LOGINAaminin ni Amary, hindi iyon ang unang beses na nag-iwan ng bakas ang kaniyang asawa na gumagawa ito ng milagro kasama ang kung sinu-sinong babae pero hindi niya lubos maisip na pati sa sarili nitong Mansion nagawa nitong magdala ng babae hindi lang siya ng binaboy nito, kundi pati na rin ang pamamahay ng sariling pamilya.
Kahit ano pang gawin nito, kahit ano pang iparamdam, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya para rito. Mahal na mahal niya pa rin ang asawa. Lumabas siya ng kaniyang silid upang gumamit ng banyo ng matanaw niya ang asawa na mahimbing na itong natutulog sa kama. Hindi niya mapigilan ang sarili na lumapit dito at pakatitigan ang gwapo nitong mukha. Ilang minuto rin siyang nakatitig dito, hindi iyon na gagawa sa umaga, susulitin niya ang bawat gabing may pagkakataon siya para pagmasdan ito. Hindi pa siya nakuntento, umupo siya sa gilid ng kama nito at malapitang pinakatitigan, hinahawi niya ang buhok nito na nakakatakip sa mukha. “Mahal na mahal pa rin kita kahit na anong mangyari...” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Hindi kita susukuan. Hinding-hindi kita bibitawan kahit sobrang sakit na. Sa mata ng diyos, sa mata ng tao... I am Mrs. Zarchx Montenegro, ‘yon ang panghahawakan ko.” Kaagad niyang tinuyo ang kaniyang pisngi ng maramdamang basa na naman ito ng mga luha. Dumukwang siya para halikan ito sa noo. “Good night, my love.” Kahit papaano ay masaya na nagagawa niya ang bagay na ito pero hindi nito napapalitan ang sakit na nararamdaman niya. Umalis na siya sa tabihan ng asawa ng mapagtanto niya na mahigit kalahating oras na siyang nakatitig dito, kaagad rin siyang bumalik sa kaniyang kwarto ng matapos siyang gumamit ng banyo. Madaming katanungan ang naglalaro sa kaniyang isipan. Mula sa nabanggit ng asawa na kapatid nito si Lance Javier, ngunit paano? Paano sila naging magkapatid? Isa lang iyon sa mga sariwang tanong sa kaniyang isipan pero ang isang ito ang hindi na bago na halos gabi-gabi niyang itinatanong sa sarili; ano bang kulang sa akin? Bakit hindi niya ako matanggap bilang asawa? Sa dami ng iniisip ni Amary ay unti-unti na siyang hinihila ng antok hangang sa makatulog na siya. Matatapos ang gabi at sisikat muli ang araw na wala pa ring bago mahal na mahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Naiinis na pabalik-balik sa paglalakad si Amary sa loob ng kwarto ni Zarchx. Mula kasi ng gabing nagkasagutan silang dalawa ng lumabas siya nang hindi nagpapaalam ay kumuha ito ng mga tao na magbabantay sa kaniya; bawal siyang lumabas. Anim na lalaki ang kinuha nito at hindi niya ito nakikitang isang simpleng lalaki lang dahil sa mga ayos nito na hindi naman mukhang bodyguard dahil mas mukha pa itong goons. Nagalit niya ulit kasi ang asawa, nang umali siya ng hindi nagpapaalam para bumili ng grocery, busy lahat ng katulong sa paglilinis ng buong mansion, pinaghandaan ang pagdating ni Don Leon. Sa pangalawang beses, sinabi nito na hindi siya pwedeng lumabas, galit na galit ito sa kaniya. Gustong-gusto niya ng makalabas, ilang linggo na siyang nakaburo sa loob ng bahay, maging ang pagtungtong niya sa garden ay hindi siya pinayagan ng mga tauhan ni Zarchx dahil iyon ang utos ng asawa. May usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon dahil kaarawan nito. Hindi na nga siya nangako dito na makakadalo siya pero sinusubukan niyang makapunta dahil mahalaga ang araw na ito para sa kaniyang kaibigan. “Bakit ganiyan ang ayos mo?” Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang baritonong boses ng asawa, nang pumasok ito sa kwarto. Talagang hinihintay niya ito para magpaalam na dadalo siya sa kaarawan ng kaniyang kaibigan. Hindi siya sigurado kung papayagan siya nito, pero wala namang masama kung susubukan niya. Nakayukong nilapitan niya ito, hindi siya nito tinapunan ng tingin kahit na ramdam nito na nasa tabihan na siya. “L-leon, gusto kung lumabas...” Napalunok siya. “Kahit ngayon lang Leon, pagbigyan mo na ako. Birthday ni Amber ngayon gusto ko sana siyang batiin ng—” “No.” Madiin nitong tugon. “Just call her and greet over the phone.” Dagdag pa nito. Hinubad nito ang suot na relos at bracelet bago hinubad ang suot na coat. Bakas sa mukha ni Amary ang pagkadismaya sa narinig sa asawa. Tanda na ayaw siya nitong palabasin. Gustong-gusto niyang batiin ng personal ang kaibigan at dahil gustong-gusto niya na ring makapamasyal kahit saglit, kaunting-kaunti na lang ay baka masiraan na siya ng ulo na palagi lang siyang nasa silid. “G-gusto ko sana siyang batiin ng personal, please... Kahit ngayon lang, ilang linggo na akong nandidito lang sa bahay gusto k-kong—” “Makikipag kita na naman sa lalaki mo?! Putang Ina! Gustong-gusto mong makalabas para batiin ito ng o gustong-gusto mong makita ang lalaki mo para kamutin iyang kakatihan mo?! Hindi ka talaga makatiis 'no?! Putang Ina! Umalis ka sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo, tamaan ka pa sa akin.” Her tears drop. Isinasampal na naman sa kaniya ng asawa ang bagay na hindi niya naman ginagawa. Palagi na lang siya nitong pinaghihinalaan na may lalaki siya, kahit na tumingin sa lalaki ay hindi niya magawa ang bintang pa kaya nito? “Walang lalabas at walang aalis.” Dugtong pa nito. Ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin siya umaalis sa harapan nito, pursigido talaga siyang makapunta sa party ng kaibigan kahit ngayon man ay malibang niya ang kaniyang sarili. “Leon... Parang awa mo na, ngayon lang please... Pagbigyan mo na ako, lahat gagawin ko palabasin mo lang ako sa araw na ito—” Tumayo ang asawa sa pagkaka-upo nito sa sofa dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. “Alin ba sa walang aalis at walang lalabas ang hindi mo maintindihan, babae?!” Sigaw nito sa kaniya. “Leon, bakit mo ba ako kinukulong? Karapatan ko namang makalabas dahil hindi ako bilango! Sa ayaw at sa gusto mo lalabas ako...” Palaban niyang sambit dito. Dinampot ang sling bag na inilagay niya sa kama ng asawa at nagmamadali siyang naglakad papunta sa pintuan ngunit bago pa man siya makalabas ng magsalitang muli si Zarchx. “Subukan mo ng makita mo ang hinahanap mo.” Pagbabanta nito. Halos manigas siya sa kinatatayuan ng marinig ang sinabi ng asawa lalo pa’t kakaiba ang tunog ng pananalita nito. Hindi iyon hadlang para mabawasan ang pagnanais na makalabas ng mansion at makadalo sa party ng kaibigan. Hindi siya nangako dito ngunit alam niyang umaasa ito na darating siya. Mabilis na naglakad si Amary palabas ng Mansion ng haranggin siya ng isang lalaki. “Sorry Ma'am pero mahigpit na pinag-uutos ni Boss na wag kayong papalabasin.” Pinagwalang bahala niya ang sinasabi nito at patuloy lang si Amary sa pagtahak papunta sa malaking gate. Dalawang lalaki na ang pumipigil sa kaniya na makalabas siya at ingat na ingat ito na hindi magkakadikit ang kanilang mga