Beranda / Romance / Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1) / Chapter 7 - Vivian Valmores (Part 1)

Share

Chapter 7 - Vivian Valmores (Part 1)

Penulis: Hinata Writes
last update Tanggal publikasi: 2026-07-06 22:17:11

Tahimik lang ako habang nasa byahe papuntang airport. Kung saan-saan na napadpad ang isip nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Unregistered number. Naka-lock pa ang cellphone ko pero nabasa ko na ang message mula sa notification.

See you soon, Yzrah...

Napangisi ako.

Hindi ko alam kung paano naging AFP ang lalakeng iyon. Masyadong nagpapahalata sa mga kilos niya.

Kaagad ko namang kinuha ang undetectable kit at dinikit sa likod ng cellphone. Biglang nag-shutdown ang cellphone— ibig sabihin ay nilagyan nila ng bug ang cellphone ko. Kinumpiska nila lahat ng gamit ko kanina nang pumasok ako sa interrogation room.

Nilagyan nila ng bug ang cellphone ko para mabantayan nila ang lahat ng kilos ko, kung saan ako pupunta, kung sino ang mga kinokontak ko, at lahat ng papasok o lalabas na impormasyon sa cellphone ko ay malalaman nila.

"Mukhang minaliit natin sila," sabi pa ni Attorney Michelle. Kaagad siyang may tinawagan. "Kinabitan nila ng bug ang cellphone ni Yzrah."

Mukhang si Eura iyon. Kapag ganoon ang nangyayari, ililihis ni Eura ang location ng cellphone ko. Kaya hindi nila malalaman na nahuli namin ang bug at magpapatuloy sila sa pagsunod sa akin na hindi nila namamalayang maling location na pala.

"Expect her after four hours," dagdag pa ni Attorney Michelle bago pinatay ang tawag. Saglit siyang lumingon sa akin. "Iwan mo na lang iyang maleta mo at baka ano pa ang nilagay nila."

"Nakarating na ba si Vivian?" tanong ko at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Two hours ago."

Nyeta! Hindi lang ako late. Sobrang late!

Sampung taon na rin simula noong una ko siyang makita. Noong araw na nakapatay ako ng babae sa loob ng ring, simula pa lang iyon…

----

Tumambad sa akin ang isang lumang kwarto nang magising ako. Kaagad akong bumangon at nakalimutan kong may sugat pala ako sa tagiliran kaya nakangiwi akong bumalik sa pagkakahiga.

Saka ko lang napansin na hindi pala ako nag-iisa sa loob ng kwarto.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng babaeng nasa kaliwang kamang katabi ng kama ko.

Hindi katulad ng mga babaeng nasa kulungan, malinis siya tingnan. Kaagad kong tiningnan ang sarili ko. Iba na ang damit na suot ko at napansin kong may benda sugat ko.

"Mabuti na lang at naging maayos naman ang operasyon mo."

Nilingon ko ang babaeng nasa kanan ko naman. Napansin kong pare-parehas kami ng suot. Parang isang lumang hospital gown.

"N-Nasaan ba tayo?" Iyon ang unang tanong na lumabas sa bibig ko. "Anong lugar ito at bakit nagpapatayan dito?"

"Hindi rin namin alam," sabi ng babaeng lumapit sa paanan ko.

May isa ring lumapit. "Nagising kaming nasa kulungan."

May isa na namang lumapit. "Gaya mo ay nakipagpatay rin kami sa gitna ng ring."

"Sa grupong ito, ako ang unang napunta sa kwarto na ito," sabi naman ng isa pang babae na lumapit at umupo sa may paanan ko. "Isang buwan na ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya."

"G-Galing din ba kayo sa kulungan?" tanong ko at isa-isa silang tiningan. Pito kaming lahat ang naririto.

At parang naging hudyat iyon, isa-isa silang nagpakilala.

"Ako si Xena, galing ako sa kulungan sa probinsya. Napatay ko iyong nang-bully sa akin. Self-defence lang ang ginawa ko pero noong binu-bully ako na halos ikamatay ko na ay wala man lang kumampi sa akin. Mas kinampihan nila ang bully na iyon. Dahil eighteen na ako ay pwede na akong makulong at sa takot ko ay tumakas ako. Habang tumatakas, nakasalubong ko si Charm at napunta ako rito."

