LOGINAshley’s POV
Kinabukasan, pumunta agad ako sa office. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kailangan kong palaguin ang negosyong iniwan ni Grandpa. Hindi ko na inabala si Mom para turuan ako. Malinaw pa rin sa isip ko ang lahat ng itinuro niya sa akin noong past life ko. Ginamit ko ang suspension ko para sa pagkakataong ito. Wala na akong oras para magpahinga. Hindi ako pwedeng magkamali. After one week… Natapos ko ang lahat. Mas mabilis kong napalago ang business kumpara sa past life ko… na inabot pa ng ilang taon. Ngayon? Isang linggo lang. May mga investors na rin akong nakuha… mga taong pinagkakatiwalaan ko na noon pa. Knock. Knock. “Come in,” sabi ko. Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae. Tumingin ako sa kanya. I know this girl. Isa siya sa mga empleyado ni Dad. At isa rin siya sa mga nagtraydor sa akin noon. Si Dad mismo ang nag-recommend sa kanya sa akin. “Ma’am, this is my resume po,” sabi niya. “Sit down,” kalmado kong sagot. “You can start tomorrow.” Nanlaki ang mga mata niya. “But ma’am… hindi niyo pa po nababasa ang resume ko,” nag-aalinlangan niyang sabi. Nakasandal lang ako sa upuan ko, naka-cross ang legs. “No need,” sagot ko. “I know I can trust you. Dad recommended you to me… and he thinks highly of you.” Ngumiti ako. Pero syempre… Fake smile lang iyon. Tumayo siya at yumuko. “Thank you, ma’am. I will do my best to help you.” “Okay. You can go.” Umalis na siya. Napangisi ako. Of course, gusto ko siyang bantayan. Alam ko… may taong nasa likod niya. Siya ang ginamit noon para nakawin ang mga confidential files ko. But this time… I will use her. As bait. To catch the big fish. “The game has just started…” bulong ko. “Gotcha.” Bigla akong napaisip. Ah… I almost forgot. Today is the last day of Dad’s happiness. Pauwi na siya. At sigurado akong tapos na ang “business trip” niya sa bahay ng kabit niya. Nag-ayos ako at umuwi. Pagdating ko… Hindi nga ako nagkamali. Nandito na si Dad. At si Mom… Umiiyak. Napansin ko agad ang dahilan. May lipstick stain sa collar ng damit ni Dad. “Mom, what happened?” tanong ko, kunwari walang alam. Agad niyang pinunasan ang luha niya. “Ah… nandito ka na pala, Ash. By the way, how’s your company? Is everything okay?” “Okay naman po,” sagot ko. “Kayo po? Are you okay?” Yumuko siya. Tahimik. Ramdam ko ang sakit niya. Naawa ako sa kanya… Pero kailangan niyang maging matatag. Dahil kung mananatili siyang mahina… Iyon ang magdadala sa kanya sa kapahamakan. “Mom…” mahinahon kong sabi. “I know you’re not okay. And I can already guess…” Tumingin siya sa akin. “Dad is having an affair, right?” Nagulat siya. “Mom, don’t hide it from me. I’m not a child anymore,” dagdag ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata. “What if… you divorce Dad?” Nanlaki ang mga mata niya. Napahawak siya sa bibig niya, halatang shock. “Don’t talk about it, darling,” nanginginig niyang sagot. “I can’t live without your dad… ayokong pagtawanan kayo ng mga tao dahil hiwalay kami ng daddy niyo.” “My sister is right, Mom. Divorce Dad.” Napalingon kami. Kakarating lang ni Liam galing school. “But…” “Mom, don’t hesitate,” sabi niya. “Hindi natin kailangan si Dad sa buhay natin. We can be happy… kahit tayo lang.” Tumahimik si Mom. Huminga ako ng malalim. Ito na ang oras. “Mom… matagal nang may anak si Dad sa labas.” “What?!” sigaw ni Liam. “Is that true, sis?” Tumingin ako sa kanila. Diretso. Walang pag-aalinlangan. “Yes.” Buti na lang wala si Dad sa bahay. Nasa office siya, kaya makakapag-usap kami nang maayos. Pag-uwi