balat. Sa kabilang banda, nakatayo si Zarchx sa veranda ng kaniyang silid habang pinagmamasdaan ang ginagawang pagpupumilit ng kaniyang asawa sa kaniyang sniper telescope. Pinagmamasdaan niyang mabuti ang bawat galaw ng asawa maging ang mga tauhan niya. Matigas si Amary at pursigido ito na makalabas ng bahay gusto niyang ipakita rito kung anong kaya niyang gawin sa taong sumusuway sa kaniya. Sandaling natigilan si Amary dahil nahihilo siya sa pagsunod ng mga ito. Nagmamadali siya para hindi siya mahabol ni Zarchx. “Please, just now? Palabasin niyo na ho ako,” Paki-usap niya dito at tiningnan niya ang dalawang lalaki na humaharang sa kaniya nakayuko lang ito sa harapan niya na tila hinaharanggan nito ang gate. “Pasensiya na po Ma'am.” Sabay na sagot nito sa kaniya, wala siyang magawa kundi ang magpumilit na lumabas. Pinagpatuloy niya ang paglalakad papunta sa gate ng ilang hakbang na lang ang layo niya sa gate ng maramdaman niyang may kamay na pumigil sa kaniyang braso. Laking gulat na lang ni Amary ng marinig niya ang isang malakas na putok dahilan para mapaluhod ang lalaking humawak sa braso niya habang malakas ang sigaw sa sakit. Nanlaki ang mata ni Amary ng makita itong may tama ng baril. Na alarma ang lahat ng tauhan ni Zarchx. Nanigas si Amary sa kaniyang kinatatayuan, ilang saglit siyang nakatingin sa sugat ng lalaki na madami ng dugo ang lumalabas. Kaagad naman itong dinaluhan ng dalawang lalaki para ipasok sa loob habang siya naman ay ikinu-cover ng iba pa na makasigurong ligtas siya. “Tumawag kayo ng ambulance!” Sigaw niya. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid para alamin kung saan nanggagaling ang bala ng magawi ang mata niya sa veranda ng kwarto ni Zarchx. Nahagip ng paningin niya na nandodoon ang asawa at ng mapansin siyang nakatingin dito ay kaagad naman itong naglakad papasok sa loob. Nilukob ng sobrang takot si Amary ng maisip na ang asawa ang may gawa no'n dahil may isang bagay itong hawak-hawak na hindi niya lang makita ng malinaw dahil malayo ito. Hindi niya maiwasang nakaramdam ng pagsisi dahil alam niyang ang balang iyon ay para sa kaniya dahil sa katigasan ng kaniyang ulo may taong mapapahamak. Ito ba ang gusto niyang makita kung paano magalit ang kaniyang asawa at kung ano ang kaya nitong gawin? Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng sala ay nakita niyang pababa si Zarchx. Nanginginig ang kamay niyang hindi makatingin dito. Hindi niya pa rin makalimutan ang nasilayan, hindi niya lubos maisip na kaya itong gawin ng asawa. “Susuway ka rin ba sa utos ko, Amary?” Sunod-sunod siyang napa-iling. Hindi niya na ito susuwayin dahil ayaw niyang may mapahamak pa ng dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng lakas ng loob niya dahil sa ginawa nito. Malinaw kay Amary na ang asawa ang may gawa no'n pero ang hindi niya maintindihan ay kung anong utos ng asawa ang sinuway ng lalaki? “I-I’m sorry...” Hingi niya ng tawad sa asawa. “Your denouncing me, Amary. You don't know who's your messing up with. Hindi lang ‘yon ang kaya kung gawin, just fucking try me again then, you’ll see how beast I am.” “Hindi ko na uulitin, sorry. Gusto ko lang naman makita si Amber.” “Then, try to escape again.” Sunod-sunod na umiling si Amary. Ayaw niyang gawin. Sa pagkakataong ito, sa kaniya na mismo tumama ang bala ng baril nito. “Good.” Hinawakan nito ang baba niya at ini-angat dahilan para magtama ang kanilang