Niligpit niya ang hinihanda niya wala siyang ganang kumain. Umakyat na lang siya para maligo pero nadatnan niya ang magulong kama ng asawa. Nagkalat na damit nito na kung saan-saan nakalagay. She clean her husband bedroom.
Habang kinukuha ang ang damit ng asawa para labhan, may napansin siyang mantsa sa isa nitong puting long sleeve, hindi lang ‘yon basta mantsa dahil hindi na bata ang asawa para magkaroon ng ganito, nakakapagtaka na sa kwelyuhan pa nito. Inamoy niya ang damit hindi nga siya nagkamali— amoy babae ang damit nito. Her tears drop. Naligo siya pagkatapos niyang linisin ang silid ni Zarchx at sinabay na ang paglalaba ng mga labada nito bago nagtungo sa kusina para magluto ng tangahalian. Tangahali na siyang nagising kaya pananghalian niya na lang ang kaniyang ginawa, dinamihan niya na rin ito para hindi na siya magluto ng dinner. Habang gumagawa ay walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata. Niligpit niya ang pinagkainan niya at dahil wala siyang magawa nilinis niya ang malawak na garden at diniligan ang lahat ng halaman. Nasa Mansion siya ng pamilya ng kaniyang asawa, malaki ito at malawak masasabi niyang mala palasyo ito dahil pagpasok mo ng sala dalawang hagdan ang bubungad hanggang ikalawang palapag iyon at deritso pa sa itaas. Malaki ang pamilya ng kaniyang asawa mula sa Lolo't Lola nito hanggang sa kanilang mga apo ay pwedeng manirahan dito dahil may sari-sarili silang kwarto na lahat masasabing 'master's bedroom’ ito ang Mansion ng buong angkan. Sa panahong ito, solo ni Zarchx ang mansion dahil wala sa bansa ang kaniyang mga kaanak, at kung nandidito man sa Pilipinas ay mayroon itong mga condo na tinutuluyan at kaniya-kaniyang mansion. Mga modern ang design ng Mansion dahil naging bahay pa ito ng magulang ng Lolo’t Lola ni Zarchx ngunit mas madami na rin ang mga bagay na bagong design hindi maikakaila na sobrang ganda nito mula sa mamahalin nitong design na para bang isang palasyo. Napatigil sa pagdidilig ng halaman si Amary ng marinig niya ang doorbell. Nagtatakang dumungaw siya sa ibaba para makita kung sino ang dumating dahil wala siyang ka ideya-ideya na may bibisita sa kanila dito. Imposible naman na ang kaniyang asawa ang nag doorbell, e hindi naman nito gawain, sana narinig niya rin ang sasakyan nito. Nagmamadaling binuksan niya ang malaking pinto para patuloyin ang tao sa labas, wala siyang nakitang tao sa labas ng gate kaya inisip niyang nakapasok na ito. “Magandang tangahali po, Ma'am.” Tumambad kay Amary ang limang ginang na dumating, sa tingin niya ay mga katulong ito dito. Mula kasi ng mapunta siya dito sa Mansion wala siyang nadatnan na katulong nagtataka nga siya kung bakit sa laki nitong mansion ay walang taga-linis. “Hello po, sino po sila?“ Nakangiting tanong niya sa mga ito. Napansin niyang pinasadahan siya nito ng tingin na parang sinusuri siya ng mga tao kaya hindi niya maiwasang mahiya sa mga ito. “Ah... Kami po iyong katulong dito na pinagbakasyon muna ni Master Leon, bumalik na kami dahil uuwi si Don Leon.” Tugon ng may edad na ginang sa tingin niya, ito ang mayordoma. “Sige po, tuloy po kayo.” Magalang niyang sambit at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang mga ito. “Siguro ikaw ang asawa ni Master Leon? Napakaganda mo naman Ma'am, ako pala si Lita ang mayordoma dito sa mansion.” Nginitian niya rin ang Mayordoma. “Opo, ako po si Amary.” Pagpapakilala niya sa mga ito. “Ang bait niyo naman, Ma'am,” Papuri ng isa sa mga ito. “Ako nga pala si Letty.” Dagdag pa nito, may edad na rin ito pero mas matanda pa rin sa kaniya si Manang Lita. “Ito naman si Cris, Ina, at Rita.” Pagpapakilala ni Manang sa tatlong babae na mukhang hindi naman nalalayo ang edad ng mga ito sa kaniya. Nginitian niya ang mga ito kahit na hindi kanais-nais ang itsura ni Ina na nakatingin sa kaniya na para bang hindi siya nito gusto, ramdam niya iyon dahil hindi siya manhid na tao. “Masaya po akong makilala kayo,” Masaya siyang makilala ito, mayroon na siyang makakasama sa bahay kapag wala si