Beranda / Mafia / ZARCHX MONTENEGRO / ZARCHX MONTENEGRO 4

Share

ZARCHX MONTENEGRO 4

Penulis: Black_Jaypei
last update Terakhir Diperbarui: 2023-07-17 08:19:58

Pagkapasok niya ng restaurant, inilibot niya ang paningin para makita ang kaibigan, nakita niya itong kumakaway sa kaniya kaya nakangiting tinungo niya ang kinaruruunan nito.

“Amary-baby, I miss you!” Sinalubong siya nito nang yakap at gumanti naman kaagad siya dito lalo pa’t miss na miss niya na ito.

“Me too.” Tipid niyang sagot. “I miss you!”

Umupo sila at tinawag naman ni Amber ang Waiter, umorder sila ng makakain. Habang naghihintay ng order ay nagku-kwentuhan sila ng kaibigan.

“Girl, ang laki ng pinagbago mo. Sigurado ka bang okay ka lang? Ikaw ba talaga ang luxurious best friend ko?” Nag-aalalang puna nito sa kaniya.

Siguro nagtataka ito na wala siyang suot kahit isang alahas. Walang magandang suot katulad ng dati na kapag lumalabas siya ay para siyang pupunta sa isang celebration sa ganda ng ayos niya.

“Oo naman, bakit mo naman na tanong iyan?” Pilit niyang pinapasigla ang boses para makita ng kaibigan na ayos lang siya at masaya sa buhay na mayroon siya.

Pinakatitigan siya nito. “Alam kung hindi, sino bang magiging masaya kung hindi ka gusto ng lalaking pinakasalan mo? Tell me, may nangyayari ba? Sinasaktan ka ba niya?”

Napalunok siya sa tanong ng kaibigan. “Tingnan mo nga ang sarili mo, look, ang layo-layo mo na sa Amary na kilala ko,”

Alam nitong hindi siya gusto ng asawa pero hindi niya ikinu-kwento dito ang buong nangyayari katulad ng physical na pananakit nito sa kaniya dahil kapag nagkataon.

Magsusumbong ito sa mga magulang niya at sigurado siyang babawiin siya ng mga ito, ayaw niya iyong mangyari hindi dahil sa hindi pa muling nakakabangon ang kanilang kompanya kundi dahil sa mahal na mahal niya ang asawa.

“No offense, Girl, pero mukha ka ng lusyang! Ang dry ng buhok mo, kailan ka ba huling pumunta sa salon? ‘Yang suot mo, hindi ka naman ganiyan manamit, ang Amary na kilala ko ay mahilig sa sexy fashionable clothes, the sexiest thing she had is her beautiful smile. Where is it?”

Yumuko siya.

“I’m just busy these past few days.” Tipid niyang sagot.

Abala siya palagi at hindi niya alam kung paano aayusin ang sarili dahil isa lang naman ang kaniyang nais, iyong mahalin rin siya ng kaniyang asawa.

“Amary. May iba pa bang problema maliban sa ayaw sa'yo ng asawa mo? Sinasaktan ka—” Hindi niya na pinatapos ang sinasabi ng kaibigan.

“Ano ka ba, saan mo naman nakuha ‘yan? Nandidito tayo para pag-usapan ang mga bagay na nangyari sa atin nitong nakaraan na hindi magkasama...”

“... At kasama ang tanong ko, kaya sagutin mo.” Pinandilatan siya nito.

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa mata nito.

“Ayos naman kami ni Zarchx, pero hindi kasing-ayos ng isang tunay na mag-asawa.—Teka nga, bakit ako lang ang tinatanong mo, iyong sa inyo ni Lance kamusta naman, ah?” Ganti niya dito dahilan para mapa-irap ito sa kawalan.

“Wag na nating pag-usapan ang ulol na iyon dahil na i-stress lang ako sa kaniya. Alin ba kasi sa ayaw ko sa kaniya ang hindi niya maintindihan?” Halata sa boses nito ang pagka-irita na mukhang ayaw na ayaw talaga nito sa binata.

