. “Another favor, Mr. Handsome,” sabi ko. “Gusto kong pumasok sa bahay nila, pero hindi ko magawa dahil nasa sala sila. Can you divert their attention?” “Anything you want… wife,” sagot niya na may ngiti. Inirapan ko siya. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. Ilang segundo lang ang lumipas… Biglang lumabas si Dad at ang kabit niya, parang may hinahabol o pupuntahan. Napanganga ako. Ang bilis naman. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong lumabas ng kotse at pumasok sa villa. Pero bago iyon… Pinatay ko muna ang lahat ng CCTV. In my previous life, tinuruan ako ng tito ko kung paano mag-hack. At ngayon… Magagamit ko na iyon. Tahimik akong ngumiti habang papasok sa loob. Nakapasok na ako sa loob ng bahay. Mabilis akong kumilos. Nag-install ako ng mga hidden camera… sobrang liit, halos hindi mapapansin. Naglagay din ako ng wireless connection sa mga cellphone nila. Buti na lang at naiwan nila ang mga phone nila sa sala. Perfect. Ngayon, malalaman ko na ang bawat usapan nila. Malalaman ko kung ano ang mga plano nila… At kung paano nila pinatay si Mom sa previous life ko. Habang nag-iikot ako, may napansin ako sa gilid ng mesa. Isang picture frame. Biglang sumikip ang dibdib ko. Unti-unting namuo ang galit sa puso ko. Kinuha ko iyon. Isang family picture. Sa amusement park. Nandoon si Dad… kasama ang kabit niya… at ang bastarda niyang anak. Masaya silang nakangiti. Buhat ni Dad si Jaine habang nakaakbay siya sa kabit niya. Parang… sila ang totoong pamilya. Napahigpit ang hawak ko sa frame. May nakalagay na date. At doon tuluyang nagdilim ang paningin ko. That was my 7th birthday. Noong araw na ‘yon… wala si Dad. Sabi niya, nasa business trip siya. Umuwi siya gabi na… tapos na ang birthday ko. May dala siyang regalo. At ako? Hindi ako nagtampo. Kasi naniwala ako sa kanya. Umaasa ako… Na kahit papaano, buo pa rin ang pamilya namin. Pero ang totoo… Kasama niya pala ang kabit niya at ang bastarda niyang anak. Masaya silang namamasyal sa amusement park… Habang ako… naghihintay sa kanya sa sarili kong birthday. Napapikit ako. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Sa sobrang galit, kinuha ko ang picture sa frame. At pinunit iyon. Isa-isa. Hanggang sa tuluyan itong mapunit. Tinapon ko sa sahig. Hindi pa ito sapat. Hindi pa ito kahit simula ng paghihiganti ko. Umalis na ako ng bahay bago pa sila makabalik. Paglabas ko, sakto naman ang pagdating nila. Narinig ko ang sigaw ni Jaine mula sa loob. “Nooooo! This is my only picture with Dad when I was a child! Sino ang gumawa nito?! Ahhhh!” Napangiti ako. Well…. Kulang pa ‘yan sa lahat ng ginawa niyo. It’s only an appetizer. Wala pa ang main dish. Wait and see. … Sumakay na ako sa kotse. Nakita kong nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinubad ang jacket ko. “Ano na naman ang ginawa mo, little wild cat?” tanong niya, amused. “Nothing… nagbawas lang ng sama ng loob,” sagot ko. “You need help? I can give you a hand.” “No, thanks. I can handle it.” Tahimik na ulit ang paligid. Ilang minuto lang… Nakarating na kami sa bahay. “What an awful day…” bulong ko sa sarili ko habang bumababa ng sasakyan. Pero sa kabila ng lahat… Napangiti ako. Kasi alam ko… This is just the beginning.Ashley's POV I need to know the truth.Pero bago ang lahat, kailangan ko munang makahanap ng ebidensya.Hindi ako basta-basta maniniwala dahil lang sa panaginip.Paano kung imagination ko lang lahat?Paano kung gawa-gawa lang ng utak ko?Nandito ako ngayon sa kwarto ni mom.Wala siya rito.Nasa mall sila ni Liam.Hindi ako sumama dahil may kailangan akong gawin.Maghahanap ako ng patunay kung si Uncle Airam ba talaga ang tunay kong ama.Syempre, hindi ko sinabi kay mom ang totoong dahilan.Sinabi ko lang na pupunta ako kina Clover.Binuksan ko isa-isa ang mga drawer at cabinet.Pero wala akong makita.Napabuntong-hininga na lang ako.Biglang nahulog ang isang libro mula sa shelf.Pinulot ko ito at ibabalik sana nang may napansin ako sa loob.Isang litrato.Nanginig ang kamay ko habang tinitingnan iyon.Yung lalaki…Si Uncle Airam.At yung babaeng kasama niya…Kamukha ko.Hindi…Hindi ako ’to.Mas matanda siya ng kaunti.Pero halos pareho kami ng mukha.Nanlabo ang paningin ko.“Is sh
