Aaaaaaahhh!!!!” Isang malakas na hiyaw ang namutawi sa loob ng studio.
Punong puno ng galit ang nararamdaman ngayon ni Audrey dahil sa mga oras na ito ay malamang ikinakasal na ang kanyang boyfriend na si Drake. Ipinagbabato nya anu man ang kanyang mahagip. Wala syang pakialam kahit masira ang mga iyon na pag-aari ng modelling agency na nagmamanage sa kanya. Malakas ang loob ng dalaga dahil sya ngayon ang pinaka-indemand na modelo sa PhilStar Modelling Agency dahil na rin sa tulong ng kanyang maimpluwensyang boyfriend na sya ring pinakamalaking sponsor ng ahensya.“I should have dispatched that b*tch a long time ago!” habol ang hininga dahil halos maubos ang kanyang enerhiya sa pagbato ng mga gamit.“You need to calm down.” saway ng baklang manager ni Audrey na si Jonas.Sa simula pa lang ng career nya sa modelling ay ito na ang kasa-sama nya. Napabuntunghininga ito habang tinitingnan ang kalat na ginawa ng alaga nyang modelo. Binalingan sya ni Audrey.“It’s your fault. You shouldn't have allowed those reporters to see Drake with that b*tch!” Malakas na sigaw nito sa manager. Tumikwas ang kilay ng bakla.“Look, sinunod ko lang ang instruction mo na dalhin ang mga reporters sa labas ng kwarto nyo ni Drake. Hindi ko kasalanan na natulog ka sa tent. Sino bang mag-iisip na pagdating namin dun eh yung mutsatsang yun ang madadatnan namin.” Pagpapaliwanag ni Jonas at isa isang inaayos ang mga upuan na ipinagtatalsik ni Audrey.Totoo ang sinabi ng manager nya. Inutusan nya ang katulong nyang si Iska para lagyan ng pampatulog ang inumin ni Drake. Inutusan din nya si Jonas na magtawag ng mga reporters upang ibulong sa mga ito na may kasamang babae ang mailap na si Drake Rufino, 29 years old bachelor na tagapagmana ng Rufino Holding Company na isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa.Ang planong yun ay para sila sana ni Drake ang madatnan ng mga itong magkasama sa iisang kwarto upang mapilitan itong iannounce ang relasyon nilang dalawa. Malakas ang tolerance ni Drake sa alcohol kaya kahit lasingin nya ito ay maari itong magising agad at lumabas bago pa man dumating ang mga reporters. Nilagyan nya ng pampatulog ang inumin nito para siguraduhing makakatulog ito ng malalim hanggang kinabukasan. Ang hindi nya maintidihan ay kung bakit nakatulog sya sa tent kung saan sila nag-inuman ni Drake. Ang naaalala nya ay inihatid nya ang boyfriend sa kwarto nila ng unti-unti nang tumatalab ang pinainom nyang gamot. Bumalik lang sya sa tent para kunin ang kanyang gamit ngunit nakatulog sya doon.Gusto rin nyang sisihin ang boyfriend nya dahil ilang beses na nya itong sinabihan na sisantihin ang katulong. Palagi kasi nya itong nahuhuling nakatingin kay Drake. Sabagay ay napakagwapo naman talaga ni Drake kaya madaming babaeng umaaligid at lumalandi dito. Nagalit sya ng makitang si Mutya pa talaga ang isinama nitong alalay nang magpunta sila sa resort nang magdiwang si Drake ng kaarawan. Si Audrey mismo ang nag-asikaso ng romantic dinner na yun sa isang resort. Sinabihan sya ni Drake na wag masyadong intindihin si Mutya dahil bata lang daw ito. Nagwala siya sa galit at dahil doon ay nangako ito na pagbalik ng Maynila ay sisisantihin ang katulong. Hindi nya akalain na sa bandang huli ay ito pa pala ang papakasalan ng boyfriend nya.“Unang kita ko pa lang sa malanding tsimay na yun, alam ko nang walang gagawing mabuti. Kitang kita ko kung paano nya titigan ang boyfriend ko. Ang kapal!” paghihimutok ni Aubrey sa manager nito.Hindi malaman ni Aubrey ang gagawin para pakawalan ang galit na nararamdaman. Pasalya syang umupo sa couch. Sapo-sapo ang ulo na nananakit na sa sobrang stress. Mabuting boyfriend si Drake. Sunod lahat ng luho niya. Nag-iba ang takbo ng kanyang career mula nang maging sila. Kung dati-rati ay matumal ang projects na natatanggap nya, ngayon ay kabi-kabila na dahil sa impluwensya ni Drake. Dati ay nangako ang binata sa kanya na oras na makuha nito ang posisyong CEO ay iaannounce nila sa publiko ang kanilang relasyon ngunit hindi nya kayang maghintay ng ganung katagal. Tatlong buwan pa lang silang magboyfriend ni Drake at maraming babaeng umaaligid dito kaya binalak nyang bakuran agad ang kasintahan. Hindi naman nya akalain na ang katulong nito ang makinabang sa pinlano nya.