mga mata. “Good girl.” Zarchx smirked before he left her dumbfounded. Hindi siya nakadalo sa kaarawan ng kaibigan kaya mas minabuti niya na lang na sa cellphone ito batiin alam ng kaibigan ang kalagayan niya. Naiintindihan siya nito sa hindi niya pagdalo pero ang hindi raw nito maintindihan kung bakit nanatili pa rin siya sa kaniyang asawa. Isa lang ang sagot niya. Mahal na mahal niya si Zarchx. Iniisip niya na kasalanan niya ang nangyari sa lalaki dahil ito ang nabaril ni Zarchx. Inaalala niya rin kasi ito dahil ng mabaril ito ng asawa ay natagalan rin ang pagdating ng ambulance. Madami ng dugo ang nawala dito kahit na sa paa lang ang tama nito, pinagdarasal niya na sana maging maayos ang operation nito.Hello! Your comments, gems, gifts, rate and feedback is so much appreciated! Thank you so much!🤍✨
Itinabi ni Urence ang pagkain at inumin nila ni Zarchx bago binuksan ang hawak na sobre na naglalaman ng mga larawan na kaniyang nakolekta.Unang inilapag ni Urence sa mesa paharap kay Zarchx ang larawan ng mag-asawa—kuha ang larawan na iyon sa isang press conference.“Simulan natin sa kanilang dalawa, Boss. Ito si Mr. Alejandro at Mrs. Kayatana Montenegro, ang may-ari ng Montenegro Corporation. Maituturing na isa ito sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Karamihan sa mga proyekto nito ay katuwang ang Pendilton Empire.”Titig na titig si Zarchx sa larawan habang isinasaulo ang mukha ng mga ito at nakikinig sa mga sinasabi ni Urence.“Sina Mr. & Mrs. Montenegro ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay ay si Zarchx Montenegro at ikaw ‘yon, Boss.”Sinulyapan ni Zarchx si Urence. “I have brother?”“Yes, Boss.” Pangalawang larawan na inilapag ni Urence ay larawan ni Lance Javier—kuha iyon sa tabing dagat. Ang anggulo ng larawan ay tila naglalakad ito na lumingon sa likuran kung na saan
Sa Mariano Private Resort. . .Sa dalawang araw na nakalipas, walang ibang ginawa si Odisza kundi ang kumbinsihin ang kaniyang ama na pabalikin si Zarchx sa Resort o ‘di kaya ay hayaan sila ni Zeus na sundan ito.Sobrang nag-aalala na si Odisza para kay Zarchx. Hindi niya alam kung saan ito dumiretso pag-alis sa resort at wala itong kakilala na pwedeng matuluyan.Zarchx only have her and the resort!“Papa, please give me back my phone!” Paki-usap ni Odisza.Kinumpiska ni Julio ang cellphone ni Odisza at pinagbawalan itong gumamit ng gadgets upang hindi ito magkaroon ng koneksyon kay Zarchx.Rinding-rindi na si Julio kay Odisza na palaging Zarchx na lang ang bukang-bibig nito.“Tumigil ka!” Bulyaw ni Julio at sinampal si Odisza.Sumalampak si Odisza sa sahig, hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kaniyang ama habang may dugong naglalandas sa gilid ng labi.Napako si Julio sa kaniyang kinatatayuan bakas sa mukha ang gulat dahil maging siya ay nagulat sa nagawa sa sarili niyang ana
“What are you doing, boys?” tanong ni Amary sa mga bata ng makarating sa sala. “Punishing ourselves.” ani Alas. “Because we're bad boys.” Segunda naman ni Zarchx Junior. Huminga ng malalim si Amary. “That's enough.” “Not yet, Momma.” Nilapitan ni Amary ang dalawang bata. Hinawakan niya ang pulsuhan nito upang humarap sa kaniya at pagkatapos lumuhod siya sa harapan nito upang makapantay ang mga ito. “No one say you have to punish yourselves. You are kids and it's normal that you can do mistakes.” “Listen. . .” Amary smiles. “A kids who know their mistakes doesn't deserve a punishment. When they admitted their mistakes, they deserves understanding. They don't have to punish themselves to be a good boy because making mistakes doesn't means they're bad boys.” “We upset Grandpapa, we deserve his punishment.” Alas said. “Does he give you punishment?” “No, Momma.” “It means Grandpapa show understanding and means you're a good boys.” Nagkatinginan si Zarchx Junior at Alas bago saba