niya kanina, nagbihis lang siya at agad na umalis ulit. Perfect timing. “Yes… it’s true. I have evidence.” Pinakita ko sa kanila ang footage mula sa CCTV na kinuha ko sa bahay ng kabit niya. Napahagulgol si Mom. Habang si Liam, galit na galit. Gusto niyang puntahan at komprontahin si Dad, pero agad ko siyang pinigilan. Just like before… Ginawa niya na ‘yan. At ano ang nangyari? Siya pa ang naging masama. Nawalan siya ng karapatan sa mana. At dahil doon… Mas lalong naging madali para kay Jaine na makuha ang kumpanyang pinaghirapan naming palaguin. Company na pinaghirapan ni Mom. Oo, magkasama nilang itinayo iyon ni Dad… Pero si Mom ang tunay na nagpalago. Siya ang nag-isip. Siya ang nagsakripisyo. Kaya hindi ako papayag… Na maulit ang lahat. Alam kong matagal nang may hinala si Mom. Kumuha pa nga siya ng private detective para sundan si Dad. Pero masyadong maingat si Dad. Hindi siya nahuhuli. “I have a plan,” sabi ko. “But act normal… especially you.” Tinuro ko si Liam. He’s too impulsive. At iyon ang dahilan kung bakit nauwi kami sa trahedya noon. I want to take everything we deserve. I want to take back everything they stole from us. Wala akong ititira sa kanila. Sa mga oras na ito… Galit lang ang nararamdaman ko. Tumingin ako sa orasan. Malapit nang umuwi si Dad. “Mom, Liam… remember what I said. Don’t act rashly. Leave everything to me.” Hindi na ako naghintay ng sagot. Umakyat na ako sa kwarto ko. Naayos ko na rin ang tungkol sa divorce papers. Kinausap ko si Mom at pinaasikaso ko iyon sa private attorney namin… isang taong lubos kong pinagkakatiwalaan. She deserves better. Hindi niya deserve na lokohin at saktan. First mission accomplished. Na-convince ko na si Mom tungkol sa divorce. Napahiga ako sa kama. Bigla kong naalala ang lalaking iyon. Si Mr. Handsome. Sabi niya, malalaman ko ang pangalan niya kinabukasan. Pero isang linggo na ang lumipas… Wala pa rin. Napailing na lang ako. Never mind. He’s not important. After this… I want my mom and brother to live happily. But before that… I will make them pay. Ayoko silang patayin. Hindi sapat ‘yon. Gusto kong maranasan nila ang sakit… Nang paulit-ulit. Mas matindi pa sa naranasan ko. Binuksan ko ang laptop ko at sinuot ang earpiece. Agad na lumabas sa screen ang mukha ng dalawang ahas. Si Jaine… At ang nanay niya. “Mom, I don’t want to be a bastard child forever,” reklamo ni Jaine. Niyakap siya ng nanay niya. Napangisi ako. What a drama. “Don’t worry, child,” sabi nito. “Kapag patay na ang asawa niya… ako na ang magiging Mrs. Wilson.” Ngumiti siya. Don’t worry… Your dream will come true. Pero hindi sa paraang inaasahan mo. “What about my step-sister and brother?” tanong ni Jaine. “Don’t worry about them,” sagot ng nanay niya. “Na-convince ko na ang Dad mo na ipakasal ang anak niya sa isang mayamang pamilya.” “What? No way! Edi magiging inferior siya sa akin!” “Oops… no. Ipapakasal siya kay Mr. Lopez.” Napatigil ako. Mr. Lopez? Siya ba…? Ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon sa previous life ko? No way… Unti-unting bumalik ang alaala. May fiancé ako noon. Ayokong magpakasal sa taong hindi ko mahal, kaya tumakas ako at pumunta sa apartment ng best friend ko. Habang pababa ako ng hagdan… May tumulak sa akin. Muntik na akong mahulog. Buti na lang nasalo ako ni Xander. At doon nagsimula… Ang pagkahulog ko sa kanya. Pero ang totoo… Ginagamit lang pala niya ako. Kasabwat niya si Jaine. “Mr. Lopez?” tanong ni Jaine. “The powerful businessman? Wala pang nakakakita ng mukha niya, right?” “Yeah,” sagot