Ashley's POV Teka…Nasaan ako?Napatingin ako sa paligid.Nasa labas ako ng bahay.Hindi lang basta bahay…Ito yung dating bahay namin ni Xander.Bumigat ang dibdib ko.May sasakyan sa di kalayuan.Naka-park.Napakunot-noo ako.Hindi ba… kotse yun ni Dave?Anong ginagawa niya dito?Dahan-dahan akong lumapit.“Dave?”tawag ko.Pero parang walang nangyayari.Hindi niya ako nakikita.Hindi niya ako naririnig.Parang… wala ako roon.Bigla akong may nakitang lumabas…Ako.Mas bata.Mas… ibang-iba.At malaki na ang tiyan.Nanlamig ako.Tinitingnan ko ang sarili kong alaala.At si Dave…Nakatayo sa harap ko.“Ashley…”mahina niyang sabi.“I'm sorry.”May lungkot sa mata niya.“I know you are happy…”Huminga siya nang malalim.“But if you need me in the future… I will come to rescue you.”“May pamilya ka na ngayon.”Ngumiti siya nang pilit.“I’m happy for you.”Parang may sumaksak sa dibdib ko habang pinapanood ko siya.Hindi ko alam na…Sinusundan niya pala ako noon.Tahimik.Palihim.Haban
Jaine's POV Nandito ako ngayon sa sala habang magulo ang isip ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Alam ko naman sa simula pa lang na minahal lang ako ni Xander dahil akala niya ako ang nagligtas sa kanya noon.Pero iba na ngayon.Alam na niya ang totoo.At mas lalong nakakatakot…Paano kapag nalaman niyang hindi naman talaga ako buntis?Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.Wala akong choice kundi magsinungaling.Wala naman akong mapupuntahan.Biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako at nakita si Xander.May kasama siyang babae.Agad uminit ang ulo ko.“Who the hell is she?”Galit kong tanong.Pero ni hindi niya ako tinignan.Tinulak niya lang ako palayo.“Stay away from me.”Malamig niyang sabi bago dumiretso sa kwarto.Nanlaki ang mata ko sa galit.“Heeey! Xander, you bastard!”Sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.Sinipa ko pa ito pero naka-lock na.What the heck is wrong with this guy?!Pero kailangan kong magtiis.Kailangan ko lang makuha ang pera niya at makaalis kami
Ashley's POV Naghanda na ako para harapin sina Xander at Jaine.Pumunta ako sa entertainment company ni Xander. Pagkarating ko pa lang, kita na agad ang gulat sa mga mukha nila.Hindi nga ako nagkamali.Dinala nga ni Xander si Jaine sa company, at lihim pa pala silang nagpakasal behind his parents’ back. At ngayon, taas-noo pang humaharap si Jaine sa mga tao kahit kaliwa’t kanan ang issue tungkol sa kanya.At ang mas nakakainis?Doon pa sila nakatira sa dati naming bahay sa previous life ko.Pero hindi na ako nagtaka. Si Xander naman ang pumili ng bahay na iyon noon.And now…Siya at si Jaine na ang nakatira doon.How nice.“What are you doing here, Ashley?”tanong ni Xander.Kita ko naman ang galit sa mukha ni Jaine habang nakatingin sa akin.“This company belongs to me now.”Diretso kong sagot.“What?! Are you insane?”gulat na tanong ni Jaine.Napangiti lang ako.“You have a debt to pay three times the amount, right?”Agad lumaki ang mata ni Xander.Dumating na rin ang taong inutu
Ashley's POV Final evaluation week na namin sa company, at after nito one week na lang ay gaganapin na ang annual Recognition Night ng media company namin.Nandito kami ngayon sa conference room at magkakalayo ang mga upuan namin. May namigay naman ng evaluation papers at reporting tasks. Ilang gabing puyat din ang ginawa ko kakahanda para rito. Buti na lang at magaling magturo si Dave.Napangiti naman ako nang makita ko ang mga task dahil lahat ng ito pinag-aralan at pinagpraktisan ko na. May article analysis, live reporting simulation, at investigative writing test. After one hour, natapos na naming sagutan ang first set ng evaluation.Finally, break time.Mamaya kasi may dalawa pa kaming practical assessments.Pumunta na kami ni Clover sa cafeteria. Napakapayapa kapag wala si Jaine. Sina Lesley naman at mga minions niya hindi na ako ginugulo, pero hindi rin kami nagpapansinan. Ok na ‘yon kaysa guluhin nila ako. Wala naman silang atraso sa akin sa previous life ko, mahilig lang tal
Xander's POV Viral ngayon si Jaine sa social media.Ginawa siyang katatawanan… pinagtatawanan, nilalait, at kinukutya ng mga tao. Marami ring galit sa kanya. Pati sa media company kung saan siya nagta-training bilang junior reporter, hindi na siya tinanggap… na-expel pa siya dahil sa scandal.Naawa ako sa kalagayan niya.Nandito kami ngayon sa hospital. Nag-file ako ng kaso laban kay Mrs. Santos dahil sa pananakit niya kay Jaine… pero agad din itong na-dismiss. Binayaran lang nila ang mga connections nila.Mahirap talagang kalabanin ang mga taong may impluwensya.Kahit nalaman kong may ibang lalaki si Jaine… wala akong pakialam.Mahal ko pa rin siya.Para sa akin, siya pa rin ‘yung batang nagligtas sa akin noon.Naniniwala akong mahal niya rin ako.At hangga’t nasa tabi niya ako… maaayos namin ang lahat.“Xander…”Mahina niyang tawag habang kakagising lang.Agad ko siyang niyakap.“Don’t worry, Jaine. Nandito ako. Hindi kita pababayaan.”Mahigpit kong sabi.Makalipas ang isang linggo







