Hello po! Kaunting hintay-hintay pa po para sa approval ng Epilogue ni AKAS. Maraming salamat po!
Nasasaktan si Zarchx Jr na makita ang kaniyang Daddy sa piling ng iba. Masaya ito kasama ang bagong pamilya habang sila ng Momma niya; Nangungulila. . .All of his life, he believed that his father is dead! And everyone knows what is the cause of his father's death.“Little bro!” Tawag ni Alas. “Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!” Tinap ni Alas ang balikat ni Zarchx Jr.Nang mapansin ni Alas na walang kibo si Zarchx Jr at may luhang naglalandas sa pisngi nito ay nakaramdam ng galit si Alas, ayaw ni Alas na malungkot ito!“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, ah. . . Broken hearted ka na agad doon sa little girl kanina?” Biro ni Alas upang ngumiti ito ngunit simpleng iling ang sagot nito. Alam ni Alas na hindi lang 'yon ang iniiyakan ng nakababatang pinsan at ayaw niyang nakikita itong malungkot.May umaway ba dito? O may nakita itong ikinasasakit ng damdamin?“Eh bakit ka umiiyak?” Iginala ni Alas ang mata sa paligid sa iisipin na may nang-away. “Sinong nagpa-iyak sa'yo?
Sa loob ng isang Japanese Restaurant, sa loob ng mall. Maganang-maganang kumakain sina Alas at Zarchx Jr kasalo si Don Leon.Napapatingin sa kanilang table ang ibang costumer dahil agaw pansin sina Alas at Zarchx Jr. Nakasuot ng black long sleeve shirt si Alas at sa magkabilaang mangas nakalagay; SALVADOR. Ganu'n rin ang suot ni Zarchx Jr, kulay puti iyon at MONTENEGRO naman ang nakalagay sa mangas.“What do we do next after this?” Uminom ng wine si Don Leon.Nagkatinginan ang dalawang bata. Nakangiting tumingin si Alas sa Don. “Let Zarchx Jr, decided Grandpapa.”Kumunot naman ang noo ni Zarchx Jr dahil siya na lang palagi ang nasusuod magmula nang dumating sila sa mall hanggang sa pagpili ng restaurant na kakainan nila.“Wait. Kuya Alas, your being unfair! You should choose the place you want to go too! You decide.”Nakangiting umiling si Alas, gusto niyang i-spoil si Zarchx Jr sa mga maliliit na bagay. Isa pa, ang mga lugar na gusto nito ay gusto niya rin.“Hindi ba reward mo 'to? K
Kinabukasan, Nakasandal si Zarchx sa headboard ng kanilang kama habang nakatingin sa malapad na bintana ng silid kung saan kitang-kita niya ang paglitaw ng araw. Palagi siyang maagang gumising pero sa pagkakataong iyon hindi siya pinatulog nang mukha ng babaeng nakita niya sa diyaryo. Sa tuwing ipipikit ang mga mata, ito ang nakikita niya. Pakiramdam niya'y may malalim silang koneksyon ng babae dahil ibang-iba ang naramdaman niya. Nagbaba ang mata niya sa larawan naka-flash sa screen ng phone niya. Ang magandang mukha ni Nathashira Amary Fuentabella, na kinunan niya mula sa diyaryo. Naiiling na binura niya ang larawan nito. May asawa't anak na siya at hindi dapat na iniisip ang babaeng malapit sa pamilya Montenegro. Pag-aawayan lang nila ni Odisza kapag nakita nito ang larawan, ayaw niya pa naman na nagkakasamaan sila ng loob. ‘Lance Javier...’ Napalabi siya ng maalala ang pangalang 'yon. Aalamin niya kung sino ang lalaki at balak niyang kitain pero bago niya gawin 'yon kailan
Maagang umalis si Zarchx sa Mariano Resort upang pupuntahan si Giovanni Silvestre, mabuti na lamang at nasa Baguio nakabase, kaya hindi siya nahirapan na kumbensihin si Odisza na pupuntahan ito dahil nasa Baguio rin naman ang resort ng Mariano. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng malapad na gate. Lumapit sa kaniya ang guwardiya pagkatapos nitong tanungin ang pangalan niya, nagradio ito at awtomatikong bumukas ang gate at pinapasok siya. Nang maiparada ang sasakyan sa tapat ng magarang mansion. Bumaba siya ng sasakyan at isinuot ang kaniyang shades habang inaayos ang suot niyang black coat. Ang kaniyang maliliit na galaw ay mas lalong nagpapalakas ng kaniyang karisma at kagwapohan. Kapag nga naglilibot siya sa resort ng mag-isa, madaming lumalapit na mga babae lalo na ang mga dayuhan, kaya naman napakaselosa ng asawa niya dahil natatakot itong mabaling ang atensyon niya sa iba. Sinalubong siya ni Richard, ang kanang-kamay ni Giovanni Silvestre. Kilala niya ito dahil ilang beses n
Sa Mariano Private Resort. . . Nakaupo sa isang lounge chair ang gwapong binata, nakatutok ang kaniyang nakakaakit na mga mata sa pagsikat ng haring araw. Walang umaga na hindi nito inaabangan ang pagsikat ng araw. Kahit na saan man siya o kahit ano man ang ginagawa, iiwan at iiwan nito para pagmasdan ang pagsikat ng araw. Watching the sunrise is there something in his heart that he can't explain. May it be sounds crazy but he's in love to the handsome bright sun. Samantalang hindi mapakali si Odisza Mariano nang magising na wala sa kaniyang tabi ang asawa. Balisang naghanap at nag-aapoy sa galit ang mga mata, nang makita ito agad na sumilay ang ngiti sa labi. “Zarchx, Honey!” Nakangiting kuha niya ng atensyon nito. “What are you doing here? Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Masyado pang maaga,” Odisza sat beside him. “You mentioned that we love watching sunrise before I got an accident, even if I don't remember anything. My heart seems calling for it.” Zarchx caressing
Bumuga ng marahas na hangin si Amary nang matagpuan niya ang kaniyang sarili na paikot-ikot sa loob mall at halos lahat ng shop ay pinasukan na nilang magkaibigan. Madami ang pinamili ni Amber na kung anu-ano at nagawa pa nitong ilibre siya ng kung anu-anong gamit kahit hindi niya naman nais na bumili. Wala rin itong tigil sa pagtatanong kung bakit mali ang ang kompletong pangalan niya na binangit nito. Amber is a over thinker person, so, she let her best friend that she have an another man ’cause being Missis Montenegro is invalid. “Gutom na gutom na ako!” Reklamo ni Amber na para bang lantang gulay na habang bitbit ang mga paper bag sa magkabilaang kamay nito. Sa dami ng pinamili nito ay balak na sigurong iuwi ang buong mall sa bahay. “Ako rin.” Amary pouted. “Kasalanan mo 'to!” Napairap si Amber. “Oo na! Pero Sis hindi na talaga makakahintay itong gutom ko sa bahay kaya pwede ba kumain muna tayo bago umuwi?” “Sure, my treat.” Lumiwanag naman ang mukha ni Amber. Hinila nito s