Nakangisi akong pumasok sa bahay mula sa likurang pinto, sinisiguradong walang nakakapansin sa akin. Pasipol-sipol akong dumiretso sa kusina, nagbubukas ng ref habang hinahanap ang kahit anong makakain. Medyo nagutom ako dahil sa gulong nangyari kanina.
Kanina Napahinto ako habang inaalala ang amazonang babaeng nagpapatigas ng alaga ko—este, nagpapatibok ng puso ko. Napangisi ako, at napahawak sa dibdib. Putcha! Ang lakas ng pintig. Parang may naghuhurumintadong kabayo sa loob ng dibdib ko. "Sh*t, na-love at first sight ata ako. Yare na, pre!" Napailing ako habang napapakamot sa ulo. Pero teka, bigla akong napasimangot nang maalala kong hindi ko nakuha ang premyo kanina sa motor circle. Nanalo na nga ako, pero sinabihan pa ako ng kalaban kong nandaya raw ako. Mga siraulo! Hindi lang nila matanggap ang salitang talo. Ang mga gago, sinugod pa ako. Mabuti na lang at dumating si Chronicles of Narnia. Napangiti ulit ako habang inaalala kung paano niya pinagalitan at sinuntok ako. Ang tapang niya! Hindi siya katulad ng ibang babaeng nakakasalamuha ko na puro pa-cute lang. Siya? Astig. Diretso. At Diyos ko, ang ganda ng pagkakasabi niya ng pangalan ko habang galit na galit. Zuhair! Parang musika sa tenga ko. Napakagat-labi ako sa excitement. "Tsk, Narnia. Narnia, Narnia. Ang ganda ng pangalan mo. Pati ikaw. Paano kaya kita makikita ulit?" bulong ko sa sarili habang inuubos ang isang boteng tubig. Maya-maya, narinig ko ang tunog ng pinto sa sala. Napakunot-noo ako at mabilis na nagtungo sa pintuan ng kusina. Pagbukas ko, bumulaga sa akin si nanay, ang pinakamaganda kong nanay. "Zuhair Eros Smith! Saan ka na naman nagsusuot, bata ka?! At anong nangyari sa mukha mo?" bungad niya habang nakatingin sa pasa ko sa panga. Napangisi ako, sabay hawak sa baba ko. "Wala yan, nay. Bakit gising ka pa, nay?" Umirap ito sa akin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Ang cute talaga ng nanay di na ako nagulat kung bakit patay na patay si tatay kay nanay. "Ikaw nga gising pa rin at may pasa pa. Sagutin mo tanong ko, bata ka! Saan ka na naman ng galing?" Masama ang tingin nito sa akin. Nakapagtataka. Bakit ang lambot pa rin ng boses ni nanay kapag nagagalit? Katulad ng babae kanina. Ah, Narnia! Napangisi ulit ako ng wala sa oras kaya nakatanggap ako ng batok ni nanay. Napatayo ako nang diretso habang hinihimas ang batok ko. Ang lakas ng kamay ni nanay, para bang sinasabi niyang hindi ako makakalusot sa interogasyon niya ngayong gabi. "Relax ka lang, Nay. Galing lang ako sa Globe of Death," sagot ko habang pilit na umiiwas sa matalim niyang tingin. "Globe of Death na naman?" Umangat ang kilay niya. "Naku naman, anak, di naman sa pinagbabawalan kita tapos malaki ka na rin pero delikado kase yang motor-motor na yan. Jusko!" Napakamot ako sa ulo at umakbay kay nanay. Naglakad kami papuntang sala at doon ko nakita si Tatay na gising na gising din pala habang nakapajama. Terno pa sila ni Nanay. Binigyan niya lang ako ng tingin bago tumingin kay Nanay. Napailing na lang ako. "Di naman delikado ang Globe of Death, Nay," sagot ko, at napangiwi dahil di ko alam kung ano pa ang sasabihin ko para lang hindi mag-alala si nanay. Umupo kami sa tapat ni Tatay kung saan iniayos ang salamin niya at hawak ang isang tasa ng mainit na kape. "How many are you in Globe of