MATAPOS makuha ang mga dokumento ay hindi na muna kinausap ni Yumi ang tiyahin. Paulit-ulit niyang binasa iyon., hanggang sa kinabukasan ay napagpasiyahan niya ang dapat na iparusa sa dalawa. "Tiyang Lourdes, samahan niyo ho ako sa patahian ng aking Papa, ngayon na!" Aligagang sumunod si Lourdes sa kanya. Isang sakay lamang sa dyip ang kinaroroonan ng kanilang patahian at habang tumatakbo ang sasakyan ay samo't sari ang pumapasok sa isipan niya. Paano kung napabayaan na ang pinaghirapang itayo ng magulang niya? At sa tagal na ng panahon nang huli siyang magpunta roo'y nakalimutan na niya ang hitsura niyon. Sampung taon siyang inalila ng mag-ina at kaya pala hindi matapos-tapos mabayaran ang utang niya'y hindi pala iyon totoo. Huminto ang dyip sa tapat ng warehouse. Sa natatandaan niya ay ganoon pa rin ang hitsura nito. Magmula sa kulay niyong kulay blue na paborito niyang kulay. Nandoon pa rin ang pangalan na 'Yumi's Tailoring Shop'. Ipinangalan iyon ng yumaong magulang niya sa
UMAWANG ang bibig ni Yumi sa narinig. Pinakatitigan niyang mabuti ang lalaking kaharap. Maya't maya pa ay malalim siyang napahinga. "Bakit mo naman ako susunduin? Ipapakulong mo na ba ako?" taas kilay niyang tanong dito. "Pupunta tayo sa England, remember?" "Wow!" "Anak, saan iyon?" Mula sa dingding ng kusina ay nakikinig ang mag-inang Lourdes at Althea. Halos humaba na ang mga tainga nito mapakinggan lamang ng maayos ang pinag-uusapan ng dalawa. "Malayong lugar iyon, Ma, at hindi natin kayang pumunta roon."Naningkit naman ang mata ni Yumi. "Hindi ako sasama sa iyo. Mas nanaisin ko pang magpalaboy-laboy sa lansangan kaysa ang bumalik sa mansyon mo!" mariing niyang tugon. "Mansiyon? Wow! Aba'y yayamanin talaga ang bisita ni Yumi," ani Lourdes.Tumayo si Vincent at lumapit sa kaniya. Halos magmakaawa na ang anyo nito. "Please, asawa ko!" "Ano raw? Asawa? "Mukhang mayamang-mayaman nga siya, Ma. May kotse pa nga siya sa labas, iyon ho bang mamahaling sasakyan.""Talaga?"Pabulo
"TIYANG, ingatan mo pong muli ang patahian ha! Babalik po ako," paalam ni Yumi sa tiyahin.Wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag na sumama pabalik sa mansyon kay Vincent. Ewan ba niya kung bakit. Kung bakit ngayo'y hinihila siya pabalik sa mansiyon. Sinabi niyang hindi na muli pang tutuntong doon lalo na kung nandoon ang mag-inang Victoria at Yvonne."Oo, anak, mag-iingat ka roon, ha! Huwag mo kaming isipin dito, kayang-kaya namin ito at hindi namin pababayaan itong bahay."Bago siya tuloyang sumakay sa kotse ng binata, niyakap muna niya si Althea. "Salamat," nangingiti pang bulong niya rito. Ngumiti rin ito sa kanya. Naghintay ang mag-ina na makaalis ang sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay. "Mukha namang mabait 'yong sinasabing asawa ni Yumi, hindi ba 'nak?""Yes, Ma at guwapo rin siya. Iyon nga lang may kapayatan ito."Samantala, walang imikan ang dalawa habang nasa biyahe. Nagpapakiramdaman lamang ang dalawa. Ngunit hindi nakatiis si Vincent."Thanks sa pagpayag mong sumama
"PAANO ba 'yan? Matutuloy ang honeymoon natin sa England 'pag natapos na ang problema ko."Matiim na tinitigan ni Yumi ang binata. "Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Bahagyang itinaas pa niya ang hawak na papel. "Biro lamang ang nakasulat dito, hindi ba?""Tsk naman! Nagpakahirap akong kuhain ang marriage of certificate natin, kaya dapat ay may premyo ako sa iyo." Itinulis nito ang nguso habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Napahinto rin ito kaagad nang ihampas niya ang hawak na papel dito."Magtigil ka nga!" Pinandilatan din niya ito. "Totoo ang nakasulat dito? Ibig sabihi'y totoo ang ating kasal!"Malalim itong napahinga. "Oo nga at may utang ka sa akin! Siguro mga sampong gabi rin iyon." Binilang pa nito ang mga daliri. Nangonot ang noo niya, hudyat na hindi niya naunawaan ang sinabi nito. "Utang? Anong utang?""Utang na gabi! Hindi ako nakatabi sa 'yo. Hindi nakayakap, hindi nakahalik at alam mo na kung ano 'yong huli." Pilyo pa itong ngumiti sa kanya na sinasamahan din ng pagt