“Mabait naman si Lance bakit hindi mo pagbigyan? Wala namang masama kung susubukan mo—

“—Hep! Hep! Hep! Wag mo akong ibugaw sa kaniya, best friend mo pa rin ako kahit na sabihin mo pang kaibigan mo siya, hm?”

Sa pagkakataong ito, si Amber naman ang napa-irap, kinakasuklaman talaga nito ang binata kahit na mabuti naman itong tao.

Napaisip siya na nasa pareho silang sitwasyon ni Lance. Ganu'n rin kasi sa kaniya ang asawa niya. Ayaw na ayaw nito sa kaniya kahit na wala namang mali sa kaniya at wala siyang ginagawang masama, mabuti siyang babae. Naisip niyang pareho silang naghihintay ni Lance ng tamang panahon para tanggapin ng taong kanilang minamahal...

Bandang alasais na naka-uwi si Amary dahil pagkatapos nilang kumain ay naglibot pa sila sa Mall. Niyaya siya nitong magpa spa pero tumangi siya hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil sa ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga pasa na natatakpan ng long sleeve niya.

Hindi na siya nag-abala pang magpalit pa dahil gabi na nagluto na siya ng hapunan dahil abala ang lahat ng katulong sa paglilinis ng buong bahay sa laki ng mansion.

Napagkaalaman ni Amary na nasa labing anim ang katulong dito maliban sa mga driver at guard. Pinaghahandaan kasi nito ang pagbabalik ng Lolo ni Leon na si Don Leon.

Pasado alas syete na siya natapos sa pagluluto kaya inihanda niya na ang mesa, hindi niya alam kung anong oras darating ang asawa kaya hinain niya na lang ito kung sakaling hindi pa ito naghahapunan, kakain ito.

Busog pa naman siya kaya iniwan niya na ang mesa umakyat siya para makapagpalit na ng damit dahil baka maabutan pa siya ng asawa ng ganu'n ang ayos.

“Saan ka galing?”

Nahigit ni Amary ang hininga ng marinig niya ang boses ng asawa nang hindi niya pa nga na isasara ang pinto. Napapikit siya dahil hindi niya akalain na nakauwi na ito ng ganitong oras hindi niya rin ito napansing dumating, siguro dati na itong nandidito sa loob ng kwarto.

Dahan-dahan siyang humarap para makita ito, nagulat siya ng nasa harapan niya na ito at galit na galit ang kaniyang mukha.

“Saan ka galing?!” Pag-uulit nito dahilan para mapaigtad siya sa gulat ng pagsigaw nito.

“Sagot!!” Sigaw nito at hinawakan ang kaniyang panga paharap dito kaya nakatutok siya sa galit nitong mukha.

“Kating-kati ka talaga ‘no? Ilang lalaki na ba ang nakatikim sa'yo? P*****a Amary! Sinasabi ko sa'yo, wag mong hintayin na ako mismo ang makahuli sa inyo, dahil kahit ilang lalaki pa iyang nakapasok sa'yo—” Winaksi ni Amary ang kamay ni Zarchx na nakahawak sa panga niya.

“Ano bang pinagsasabi mo, Leon?! Lumabas ako para kitain si Amber hindi ako ang babae na katulad ng iniisip mo!” Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas niya para sagutin ito ng buong lakas.

Kung mayroon mang dapat magalit ay siya iyon, dahil ito ang mayroong babae. May ebidensya siyang nakita.

“Putang Ina. Amary ako ba talaga ginagago mo?! Ginamit mo pa ang kaibigan mo sa kababoyan mo?! Tangina, Amary! Magpapaka-ulol ba ang putangina kung kapatid kong nandidito ang magaling mong kaibigan?!” Nagulat si Amary.

Malalaki ang mata na nakatingin siya sa asawa dahil malinaw sa pandinig niya na tinawag nitong kapatid si Lance Javier!

