เข้าสู่ระบบBago pa man ako makakilos para suntukin siya ay bumukas muli ang pinto. Mabuti na lang talaga. Wala akong planong ipakita sa kanila kung anong kaya kong gawin at baka makadagdag pa sa hinala nila na ako nga ang pumatay corrupt na mayor na iyon!
"Ako ang abogado ni Miss Valmores." Kaagad kong nilingon ang pamilyar na boses. Si Attorney Michelle Madrigal iyon. Siya ang attorney na naka-assigned sa grupo namin. Nasa iisang syudad lang naman ang buong grupo. Pero hindi kami maaaring magsama sa iisang bubong para na rin sa seguridad. Kaya may kanya-kanya kaming condo. Nagkikita lang kami kapag may misyon at kapag pupunta ng isla. Hindi rin kami nag-uusap gamit ang cellphone o kahit anong means of communication. May pinapadalang secured email sa amin para sa mga misyon namin kung saan naroon na lahat ang kailangang gawin, mga plano, assigned areas, target, location, at duration ng misyon. Kapag bubuksan namin ang email na iyon ay kailangan naming suutin ang contact lense na nag-da-d******d ng mga file. Kapag nabuksan na namin ang email na iyon, mag-o-auto delete iyon at hindi madi-detect ang IP address na iyon. Kaya walang maiiwang trace na pito kaming nagtatrabaho sa iisang misyon. Walang ebidensyang mahahanap. Walang lead. Wala kahit ano. Kaya nila ginawa ang emergency arrest para magkaroon sila ng pagkakataong halughugin ang condo ko at makahanap ng ebidensya. Kahit buksan pa nila at pagpira-pirasuhin ang cellphone, laptop at lahat ng gadgets na meron ako ay wala silang makukuhang impormasyon. All thanks sa technologist namin na si Rhiona at may nagagamit kaming mga high-tech na mga bagay, gaya ng contact lense at ng undetectable kit namin. Magaling din ang hacker at computer geek ng grupo, si Eura. Pero on the second thought, binabawi ko ang papuri sa kanya dahil nakuha pa rin ako sa isang CCTV footage. Paano nangyari iyon? Umupo si Attorney Abigaile sa upuang nasa tabi ko. "Ako na ang sasagot sa lahat ng tanong mo, Colonel Ivan De Juan of the AFP." Napataas naman kaagad ang kilay ko. "AFP? Inaresto ako ng walang warrant ng isang AFP? Hindi ba at panghihimasok iyan sa trabaho ng mga PNP?" Napatiim-bagang siya. Ivan De Juan pala, ha. "Wow, mapaparami yata ang ikakaso ko sa inyo ng babaeng iyon, Colonel Ivan De Juan of the AFP," nang-uuyam kong sabi. Mula sa masamang tingin sa akin ay nalipat ang tingin niya kay Attorney Michelle. "Mukhang prepared kayo, ah? Wala pa kaming inaabisuhan na kahit sino na inaresto namin si Miss Valmores." "Kahit walang abiso galing sa inyo at kahit hindi ako natawagan ng kliyente ko, malalaman at malalaman ko pa rin ang pag-aresto ninyo sa kanya," mayabang na sagot ni Attorney Michelle. "Sikat ang kliyente ko at tinagurian siyang 'lakwatsera' sa mga social media. Kilala siyang bachelorette— isang dalagang mayaman. Kaya huwag ka nang magtaka kung may nakakita sa pag-aresto mo at kaagad akong naabisuhan." Parang gusto ko siyang palakpakan. Hindi naman sa nagsisinungaling siya dahil tama naman ang mga sinabi niya. Pero ang tunay na dahilan kung bakit nalaman niya kaagad ay dahil doon sa undetectable kit na dala ko. May GPS chip iyon at malalaman kaagad ni Eura kung nasaan ako. Kaya alam kong bago pa man pumunta rito si Attorney Michelle ay may nakahanda na siyang plano. "Miss Vivian Valmores, my client's legal guardian, called already the general of the AFP," dagdag pa na sabi ni Attorney Michelle. "Kaya kung may tanong ka pa, sabihin mo na, dahil kailangan pang pumunta ng kliyente ko sa Palawan. Iba kasi magalit si Miss Vivian kapag na-late ang mga apo niya." Alam ko kung gaano kamakapangyarihan si Vivian. Pero hindi ko alam na may koneksyon siya sa mga nasa awtoridad. Ang nakakagulat pa ay ang pinakamataas sa AFP pa ang koneksyon nito. Well, hindi naman iyon nakakapagtaka. May koneksyon nga siya sa international, sa lokal pa kaya? Napasandig na lang siya sa kinauupuan niya habang nakatingin sa akin. Hindi iyon tingin ng isang natalo sa laban. Tingin iyon ng isang taong mas lumalaki pa ang hinala. Tumunog ang cellphone niya at kaagad niya naman iyong sinagot habang nakatingin pa rin sa akin. Nakikinig lang siya at base sa ekspresyon ng mukha niya ay masamang balita iyon. Ngumisi ako nang ibaba niya ang tawag. "I bet wala silang nakuhang ebidensya sa condo ko." "Well," sabi naman ni Attorney Michelle at nilagay ang isang USB sa mesa. "Sapat na ang nilalaman nito para linisin ang pangalan ng kliyente ko sa sinasabi ninyo tungkol sa pagkamatay ng isang mayor." Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Kaagad niyang kinuha ang USB at nilagay iyon sa laptop niya. "Hindi ninyo nakuha ang anggulo na iyan," sabi pa ni Attorney Michelle. "Ang babaeng may suot ng gown na suot ng kliyente ko pagpasok sa event." Eh? Tinapon ko ang gown na iyon. "Narito na siya sa presinto dahil ninakaw niya ang gown ng kliyente ko. Nagbihis ng all black tight suit ang kliyente ko dahil may pupuntahan pa siyang isang costume event. Bakit hindi ninyo tanungin ang babaeng magnanakaw na iyon? At tungkol sa costume event, nasa file na rin ang detalye at contact ng event organiser," mahabang paliwanag ni Attorney Michelle. "Sa lahat ng perwisyong binigay ninyo sa kliyente ko, nararapat lang kayong masuspinde." Tumayo na si Attorney Michelle kaya tumayo na rin ako. Hindi ko alam kung paano nila nalusutan iyon pero ang galing! Hindi pa kasi ako nahuhuli kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam nang mahuli at pagkatapos ay maabswelto. So satisfying! "At oo nga pala, ang boss mo ang umako sa lahat ng damage at sa business class ticket sa flight na hindi nagamit ng kliyente ko, kaya sa tingin ko ibabawas iyon lahat sa sahod mo," nakangiting sabi ni Attorney Michelle. "Isang milyon ba naman ang inalok ng general para hindi ka na namin kasuhan." "I-Isang milyon?" Sa wakas, nagsalita rin siya. Akala ko nalunok niya na ang dila niya. "Bakit? Wala ka bang isang milyon?" nang-uuyam kong tanong. Sabay na kaming lumabas ni Attorney Michelle habang naiwan naman ang Ivan na iyon na hindi makapaniwala. "Huwag kang matuwa, Yzrah," biglang sabi ni Attorney Michelle nang makasakay na kami sa kotse niya. "Galit na galit si Vivian. Sigurado akong parurusahan niya si Eura. At ikaw, bilang leader nila, gumawa ka ng paraan. Baka hindi makayanan ni Eura ang parusa." Nyeta!Muntik na akong mapasigaw nang malamang ang location na binigay ay ang mismong mansyon ni Olympia Savada. "Mukhang umaayon sa atin ang tadhana."Ang misyon ay makapasok sa kampo nila. Sabihin na lang natin na wala sa mansyon ni Olympia ang kampo ng Red Serpent pero ang makapasok sa mansyon niya ay malaking bagay na.Naghanda na ako. Nilagay ko na sa mga mata ko ang undetectable contact lense. Sinuot ko na rin ang hikaw ko na isang earpiece.Nilagay sa maliit kong pouch ang salamin na may foundation, pero hindi iyon basta foundation lang. Sa loob niyon ay may iba't ibang maliliit na bagay na nagagamit namin sa mga misyon namin— may maliit na karayom na pwede maging susi, may maliit na blade, at kung ano-ano pa. Undetectable rin ito.Nagsuot ako ng mga damit na ang mga brand ay ayon sa panlasa ni Olympia."Woahhh..." bulong ni Eura habang nakatingin sa akin mula sa screen."Pwede ka rin pala maging tao, Cap?" nang-aasar na tanong ni Amariya.Nakaabang na ang medic at tech team sa monito
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. Pagdating ko sa library ay may nakahanda ng almusal pero wala si Ivan sa loob. Nakita ko ring nasa flower vase na ang binigay niyang bulaklak kagabi."Good morning, Cap," halos sabay na bati nina Eura at Anthony na mukhang kagigising lang."Good morning," ganti kong bati. "Natulog ba kayo?"Tumangi si Eura. "Sina Sir David at Charm ang pumalit sa amin kagabi at sila naman ang natutulog ngayon. Minsan ay tumutulong din ang tech team at medic team."Tumango na lang ako at kaagad na humigop sa kape. Mainit pa naman. Nasaan ba si Ivan?"Kung hinahanap mo si Ivan ay may binili lang saglit sa convenience store," sabi pa ni Anthony."Hindi ko siya hinahanap," pagdedepensa ko."Good morning, Cap," bati ni Samantha. Kasunod niya namang nagpakita sa screen ay sina Harvey at Renzo."Good morning, guys," sabay na bati ng dalawa.Hindi nagtagal ay nasa screen na rin sina Zereen at Alaric."So, anong ganap today?" tanong ni Zereena."As usual, hihint
