Share

Chapter 35

NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta.

Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin.

"Ikaw na nga kasi."

"Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na."

"Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell."

"Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi."

"Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."

Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status