"P*ta ka! Pakyu times two. Di ako p*ta. Bartender ako. Alam kong maganda ako. Wag niyo ng ipagmukha sa akin." Naiinis kong sambit sa dalawang ugok na nakatitig sa akin habang pinaghalo ko ang mga alak.
Di naman ito bago sa akin pero putcha talaga. Di ko sila bet at di ko rin sila bati. Pakialam ko sa kanila? Punyemas talaga. Kapag ako sasabog, pati titi nila ubos. Sumulyap ako sa kanila at nakitang nakatitig pa rin sa akin. May histura pero wala akong paki. Nakakunot ang noo kong napatingin sa suot ko. Di naman nakakasaludo ng talong ang suot ko ah. Ano ba nakain ng mga ito? I'm wearing black shirt at black pants. Litaw ang kaputian ng balat ko, napakakinis at napakalinis din tignan ang tattoo sa kaliwang banda ng collarbone ko, a minimalist of my name, Narnia. Patuloy akong naghalo ng mga alak habang pilit na hinahawi ang inis na bumabalot sa akin. Kung tutuusin, hindi na bago ang mga ganitong klaseng titig sa bar na ito. Pero iba ang araw na 'to, iba ang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. "Ano ba naman yan. L*tche talaga," bulong ko sa sarili ko habang pinapanood kong bumubula ang shaker sa bawat alog ko. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga manyakis na tila ba wala nang ibang gawin kundi magnasa. Bigla kong narinig ang tawanan ng mga kasama nila, mas malakas ngayon, at ramdam kong mas papalapit sila. Nag-init lalo ang ulo ko. Hindi ako magpapadala sa mga gago. Hindi ako magpapatalo sa ganito. Pero sa totoo lang, nasa dulo na ng pasensya ko. Mabilis akong bumuga ng hangin, tinakpan ang naiinis kong mukha ng isang pilit na ngiti. Tumalikod ako at inabot ang basong gagamitin ko, nagpopokus na lang sa trabaho. Ilang segundo pa at natapos ko rin ang inumin. Nang humarap ako, nakatayo na sa harap ko ang isa sa kanila, ang mukha niya palapit na sa mukha ko. "Miss, baka naman pwedeng..." hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil bago pa siya makalapit pa lalo, nagawa kong maibuhos sa mukha niya ang hawak kong shaker. "Ayos ba?" Mataray kong tanong habang nakapamewang. Ang mga kasama niya ay napahinto sa tawanan at gulat na gulat sa ginawa ko. "Put*ngina, ano ba problema mo?!?" sigaw ng basang-basa at amoy alak na lalaki. Lumayo ako nang kaunti, handa kung sakaling may balak silang gumanti. Pero bago pa sila makagalaw, pumasok sa eksena si Mang Tano, isa sa mga bouncer ng bar. "Oy! Ano to? May gulo ba dito?" boses niya na may halong banta. Napatingin sa kanya ang mga lalaki, at parang mga basang sisiw na umurong at tahimik na tumabi. "Huwag kayong mag-iskandalo rito kung ayaw niyong magkabukingan," seryosong sabi ni Mang Tano. Alam ng lahat na hindi siya dapat binabastos. Tumahimik ang buong bar, tila ba natuto na silang lahat na wag nang magkamali sa harap ni Mang Tano. Sumulyap ako kay Mang Tano at tumango nang pasasalamat. "Salamat," bulong ko habang nagpapakawala ng matamis na ngiti. Tumalikod ako muli sa kanila at nagpatuloy sa trabaho. Maingay sa bar, normal na yun. Pero itong bar hindi yung tipong kagaya ng mga elite. Simple lang at mura para sa mga tao. Yung tipong para lang sa middle class at lower class. Di naman talaga ako dito nagtatrabaho eh. Sa ibang bar pero kilala ko ang manager dito at kailangan nila ng temporary bartender dahil absent ang bartender nila. Di ako makatanggi dahil malaki offer eh, sayang pera. Pera na yun. Mukha pa naman akong pera. Matapos ang oras ko, mabilis akong nagpaalam sa manager matapos niya akong bayaran. Nakangisi akong lumabas ng bar habang binibilang ang papel na kulay