Share

Chapter 17

MABIBIGAT ang paa ni Yumi habang tinatahak ang kahabaan ng daan. Nasa limang oras na yata siyang naglalakad ngunit wala pa rin siyang makitang puwedeng masakyan. Dagnas-pawis na siya at unti-unti na ring nakararamdam ng pagod, gutom at uhaw. Nagpalinga-linga siya, nagbabaka-sakali na may bahay siyang mahihingan ng kahit kaunting tulong.

"Naligaw na yata ako ah! Saan nga ba ang daan palabas?" kumakamot niyang tanong sa sarili.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sigaw sa daang kanyang pinagmulan. Nilingon at inaninag niya iyon. Nagulat at napangiti siya nang makitang humahangos si Ella at Marrie.

"Ate Yumi!" panabay na sabi ng dalawa.

Hindi na siya nakapaghintay, sinalubong na niya ang papalapit na dalawa. "Anong ginagawa ninyo rito?"

Sunod-sunod ang naging paghinga ng dalawa kasabay ang pagpatong ng mga palad nila sa kani-kanilang mga tuhod.

"Ang bilis mo, Ate! Hiningal kami sa iyo," panabay na sabi ng dalawa.

"Bakit kasi sinundan pa ninyo ako?"

"Hindi ka namin sinundan, pinala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status