“Sana pinigilan mo yung kasal. Bakit ka kasi pumayag” sagot ni Jonas na patuloy na nililinis ang paligid.“Pano ko gagawin yun, eh tatanggalan sya ng mana pati trabaho nya mawawala. I know Drake is f*cking hot pero aanhin ko naman yun kung wala syang pera. Pano na career ko? Tengga na naman kagaya dati? Ayaw ko nang bumalik sa ganung buhay na minamaliit ka ng mga kapwa mo modelo.” ani Aubrey na kumukuyakoy ang mga paa. Unti-unti ng nawawala ang kanyang pagka histerical.“So pano ngayon kasal na sila nung mutsatsa?” tanong naman ni Jonas dito.“He will become the CEO in less than a year, taking over from his dad then idi-divorce nya ang malanding yun.” Kahit masama pa rin ang loob ang napangiti sya sa idea na magiging malaya na muli Drake. Sigurado syang tutuparin nito ang pangako dahil alam na alam nya kung gaano sya kahalaga para sa binata.**************************Samantala agad na ipinadala ni Don Antonio si Mutya sa Singapore pagkatapos makuha ang passport nito. Palibhasa ay maraming koneksyon kaya naman mabilis itong naproseso. Kasama ni Mutya si Donya Agatha na umalis ng bansa. Sa Singapore na rin nagdiwang ng ika-18 na kaarawan si Mutya. Isinama sya ng ginang sa isang mamahaling restaurant at niregaluhan sya ng mamahaling necklace. Yun ang unang beses na makatanggap ng mamahaling regalo si Mutya. Nahihiya man ay tinaggap nya ito. Laking pasalamat ni Mutya dahil sa magandang pakikitungo ng ginang sa kanya.Simula ng magtungo sila ng Singapore ay isang beses lang nakita ni Mutya si Drake. Yun ay sa mismong kaorasan na ng kanilang kasal. Kagaya nang nakaplano ay nagpakasal sila pagkatungtong na pagkatungtong nya ng disi-otso anyos. Wala silang bisita maliban kay Donya Agatha at isang abogado ng pamilya Rufino. Nag pirmahan lang silang ng marriage contract. Wala pang 15 minutos ay tapos na ang kasal. Agad din nagpaalam si Drake na hindi man lang kinausap ang bagong asawa. Hindi naman yun nakaapekto kay Mutya dahil napakabait ng ginang at parang anak na siya kung ituring nito. Marahil ay pinupunan lang nito ang matabang na pakikitungo ni Drake sa asawa.Pagkabalik nila ng Pilipinas ay ikinuha ni Don Antonio ng condomiunium unit ang bagong kasal upang doon manirahan. Kasama ni Donya Agatha na namili ng mga bagong gamit si Mutya. Bilang bagong miyembro ng pamilya Rufino ay nakatanggap din si Mutya ng Black Card. Yun ay isang exclusive credit card na para lamang sa mga ultraweathy family. Ramdam ni Mutya ang maluwag na pagtanggap sa kanya ng pamilya Rufino maliban kay Drake.Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat si
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POV Mainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin. For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her. Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag. “So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wi
Drake POV Dali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito. “You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko. “Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti. “May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nito Napakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas. “Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin. “ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Da