LOGINWalang tigil sa pag-iyak si Amary hanggang sa makatulog siya. Nakatulog siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Iyong pagdudahan siyang may ibang lalaki na kahit kailan ay hindi niya magagawa. Nanliit siya sa mga pinagsasabi nito, pakiramdam niya durog na durog na siya.
Nasasaktan siya dahil parte iyon ng pagmamahal, sabi nga ng iba hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Masasaktan at masasaktan ka dahil walang perpektong pag-ibig. Wala pa ring bago, gumising siya na minamahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Kinusot niya ang kaniyang namamagang mata, umupo sa kama, sa bintana nakatuon ang kaniyang paningin, pinagmamasdaan niya ang pasikat na araw. Hinding-hindi siya magsasawang umasa na mamahalin siya ng asawa hangga't nakikita niya ang pagsikat ng araw na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa. Nagtungo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan niya ang sarili. Nakita niyang namumula ang kaniyang mga pisngi, hindi rin nakaligtas sa kaniyang mata ang pasa sa kaniyang maputing balat sa may siko at braso. Her tears starting to leaky down to her cheek. She really can't imagine she will suffer like this. Her parents never hurt her even one string of her hair, they really love her so much. She grow up in a lovely family who treat her like a princess, why do she feel like a disgusting trash in her own husband? Why can't he treat her like his Queen? Alam niyang galit ito sa kaniya ngunit hindi niya alam kung ano ang pinagmulan ng matinding galit nito, maliban sa ayaw nitong mag-asawa. Mula ng maging mag-asawa sila hindi niya ito nakitang ngumiti o naging masaya na kasama siya. Ni hindi nito nagawang makitungo sa kaniya ng maganda, palaging nakataas ang boses nito at kung tingnan siya parang siya ang pinakamababang tao. Napatingin siya sa larawan na nakapatong sa kaniyang dresser. Kuha iyon ng kasal nilang dalawa. Ang lawak ng ngiti sa labi niya samantalang ang asawa ay pilit lang ang ngiti nito dahil sa Ina. Masasabi niyang ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya dahil hindi niya aakalain na maikakasal siya sa kaniyang minahal. She feel in love on her husband in the first meet. Hindi niya alam kung bakit ganu'n ka bilis na nahulog ang loob niya sa asawa. Ilang beses man nitong sabihin na parang: ‘hinain niya na ang kaniyang sarili sa isang mabangis na Leon.’ At ito nga ang pinaparanas nito sa kaniya, pinapahirapan siya nito at sinasaktan pero hindi pa rin siya susuko. Umaasa pa rin siyang mamahalin rin siya ng asawa tulad ng pagmamahal niya. Daga na siya kung daga pero patuloy pa rin ang pagmamahal niya sa isang Leon. Gaano man kabangis ang isang Leon darating ang panahon kusang luluhod ang mga paa nito para ipakita ang kahalagan ng isang daga. ‘Hangang kailan mo hihintayin ang panahon na iyon kung durog na durog ka na?’ Pinunasan niya ang luhang naglalandas sa kaniyang pisngi, habang ginagamot niya ang kaniyang mga pasa pagkatapos niyang maligo. Niligpit niya na rin ang mga ginamit niya bago bumaba. Pupunta na sana siya sa kusina ng makita niyang nasa loob ang asawa at pinaghahanda ng mayordoma ng almusal. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Nagtago sa pader si Amary ng marinig niya ang sinambit ni Manang na para bang kanina pa ang dalawa nag-usap. Ipinagtimpla ni Manang Lita ng kape si Zarchx, tahimik itong kumakain sa mesa; luto ng mayordoma. Hindi matiis ng mayordoma na hindi magsalita lalo't na nasaksihan niya ang ginawa ni Zarchx sa asawa nito. Hindi niya lubos maisip na magagawa ito ng kaniyang alaga, hindi niya ito pinalaki ng ganito, nakakasigurado siya na pinalaki niya ito ng tama. Isang mabait, magalang, at mataas ang respeto sa babae ang kilala niyang Zarchx dahil ito ang kinalakihan nito mula sa Lolo at Ama nito ay mababait pagdating sa babae na kahit gaano kabangis ay hindi pa rin kayang manakit ng walang kalaban-labang babae. Alam niya iyon dahil sa tumanda na siya sa paninilbihan sa mga ito. Kilalang-kilala niya na ang mga ito. Inilapag niya ang