asul. Tiba-tiba ang linggo ko ngayon ah! Naks. Mabilis ko itong inilagay sa wallet at umangkas sa motor. Agad kong sinuot ang helmet sabay andar ng motor. Habang nasa byahe ay tahimik ang lugar. Walang gulo. Mahigpit ang kapulisan dahil sa riot noong nakaraang gabi. May gang wars na nagaganap sa pagitan ng dalawang grupo at maraming sugatan. Wala naman kaming pakialam sa kanila dahil mga weaklings lang naman yun. Naghahanap lang ng gulo para magpakitang gilas. Nek nek nila. Kung magpakitang gilas sila dapat sa underground para makita talaga ng ibang gang kung hanggang saan ang kaya nila. Sayang energy. Napalunok ulit ako ng laway. Kanina pa 'to. Medyo nabaguhan ang bibig ko dahil walang kahit ano sa bibig ko. Di kase pwedeng magsigarilyo dahil bawal. Wala. Choice ko lang ma di muna mag sisigarilyo baka di ako abutin ng ilang years at patay na ako. Nangangati na lalamunan ko. Di pwede 'to. Pambirang hobbitat na yan. Naisipan kong huminto sa isang convenience store. Buti't may bukas pa kahit madaling araw na. Tinignan ko muna ang store at wala namang nakatambay sa labas. Naghanap ako ng mapaparkingan ng motor pero wala. Mukhang okay naman magpark sa harap nito dahil walang sign na bawal magpark. Nagkibit-balikat akong hinubad ang helmet kasabay nito ang bagsak ng medyo mahaba kong buhok. Bumaba ako sa motor habang nagsusuklay ng buhok gamit daliri at sa isa kong kamay naman ay ang helmet. Matapos kung suklayan ang buhok ay pumasok ako sa loob ng store. Naghanap agad ako ng coins sa back pocket habang hinahanap ang pwesto ng mga lollipop. Meron naman akong nakita kaya agad akong kumuha ng isang pack. Dinala ko agad ito sa cashier na nanonood ng TikTok. Di ako napansin kaya kinatok ko ang lamesa niya ng tatlong beses. Napaigtad ito at tinignan ako ng nakanganga. Tinaasan ko siya ng kilay. "Magkano?" Tanong ko. Kumurap-kurap siya. "Ah, wait lang." Kinuha niya ang pack at nagscan. Pinagmasdan ko lang siya habang panaka-naka niya akong sinulyapan. Di ko na lang pinansin. "99 pesos." Sagot nito. Napakamot ako sa ulo. S***a! Piso na lang sukli sa one hundred. "Di pwedeng isa na lang kunin ko dyan?" Umiling siya. "Hindi pwede. Dapat one package talaga. Ano? Bibili ka ba?" Kinunutan ko siya ng noo. "May choice ba ako?" Kumuha ako ng one hundred sa wallet ko at binigay sa kanya habang may binubulong ang cashier. "Bibigay pala tapos dami pa sinabi. Hmmp! Kababaeng tao nasa labas pa rin. Porket ang astig niyang tignan kung makaasta parang gangster." Bulong nito. Tinignan ko lang siya. "Ito po piso. Salamat po." Sabi nito at inabot sa akin ang piso at ang nakabalot na package. Tumango ako at inabot ito. Iniwan ko siyang walang lingon-lingon at agad umangkas sa motor. Binuksan ko ang plastic sabay kuha ng isang lollipop sabay sabit nito sa holder. Matapos kong pakpakan ang lollipop agad ko itong sinubo at dinukot ang phone sa bulsa. Titignan ko lang kung anong oras na. 2 am na pala sa madaling araw. Napailing ako. Pinili kong tumambay muna sa harap ng convenience store dahil tinamaad akong bumyahe. Pahinga muna tayo. Umupo ako sa motorbike habang nagbubuklat ng kung ano-ano sa phone. Nakapasak pa rin sa bibig ko ang lollipop, tamang chill lang. Pero habang nakakunot ang noo ko sa pagbabasa ng mga memes sa feed, bigla akong nakarinig ng commotion sa di kalayuan. Napalingon ako at nakita ang isang lalaki, naka-all black, tumatakbo na parang hinahabol ng demonyo. Pero teka, hindi pala dem*nyo—isang grupo ng malalaking lalaki ang naghahabol sa kanya. Malalaki ang katawan, parang mga