Nandito na kami sa library at nakaharap sa malaking screen na naka-divide sa apat— para kaming nag-group video call. Nakahanda naman ang buong plano, ang pagsasagawa na lang ang kulang, kaya wala akong ibang ginagawa kung hindi ang nakaabang sa cellphone ko at naghihintay ng messae mula kay Charmaigne."Paano kung hindi tayo makatanggap ng message o kahit anong imbitasyon mula kay Charmaigne?" tanong ni Eura mula sa kabilang linya.Hindi man namin nakikita ang lahat pero naririnig naman namin ang bawat isa dahil sa earpiece na gamit namin."Magpapapansin nang magpapapansin," sagot ni Ivan."Hindi pwede," kaagad ko namang sabi. "Makakahalata na sila kapag ganoon. Isa pa, kumalma kayo. Ni hindi pa nga nag-isang araw."Pero sa loob-loob ko, paano nga kung hindi?Back to scratch na naman.Panimulang plano na naman na hindi kami mahahalata. Kailangan iyong parang natural encounter lang. Kumbaga tinadhana talagang magtagpo ang mga landas namin. Iyong balang araw ay ituturing niya akong best
Halos mapanganga ako sa hinanda niya. Nakaluto siya ng steak? Tapos ang hitsura ay parang iyong nasa restaurant talaga. Tapos ang set up ng mesa ay hinanda niya rin. May pa-wine pang nalalaman. Kulang na lang talaga ay kandila at bulaklak.Ano ba itong naiisip ko."Tikman mo muna bago mo ako purihin diyan," nakangising sabi ni Ivan.Inirapan ko lang siya at naghiwa na sa steak. "Ang aga pa para maghapunan.""Alas sais na kaya hapunan na rin na matatawag," sagot niya naman at biglang umalis.Kulang na lang ay mapapitik ako sa ere dahil ang sarap! Napapatango pa ako at naghiwa ulit at ipinatong iyon sa mashed potato bago sinubo. Ang sarap ng kombinasyon!Pero wala bang rice?Nagulat ako nang may nilapag siyang isang bouquet ng pulang rosas. "Para sayo. Bilang isang manliligaw, normal naman siguro kung magbigay ako ng bulaklak? At pula iyan, Scarlet..."Kailan pa siya nakabili nito?Napatingin ako sa kumpol ng pulang rosas. Unang beses kong makatanggap ng bulaklak. Ganito pala ang pakira
"Navy, on it.""Jade, all eyes.""Amber, standby.""Scarlet, we're ready," sabi ko habang nagtatakang tingin naman ang ibinibigay sa akin ni Ivan."Anong klaseng mga codename ba ang meron kayo?" nakataas ang kilay na tanong ni Ivan. "Tapos sayo, scarlet? Dapat sayo poison."Sinapak ko siya at kaagad naman siyang napa-aray. "Kung hindi ka bobo, mga kulay ang mga codename namin. Kaya kapag nasa misyon kami, kahit hindi namin mabasa ang mga codename, makita lang namin ang kulay, alam na namin kung sino iyon."Obvious naman kung anong kulay ang mayroon ang bawat isa sa amin kung pagbabasehan lamang ang codename namin.Scarlet ang codename ko at kulay pula iyon.Navy ang codename ni Samantha at kulay blue naman iyon.Jade ang kay Eura at obviously green iyon.Amber kay Zereena at kulay orange naman iyon.Canary ang codename ni Xena at kulay yellow iyon.Ivory ang kay Amariya at gray ang kulay niyon.Plum kay Rhiona at violet naman iyon.Sa nakalipas na mga taon ay naging paborito na namin
"Bago ko ipaliwanang ang mga detalye ng palabas na gagawin natin ay kailangan muna ninyong malaman na may pitong target tayo," pagpapaliwanag ko ulit at hindi na pinansin ang nakasimangot na si Ivan. "Nang si Olympia na ang namamahala ng Red Serpent ay muntik na itong maipasara. Pero sa tulong ng kanyang anim na kaibigan ay naisalba nila ito. Kaya sa kasalukuyan ay hindi lang si Olympia ang may-ari ng Red Serpent. Kung hindi pito silang lahat. Bawat isa sa kanila ay may departamento.""Tang ina, ang lala nila..." sabi ni Rhion. "May departamento pa silang nalalaman."Napapatango naman ang karamihan."Ibig sabihin, hindi natin mapapabagsak ang Red Serpent kung si Olympia lamang ang target. Hindi kawalan ng Red Serpent kung mawalan sila ng isang departamento," patuloy ko sa pagpapaliwanag. "Kaya ang lahat sa atin dito ay magagampanan ang role ng pagiging actor at actress. Bawat team ay may sariling target. Higit sa lahat, hindi sabay ang pag-atake sa bawat target. One at a time."Nilin