"Ako naman si Zereena, isa akong criminology student sa probinsya. Member ako ng isang sorority at binenta nila ako sa mga lalakeng kwapa ko rin criminolgy students. Sampung lalake ang humalay sa akin. Akala nila ay patay na ako kaya basta na lang nila akong tinapon sa isang tambakan ng mga basura. Hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan si Charm pero buhay pa naman ako hanggang ngayon."

"I'm Amariya, nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ko ng medisina. Gumawa ako ng lason at pinatay ang mga walanghiyang doktor na iyon. Hina-harrass nila ako. Kumalat ang video ko sa buong campus at pati mga magulang ko ay ayaw maniwala sa akin. Magpapakamatay na rin sana ako pero dumating si Charm."

"Ako si Samantha, lumaki ako sa ampunan. Walang gustong umampon sa akin kaya ako lang lagi ang naiiwan sa simbahan. Akala ko ligtas ako pero nilapastangan ako ng isang alagad ng Diyos. Ang nakakatawa pa, ayaw maniwala sa akin ng mga madre. Gumagawa lang daw ako ng kwento. Gusto ko na lang din sana magpakamatay dahil wala naman akong mapupuntahan, walang naniniwala sa akin, kaya ano pang silbi ng mabuhay? Pero sa huling sandaling iyon, dumating si Charm."

"I'm Rhiona, nag-aaral ako bilang isang mechanical engineer. May kumausap na isang businessman sa akin. Ang sabi iha-hire niya ako pagka-graduate ko. Kailangan ko lang daw magpasa ng isa project proposal. Ipinasa ko iyong pinaghirapan kong produkto, pero ninakaw sa akin. Nagsampa ako ng kaso pero binayaran ang mga pulis at ang abogado ko. Ang masaklap pa, ginawan ng kwento ang negosyo ng papa ko. Na-bankrupt kami, hindi nakayanan ng papa at mama ko dahil nabaon kami sa utang, kaya nagpakamatay sila. Dinamay nila kaming mga anak nila. Akala ko katapusan ko na pero dumating si Charm.”

“Ako si Eura, sindikato ang mga magulang ko. Kaya noong nalaman nilang may talento ako sa pagdating sa computer, ginamit nila ako. Nagha-hack ako para pang-blackmail sa mga taong may iniingatang pangalan. Nahuli kami pero ipinagkanulo ako ng mga magulang ko. Sila ang nagpakulong sa akin. At doon ako natagpuan ni Charm.”

Iba’t ibang kwento pero iisa lang ang mga hinanakit namin sa buhay— isang buhay na hindi patas, isang buhay na mas masahol pa sa patay, isang buhay na puno ng paghihirap.

Lahat sila nakatingin sa akin.

“Ikaw ba, anong kwento ng buhay mo?”

“Ako si Yzrah, sinakripisyo ko ang sarili ko para sa kapatid ko. Iyong buhay na dapat siya ang nagdudusa, ako ang sumalo. Nahuli ko ang tatay namin na may masamang balak sa kanya, kaya sabi ko ako na lang. Ilang taon akong naging parausan ng tatay namin at walang pakialam naman ang nanay namin. Tumigil ako sa pag-aaral dahil gusto kong magtrabaho para sa kapatid ko at mapaaral siya. Isang gabi, narinig ko ang mga magulang namin, ibebenta raw nila ang kapatid ko. Kaya pinatay ko sila. Iyon lang ang paraan na naisip ko para protektahan ang kapatid ko. Pero sa huli, kapatid ko mismo ang nagpakulong sa akin. At doon ako natagpuan ni Charm.”

Kung sino man siya, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o ano.

Bago pa man may makapagsalita muli ay bumukas ang pinto.

Pumasok ang babaeng nagligtas sa amin— si Charm iyon.

“Sa wakas, kumpleto na ang grupo ko,” sabi niya at isa-isa kaming tiningnan. “Simula ngayon, iisang grupo na kayo. Magtatrabaho kayo sa iisang misyon. Kayo ang mga Bachelorette.”

Dinala kami ni Charm sa isang madilim na kwarto. Tanging sa gitnang bahagi lamang ang may ilaw at may isang babaeng nakaupo sa wheelchair.