kape sa harapan ng kaniyang alaga. Tumayo siya sa harapan nito at pinagmasdan ito habang walang imik na kumain. “Nakita ko ang ginawa mo kagabi,” Mahinang panimula niya dahilan para matigilan sa pagkain si Zarchx. Sandali itong natigilan at uminom ng kape, hindi ito nakatingin sa mayordoma. Tumikhim si Manang at sandaling nilingon siya ni Zarchx at nagpatuloy muli sa pagkain. “Hindi mo gawaing manakit ng babae, walang kalaban-laban sa'yo ang asawa mo. Madadaan naman sa mahinahong usapan kung ano man ang pinagtatalonan niyo, hindi iyong dinadaan mo sa init ng ulo talagang magkakasakitan lang kayo.” Mahinahon pinagsabihan niya ito. Katulong lang siya reto kaya mahinahon niyang pinagsasabihan ito dahil kahit matanda pa siya dito bali-baliktarin man ang mundo, boss niya pa rin ang batang pinagsasabihan niya. “Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, hindi mo kilala ang babaeng iyan.” Walang modong sagot nito sa kaniya. “Tama ka, wala akong alam tungkol sa kaniya pero alam ko na alam mo na ang tama sa mali. Babae siya alam mo iyan. Hindi mo siya dapat sinasaktan, papaano kung mangyari iyon sa Mama mo? Isipin mo na lang na may kapatid kang babae, pinsan at malapit na kaibigan na inaabuso, anong maramdaman mo?” Huminga ng malalim ang Manang. “Hindi kita pinalaki ng ganiyan at kahit kailan hindi mo nakita sa mga magulang mo na nagkakasakitan, oo. Nag-aaway pero na dadaan sa maayos na usapan. Makinig ka anak, malupit ang tao pero mas malupit ang ganti ng tadhana na gawa ng tao.” Pabagsak na binitawan ni Zarchx ang kutsara’t tinidor na hindi na bago sa mayordoma kapag pinagsasabihan niya ito. “Iyan ang hindi mangyayari, Manang. Mas malupit ako sa tadhana, gagawin ko ang lahat ng gusto kung gawain. Hindi na ako bata para pangaralan mo.” Walang buhay na sagot nito sa mayordoma na siya namang ikinailing nito. Sinalinan ng mayordoma ng tubig ang baso nito. “Wag anak, juskong bata ka! Asawa mo pa rin siya kahit na anong gawin mo hindi mo na iyon mababago. Alam kung ayaw mo sa kaniya pero sana naman igalang at irespeto mo siya bilang isang babae, natatakot ako para sa'yo na baka sa huli ikaw ang magsisi...” Paki-usap ng mayordoma. Natatakot siya na may mas malala pang gawin si Zarchx sa dalaga, kilala niya ito kapag ginusto nito gagawin nito. Naaawa rin siya sa dalaga hindi dahil sa nakikita niya itong mabait at mahinhing dalaga kundi dahil sa ayaw niyang nakakakita ng babaeng sinasaktan dahil isa siyang babae at ramdam niya kung gaano ito kasakit. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Dagdag ng mayordoma. Naramdaman ni Zarchx na parang may nakamasid sa kanilang dalawa ng mayordoma kaya pa simple siyang tumingin sa gilid sa may pintuan at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya doon ang asawa na nakasilip at kaagad na nagtago ng mapansin nitong nakatingin siya dito. “Magiging ako sa kahit na anong gugustuhin ko. Hindi ba malinaw na ayaw ko sa kaniya at hindi ko siya nakikita bilang isang babae. Para sa akin isa lang siyang daga na pilit na inahain ang sarili sa Leon kahit na kinasusuklaman siya nito!” Padabog na ibinagsak ni Zarchx ang table napkin pagkatapos niyang punasan ang kaniyang labi at padabog itong tumayo at sinipa ang upuan para maibalik ito sa pagkakaayos. “Busog na ako, na busog ako sa sermon.” Dagdag pa nito bago naglakad papalabas ng dinning room. Nakita niyang nakatayo habang nakayuko ang kaniyang asawa sa tabi ng pader pero hindi niya ito tinapunan ng tingin, dire-diretso siya sa paglalakad palabas ng Mansion. Hindi mapigilang mapabuntong hiniga ang mayordoma sa inakto ng kaniyang alaga. Ngayon niya lang nakita itong umakto ng ganu'n sa harap ng hapag at talagang pasipa pa nitong ibinalik ang upuan na ginamit. Samantalang si Amary naman ay hindi maiwasang nagpatulo ng luha sa kaniyang narinig pero mas masakit pa rito. Dinaanan lang siya nito na parang hangin. Iniisip niya na lang na kaya ito na sabi ng binata dahil galit ito sa kaniya o ‘di kaya alam nito na nandoon siya nakikinig. