Isang malakas na s*ntok ang sinalubong ko sa kanya nang bumaba siya sa motor matapos naming mailigaw ang mga baliw na humahabol sa amin. Di ko na inisip kung nasaan kami, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maipasa ang inis at takot na nararamdaman ko, at siya ang tamang target.
"Araaaay! Ano ba problema mo?!" reklamo niya habang napaatras at napahawak sa kanyang panga. Nakakunot ang noo niya, pero imbes na magalit, napangisi pa siya. "Problema ko? Ikaw! Gago ka! Anong akala mo, trip ko ‘tong nangyari? Wala akong paki kung bakit ka hinahabol ng mga g*go na 'yon! Nadamay pa tuloy ako!" sigaw ko habang nakapamewang, ang init ng ulo ko abot hanggang langit. Ngumisi siya, kahit halatang masakit ang suntok ko. "Relax ka lang, miss sexy. Hindi ko naman sinasadya. In fact, nailigtas mo pa nga ako. Kaya dapat nagpapasalamat ka na naging hero ka ngayon," biro niya, pero alam kong hindi ako natutuwa. "Hero? S***a ka! Gusto mo bang sumunod diyan sa mga m*nyakis na 'yon? Hindi ako bayani, g*go. Isa kang malaking abala!" bulyaw ko ulit, habang tinuturo siya gamit ang nanginginig kong daliri. Pero imbes na sumagot nang maayos, bigla siyang tumawa nang malakas. "Alam mo, astig ka talaga. Ang init ng ulo mo, pero ang cute mo pa rin. Bagay sa'yo yung pagiging cool, bagay na bagay sa pangalan mong Narnia, parang Chronicles of Narnia." Tumigil siya sa pagtawa at biglang seryoso ang mukha niya. "By the way, ako nga pala si Zuhair, you can call me baby. And yes, I owe you big time. Pasensya na sa abala." Tinitigan ko siya nang masama, pero sa loob-loob ko, nagulat ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Napatingin ako sa tattoo ko sa collarbone. Ah, doon siguro. "Tsk. Wag mo akong matawag na 'miss sexy' o kung ano pang shit na nickname ang tawag mo. Narnia lang," sabi ko, pilit na hinuhupa ang galit ko. "At wala akong pakialam sa utang na loob mo. Basta lumayo ka sa akin." Napakamot siya ng ulo, parang bata na nahuli sa kalokohan. "Sure, sure. Pero bago 'yon, kailangan muna nating umalis dito. Sigurado akong hindi pa sumusuko ang mga 'yon. At mukhang mas malala kapag nahuli nila tayo." Napalingon ako sa paligid. Madilim ang lugar, parang nasa gitna kami ng kung saan-saang desyerto o probinsya. Napakagat-labi ako. "Put*ngina, saan ba tayo ngayon?" "Somewhere safe… for now. Pero kung gusto mong makaalis, kailangan ko ulit sumakay sa motor mo. Promise, this time walang talong na didikit," sabi niya na may pilit na ngiti, parang nagpipilit maging magaan ang sitwasyon. Tinuro ko ang motor ko at nagtaas ng kilay. "Sumakay ka na. Pero tandaan mo, isang maling galaw mo lang, hindi na suntok aabutin mo. Sipa sa talong mo." Natawa siya, pero sumunod agad. "Noted, mahal. Sipa-proof na 'to." Sinimangutan ko siya habang inaandar ang motor. Sa isip ko, sana matapos na ang kalokohang 'to. Pero may kung anong kutob ako na hindi pa tapos ang gulong pinasok ko. *** "Dito lang...dyan. Hay salamat! Ikaw ang hero ko." Di ako umimik dahil sumakit tenga ko sa kadaldalan niya. Kalalaking tao, madaldal. Ewan ko sa kanya pero in fairness ang bango niya hindi masakit sa ilong. Bumaba siya ng motor at huminto sa tabi ko. Tinaas ko ang shield para makita siya at binigyan ng masamang tingin. Pero ang hin*yupak, sumaludo sa akin habang nakangisi. Piste! "Thank you for your service. Until next time! See you around, Chronicles of Narnia! Don't forget my name, Zuhair, your bebe." Sabi nito. "Wala akong pakialam kong Zuhair ang pangalan mo. Sabi ng wag mo akong tawaging Chronicles of Narnia!" Bago ko pa siya matadyakan sa binti ay agad itong kumiripas ng takbo. P*ta! Lagot yun sa akin kapag nagkita kami. Napailing nalang akong nakatitig sa likuran niyang papalayo sa akin. Nailibot ko ang tingin mapansing hindi ako pamilyar dito. Kumunot ang noo ko ngunit ramdam ko naman na safe ako sa lugar na 'to. Muli akong napalingon sa gawi ng lalaki kung saan ay hindi ko na mahagilap. Binaba ko na lang ang shield at pinatunog ang motor. Sumulyap ako ng isang beses sa daan na tinahak niya bago umalis. Habang papalayo ako ay hindi nawala sa isipan ko ang asul nitong mga mata. Pamilyar