bouncer na galit na galit. Bago pa ako makapagsalita o mag-react, bigla na lang siyang tumalon sa likod ng motor ko. Agad niyang kinuha ang helmet ko at sinuot ito sa ulo ko. "Andar na! Bilis!" madiin niyang sabi, halata ang pagmamadali. Nanlaki ang mata ko, hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari. "Ano?! Siraulo ka ba? Sino ka ba para utusan ako?! Baba h*******k kang sino ka man!" pero hindi ko rin napigilan na mapaangat ang tingin sa malalaking lalaki na papalapit na. Mukha silang mga gangster—maton, galit, at handang gumulpi. Nagulat ako, at sa sobrang taranta, pinaandar ko agad ang motor. "Bilisan mo, pre! Mga g*go ‘yan, di ata alam ang salitang talo." sigaw ng lalaking nakasakay sa likod. Nataranta ako lalo nang makita kong isa sa mga humahabol ay halos aabot na sa motor namin. Napakapit ako nang mahigpit sa manibela habang pinipilit takasan ang mga naghahabol. Pero bago pa makalapit nang husto ang isang lalaki, bigla siyang sinipa ng lalaking nakasakay sa likod ko. Napunta ang paa niya diretso sa mukha ng humahabol, at bumagsak ito sa kalsada na parang troso. "Hahaha, sh*t pakshet ka!" sigaw ng lalaki sa likod ko, halatang enjoy na enjoy. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanya lalo na ngayon na dikit na dikit ang katawan niya sa likuran ko at may naramdaman akong bagay sa ibaba. Puny*ta! Manyak ata 'to. "Pist*ng y*wa ka! Wag mong idikit yang katawan mo sa likuran ko! Yung talong mo dumikit! Kadiri!" Naiinis kong sigaw sa kanya habang napabuga pa ako ng lollipop na nasa bibig ko. Di ko alam kung saan tumalsik yun. Sayang! Napatigil siya sa pagtawa. Ilang segundo lang yun pero napalitan ng mas malakas na halakhak. Ang kapal ng mukha! Ang walanghiya, nakuha pang yumakap ng mahigpit sa bewang ko. Mas lalo pa siyang dumikit sa akin, kaya sa sobrang inis ko, naapakan ko ang preno ng wala sa oras. "Put*ngina! Ano ba! Gusto mo tayong maaksidente?!" sigaw niya habang muntik kaming matumba. Lumingon ako nang bahagya para sungitan siya. "Aksidente ka diyan! Dumikit ka pa ulit at saks*kan kita ng clutch lever sa mukha mo! Di kita kilala, g*go ka ba?!" "Huy, relax ka lang, miss sexy. Ako nga 'tong inaalalayan ka baka matumba ka eh. Nakakaawa ka naman kung mahulog ka, di ba?" sagot niya, sabay ngisi na parang nang-aasar. "Alalay? Eh parang ikaw pa magpapahamak sa akin! At wag mo akong tawaging sexy!" Hirit ko habang pinilit kong hindi masiraan ng bait. Ang mga humahabol sa amin kanina ay mukhang nawalan na ng tsansa na abutan kami, pero itong lalaking ito? Siya ang tunay na problema ngayon. Sino ba 'to? At ang kapal ng mukha. Nakalimutan atang siya ang biglang umangkas sa motor ko! Nilingon ko siya at ang piste naka ngisi nga. Nainis ako lalo. "Bumaba ka, g*go! At wag mo akong yakapin, p*ste!" Utos ko sa kanya. Mas hinigpitan ang yakap niya sa bewang ko at ang baliw dikit la talaga sa pwetan ko ang talong niya. Kinakilabutan ako sa ginawa niya. "Chill ka lang, miss sexy? Ako lang 'to, ang pinakapoging anak ni tatay D—" sabi niya, may halong yabang sa boses niya ngunit agad kong pinutol. "Wala akong pakialam sayo! Bababa ka o ihuhulog kita sa tulay?!" banta ko. "Okay, okay, fine! Chill, miss sexy. Pero seryoso, salamat sa pagligtas sa akin. Kung wala ka, baka nilapa na ako ng mga buhaya kanina," seryoso niyang sabi. Napasimangot ako. Hindi ko alam kung totoo o nagpapaka-drama lang siya, pero napabuntong-hininga ako. "Tsk. Pakialam ko kung malapa ka. Bumaba ka na, g*go! At pwede ba, kumalas ka? Higpit ng yakap mo, ah! Parang bakla." "Anong