Zarchx Montenegro ang pangalan ng asawa niya paano nito na sasabing kapatid si Lance Javier? All she know that Lance and Zarchx was a close friend.

Napahaplos sa mukha si Zarchx na para bang natauhan rin sa salitang lumabas sa kaniyang bibig. Maharas nitong hinila siya sa braso.

“Hindi mo ako lubusang kilala, Amary dahil nagkamali ka sa pagpili na ako ang pinakasalan mo! Nakatali man ang pangalan ko sa pangalan mo pero hinding-hindi mo mababago ang pagkatao ko!”

Nag-aapoy sa galit na sambit ito sa kaniya na ikinapikit niya hindi dahil sa malakas nitong sigaw kundi dahil sa masakit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso.

“Hindi ka lalabas ng bahay hangga't hindi ko sinasabi, makikita mo kung anong kaya kung gawin sa'yo. Tandaan mo Amary, sa susunod na lalabas ka ng walang pasabi makikita mo ang hinahanap mo!” Pabagsak siya nitong binitawan dahilan para mapasalampak siya sa sahig.

Nakatitig lang siya sa nilabasang pinto ng asawa habang nanlalabo na ang kaniyang paningin dahil sa dami ng luha na kumakawala sa kaniyang mga mata.

Bakit ang hirap para dito na paniwalaan siya na ang kaibigan niya ang kasama niya? Isa pa na banggit nito na kapatid, wala namang ibang humahabol sa kaniyang kaibigan kundi si Lance Javier.

Papaano sila naging magkapatid na ang layo ng kanilang pangalan sa isa’t-isa? Siguro nga hindi niya pa lubusang kilala ang kaniyang asawa. Kailangan niyang malaman kung anong tunay na pagkatao ng kaniyang asawa at ang ugnayan nito kay Lance Javier na naging kaibigan niya.

Nanghihinang tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig upang magtungo sa kaniyang silid ng hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng madulas siya at muli siyang sumalampak sa sahig.

Tiningnan niya ang madulas na plastic na may lamang kulay puti, dinampot niya iyon para pagmasdang mabuti ng mapagtanto niya kung ano ito.

Kaagad niya itong nabitawan at walang sabi-sabing nakaramdam siya ng pandidiri at tumakbo patungong banyo at nagsusuka.

Condom na gamit na ang naapakan niya!

Nagsusuka siya sa lababo dahil sa pandidiri, hindi niya mapigilang mapaiyak ng tahimik. Nag-uwi ng ibang babae ang kaniyang asawa, ang babaeng iyon rin ba ang may gawa ng mantsa sa damit nito?

Hindi na ito bago sa kaniya dahil ng una itong nag-uwi ng babae. Maghapon siyang walang kain dahil hindi siya makalabas sa kwarto dahil nasa loob maghapon ang asawa na may kasamang ibang babae na gumagawa ng kababalaghan.

Hindi niya kilala ang babae dahil hindi niya ito na silayan. Hindi niya naman magawang lumabas dahil madadaanan niya ito hindi niya kayang makita ang ginagawa nito dahil alam niyang madudurog siya sa pagkakataong iyon.

Tiniis niya ang gutom at sakit. Maghapong puro ungol at halinghing ang kaniyang naririnig at walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata nanpg araw na iyon.

Ibinibintang nito ang bagay na hindi naman niya gawain, masakit sa kaniya ang mga sinasabi nito. Her husband didn't respect her as a wife, and he didn't respect her as a woman.

Hindi niya alam kung nakalimutan nitong linisin ang ginamit nito o sinadya nitong makita niya ang bagay na iyon para masaktan siya.

She's really miserable. Dapat pa kaya siyang lumaban o sumuko na? Unti-unti na siyang nadudurog, sobrang sakit na.

“Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?”

