Share

Chapter 25

LINGGO. Rest day ni Anicka kaya't mas pinili niya na lamang manatili sa bahay at maglinis dahil wala naman siyang maisip na puntahan. Hindi niya alam kung darating ba si Tyron sapagkat wala naman silang usapan. Ang alam niya ay sinamahan nito ang ina kanina umaga upang mamili ng mga kakailanganin para sa canteen ng ina nito.

Pagakatapos niyang maglinis ng bahay ay naligo na siya at nahiga na lamang. Sa kawalan ng gagawin ay naisip niyang magbasa na lamang ng pocketbook upang magpaantok.

Nang tumunog ang cellphone niya ay hindi tinitingnan pakapa niya lamang iyong kinuha sa nightstand. Sinulyapan niya muna ang screen niyon at napangiti siya nang makita ang pangalan ng kasintahan. Agad niya iyong sinagot.

"Hi, Mahal..." nakangiting bati niya rito.

" Hi, anong ginagawa mo?" anito sa malambing na tinig.

"Nagbabasa ng pocketbook."  sagot niya bagaman binitiwan na ang libro at umayos ng pwesto para maging komportable sa alam niyang mahaba-haba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status