Pinoproseso pa ni Odisza ang kaniyang mga nalaman. Masakit na marinig na sa isang araw at gabi nitong hindi umuwi ay may kasama itong babae. Ngunit hindi niya makakakaya na mawala ang kaniyang asawa. Masyado niya itong mahal upang ipaubaya sa iba. Siya at si Zeus ang pamilya nito! Kung papalayasin ito ng kaniyang ama ay sasama sila dahil hindi niya kayang mabuhay na wala si Zarchx sa kaniyang piling. Hindi pwedeng mapunta si Zarchx sa iba! Sa kaniya lang ang asawa niya! “Odisza. . . Let's go!” Aya ni Zarchx nang marinig ang mga papalapit na yabag. Maging si Urence ay napatingin sa paligid nang marinig ang mga kaluskos at mga yabag na tila nakapalibot sa kanila. Napalunok si Odisza at nilingon ang kaniyang ama. “Kung papalayasin mo ang asawa ko, Papa, sasama kami sa kaniya ng anak ko.” “Nahihibang ka na ba?!” Bulaslas ni Julio. “Hindi kayo aalis ng apo!” “Mahal ko ang asawa ko, Papa! Ipaglalaban ko ang kompletong pamilya na nararapat para sa anak ko!” Pangangatwiran ni Odisza
“Zarchx!” Tumakbo si Odisza palabas ng bahay upang sundan si Zarchx at bago pa man siya makalapit kay Zarchx narinig niya ang galit na sigaw ng kaniyang ama na siyang ikinahinto niya. Nais na paniwalaan ni Odisza ang kaniyang ama ngunit sa tuwing pinagbibintangan nitong nay babae si Zarchx ay wala itong napapatunayan. Kung kaya't naisip ni Odisza na gumagawa na naman ng paraan ang ama upang paghiwalayin sila ni Zarchx. Ilang beses na nitong sinubukan kung kaya't paniniwalaan niya ang sinabi ni Zarchx dahil hindi iyon ang unang beses na pinagtangkaan ng ama ang buhay ni Zarchx. “Papa!” Nagsusukatan ng masamang tingin si Julio Mariano at Zarchx. Si Diego ay pinupukol rin ng masamang tingin si Zarchx at ang mga kasamahan nito ay nasa likod na para bang isang senyas lang awtomatikong gagawa ng gulo. Si Urence naman ay nakatayo malapit kay Zarchx habang ang mga mata nito ay nakamasid kina Julio at pinag-aaralang mabuti ang mga galaw nito. Kumapit si Odisza sa braso ni Zarchx at tini
Palipat-lipat ang tingin ni Amary sa dalawang bata nang mapagtanto na tinakasan nito si Don Leon at kung hindi niya pa ito nakasalubong ay maaring nakalayo na ito. Naawa bigla si Amary nang maisip si Don Leon. Matanda na para bigyan ng mga isipin. Alam niyang nag-aalala na ito sa kaniya dahil hindi siya dumating kahapon patapos tumakas pa ang mga bata ngayon. “Halika na! Hinahanap na kayo ng Grandpapa niyo at sigurado akong nag-aalala na ‘yon sa inyo!” Hinawakan niya ang kamay ng dalawa. “Don't do this again, you're making your Grandpapa worried.” “Sorry, Tita, we just wanted to eat icecream.” Yumuko si Alas. “Momma, it's my idea. Sorry.” Yumuko din si Zarchx Junior. Binitawan saglit ni Amary ang kamay ni Alas at pinindot ang elevator. Muling hinawakan ang kamay ni Alas habang naghihintay na bumukas. Habang si Alas at Zarchx Junior parehong nakayuko ay nagsulyapan ito nang makahuluhang tingin. Naiisip ni Zarchx Junior na may nangyaring masama sa kaniyang Momma kung kaya't ganu'n