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha ng napansin niyang may nakatayo sa harapan niya, babalik na sana siya sa kaniyang silid ng makita siya ng mayordoma at hindi siya nakatanggi ng sabihin nitong inihahanda na ang almusal niya. Abala sa paglilinis ng pinagkainan ni Zarchx si Rita at Ina habang si Lety naman ay inihahanda sa mesa ang kaniyang umagahan. “May kailangan ka pa ba, Hija? –Este Ma'am, pasensiya ka na.” Pagtatama nito sa tawag sa kaniya. Naka-upo siya sa harapan ng mesa habang nakatayo sa kaniyang gilid ang mayordoma, nginitian niya ito. “Ayos lang po. Wala na akong kailangan, salamat po.” Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya ang sarili dahil may usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon at kakain sa labas. Naisip niyang tawagan si Zarchx para magpaalam dito pero nang maisip na masisigawan lang siya nito at hindi siya papayagan ay hindi niya na itinuloy ang balak. Naisip niyang uuwi na lang siya nang maaga para hindi malaman ng asawa na umalis siya ng bahay, magpapaalam na lang siya sa mayordoma upang hindi ito mag-alala kung saan siya pupunta. Nakasuot siya ng isang pink na long sleeve na naka tack-in sa kaniyang black high waisted ripped jeans pinarisan niya rin ng puting sapatos. May itim na sling bag din siya kung saan nakalagay ang kaniya cellphone, wallet at iba pa. Nagmamadali siyang bumaba ng makita niya na itenext na ng kaibigan kung saan sila magkikita. “Ma’am aalis po kayo?” Tumango siya kay Rita ng makita niya itong naglilinis ng display sa sala. “Siguro magd-date kayo ni Master Leon 'no?” Panunukso nito na ikinawala ng ngiti sa labi niya. Sana nga katulad ng iniisip nito ang pupuntahan niya pero hindi, ni minsan hindi siya nito niyayang kumain sa labas at kahit makasabay niya ito sa pagkain ay hindi niya nagagawa. “Pakisabi na lang kay Manang na aalis muna ako babalik rin ako kaagad.” Nginitian niya ito. Nakangiting tumango ito. “Yes Ma'am! Mag-enjoy po kayo!” Agad siyang bumaba. Ginamit niya ang sariling sasakyan papunta sa isang fine restaurant kung saan sila magkikita ng kaibigan.Hola! I hope you will love ZARCHX MONTENEGRO's story.
Sa Mariano Private Resort. . .Sa dalawang araw na nakalipas, walang ibang ginawa si Odisza kundi ang kumbinsihin ang kaniyang ama na pabalikin si Zarchx sa Resort o ‘di kaya ay hayaan sila ni Zeus na sundan ito.Sobrang nag-aalala na si Odisza para kay Zarchx. Hindi niya alam kung saan ito dumiretso pag-alis sa resort at wala itong kakilala na pwedeng matuluyan.Zarchx only have her and the resort!“Papa, please give me back my phone!” Paki-usap ni Odisza.Kinumpiska ni Julio ang cellphone ni Odisza at pinagbawalan itong gumamit ng gadgets upang hindi ito magkaroon ng koneksyon kay Zarchx.Rinding-rindi na si Julio kay Odisza na palaging Zarchx na lang ang bukang-bibig nito.“Tumigil ka!” Bulyaw ni Julio at sinampal si Odisza.Sumalampak si Odisza sa sahig, hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kaniyang ama habang may dugong naglalandas sa gilid ng labi.Napako si Julio sa kaniyang kinatatayuan bakas sa mukha ang gulat dahil maging siya ay nagulat sa nagawa sa sarili niyang ana
“What are you doing, boys?” tanong ni Amary sa mga bata ng makarating sa sala. “Punishing ourselves.” ani Alas. “Because we're bad boys.” Segunda naman ni Zarchx Junior. Huminga ng malalim si Amary. “That's enough.” “Not yet, Momma.” Nilapitan ni Amary ang dalawang bata. Hinawakan niya ang pulsuhan nito upang humarap sa kaniya at pagkatapos lumuhod siya sa harapan nito upang makapantay ang mga ito. “No one say you have to punish yourselves. You are kids and it's normal that you can do mistakes.” “Listen. . .” Amary smiles. “A kids who know their mistakes doesn't deserve a punishment. When they admitted their mistakes, they deserves understanding. They don't have to punish themselves to be a good boy because making mistakes doesn't means they're bad boys.” “We upset Grandpapa, we deserve his punishment.” Alas said. “Does he give you punishment?” “No, Momma.” “It means Grandpapa show understanding and means you're a good boys.” Nagkatinginan si Zarchx Junior at Alas bago saba