Black_Jaypei

Holaaa! Enjoy reading!

| 1
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ZARCHX MONTENEGRO   ZARCHX MONTENEGRO 52

    Itinabi ni Urence ang pagkain at inumin nila ni Zarchx bago binuksan ang hawak na sobre na naglalaman ng mga larawan na kaniyang nakolekta.Unang inilapag ni Urence sa mesa paharap kay Zarchx ang larawan ng mag-asawa—kuha ang larawan na iyon sa isang press conference.“Simulan natin sa kanilang dalawa, Boss. Ito si Mr. Alejandro at Mrs. Kayatana Montenegro, ang may-ari ng Montenegro Corporation. Maituturing na isa ito sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Karamihan sa mga proyekto nito ay katuwang ang Pendilton Empire.”Titig na titig si Zarchx sa larawan habang isinasaulo ang mukha ng mga ito at nakikinig sa mga sinasabi ni Urence.“Sina Mr. & Mrs. Montenegro ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay ay si Zarchx Montenegro at ikaw ‘yon, Boss.”Sinulyapan ni Zarchx si Urence. “I have brother?”“Yes, Boss.” Pangalawang larawan na inilapag ni Urence ay larawan ni Lance Javier—kuha iyon sa tabing dagat. Ang anggulo ng larawan ay tila naglalakad ito na lumingon sa likuran kung na saan

  • ZARCHX MONTENEGRO   ZARCHX MONTENEGRO 51

    Sa Mariano Private Resort. . .Sa dalawang araw na nakalipas, walang ibang ginawa si Odisza kundi ang kumbinsihin ang kaniyang ama na pabalikin si Zarchx sa Resort o ‘di kaya ay hayaan sila ni Zeus na sundan ito.Sobrang nag-aalala na si Odisza para kay Zarchx. Hindi niya alam kung saan ito dumiretso pag-alis sa resort at wala itong kakilala na pwedeng matuluyan.Zarchx only have her and the resort!“Papa, please give me back my phone!” Paki-usap ni Odisza.Kinumpiska ni Julio ang cellphone ni Odisza at pinagbawalan itong gumamit ng gadgets upang hindi ito magkaroon ng koneksyon kay Zarchx.Rinding-rindi na si Julio kay Odisza na palaging Zarchx na lang ang bukang-bibig nito.“Tumigil ka!” Bulyaw ni Julio at sinampal si Odisza.Sumalampak si Odisza sa sahig, hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kaniyang ama habang may dugong naglalandas sa gilid ng labi.Napako si Julio sa kaniyang kinatatayuan bakas sa mukha ang gulat dahil maging siya ay nagulat sa nagawa sa sarili niyang ana

  • ZARCHX MONTENEGRO   ZARCHX MONTENEGRO 50

    “What are you doing, boys?” tanong ni Amary sa mga bata ng makarating sa sala. “Punishing ourselves.” ani Alas. “Because we're bad boys.” Segunda naman ni Zarchx Junior. Huminga ng malalim si Amary. “That's enough.” “Not yet, Momma.” Nilapitan ni Amary ang dalawang bata. Hinawakan niya ang pulsuhan nito upang humarap sa kaniya at pagkatapos lumuhod siya sa harapan nito upang makapantay ang mga ito. “No one say you have to punish yourselves. You are kids and it's normal that you can do mistakes.” “Listen. . .” Amary smiles. “A kids who know their mistakes doesn't deserve a punishment. When they admitted their mistakes, they deserves understanding. They don't have to punish themselves to be a good boy because making mistakes doesn't means they're bad boys.” “We upset Grandpapa, we deserve his punishment.” Alas said. “Does he give you punishment?” “No, Momma.” “It means Grandpapa show understanding and means you're a good boys.” Nagkatinginan si Zarchx Junior at Alas bago saba