Zarchx. “Siguradong pagod po kayo sa byahe, ikukuha ko po kayo ng maiinom.” Nakangiting sambit niya na ikinagulat naman ng mga ito na para bang may mali sa kaniyang sinabi. “Hindi na po Ma'am, kami na lang ang gagawa para sa sarili namin isa pa, kami ang taga-silbi dito, hindi iyong kayo ang magsisilbi sa amin.” Tugon ng mayordoma. “Ang ganda-ganda niyo na nga po, Ma'am sobrang bait pa!” Papuri ni Lety sa kaniya. “Ano ka ba Lety, hindi na bago ‘yan. Amo kaya natin ang kaniyang asawa kaya hindi na bago kung mabait ang napangasawa nito dahil nasa lahi nila ang pagkakaroon ng maganda, mabait at maunawaing asawa.” Tumango naman si Lety sa sinambit ng Manang. Pagkatapos niyang makilala ang mga katulong na dumating masasabi niyang kilalang-kilala nang mga ito ang bawat miyembro ng pamilya sa mga kwento nito sa kaniya. Pinagpahinga niya na muna ang mga ito dahil paniguradong pagod sa byahe. Siya na rin ang pumilit na maghanda ng kanilang hapunan. Bandang alasais na siya na tapos magluto kaya pumanik siya sa kwarto para maligo at ayusin ang kaniyang sarili. 7 PM na ng matapos siya ngunit wala pa rin ang asawa kaya napagpasyahan niyang sa ibaba niya na lang ito hintayin. Pumunta siya sa sala para doon hintayin ang asawa, kahit na hindi alam niyang hindi ito masaya na siya ang sasalubong sa kaniya, binuksan niya ang TV para manood ng drama ng tumunog ang kaniyang cellphone. Amber Calling... [“Hello, Amary-baby!”] Napangiti siya ng marinig ang masiglang boses ng matalik na kaibigan. “Amber-babes! Kamusta ka na? Napatawag ka kamusta ang Europe?” Nakangiting tanong niya sa matalik na kaibigan. Kaibigan niya na ito mula ng high school pa lamang pero nang makapagtapos sila ng kolehiyo napilitan ito na sa Europe manirahan. Pinilit niyang pasiglahin ang kaniyang boses para hindi mahalata ng kaibigan ang kaniyang lungkot. [“Ayos lang ako Amary-baby, ikaw nga dapat itong kinakamusta ko. By the way ang Europe ay Europe pa rin.”] Nagtawanan silang magkaibigan sa kabaliwang sinambit nito. “Baliw ka pa rin hangang ngayon.” Panunukso niya dito. [“Yeah, crazy hate asshole dog keep on chasing me like hell! Napatawag lang ako para sabihing bumalik na ang best friend mo sa Pilipinas.”] Nanlaki ang mata ni Amary sa tuwa ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Nandidito na ulit ito sa Pilipinas pero ikinangiwi niya nang marinig ang tinutukoy na aso, si Lance ito. Isa sa kaibigan ni Zarchx ngunit ayaw naman ni Amber sa binata kaya ‘yon rin ang nagtulak na manatili sa Europe. Hindi napansin ni Amary ang pagdating ni Zarchx dahil sa abala itong makipag-kwentuhan sa kaibigan at anay ang sakay niya sa kabaliwan nito dahil miss niya rin ang kakulitan nito. “Talaga babes? Opo! Oo na ito na nga po... Yeah, bye! See you! Love you more! Bye.” Paalam ni Amary sa makulit na kaibigang si Amber Shireen. Malawak ang ngiti sa labi ni Amary ng matapos ang tawagan nila ng kaibigan. Inimbitahan siya nitong kumain sa labas bukas at para makapagbonding na rin sila sa tagal nilang hindi pagkikita. Kaagad namang na wala ang ngiti sa labi ni Amary ng marinig niya ang malakas na kalampag ng pintuan. Tumayo siya para tingnan ito at nakita niyang kakadating lang ng kaniyang asawa habang nakatingin ito sa kaniya ng masama, kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit. Lumapit ito sa kaniya at kaagad na hinablot nito ang kaniyang siko. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit sa mahigpit na pagkakahawak dahilan para mabitawan niya ang kaniyang cellphone. “A-aray, Za—” Napatigil siya sa pagsasalita ng maalala niya na ayaw nitong tawagin niyang Zarchx. “L-leon ano ba! N-nasasaktan ako...” Protesta niya at iwinaksi niya ang kamay mito dahilan para mabitawan siya, pero hindi nakaligtas sa mga kamay nito ang kaniyang panga. “Fooling me in my fucking own place is the biggest mistake, woman.” Ramdam niya ang pagdiin ng kamay nito sa kaniyang panga, halata sa mga mata nito ang galit. Amoy na amoy niya rin ang alak at mukha nga itong lasing na naman, hindi niya alam kung