Mutya POV
Magdadalawang linggo na kaming kasal ni Drake. Pinalipat kami ni Don Antonio sa isang unit ng condominium building na pag-aari ng mga Rufino. Hindi kami masyadong nagkikita ni Drake dahil gabi na ito kung umuwi. Kapag naabutan ko sya ay hindi naman ito nagsasalita at dire-diretso lang sa kwarto nito. Napakalamig ng pakikitungo nito sa akin. Isang tanong isang sagot lang din ito kapag sinusubukan kong kausapin. Mukhang hindi naman masama ang ugali nito dahil kapag nakakatulog ako sa sofa ay magigising na lang ako na may nakapatong ng kumot sa akin. Wala namang ibang gagawa nito maliban sa kanya dahil dadalawa lang naman kami sa condo. Kanina ko pa hinihintay si Drake para magpaalam dito.Bukas ang birthday ni kuya Lucas. Sya ang nag-iisa kong kapatid. Simula nang maikasal ako ay hindi ko pa sya ulit nadadalaw sa Batangas. Nanonood ako ng K-drama ng dumating ang aking hinihintay. “Kumain ka na ba?” tanong ko dito. Hindi nya ako sinagot kahit alam kong narinig ako nito. Patuloy lang ito sa paghuhubad ng sapatos. “Nagluto ako ng adobo.” may masabi lang para pansinin nya. Araw araw naman talaga ako nagluluto para sa aming dalawa kahit pa ni minsan ay hindi ito kumain sa condo. Asawa nya ako at ginagawa ko lang ang responsibildad na alam ko para walang masabi ang aking mga byenan. Mukhang nakuha ko naman ang atensyon ng aking asawang mas malamig pa sa yelo kung tumingin sa akin. “Just cook for yourself. I’d rather eat outside. Sayang lang ang ipinambibili mo ng rekado.” malamig ang tono ng boses nito. Napataas ang kilay ko. Ang yaman yaman nito pero kung magsalita akala mo naman ay naghihirap. "Hindi naman nasasayang yung mga niluluto ko dahil kinakain ko ang tira next day. Almusal, tanghalian at merienda. Kung dito ka lang kasi nagdi-dinner eh di wala sanang tira…., para naman makakain din ako ng normal na almusal.” totoo naman na kinakain ko ang mga tira. Exagerated nga lang ang pagkakasabi ko. “Unbelievable!” ang tanging nasabi ni Drake at tinalikuran ako. “ Palibhasa, pa-ista-Starbucks ka lang sa umaga.” sabi ko dito. Nagbibiro lang naman ako at kung kaklase ko ang sinabihan ko nun ay magtatawanan lang kami. Nakalimutan kong hindi nga pala pwedeng biruin ang asawa ko dahil wala itong sense of humor. “Look, I gave you a Black Card so you can buy whatever you want. It’s not my fault you didn’t use it.” madilim ang mukha ni Drake. “Hindi ka na mabiro.” napakamot ako ng ulo. Ginalit ko yata ang mister ko, gusto ko pa naman itong kausapin para magpaalam bukas. Speaking of… muntik ko nang makalimutan yun. “Drake, pwede ba akong umalis bukas? Baka gabihin na ako ng uwi.” inayos ko ang pagsasalita para di sya magalit. “Just ensure that you return before the end of the day and don’t cause any trouble for me. Ayokong magkaproblema kay Dad” ani Drake at naglakad patungo sa silid. Ang sungit talaga. “Teynk you hubby!” pasweet na sabi ko at nakita kong umiling iling ito bago tuluyang pumasok sa kanyang silid. Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay at maaga rin akong nakarating sa aking pakay. Nandito ako ngayon sa harapan ng puntod ng aking kapatid na si kuya Lucas. Ipinatong ko sa ibabaw ang bulaklak na dala ko at nagsindi ng kandila. “Happy Birthday kuya! Miss na miss na kita” pabulong kong sabi habang wala akong tigil sa pag-iyak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang aking kapatid. Nagbalik tanaw ako sa panahong kasama ko pa si kuya. Matagal nang patay ang aming ama. 14 years old ako at 20 naman si kuya Lucas ng mamatay si inay dahil sa brain cancer. Hindi na nagawang ipagpatuloy ni kuya Lucas ang pag-aaral dahil mas pinili na lang nito na magtrabaho para matustusan ang pangangailangan naming dalawa. “Kuya dina ako mag-aaral, tutulungan na lang kitang magtrabaho.” palagi kong kinukulit si kuya Lucas sa bagay na yun. Ang payat payat na kasi nito. “Ayokong tumigil ka sa pag-aaral. Kakayanin natin to.” Nagagalit ang aking kapatid tuwing binabanggit ko ang paghinto sa pag-aaral. Pangarap ni kuya na makapagtapos ako kaya pinagbutihan ko sa school para maging proud sya sa akin. Lagi rin akong kasali sa honor roll. Kahit dun man lang ay makabawi ako sa kanya. Isang malaking dagok ang muling dumating sa aming magkapatid ng ma-ospital si kuya Lucas noon mismong kaarawan nito sa edad na 22. Natuklasan na may tumor ito sa utak kagaya ng ikinamatay ng aming ina. 2 taon na lang ang natitirang sandali nito sa mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit. Iyak ako ng iyak ngunit napaka tatag ni kuya Lucas. Hindi nito ipinakita ni minsan na nawalan ito ng pag-asa. “May dahilan ang Dyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Hindi ako basta mawawala ng walang dahilan” eto ang sinabi nya sa akin ngunit kahit anung gawin ko ay di ko maunawaan kung bakit kailangang mangyari ito sa napakabait kong kapatid