Death?" Biglang singit ni Tatay na kinangisi ko. "10 riders." Proud kong sagot na kinatango niya. Napatampal naman sa noo si Nanay sa kayabangan ko. "Basta, anak, tigilan mo na 'yang Globe of Death na 'yan. Naku, parang sinasadya mo talagang pahirapan ang puso ko," reklamo ni Nanay habang hinahagod ang noo niya. Ngumisi lang ako at sinubukang magpaliwanag. "Nay, puro professional riders naman kami. Wag kang mag-alala." Tumawa ako, pilit na pinapakalma ang kanyang nerbiyos. Napailing nalang ito at tumayo. "Ewan ko sa'yo, bata ka. Babalik muna ako sa kwarto. Ikaw na bahala sa anak mo, Smith." Sabi pa nito at binigyan ng tingin si Tatay na ngayon ay nakakunot ang noong sumulyap sa akin pero parang tuta naman tumingin kay Nanay. "Noted, honey. Susunod ako sayo." Malambing nitong sabi. Parehas kaming nakatingin kay Nanay na paakyat sa kwarto. Nang hindi na ito nakita namin ay mabilis akong nakipagtitigan kay Tatay sabay sandal sa sofa. Legs slightly spread, and arms resting loosely at my sides. "Who won?" Agad niyang tanong. "Syempre, ako po. Ang anak niyong pinakagwapo," sagot ko nang mayabang, sabay kindat kay Tatay. Ngumiti siya, pero alam kong may susunod na tanong. "And who's the next best of the best?" Napakamot ako sa ulo, pilit iniisip kung paano ayusin ang usapan. "Wala, Tay. Pitik ko lang sila," biro ko, pero hindi siya natawa. Napailing lang si Tatay at binigyan ako ng malamig na tingin. Umayos ako ng upo, nagdahilang maghaplos sa leeg, para lang maibsan ang tensyon. "How's mafia?" Seryoso nitong tanong, ramdam ko ang bigat sa tono niya. Sumeryoso rin ako. "Ayos lang. Sa ngayon. Walang kumalaban. Hands-on si Pareng Zephyr sa mga gawain sa labas ng Pilipinas. Si Pareng Zeus naman, ganun din. Pareho silang naka-focus sa international operations." Tumango-tango siya, pero hindi niya inalis ang tingin sa akin. "And you? What’s your plan? You can’t keep fooling around with motorbikes. You know the responsibilities tied to your name, Zuhair." Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. "Tay, alam ko. Hindi naman ako tumatakbo sa tungkulin ko. Nagre-relax lang minsan. Kailangan din naman ‘yun, di ba? Para hindi mabaliw." Hindi siya umimik agad, pero naramdaman ko ang bigat ng sinabi niya nang magsalita ulit. "Remember this, son. Your position in this family doesn’t allow for ‘just relaxing.’ Everything you do has consequences—for the business, for the family, for everything. I don’t want to see you fall apart because you got too complacent." Napatingin ako sa malayo, nawalan ng pakialam sa paligid. Alam ko ang punto ni Tatay. Hindi ko naman pinababayaan ang mga responsibilidad ko o ang sarili kong negosyo. Pero si Tatay—sobrang higpit niya, lalo na kapag usapang pamilya na. At, sa totoo lang, naiintindihan ko siya. Ganoon din naman ako. Isang maling galaw, mabigat na parusa ang kaakibat. Pero, ang bagong Pakhan ng La Nera Bratva, nakakapanggigigil. Hindi naman sa wala akong respeto sa kanya—meron. Pero, putik, ang higpit niya minsan nakakabaliw. Laging nagmamasid, laging nagkakalkula. Minsan, parang nakakalunod. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya habang pinapatakbo ko ang sarili kong mga gawain ay parang paglalakad sa manipis na alambre sa ibabaw ng hukay na puno ng mga ahas. Ang mga pagkakamali ay hindi lang kinukutya—pinarurusahan ng mabigat, kahit sino ka pa. Pero wala akong karapatang magreklamo. Ang Pakhan ay nakuha ang posisyon niya sa pamamagitan ng talino at walang awa. Kung tutuusin, sa ilalim ng pamumuno niya, naging mas malakas ang Bratva kaysa dati, at mas lalong naging untouchable. Pero hindi ibig sabihin niyan na mas madali siyang pakisamahan. “Naiintindihan ko, Tay,” sagot ko makalipas ang ilang sandali, pilit nilalabanan ang ngiting pumasok sa isip ko nang maalala ang babaeng sinuntok ako kanina. "Hindi ko pababayaan ang pangalan natin. Pero minsan, Tay, kailangan ko rin ng... distraction. Something different." Napakunot-noo siya. "What do you mean by ‘something different’?" "Ah, wala, Tay. Wala," sagot ko agad, pero ramdam ko ang alingasngas ng adrenaline sa dugo ko. Si Narnia. Tsk, hindi ko talaga siya maalis sa isip.Eros is true to his words. Para siyang halimaw kung makalapa sa akin sa kama. Well, isang taon din kaming tigang kaya bumabawi kami sa isa't-isa. Tulad niya, namiss ko rin siya. Being inside me, again. Ewan. Sa loob ng isang taon, parehong focus kami kay Aslan at sa isa't-isa minus s-x. Di naman kami nagmamadali para sa bagay na yan but now. Kakaiba pa rin talaga kapag may ganito. Mas lalong nakakahibang at nakakabaliw. Hindi nakakasawa. Kinabukasan, nagising akong mag-isa sa kama. Magulo ang kumot. Amoy pa ng katawan naming dalawa ang silid. Pero wala si Eros. Agad akong napabangon. “Eros?” sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang robe. Pinuntahan ko ang nursery, ang kusina, ang buong bahay—pero wala. Hinawakan ko ang cellphone ko. Out of coverage area. Nanginginig ang kamay kong hinanap ang phone niya sa office. At doon ko ito nakita—kasama ng sulat, na parang sinulat ng nagmamadali pero sinigurong mababasa ko. "I'll be back, Alvarez. Don't worry about me. I love you—both o
Sumapit ang gabi, ang iba lalo na ang mga magulang ni Eros ay bumalik na agad sa hotel. Ang natirang mga bisita ay iilang kaibigan ni Eros—namin. "Mr. and Mrs. Smith." Mabilis akong napatingin kay Azyl. "Iba ang trip ni Athena, hindi taguan ng anak kundi taguan ng pamilya." dugtong nito at uminom ng alak. "Parehas na kayong may anak pero me? Still single. I mean, it's unfair you know. I'm older than you pero you already found your the right one." Pagsisimula ng drama nito. Inayos ko ang bote ng wine nasa harap namin. Pagkatapos, hinanap si Eros, nasa grupo niya ulit ito habang karga si Aslan na gising na gising pa rin. Gustong kumarga sa anak namin ang mga kaibigan niya pero sorry na lang sa kanila. Mas protective si Eros at madamot kay Aslan. "Akala ko alam mo. Trio kayo ni Zebe diba?" Kunot noo kong tanong kay Azyl habang nilalagyan ng wine ang baso niya. "Yes! We are trio but have a secrets. I never expected na ito yung secret ni Athena." Bumuntong-hininga siya, sabay
Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng simbahan. Napaangat ang tingin ko—at agad kong nakita ang pamilyar na anyo ng isang matandang lalaki sa puting barong. Sunod-sunod na pumasok ang ilang babae at lalaki, pormal ang mga suot, pero kapansin-pansin ang tensyon sa kanilang mga kilos. Hindi sila basta bisita—pamilya ni Eros. Nagpatuloy ang mesa habang nagsitungo ang pamilya ni Eros sa bakanteng upuan. Napansin ko na tila may hinahanap ang paningin nila. Dumako ito sa pwesto namin at nang magtagpo ang paningin namin ni Tita Cassy ay agad akong napaiwas ng tingin. Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa altar at pari. Kinabahan ako. Nahihiya. Alam kong naintindahan nila ang sitwasyon ko noon pero di yun okay sa akin. Hindi maganda ang ginawa ko sa kanila. Nadala ako sa galit—sa lahat. May karapatan ako diba? Pero bakit mabigat pa rin kapag nagkita kami? Siguro, nahihiya ako sa ginawa ko. Huminga ako ng malalim. Di ko na dapat inaalala yun. Sabi nga ni Eros, magsisimula ulit ka
Today is our Aslan's Big Day! Isang taon na ang anak namin at mabibinyagan na rin. Parang kailan lang, nanginginig pa ako sa delivery bed habang si Eros ay mahimatay. Ngayon? Heto kami—kompleto, masaya, at sabik sa bagong yugto ng buhay pamilya. Maagang nagising si Eros. Siya pa ang unang nagbitbit ng mga giveaways at nag-ayos ng photobooth. Ako naman, busy sa pag-aasikaso ng mga damit, gatas, at extra diapers ni Aslan. Maaga ang mesa sa bayan lalo na’t Linggo ngayon—ang misa para sa binyag ay nakatakda ng alas-diyes ng umaga. Everything was fine simula kagabi. Mula sa catering, handa, at clown party para sa mga anak ng bisita namin. May nag-aayos na rin ng dessert table at mini-play area sa garden. Ang saya, ang colorful, pero hindi overwhelming. Gusto naming intimate pa rin kahit may kasamang kislap. About sa ninangs and ninongs, hati ang gusto namin ni Eros. Gusto ko sana kaunti lang para mas personal, pero gusto rin ni Eros ng madami lalo na’t marami siyang kaibigan—business p
"Ahm, Melpomene?" Mabilis akong napalingon kay Eros. Seryoso ang boses, at nakakunot ang noo. Tinawag din niya akong Melpomene. Seryoso nga siya. Mabilis malaman kapag nagseseryoso si Eros. Kukunot ang noo, tapos kakamot sa batok—parang ngayon. Napansin kong medyo hindi siya mapakali. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama, habang ako’y nakaupo, inaayos ang mga gamit ni Aslan para sa photoshoot mamaya. Tahimik si baby, nakahiga sa crib at nakanganga habang mahimbing ang tulog. “Bakit?” Taka kong tanong, pinipigilang kabahan. Nagkibit-balikat siya saglit, tapos—yun nga, nagkamot sa batok. “Hmmm… My family wants to attend Aslan’s birthday and baptism.” Biglang kumislot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matataranta. The Smiths? Yung buong Smith clan? Hindi ko agad nakasagot. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitigan ko si Eros. Alam kong hindi rin siya kampante sa balitang ‘to. Pero malinaw ang intensyon niya—ayaw niya akong gulatin, kaya sinasabi niya ngayon
"Isasabay na lang natin sa birthday ang binyag niya. Para isang gastos lang," sabi ko habang maingat kong isinusuot ang bagong diaper kay Aslan.Tahimik lang si Eros sa tabi ko, nakaupo sa gilid ng kama, pinapanood ang bawat kilos ko na para bang bumibilib siya sa simpleng ginagawa ko. Alam kong gusto niya itong gawin pero nakakabanas dahil parang nakalimutan niya atang ina pa rin ako ni Aslan. Pambihira!"Hoy, nakikinig ka ba, Smith?" medyo inis kong tanong, dahil wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.Nagkatinginan kami. Nataranta pa siya ng kaunti bago sumagot."Huh? Ah, oo naman. Ayos lang kahit hindi natin isabay. May pera naman ako, Narns. Pero kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Para isang big celebration na lang kay Aslan," sabi niya, ngumiti pa ng nakakaloko habang pinisil ang dulo ng ilong ko.Natawa ako ng mahina, pero agad kong binalingan ulit si Aslan.Napatingin ako sa maliit naming anak—ang buhay na patunay ng pagmamahalan namin.Namin.Hanggang ngayon, may m