“Siya si Vivian Valmores— ang magiging legal guardian ninyo,” pagpapakilala ni Charm.

“Simula ngayon,” sabi ni Vivian at ang boses niya ay nakakapanindig ng balahibo. “Dadalhin ninyo ang apelyido ko at magiging mga apo ko na kayo. Pero hindi ganoon kadali. Limang taon kayong magsasanay para sa magiging role ninyo sa grupo.”

“Sandali…” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang para magsalita. “Hindi ba at karapatan naming malaman kung bakit kami nandito?”

Sa isang iglap lang ay may isang babaeng sumasakal na sa akin. Sa sobrang lakas niya ay hindi ko na maramdamang nakaapak pa ako sa sahig.

Nagpumiglas ako pero wala akong sapat na lakas.

“Karapatan?” nang-uuyam na tanong ni Vivian. “Simula nang tumapak kayo sa Hermana ay wala na kayong karapatan sa sarili ninyo.”

Unti-unti akong nawawalan ng lakas. Hindi na ako makahinga.

Para akong basahan na tinapon ng babae sa sahig. Habol ang hininga ay kaagad nila akong tinulungang makaupo.

“Charm, mukhang kailangan silang disiplinahin.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 28 - Mansyon Ng Mga Animal

    Muntik na akong mapasigaw nang malamang ang location na binigay ay ang mismong mansyon ni Olympia Savada. "Mukhang umaayon sa atin ang tadhana."Ang misyon ay makapasok sa kampo nila. Sabihin na lang natin na wala sa mansyon ni Olympia ang kampo ng Red Serpent pero ang makapasok sa mansyon niya ay malaking bagay na.Naghanda na ako. Nilagay ko na sa mga mata ko ang undetectable contact lense. Sinuot ko na rin ang hikaw ko na isang earpiece.Nilagay sa maliit kong pouch ang salamin na may foundation, pero hindi iyon basta foundation lang. Sa loob niyon ay may iba't ibang maliliit na bagay na nagagamit namin sa mga misyon namin— may maliit na karayom na pwede maging susi, may maliit na blade, at kung ano-ano pa. Undetectable rin ito.Nagsuot ako ng mga damit na ang mga brand ay ayon sa panlasa ni Olympia."Woahhh..." bulong ni Eura habang nakatingin sa akin mula sa screen."Pwede ka rin pala maging tao, Cap?" nang-aasar na tanong ni Amariya.Nakaabang na ang medic at tech team sa monito

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 27 - Kidnap

    Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. Pagdating ko sa library ay may nakahanda ng almusal pero wala si Ivan sa loob. Nakita ko ring nasa flower vase na ang binigay niyang bulaklak kagabi."Good morning, Cap," halos sabay na bati nina Eura at Anthony na mukhang kagigising lang."Good morning," ganti kong bati. "Natulog ba kayo?"Tumangi si Eura. "Sina Sir David at Charm ang pumalit sa amin kagabi at sila naman ang natutulog ngayon. Minsan ay tumutulong din ang tech team at medic team."Tumango na lang ako at kaagad na humigop sa kape. Mainit pa naman. Nasaan ba si Ivan?"Kung hinahanap mo si Ivan ay may binili lang saglit sa convenience store," sabi pa ni Anthony."Hindi ko siya hinahanap," pagdedepensa ko."Good morning, Cap," bati ni Samantha. Kasunod niya namang nagpakita sa screen ay sina Harvey at Renzo."Good morning, guys," sabay na bati ng dalawa.Hindi nagtagal ay nasa screen na rin sina Zereen at Alaric."So, anong ganap today?" tanong ni Zereena."As usual, hihint

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 26 - Plan B

    Nandito na kami sa library at nakaharap sa malaking screen na naka-divide sa apat— para kaming nag-group video call. Nakahanda naman ang buong plano, ang pagsasagawa na lang ang kulang, kaya wala akong ibang ginagawa kung hindi ang nakaabang sa cellphone ko at naghihintay ng messae mula kay Charmaigne."Paano kung hindi tayo makatanggap ng message o kahit anong imbitasyon mula kay Charmaigne?" tanong ni Eura mula sa kabilang linya.Hindi man namin nakikita ang lahat pero naririnig naman namin ang bawat isa dahil sa earpiece na gamit namin."Magpapapansin nang magpapapansin," sagot ni Ivan."Hindi pwede," kaagad ko namang sabi. "Makakahalata na sila kapag ganoon. Isa pa, kumalma kayo. Ni hindi pa nga nag-isang araw."Pero sa loob-loob ko, paano nga kung hindi?Back to scratch na naman.Panimulang plano na naman na hindi kami mahahalata. Kailangan iyong parang natural encounter lang. Kumbaga tinadhana talagang magtagpo ang mga landas namin. Iyong balang araw ay ituturing niya akong best