siya sa akin ngunit di ko maalala kung saan ko siya nakita. Buzz cut, siya yung lalaking kakambal ang gulo, medyo bad boy ang dating, at may tattoo sa likod. Alam ko yun dahil sumilip sa batok niya. Tapos may hikaw na silver hoop sa kaliwang tenga. Habang patuloy akong nagpapatakbo ng motor, di mawala sa isip ko ang lalaking 'yun. Nakakainis na nakakaintriga. Sino ba siya? Pamilyar siya, pero hindi ko talaga mawari kung saan ko siya nakita. Kinabahan naman ako dahil baka kalaban ko siya—namin. "Tang*na naman, Narnia, wag ka ngang praning. Malay mo, stalker lang talaga yun o adik," bulong ko sa sarili habang bahagyang umiiling. Pero kahit anong pilit kong kalimutan, bumabalik ang eksena ng mga mata niya at ng ngising walanghiya. "Sino ba talaga ang lalaking 'yun?" Napabuntong-hininga na lang ako, pilit na tinatakpan ang bumubulong na bahagi ng isip ko na baka hindi pa ito ang huli naming pagkikita. Huminto ako sa isang kanto para magpahinga saglit. Inikot ko ang tingin sa paligid at napagtantong nasa gilid na ako ng highway. Walang gaanong sasakyan, tanging ilaw mula sa poste ang nagbibigay liwanag. Nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin, kaya't inabot ko ang leather jacket ko sa compartment ng motor. Habang isinususuot ko ito, biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Tinignan ko agad ang screen—isang unknown number ang nag-text. Ingat ka palagi, Chronicles of Narnia. See you soon. - May crush sayo Napatigil ako, parang tumigil din ang mundo ko. Paanong—? Chronicles of Narnia Teka! "G*go 'to! Paanong nakuha 'to numero ko?" Halos mapasigaw ako, pero agad kong nilibot ang mata ko sa paligid, baka nasa malapit lang siya. Pero wala. Tahimik ang paligid, bukod sa dumadaang ilang sasakyan. Napapikit ako at huminga nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. "Okay, Narnia, relax. Baka coincidence lang. O baka trip lang niya." Pero alam kong hindi. At ang kaba ko, lalo lang lumala. Putcha! Sabi na eh! Paano niya nakuha ang impormasyon ko? Piste! Kalaban nga. Sumakay ulit ako sa motor at pinaandar ito nang mas mabilis. Habang bumabaybay sa kalsada, naramdaman ko ang kakaibang kaba na parang may mata na nakamasid sa akin. At sa likod ng utak ko, isang bagay ang malinaw—may kalaban akong natulungan.Narnia Melpomene Alvarez — SmithMalawak ang ngiti ko nang mabasa ko ulit ang invitation card mula kay pareng Thanatos at Athena.Putangina. Nakakilig pa rin kahit tatlong buwan na ang lumipas mula nang kinasal kami. Dinaan ko na talaga sa santong paspasan. Hirap na, baka hindi na ako tanggapin ni Alvarez—ay mali pala... Mrs. Smith na siya.Oo. Mrs. Smith.Ang nag-iisang asawa, iniirog, kabiyak, misis, bebelabs ko. Naks! Kinikilig na naman ako."Siraulo! Ba’t nakangiti ka diyan?! Akala mo hindi mo ako pinaiyak no’n!" sabay batok ng asawa ko.Yan na naman tayo. Paulit-ulit.Kasalanan ko ba kung naniwala siya sa prank ni Athena? Iba rin mag-manipula ‘yung babaeng 'yun, para bang scriptwriter sa teleserye. Anong akala niya, mamamatay talaga ako sa kamay ng mga gago? Eh sa akin nga natakot 'yung mga ‘yon.“Lah, hindi ah! Smith ka na talaga, Bebelabs. Tignan mo 'to..."Ipinakita ko sa kanya ang invitation card.Kumunot ang noo niya, tapos sumilip sa hawak ko.Binasa niya 'yung nakasulat. P
“She knows about your secret?” tanong ni Cain, malamig ang tono. “Paulit-ulit ba, Cain?” iritado kong sagot habang pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit, gusto niya bang paulit-ulit kong alalahanin kung paano ako sinuklaman ng babaeng mahal ko? “Oh, another devil falling down,” sabat pa ni Aamon, sabay ngisi na parang demonyo talaga. Sarap niyang sipain palabas sa penthouse ni Mikaelson. Walang ambag, puro angas. Mga gago talaga. Para kaming koleksyon ng mga sirang manika—isa-isa nang nagkakalas. Kami ni Mikaelson, kami lang pala ang tunay na tinamaan ng unos. Ang iba? Parang nanonood lang ng pelikula—peste. Ako? Tinatanggap ko ang galit ni Alvarez. Hindi ko na siya masisisi. Alam na niya ang lahat. At tangina—mas masakit pa sa lahat, buntis siya. Buntis siya ng anak ko habang sinasaksak ko siya sa likod ng mga lihim. At ngayon, galit na galit siya sa akin. At ako? Gago pa rin. Imbes na lambingin, sinabayan ko pa ng init ang galit niya. Wala na. Wala na yat