anong pinagsasabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito. “W-wala akong alam sa sinasabi mo,” Mangiyak-iyak siya sa sakit na nararamdaman. “Hindi ako tanga, putangina Amary! Wag na wag mo akong ginagago! Sino ‘yong kausap mo?! Lalaki mo? Hindi nga ako nagkamali isa ka rin sa kaladkaring babae! How could I marry a fucking bitch?!” Sigaw nito sa mukha niya na ikinapikit niya dahil sa takot na nararamdaman. Gusto niyang sabihin na ang kaibigan niyang si Amber ang kausap niya pero walang boses na lumabas sa kaniyang bibig, dahil ang sakit ng mga salitang binitawan nito sa kaniya na hindi naman totoo. It's really hurt to heard a rude words from the man that you love the most. Mas minabuti niya na lang na manahimik dahil alam niyang magagalit ito lalo kapag na ngatwiran pa siya at sa huli hindi din naman naniniwala sa kaniya. “Why don't you answer me, Bitch? Did you meet? How many times did you warm that asshole’s bed? Do he's good in—” Hindi naipagpatuloy ni Zarchx ang sasabihin nito nang malutong na sampal ang ibinigay ni Amary. Hindi na matiis ni Amary ang pang-iinulto sa kaniya ng binata. Takot siya dito pero nawala ang lahat ng takot niya sa katawan dahil sa mga pinagsasabi nito na wala namang katutuhanan. “You don't have a right to insult me, Leon! Weather you believe me or not, I'm just talking to my best friend. Wag mo akong itulad sa mga babaeng pinagsasawaan mo! Hindi ako pakawalang babae,” Matapang na sagot niya dito na may galit. Hindi niya pinansin ang masamang titig sa kaniya ng asawa. Muli nitong hinablot ang braso niya at mahigpit ang pagkakawak nito pakiramdam niya ay mababale ang buto niya sa sobrang higpit nito. “I’m not stupid Amary! Calling your best friend a babe? Fucking wow! What a disgusting excuses?! One fucking thing I assure you Amary,” Mas humigpit ang hawak nito sa kaniyang siko. “I can kill your fucking men in front of you! I can kill you both! You fucking don't know how fucking evil I am. Fucking try me, Natashira Amary Fuentabella.”Nasasaktan si Zarchx Jr na makita ang kaniyang Daddy sa piling ng iba. Masaya ito kasama ang bagong pamilya habang sila ng Momma niya; Nangungulila. . . All of his life, he believed that his father is dead! And everyone knows what is the cause of his father's death. “Little bro!” Tawag ni Alas. “Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!” Tinap ni Alas ang balikat ni Zarchx Jr. Nang mapansin ni Alas na walang kibo si Zarchx Jr at may luhang naglalandas sa pisngi nito ay nakaramdam ng galit si Alas, ayaw ni Alas na malungkot ito! “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, ah. . . Broken hearted ka na agad doon sa little girl kanina?” Biro ni Alas upang ngumiti ito ngunit simpleng iling ang sagot nito. Alam ni Alas na hindi lang 'yon ang iniiyakan ng nakababatang pinsan at ayaw niyang nakikita itong malungkot. May umaway ba dito? O may nakita itong ikinasasakit ng damdamin? “Eh bakit ka umiiyak?” Iginala ni Alas ang mata sa paligid sa iisipin na may nang-away. “Sinong nagpa-iyak sa'
Sa loob ng isang Japanese Restaurant, sa loob ng mall. Maganang-maganang kumakain sina Alas at Zarchx Jr kasalo si Don Leon. Napapatingin sa kanilang table ang ibang costumer dahil agaw pansin sina Alas at Zarchx Jr. Nakasuot ng black long sleeve shirt si Alas at sa magkabilaang mangas nakalagay; SALVADOR. Ganu'n rin ang suot ni Zarchx Jr, kulay puti iyon at MONTENEGRO naman ang nakalagay sa mangas. “What do we do next after this?” Uminom ng wine si Don Leon. Nagkatinginan ang dalawang bata. Nakangiting tumingin si Alas sa Don. “Let Zarchx Jr, decided Grandpapa.” Kumunot naman ang noo ni Zarchx Jr dahil siya na lang palagi ang nasusuod magmula nang dumating sila sa mall hanggang sa pagpili ng restaurant na kakainan nila. “Wait. Kuya Alas, your being unfair! You should choose the place you want to go too! You decide.” Nakangiting umiling si Alas, gusto niyang i-spoil si Zarchx Jr sa mga maliliit na bagay. Isa pa, ang mga lugar na gusto nito ay gusto niya rin. “Hindi ba reward mo