na mas una pang iniisip ang kapakanan ng ibang tao kaysa sarili nya. Kahit nga sa huling sandali nito ay nagawa pa rin nitong isakripisyo ang sariling buhay para sa iba. Natigil ang aking pagbabalik tanaw sa nakaraan ng maramdaman ko ang mumunting patak ng ulan kaya minabuti ko na lang na bumalik sa Maynila kahit maaga pa. Bandang ala-una na ng hapon ng makarating ako sa Maynila. Sabado ngayon kaya hindi masyadong matraffic. Kanina pa ako iyak ng iyak sa byahe. Kanina ko pa rin gustong mahiga. Sobrang pagod ang naramdaman ko physically and mentally after kong magbyahe. Dinako makahintay na makapagpahinga sa condo. Nang makarating naman ako ay ganun na lamang ang aking pagkadismaya nang makita ko si Audrey sa loob. Sobrang komportable itong naka upo sa paborito kong sofa. Ako pa naman ang pumili ng design na yun kasama si Donya Agatha. “Pano ka nakapasok rito?” tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at tinaasan lang ako ng kilay. “Hoy tikling! Anung ginagawa mo rito?” nilakasan ko ang boses ko. “Hoy mutsatsa wala kang pakialam. Bahay to ng boyfriend ko.” mataray nitong sagot. “Sinong boyfriend ba ang tinutukoy mo? Yung asawa ko?” hindi ako magpapatalo sa babaeng ‘to na parang ibinabad sa Glutha. Nakita kong papalapit si Drake. Naka suot ito ng khaki shorts at puting tshit. “Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba may pupuntahan ka?” turan nito saken na parang ako pa itong trespasser. Parang wala lang rito na nadatnan ko sila ng kabit nya sa pamamahay namin. Lumapit si Audrey kay Drake at pumulupot sa braso nito. “Hon, let’s eat na. I’m so hungry na.” malambing nitong sabi sa asawa ko. “Anu bang ginagawa ng babaeng yan dito?” tanong ko kay Drake. Hindi ako makapaniwala sa dalawang ito. “You know that Audrey is my girlfriend.” seryoso ang mukha nito. “You know that I’m your wife.” sarkastiko kong ganti sa kanya. Pati accent nya ay ginaya ko rin. “Ang kapal mo, inagaw mo lang naman ang boyfriend ko!” sigaw ni Audrey at dinuro pa ako. “Ang kapal mo eh kabit ka lang naman.” ganti kong sagot sa bruha. Bigla akong hinawakan ni Drake sa braso at hinila ako papalayo. Malakas ito at wala akong nagawa kundi ang mapasunod dito. “You should know your place. Audrey is my girlfriend and I’m not gonna let you disrespect her! Asawa lang kita sa papel. Don’t you ever forget that” madilim ang mukha nitong nakatingin sa akin. Pabalagbag nyang binitiwan ang aking braso na hinaplos haplos ko dahil sa sakit. Nakita ko na lang na nakaupo na si Audrey na humihikbi sa paborito kong sofa. Pinapatahan ito ni Drake. “Ay ang sweet!” sarkastikong sabi ko sa dalawang love birds. Matalim ang tingin na ipinukol ni Drake sa akin. Parang bahagya ako nagsisi sa sinabi ko dahil baka masaktan na naman nya ako. “Wag kang umarte na parang tunay na asawa dahil pinikot mo lang si Drake. Pareho lang kaming biktima mo!” sigaw ni Audrey sa akin. Sa sinabi nya ay hindi pwedeng hindi ko ‘to sagutin. “Bakit? Sigurado ka bang inosente ka? Wala kang alam sa nangyari? Hiyang hiya naman ako!” tinitigan ko si Audrey. Nagdiwang ang aking isip nang makita kong napaawang ang labi ng bruha. Akala siguro nito ay hindi ko alam ang ginawa nya noong birthday ni sir Drake. Narinig ko kasi na inutusan ni Audrey ang kanyang katulong na haluan ng pampatulog ang alak ng boyfriend. Nakaawang pa rin ang bibig ni Audrey at mukhang kinabahan sa sinabi ko. Naglakad ako patungo sa pintuan ng condo pero binalingan ko muna si Drake. “Uto-uto!” sabi ko sa asawa ko. Lalabas na sana ako pero may gusto pa akong sabihin sa tikling na yun at sa magaling kong asawa. “Wag kayong umupo dyan sa sofa ko. Ilang beses ko na yang naututan!” sigaw ko sa mga ito at tuluyan na akong lumabas. Nakakabwisit talaga ang Audrey na yun. Kala mo naman eh patay na patay ako sa boyfriend nyang gurang eh parang tito ko na yun. Paglabas ko ng building ay tsaka pa lang ako parang nahimasmasan. Napabuntong hininga ako at huminga ng malalim. “Pasensya ka na kuya Lucas. Mukhang nagkamali yata tayo ng taong pinagkatiwalaan.” pabulong kong sabi.Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat si
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POV Mainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin. For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her. Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag. “So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wi
Drake POV Dali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito. “You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko. “Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti. “May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nito Napakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas. “Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin. “ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Da