Galit siya. Oo. Galit na galit. At ang gago ko. Napahilamos ako sa mukha habang binibingi ako ng sarili kong inis. Napalingon ako kay Mikaelson at binigyan siya ng matalim na titig—tanginang damay ako Kung siraulo ako, gago naman siya. Wala na. Galit na sa akin si Alvarez, at kasalanan ito ni Mikaelson. Siya 'tong nagpabaya. Siya 'tong hindi naging alerto. Bakit niya hinayaang makidnap ang dalawa? Asan ang utak niya? Asan ang proteksyon? Ang responsibilidad? Mabigat akong bumuntong hininga. May problema kami ni Bebelabs dapat sa kanya ako nakafocus hindi sa iba. Oo. Ganyan nga dapat, Zuhair. May sarili tayong problema. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang ipaliwanag. Kailangan ko siyang hawakan. Pero paano? Putangina. Ramdam na ramdam ko ang iwas niya. Hindi nagpapakita. Hindi sumasagot. Ilang araw na. At nung muli kaming nagkita—lioness na lioness ang dating. Galit. Matatalim ang mga mata. Hindi ako pinansin. Mas lalong kinain ng guilt at frustration ang di
"Mga pre... ayoko pang mamatay."Tahimik. Saglit lang, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan.Hanggang sa nagsalita rin sila, halos sabay."Finally, Zuhair."Napailing si Hades. ”We thought life meant nothing to you anymore.""You're not bored with the world now?”Umiling ako, mabigat ang dibdib. "Bored pa rin. Pero hindi ang mundo ang tinutukoy ko."“Then what are you talking about?""It’s who, Hades.”Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko'y ngayon lang ako naging totoo—hindi bilang Bratva, hindi bilang Don, hindi bilang anak ng Mafia.Bilang Zuhair Eros Smith.Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama siya. Ng matagal. Gusto ko siyang makita araw-araw, hawakan ang kamay niya, marinig ang boses niya bago ako matulog. Gusto kong makita ang anak namin lumaki."She's pregnant." Buntis siya.Nagkatinginan sila, gulat.Ako? Napatango lang. Paano ko nalaman?Napangisi ako, mapait.Obsessed ako sa kanya. Hininga pa lang niya, alam ko kung kailan may mali. Kilos pa kaya niya? Laman a
Asaran. Galit-galitan. Nagpipikonan.Enemies kung baga sa isa’t-isa, pero lovey-dovey sa kama.Putangina talaga.Binabaliw ako lalo ng babaeng 'to.Gago ako. Oo.Challenging siya—yan ang alam ko.Pero ‘di ko akalaing mahuhulog ako sa kanya.Mas malalim pa sa impyernong pinanggalingan ko.The Pakhan summoned me.Gabi ‘yon. Malamig. Tahimik. Pero alam ko, may paparating na unos."Narnia Melpomene R. Alvarez. Familiar, Bratva Smith?"Putangina!Ramdam kong sumikip ang dibdib ko.‘Wag siya… kahit sino, ‘wag lang siya.Pero tuloy ang Pakhan, malamig ang tono."She’s the daughter of the consiglierie of the Italian-American Mafia. One of the old allies of the former American Mafia.""She's planning something. She's moving quietly. I want you to ruin her, Smith. Destroy her plans. Break her."Napatigil ako.Sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila—na ang babaeng gusto nilang wasakin......ay ang babaeng mahal ko.Pero hindi pwede ang feelings sa mundong ‘to.Walang
"Blood in, blood out." "You need to get the American Mafia, Zuhair. That's the only way to join the Bratva." Malamig ang boses ni Pakhan—parang bakal na binalot sa pelus. Kalma, pero walang kahit katiting na lambing. ‘Yung tono niya? Hindi lang basta utos. Isa siyang hamon, isang hatol, at isang sentensya ng kamatayan sa iisang linya. Napakuyom ako sa ilalim ng lamesang gawa sa pulidong kahoy. Amoy ng sigarilyo’t usok ang umikot sa silid habang nakatitig sa akin ang mga counselor—tahimik na mga hukom, mabigat ang mga mata, parang baril na nakatutok. “Buong Mafia?” tanong ko, may halong tawa sa loob ko pero walang lumabas sa bibig ko. “Gusto mo akong pabagsakin sila… mag-isa?” Pakhan leaned forward, tapping the ash off his cigar, eyes narrowed. “Isa kang Smith. Huwag kang umakto na parang sibilyan. May kapangyarihan ang dugo mo, pero kailangang patunayan mo. Walang upuan sa Bratva ang libre. Kailangang palitan ng tamang dugo.” Ang American Mafia. Isang gubat ng katiwalian,