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 25 - Maelynn

    Halos mapanganga ako sa hinanda niya. Nakaluto siya ng steak? Tapos ang hitsura ay parang iyong nasa restaurant talaga. Tapos ang set up ng mesa ay hinanda niya rin. May pa-wine pang nalalaman. Kulang na lang talaga ay kandila at bulaklak.Ano ba itong naiisip ko."Tikman mo muna bago mo ako purihin diyan," nakangising sabi ni Ivan.Inirapan ko lang siya at naghiwa na sa steak. "Ang aga pa para maghapunan.""Alas sais na kaya hapunan na rin na matatawag," sagot niya naman at biglang umalis.Kulang na lang ay mapapitik ako sa ere dahil ang sarap! Napapatango pa ako at naghiwa ulit at ipinatong iyon sa mashed potato bago sinubo. Ang sarap ng kombinasyon!Pero wala bang rice?Nagulat ako nang may nilapag siyang isang bouquet ng pulang rosas. "Para sayo. Bilang isang manliligaw, normal naman siguro kung magbigay ako ng bulaklak? At pula iyan, Scarlet..."Kailan pa siya nakabili nito?Napatingin ako sa kumpol ng pulang rosas. Unang beses kong makatanggap ng bulaklak. Ganito pala ang pakira

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 24 - Chef

    "Navy, on it.""Jade, all eyes.""Amber, standby.""Scarlet, we're ready," sabi ko habang nagtatakang tingin naman ang ibinibigay sa akin ni Ivan."Anong klaseng mga codename ba ang meron kayo?" nakataas ang kilay na tanong ni Ivan. "Tapos sayo, scarlet? Dapat sayo poison."Sinapak ko siya at kaagad naman siyang napa-aray. "Kung hindi ka bobo, mga kulay ang mga codename namin. Kaya kapag nasa misyon kami, kahit hindi namin mabasa ang mga codename, makita lang namin ang kulay, alam na namin kung sino iyon."Obvious naman kung anong kulay ang mayroon ang bawat isa sa amin kung pagbabasehan lamang ang codename namin.Scarlet ang codename ko at kulay pula iyon.Navy ang codename ni Samantha at kulay blue naman iyon.Jade ang kay Eura at obviously green iyon.Amber kay Zereena at kulay orange naman iyon.Canary ang codename ni Xena at kulay yellow iyon.Ivory ang kay Amariya at gray ang kulay niyon.Plum kay Rhiona at violet naman iyon.Sa nakalipas na mga taon ay naging paborito na namin

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 23 - Sayo Lang Uuwi

    "Bago ko ipaliwanang ang mga detalye ng palabas na gagawin natin ay kailangan muna ninyong malaman na may pitong target tayo," pagpapaliwanag ko ulit at hindi na pinansin ang nakasimangot na si Ivan. "Nang si Olympia na ang namamahala ng Red Serpent ay muntik na itong maipasara. Pero sa tulong ng kanyang anim na kaibigan ay naisalba nila ito. Kaya sa kasalukuyan ay hindi lang si Olympia ang may-ari ng Red Serpent. Kung hindi pito silang lahat. Bawat isa sa kanila ay may departamento.""Tang ina, ang lala nila..." sabi ni Rhion. "May departamento pa silang nalalaman."Napapatango naman ang karamihan."Ibig sabihin, hindi natin mapapabagsak ang Red Serpent kung si Olympia lamang ang target. Hindi kawalan ng Red Serpent kung mawalan sila ng isang departamento," patuloy ko sa pagpapaliwanag. "Kaya ang lahat sa atin dito ay magagampanan ang role ng pagiging actor at actress. Bawat team ay may sariling target. Higit sa lahat, hindi sabay ang pag-atake sa bawat target. One at a time."Nilin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status