Kinabukasan, Nakasandal si Zarchx sa headboard ng kanilang kama habang nakatingin sa malapad na bintana ng silid kung saan kitang-kita niya ang paglitaw ng araw. Palagi siyang maagang gumising pero sa pagkakataong iyon hindi siya pinatulog nang mukha ng babaeng nakita niya sa diyaryo. Sa tuwing ipipikit ang mga mata, ito ang nakikita niya. Pakiramdam niya'y may malalim silang koneksyon ng babae dahil ibang-iba ang naramdaman niya. Nagbaba ang mata niya sa larawan naka-flash sa screen ng phone niya. Ang magandang mukha ni Nathashira Amary Fuentabella, na kinunan niya mula sa diyaryo. Naiiling na binura niya ang larawan nito. May asawa't anak na siya at hindi dapat na iniisip ang babaeng malapit sa pamilya Montenegro. Pag-aawayan lang nila ni Odisza kapag nakita nito ang larawan, ayaw niya pa naman na nagkakasamaan sila ng loob. ‘Lance Javier...’ Napalabi siya ng maalala ang pangalang 'yon. Aalamin niya kung sino ang lalaki at balak niyang kitain pero bago niya gawin 'yon kailan
Maagang umalis si Zarchx sa Mariano Resort upang pupuntahan si Giovanni Silvestre, mabuti na lamang at nasa Baguio nakabase, kaya hindi siya nahirapan na kumbensihin si Odisza na pupuntahan ito dahil nasa Baguio rin naman ang resort ng Mariano. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng malapad na gate. Lumapit sa kaniya ang guwardiya pagkatapos nitong tanungin ang pangalan niya, nagradio ito at awtomatikong bumukas ang gate at pinapasok siya. Nang maiparada ang sasakyan sa tapat ng magarang mansion. Bumaba siya ng sasakyan at isinuot ang kaniyang shades habang inaayos ang suot niyang black coat. Ang kaniyang maliliit na galaw ay mas lalong nagpapalakas ng kaniyang karisma at kagwapohan. Kapag nga naglilibot siya sa resort ng mag-isa, madaming lumalapit na mga babae lalo na ang mga dayuhan, kaya naman napakaselosa ng asawa niya dahil natatakot itong mabaling ang atensyon niya sa iba. Sinalubong siya ni Richard, ang kanang-kamay ni Giovanni Silvestre. Kilala niya ito dahil ilang bes
Sa Mariano Private Resort. . . Nakaupo sa isang lounge chair ang gwapong binata, nakatutok ang kaniyang nakakaakit na mga mata sa pagsikat ng haring araw. Walang umaga na hindi nito inaabangan ang pagsikat ng araw. Kahit na saan man siya o kahit ano man ang ginagawa, iiwan at iiwan nito para pagmasdan ang pagsikat ng araw. Watching the sunrise is there something in his heart that he can't explain. May it be sounds crazy but he's in love to the handsome bright sun. Samantalang hindi mapakali si Odisza Mariano nang magising na wala sa kaniyang tabi ang asawa. Balisang naghanap at nag-aapoy sa galit ang mga mata, nang makita ito agad na sumilay ang ngiti sa labi. “Zarchx, Honey!” Nakangiting kuha niya ng atensyon nito. “What are you doing here? Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Masyado pang maaga,” Odisza sat beside him. “You mentioned that we love watching sunrise before I got an accident, even if I don't remember anything. My heart seems calling for it.” Zarchx caressing
Bumuga ng marahas na hangin si Amary nang matagpuan niya ang kaniyang sarili na paikot-ikot sa loob mall at halos lahat ng shop ay pinasukan na nilang magkaibigan. Madami ang pinamili ni Amber na kung anu-ano at nagawa pa nitong ilibre siya ng kung anu-anong gamit kahit hindi niya naman nais na bumili. Wala rin itong tigil sa pagtatanong kung bakit mali ang ang kompletong pangalan niya na binangit nito. Amber is a over thinker person, so, she let her best friend that she have an another man ’cause being Missis Montenegro is invalid. “Gutom na gutom na ako!” Reklamo ni Amber na para bang lantang gulay na habang bitbit ang mga paper bag sa magkabilaang kamay nito. Sa dami ng pinamili nito ay balak na sigurong iuwi ang buong mall sa bahay. “Ako rin.” Amary pouted. “Kasalanan mo 'to!” Napairap si Amber. “Oo na! Pero Sis hindi na talaga makakahintay itong gutom ko sa bahay kaya pwede ba kumain muna tayo bago umuwi?” “Sure, my treat.” Lumiwanag naman ang mukha ni Amber. Hinila nito s