WALANG pagsidlan ang tuwa ni Yumi nang gabing iyon dahil sa naganap na date nila ni Vincent. Pakiramdam niya'y idinuduyan siya sa ulap ng mga anghel. Kinapa niya ang kuwintas na ibinigay ng binata. Alam niyang mamahalin iyon ngunit alam niya, sa puso niya mas mahal pa roon ang kanyang nararamdaman para sa binata. Wala mang nangyaring ligawan sa pagitan nila, hindi man siya hinarana o binigyan ng pagkatatamis ng tsokolate, ramdam naman sa puso niya na ang binata na ang pinaka-romantikong lalaki na nakilala niya. "Oy si Ate, kumikislap ang mga mata.""Ayan ka na naman, Marrie, um-eksena ka na naman agad. Kita mo nang nag-iimagine pa itong si Ate Yumi."Napatingin siya sa dalawang maid na lumalapit, nasa sala siya nang oras na iyon. Si Vincent nama'y umakyat na sa silid nila upang magpahinga. Sinalubong na rin niya ang mga ito ng yakap. "Salamat at muli ko kayong makakasama rito. Happy ako na makita kayong muli.""Kami rin naman, Ate Yumi. At siyempre, masaya kami dahil muli kayong nagk
PAROO'T PARITO si Victoria. Pinag-iisipan kung bakit hindi inatake ang anak-anakan niya ng sakit nito. Vincent has anaphylaxis. Anaphylaxis, also called allergic or anaphylactic shock, is a sudden, severe and life-threatening allergic reaction that involves the whole body. The reaction is marked by constriction of the airways, leading to difficulty breathing. Swelling of the throat may block the airway in severe cases. And if you have an anaphylactic reaction, you need to see a doctor immediately. Nakuha iyon ng binata mula sa maanghang na pagkain like black pepper, nalaman niya iyon nang minsa'y magpaluto siya ng paborito nilang pagkain. Namula nang husto ang buong balat ng binata. Ilang beses pa itong sumuka at ang pinakamalalang nangyari ay nawalan ito ng malay. Simula noon ay ipinagbawal na ng doktor na sumuri rito ang pagkain ng maanghang, kahit pa nga ang maglagay ng kaunting black pepper sa pagkain. Iyon ang naging dahilan nang unti-unting paglason niya sa isipan ng binata. Ngun
"MOM, bakit nga ba sobra yata ang galit mo kay Vincent? May problema ba na hindi ko alam?" Kasalukoyang nasa mall ang mag-ina, inutosan sila ni Vincent na bumili ng mga kakailangan para sa pagpunta nila sa bahay ni Yumi at iyon ay lingid sa kaalaman ng huli. "Nothing, anak. Sadyang mainit lang talaga ang dugo ko sa lalaking iyon," kibit-balikat niyang tugon. "I don't believe you, Mom. Hindi ka magkakaganiyan kung wala kang malalim na pinaghuhugotan."Huminga ng malalim si Victoria, "Marahil ay ito na nga ang tamang oras, Yvonne. Kung bakit galit na galit ako kay Vincent at maging sa ama't-ina nito. Oras na para malaman mo kung ano ang dahilan."Bahagyang nangonot ang noo ni Yvonne. Nang akmang sasabihin na ni Victoria ay siya namang nag-ring ang cellphone na hawak nito. Sumimangot ang ginang nang makita ang pangalan ng kinaiinisang tao ang tumatawag ngunit sinagot din naman nito iyon. Sandali lamang ang kanilang pag-uusap"Pinababalik na tayo ni Vincent. Halika na, mamaya ko na sas
"SINONG bastos, mahal? Hindi ba't ikaw ang kusang nagpakita ng katawan mo sa akin?" Hindi nalaman ni Yumi kung paano nakalapit nang bigla si Vincent. Naramdaman na lamang niya ang masuyong paghaplos ng palad nito sa balikat hanggang braso niya. Nakasubsob kasi sa dalawa niyang tuhod ang kanyang mukha. Bigla siyang pinanindigan ng balahibo sa paraan ng paghaplos nito. Mabilis siyang nag-angat ng mukha kahit pa nga sinisilaban siya ng hiya at ang nangingislap nitong mata ang sumalubong sa kanya."You're my wife naman, hindi ba? Kaya wala ka nang dapat pang ikahiya sa akin. Nakahanda na ako para paligayahin ka, aking mahal." Humaplos sa mukha niya ang mainit nitong palad.Pakiramdam ni Yumi ay hinihigop siya ng titig ng binata lalo na't nanunuot sa bawat himaymay ang ginagawang paghaplos nito sa kanya. Idagdag pa ang mabangong hininga nito na nakakapagtuliro sa isipan niya. Hindi tuloy niya maintindihan kung bakit nagawang umunat ng kanyang katawan. Sinamantala iyon ni Vincent. Sinakop