ng nanay niya. “Pero sabi ng rumors… mataba, pangit, at maraming babae. Ginagawa lang niyang laruan ang mga babae, at kapag nagsawa… ipinapasa sa iba.” Ngumiti siya. So that’s your plan… Para pahirapan ako. “You’re the best, Mom. But what if your plan fails?” “Hindi mangyayari ‘yon.” “Don’t worry… I have plan B.” Napatingin ang nanay niya sa kanya. “What is that?” “You know Xander, right? Nanliligaw siya sa b*tch na ‘yon. What’s so good about her?” May halong inis ang boses niya. So… kilala niya si Xander. Napaka-tanga ko noon para hindi mapansin. “If your plan fails,” dagdag ni Jaine, “I’ll handle the rest.” “Okay, sweetheart.” Napangisi ako. So iyon pala ang plano nila. At dahil hindi nagtagumpay ang plano ng nanay niya… Ginamit nila si Xander. Napatawa na lang ako. Napaka-tanga ko noon. Pero ngayon? Hindi na. Since I’m reborn… Gusto kong makita ang tinatawag nilang Mr. Lopez. I want to meet him in person. Gusto kong malaman kung totoo ba ang lahat ng sinasabi nila tungkol sa kanya. Kung tama ang alaala ko… Bukas na ang araw na iyon. Napangiti ako. Of course… I need to prepare. For my so-called fiancé.Ashley's POV I need to know the truth.Pero bago ang lahat, kailangan ko munang makahanap ng ebidensya.Hindi ako basta-basta maniniwala dahil lang sa panaginip.Paano kung imagination ko lang lahat?Paano kung gawa-gawa lang ng utak ko?Nandito ako ngayon sa kwarto ni mom.Wala siya rito.Nasa mall sila ni Liam.Hindi ako sumama dahil may kailangan akong gawin.Maghahanap ako ng patunay kung si Uncle Airam ba talaga ang tunay kong ama.Syempre, hindi ko sinabi kay mom ang totoong dahilan.Sinabi ko lang na pupunta ako kina Clover.Binuksan ko isa-isa ang mga drawer at cabinet.Pero wala akong makita.Napabuntong-hininga na lang ako.Biglang nahulog ang isang libro mula sa shelf.Pinulot ko ito at ibabalik sana nang may napansin ako sa loob.Isang litrato.Nanginig ang kamay ko habang tinitingnan iyon.Yung lalaki…Si Uncle Airam.At yung babaeng kasama niya…Kamukha ko.Hindi…Hindi ako ’to.Mas matanda siya ng kaunti.Pero halos pareho kami ng mukha.Nanlabo ang paningin ko.“Is sh
Ashley's POV Teka…Nasaan ako?Napatingin ako sa paligid.Nasa labas ako ng bahay.Hindi lang basta bahay…Ito yung dating bahay namin ni Xander.Bumigat ang dibdib ko.May sasakyan sa di kalayuan.Naka-park.Napakunot-noo ako.Hindi ba… kotse yun ni Dave?Anong ginagawa niya dito?Dahan-dahan akong lumapit.“Dave?”tawag ko.Pero parang walang nangyayari.Hindi niya ako nakikita.Hindi niya ako naririnig.Parang… wala ako roon.Bigla akong may nakitang lumabas…Ako.Mas bata.Mas… ibang-iba.At malaki na ang tiyan.Nanlamig ako.Tinitingnan ko ang sarili kong alaala.At si Dave…Nakatayo sa harap ko.“Ashley…”mahina niyang sabi.“I'm sorry.”May lungkot sa mata niya.“I know you are happy…”Huminga siya nang malalim.“But if you need me in the future… I will come to rescue you.”“May pamilya ka na ngayon.”Ngumiti siya nang pilit.“I’m happy for you.”Parang may sumaksak sa dibdib ko habang pinapanood ko siya.Hindi ko alam na…Sinusundan niya pala ako noon.Tahimik.Palihim.Haban