Pagkatapos naming makalabas ng ospital, dumiretso kami sa mansyon ni Eros — sa wakas, sa bahay na para sa amin. At doon nagsimula ang bagong kabanata ng buhay ko: bed rest, breastfeeding, sleepless nights, at pagdilat sa madaling araw dahil umiiyak si Aslan, naghahanap ng gatas o yakap. Pagod ako, bugbog ang katawan, pero punô ng pagmamahal ang puso ko. At si Eros... Wala akong ibang maihiling pa. Hands-on siya sa lahat — sa pag-asikaso kay Aslan, sa pag-alalay sa akin, sa bawat maliit na bagay na akala ko ay kakayanin ko mag-isa. Bawat pag-iyak ni Aslan sa dis-oras ng gabi, si Eros ang unang bumabangon. Siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakalma, nagpapasyal sa hallway habang ako naman ay pinipilit ipikit ang mga mata kahit ilang minuto lang. Hinahanda niya ang hot compress ko kapag sumasakit ang likod ko, minamasahe ang binti ko kapag namamanhid na. Siya ang gumagawa ng mga bagay na hindi ko kailanman inakalang hihilingin ko sa isang lalaki. Ayaw niyang mabinat ako. Tila ba
Magulo ang buhok, para siyang sinapian ng tatlong kaluluwa dahil sa panic. Yung polo niya, hindi pantay ang pagkakabutones. Yung sapatos niya, isa nakatali, isa hindi. Parang nakalimutan niyang tao siya. Halos mapigtas ang leeg niya kakalinga ng tingin, desperado niyang hinahanap ako sa gitna ng puting kwarto. Nang magtagpo ang mga mata namin, parang may humila sa kanya — agad siyang lumapit sa akin, halos hindi na niya pinansin ang mga nurse na nagpipilit siyang suotan ng protective gown. "Baby..." bulong niya, nanginginig ang boses. Nanginginig ang kamay. Napakapit siya sa kamay ko, pinaghalo ang kaba at pagmamahal sa mga mata niya. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Putlang-putla ang gago at halatang blanko ang isip. Parang anytime pwede na siyang mawalan ng malay. Tangina, sino ba talaga ang nanganganak dito? Hindi nakakapag-isip ng tama ang lalaking 'to sa kapag ganito ang kalagayan ko. "Ayos lang ako," bulong ko, pilit na pinapakalma siya kahit ako halos mabaliw na sa s
Paglabas namin ng pinto, agad kong nakita ang nakahandang sasakyan — may driver, oo, pero hindi ko siya kilala. At hindi lang 'yon ang ikinagulat ko. May isang batang lalaki na nakatayo sa tabi ng kotse, mga pito o walong taon siguro ang edad. Maputi, kulay asul ang mga mata, seryoso ang mukha — at sa isang iglap, para akong nakakita ng batang Eros. Sino 'to? Nagkaanak ulit si Tita Cassy?! May hindi ba sila sinasabi sa akin?! "The bag is ready in the car, Mom," anito, seryosong-seryoso ang tono, para bang sanay na sanay sa emergency. Mom?? Napanganga ako. Nagkakamali ba ako ng dinig? Bago pa ako makapag-react, isang mas matinding contraction ang umatake sa akin, halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Napasinghap ako nang malalim at napakapit kay Athena. "Focus, Narnia. Dahan-dahan lang," bulong niya habang mahinahong inalalayan akong sumakay sa backseat ng sasakyan. Siya naman, parang isang sundalong sanay na sa gera, agad na tumabi sa akin at sinigurong nakaupo ako nang maayos.