Pinoproseso pa ni Odisza ang kaniyang mga nalaman. Masakit na marinig na sa isang araw at gabi nitong hindi umuwi ay may kasama itong babae. Ngunit hindi niya makakakaya na mawala ang kaniyang asawa. Masyado niya itong mahal upang ipaubaya sa iba. Siya at si Zeus ang pamilya nito! Kung papalayasin ito ng kaniyang ama ay sasama sila dahil hindi niya kayang mabuhay na wala si Zarchx sa kaniyang piling. Hindi pwedeng mapunta si Zarchx sa iba! Sa kaniya lang ang asawa niya! “Odisza. . . Let's go!” Aya ni Zarchx nang marinig ang mga papalapit na yabag. Maging si Urence ay napatingin sa paligid nang marinig ang mga kaluskos at mga yabag na tila nakapalibot sa kanila. Napalunok si Odisza at nilingon ang kaniyang ama. “Kung papalayasin mo ang asawa ko, Papa, sasama kami sa kaniya ng anak ko.” “Nahihibang ka na ba?!” Bulaslas ni Julio. “Hindi kayo aalis ng apo!” “Mahal ko ang asawa ko, Papa! Ipaglalaban ko ang kompletong pamilya na nararapat para sa anak ko!” Pangangatwiran ni Odisza
“Zarchx!” Tumakbo si Odisza palabas ng bahay upang sundan si Zarchx at bago pa man siya makalapit kay Zarchx narinig niya ang galit na sigaw ng kaniyang ama na siyang ikinahinto niya. Nais na paniwalaan ni Odisza ang kaniyang ama ngunit sa tuwing pinagbibintangan nitong nay babae si Zarchx ay wala itong napapatunayan. Kung kaya't naisip ni Odisza na gumagawa na naman ng paraan ang ama upang paghiwalayin sila ni Zarchx. Ilang beses na nitong sinubukan kung kaya't paniniwalaan niya ang sinabi ni Zarchx dahil hindi iyon ang unang beses na pinagtangkaan ng ama ang buhay ni Zarchx. “Papa!” Nagsusukatan ng masamang tingin si Julio Mariano at Zarchx. Si Diego ay pinupukol rin ng masamang tingin si Zarchx at ang mga kasamahan nito ay nasa likod na para bang isang senyas lang awtomatikong gagawa ng gulo. Si Urence naman ay nakatayo malapit kay Zarchx habang ang mga mata nito ay nakamasid kina Julio at pinag-aaralang mabuti ang mga galaw nito. Kumapit si Odisza sa braso ni Zarchx at tini
Palipat-lipat ang tingin ni Amary sa dalawang bata nang mapagtanto na tinakasan nito si Don Leon at kung hindi niya pa ito nakasalubong ay maaring nakalayo na ito. Naawa bigla si Amary nang maisip si Don Leon. Matanda na para bigyan ng mga isipin. Alam niyang nag-aalala na ito sa kaniya dahil hindi siya dumating kahapon patapos tumakas pa ang mga bata ngayon. “Halika na! Hinahanap na kayo ng Grandpapa niyo at sigurado akong nag-aalala na ‘yon sa inyo!” Hinawakan niya ang kamay ng dalawa. “Don't do this again, you're making your Grandpapa worried.” “Sorry, Tita, we just wanted to eat icecream.” Yumuko si Alas. “Momma, it's my idea. Sorry.” Yumuko din si Zarchx Junior. Binitawan saglit ni Amary ang kamay ni Alas at pinindot ang elevator. Muling hinawakan ang kamay ni Alas habang naghihintay na bumukas. Habang si Alas at Zarchx Junior parehong nakayuko ay nagsulyapan ito nang makahuluhang tingin. Naiisip ni Zarchx Junior na may nangyaring masama sa kaniyang Momma kung kaya't ganu'n
“May balita na ba si Jorah?” tanong ni Don Leon nang nakapasok si Nelson sa kwarto. “Hindi pa tumatawag, Don Leon.” tugon ni Nelson at inilapag ang tasa ng tsa-a sa center table. Huminga ng malalim si Don Leon. Naupo ito sa black leader couch na katabi ng center table. Isinandal ang likod sa couch at muling huminga ng malalim. “Magpahinga ka na muna, Don Leon.” ani ni Nelson na may pag-aalala. Magmula pa no'ng isang gabi walang tulog ang Don. Buong araw itong naghihintay ng balita at hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpapahinga. Sumimsim ng tsa-a si Don Leon. “Kilala mo ako, Nelson. Hindi ako makakapagpahinga hangga’t napapanatag ang loob ko.” Habang nasa kwarto si Don Leon, nakatanaw sa bintana at naghihintay ng balita ang kaniyang isipan ay punong-puno ng sari’t saring ideya. Kung sino ang may motibong dumukot kay Amary? Narecover na nina Jorah ang sasakyan na ginamit ni Amary maging ang sasakyan ng dumukot kay Amary ay naroon. In-inspeksyon nina Jorah ngunit walang nakitan