Jaine's POV Nandito ako ngayon sa sala habang magulo ang isip ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Alam ko naman sa simula pa lang na minahal lang ako ni Xander dahil akala niya ako ang nagligtas sa kanya noon.Pero iba na ngayon.Alam na niya ang totoo.At mas lalong nakakatakot…Paano kapag nalaman niyang hindi naman talaga ako buntis?Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.Wala akong choice kundi magsinungaling.Wala naman akong mapupuntahan.Biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako at nakita si Xander.May kasama siyang babae.Agad uminit ang ulo ko.“Who the hell is she?”Galit kong tanong.Pero ni hindi niya ako tinignan.Tinulak niya lang ako palayo.“Stay away from me.”Malamig niyang sabi bago dumiretso sa kwarto.Nanlaki ang mata ko sa galit.“Heeey! Xander, you bastard!”Sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.Sinipa ko pa ito pero naka-lock na.What the heck is wrong with this guy?!Pero kailangan kong magtiis.Kailangan ko lang makuha ang pera niya at makaalis kami
Ashley's POV Naghanda na ako para harapin sina Xander at Jaine.Pumunta ako sa entertainment company ni Xander. Pagkarating ko pa lang, kita na agad ang gulat sa mga mukha nila.Hindi nga ako nagkamali.Dinala nga ni Xander si Jaine sa company, at lihim pa pala silang nagpakasal behind his parents’ back. At ngayon, taas-noo pang humaharap si Jaine sa mga tao kahit kaliwa’t kanan ang issue tungkol sa kanya.At ang mas nakakainis?Doon pa sila nakatira sa dati naming bahay sa previous life ko.Pero hindi na ako nagtaka. Si Xander naman ang pumili ng bahay na iyon noon.And now…Siya at si Jaine na ang nakatira doon.How nice.“What are you doing here, Ashley?”tanong ni Xander.Kita ko naman ang galit sa mukha ni Jaine habang nakatingin sa akin.“This company belongs to me now.”Diretso kong sagot.“What?! Are you insane?”gulat na tanong ni Jaine.Napangiti lang ako.“You have a debt to pay three times the amount, right?”Agad lumaki ang mata ni Xander.Dumating na rin ang taong inutu
Ashley's POV Final evaluation week na namin sa company, at after nito one week na lang ay gaganapin na ang annual Recognition Night ng media company namin.Nandito kami ngayon sa conference room at magkakalayo ang mga upuan namin. May namigay naman ng evaluation papers at reporting tasks. Ilang gabing puyat din ang ginawa ko kakahanda para rito. Buti na lang at magaling magturo si Dave.Napangiti naman ako nang makita ko ang mga task dahil lahat ng ito pinag-aralan at pinagpraktisan ko na. May article analysis, live reporting simulation, at investigative writing test. After one hour, natapos na naming sagutan ang first set ng evaluation.Finally, break time.Mamaya kasi may dalawa pa kaming practical assessments.Pumunta na kami ni Clover sa cafeteria. Napakapayapa kapag wala si Jaine. Sina Lesley naman at mga minions niya hindi na ako ginugulo, pero hindi rin kami nagpapansinan. Ok na ‘yon kaysa guluhin nila ako. Wala naman silang atraso sa akin sa previous life ko, mahilig lang tal
Xander's POV Viral ngayon si Jaine sa social media.Ginawa siyang katatawanan… pinagtatawanan, nilalait, at kinukutya ng mga tao. Marami ring galit sa kanya. Pati sa media company kung saan siya nagta-training bilang junior reporter, hindi na siya tinanggap… na-expel pa siya dahil sa scandal.Naawa ako sa kalagayan niya.Nandito kami ngayon sa hospital. Nag-file ako ng kaso laban kay Mrs. Santos dahil sa pananakit niya kay Jaine… pero agad din itong na-dismiss. Binayaran lang nila ang mga connections nila.Mahirap talagang kalabanin ang mga taong may impluwensya.Kahit nalaman kong may ibang lalaki si Jaine… wala akong pakialam.Mahal ko pa rin siya.Para sa akin, siya pa rin ‘yung batang nagligtas sa akin noon.Naniniwala akong mahal niya rin ako.At hangga’t nasa tabi niya ako… maaayos namin ang lahat.“Xander…”Mahina niyang tawag habang kakagising lang.Agad ko siyang niyakap.“Don’t worry, Jaine. Nandito ako. Hindi kita pababayaan.”Mahigpit kong sabi.Makalipas ang isang linggo







