Share

Chapter 7

PAGPASOK ni Tyron sa silid niya ay agad siyang dumeretso sa cr.

Kailangan niya ng cold shower. Upang kahit papaano ay humupa ang init na nararamdaman niya.

Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog na lamang siyang bigla.

Hindi niya akalain na ganoon pa rin ang epekto ni Anicka sa kanya.

Hindi niya binalak na gawin iyon. Halik lamang ang balak niyang ibigay dito. Ngunit nang sandaling lumapat ang malambot na katawan nito sa kanya, ay nakalimot na siya. Katulad ng dati, kaya pa rin siya nitong baliwin sa lambot at bango ng katawan nito, na katulad ng dati ay malaya pa rin nitong ipinagkakaloob sa kanya.

Bumalik sa ala-ala niya kung saan nagsimula ang lahat...

FLASHBACK

PAGPASOK pa lamang ni Tyron sa loob ng campus ay narinig na niya ang usapan ng isang grupo ng mga fourth year students na nadaanan niya.

"Maging syota ko lang talaga yan, pare, kahit na isang araw lang, puwede na a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status