  • ZARCHX MONTENEGRO   ZARCHX MONTENEGRO 49

    Pinoproseso pa ni Odisza ang kaniyang mga nalaman. Masakit na marinig na sa isang araw at gabi nitong hindi umuwi ay may kasama itong babae. Ngunit hindi niya makakakaya na mawala ang kaniyang asawa. Masyado niya itong mahal upang ipaubaya sa iba. Siya at si Zeus ang pamilya nito! Kung papalayasin ito ng kaniyang ama ay sasama sila dahil hindi niya kayang mabuhay na wala si Zarchx sa kaniyang piling. Hindi pwedeng mapunta si Zarchx sa iba! Sa kaniya lang ang asawa niya! “Odisza. . . Let's go!” Aya ni Zarchx nang marinig ang mga papalapit na yabag. Maging si Urence ay napatingin sa paligid nang marinig ang mga kaluskos at mga yabag na tila nakapalibot sa kanila. Napalunok si Odisza at nilingon ang kaniyang ama. “Kung papalayasin mo ang asawa ko, Papa, sasama kami sa kaniya ng anak ko.” “Nahihibang ka na ba?!” Bulaslas ni Julio. “Hindi kayo aalis ng apo!” “Mahal ko ang asawa ko, Papa! Ipaglalaban ko ang kompletong pamilya na nararapat para sa anak ko!” Pangangatwiran ni Odisza

  • ZARCHX MONTENEGRO   ZARCHX MONTENEGRO 48

    “Zarchx!” Tumakbo si Odisza palabas ng bahay upang sundan si Zarchx at bago pa man siya makalapit kay Zarchx narinig niya ang galit na sigaw ng kaniyang ama na siyang ikinahinto niya. Nais na paniwalaan ni Odisza ang kaniyang ama ngunit sa tuwing pinagbibintangan nitong nay babae si Zarchx ay wala itong napapatunayan. Kung kaya't naisip ni Odisza na gumagawa na naman ng paraan ang ama upang paghiwalayin sila ni Zarchx. Ilang beses na nitong sinubukan kung kaya't paniniwalaan niya ang sinabi ni Zarchx dahil hindi iyon ang unang beses na pinagtangkaan ng ama ang buhay ni Zarchx. “Papa!” Nagsusukatan ng masamang tingin si Julio Mariano at Zarchx. Si Diego ay pinupukol rin ng masamang tingin si Zarchx at ang mga kasamahan nito ay nasa likod na para bang isang senyas lang awtomatikong gagawa ng gulo. Si Urence naman ay nakatayo malapit kay Zarchx habang ang mga mata nito ay nakamasid kina Julio at pinag-aaralang mabuti ang mga galaw nito. Kumapit si Odisza sa braso ni Zarchx at tini

  • ZARCHX MONTENEGRO   ZARCHX MONTENEGRO 47

    Palipat-lipat ang tingin ni Amary sa dalawang bata nang mapagtanto na tinakasan nito si Don Leon at kung hindi niya pa ito nakasalubong ay maaring nakalayo na ito. Naawa bigla si Amary nang maisip si Don Leon. Matanda na para bigyan ng mga isipin. Alam niyang nag-aalala na ito sa kaniya dahil hindi siya dumating kahapon patapos tumakas pa ang mga bata ngayon. “Halika na! Hinahanap na kayo ng Grandpapa niyo at sigurado akong nag-aalala na ‘yon sa inyo!” Hinawakan niya ang kamay ng dalawa. “Don't do this again, you're making your Grandpapa worried.” “Sorry, Tita, we just wanted to eat icecream.” Yumuko si Alas. “Momma, it's my idea. Sorry.” Yumuko din si Zarchx Junior. Binitawan saglit ni Amary ang kamay ni Alas at pinindot ang elevator. Muling hinawakan ang kamay ni Alas habang naghihintay na bumukas. Habang si Alas at Zarchx Junior parehong nakayuko ay nagsulyapan ito nang makahuluhang tingin. Naiisip ni Zarchx Junior na may nangyaring masama sa kaniyang Momma kung kaya't ganu'n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status