bakla? Ako? Oh, ito. Feel mo yan? Bakla ba ako sa lagay na yan? In fairness, ngayon lang nangyari 'to, miss sexy. Bilib na ako sayo! Astig pa, napatigas pa natutulog kong talong. Finally!" Tumawa siya ng parang baliw at mas yumakap pa sa akin. Halos sumabog ang ulo ko sa sinabi ng gago. Walang alinlangang siniko ko siya sa tagiliran, dahilan para mapaungol siya sa sakit. "Araaaay! Grabe ka naman, miss sexy! Ang sakit nun, ha!" reklamo niya habang nakahawak sa tagiliran. "Eh ano ngayon? Akala mo ba matutuwa ako sa kalokohan mo? Bumaba ka na bago ko ipitin yang natutulog mong talong sa kickstand ng motor ko!" galit kong banta, kahit halata naman sa boses ko na nawawalan na ako ng pasensya. "Okay, okay, relax. Joke lang naman, miss sexy. Pero grabe ka, astig mo talaga. Crush na kita," aniya habang umiiling, pero halata pa rin ang pilyong ngiti sa mukha niya. "Bumaba ka na!" ulit ko habang tumigil sa gilid ng daan. Tinuro ko ang tabi ng kalsada, nagbabadyang itulak siya kung hindi siya susunod. Pero bago pa siya makababa, may narinig kaming tunog ng mga makina mula sa likuran. Dumilim ang ekspresyon niya, at naramdaman ko ang biglang pagtaas ng tensyon. Napalingon ako at nakita ang isang grupo ng mga motor na mabilis na papalapit sa amin. "Miss sexy, mukhang hindi pa ako pwedeng bumaba," sabi niya, seryoso na ang mukha, na para bang nawala ang kaninang pagbibiro niya. "Kung gusto mong mabuhay, tapak na! Tiwala lang." "Put*ngina, tiwala agad? Di nga kita kilala, g*go!" reklamo ko pero wala na akong oras para mag-isip. Naramdaman ko ang matinding kaba sa dibdib ko, kaya wala na akong nagawa kundi ang i-twist ang throttle at tumakbo nang mabilis. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa takot o sa inis sa lalaking ito. "Hawak ka, miss sexy! Ituturo ko ang daan!" sigaw niya habang nakatingin sa likod namin, ang mga mata nakatutok sa paparating na grupo. Ano bang napasukan ko?! Walanghiya talaga. B*gbugin ko ang gago na 'to mamaya. Makikita niya talaga kung paano magalit ang isang Narnia.Narnia Melpomene Alvarez — SmithMalawak ang ngiti ko nang mabasa ko ulit ang invitation card mula kay pareng Thanatos at Athena.Putangina. Nakakilig pa rin kahit tatlong buwan na ang lumipas mula nang kinasal kami. Dinaan ko na talaga sa santong paspasan. Hirap na, baka hindi na ako tanggapin ni Alvarez—ay mali pala... Mrs. Smith na siya.Oo. Mrs. Smith.Ang nag-iisang asawa, iniirog, kabiyak, misis, bebelabs ko. Naks! Kinikilig na naman ako."Siraulo! Ba’t nakangiti ka diyan?! Akala mo hindi mo ako pinaiyak no’n!" sabay batok ng asawa ko.Yan na naman tayo. Paulit-ulit.Kasalanan ko ba kung naniwala siya sa prank ni Athena? Iba rin mag-manipula ‘yung babaeng 'yun, para bang scriptwriter sa teleserye. Anong akala niya, mamamatay talaga ako sa kamay ng mga gago? Eh sa akin nga natakot 'yung mga ‘yon.“Lah, hindi ah! Smith ka na talaga, Bebelabs. Tignan mo 'to..."Ipinakita ko sa kanya ang invitation card.Kumunot ang noo niya, tapos sumilip sa hawak ko.Binasa niya 'yung nakasulat. P
“She knows about your secret?” tanong ni Cain, malamig ang tono. “Paulit-ulit ba, Cain?” iritado kong sagot habang pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit, gusto niya bang paulit-ulit kong alalahanin kung paano ako sinuklaman ng babaeng mahal ko? “Oh, another devil falling down,” sabat pa ni Aamon, sabay ngisi na parang demonyo talaga. Sarap niyang sipain palabas sa penthouse ni Mikaelson. Walang ambag, puro angas. Mga gago talaga. Para kaming koleksyon ng mga sirang manika—isa-isa nang nagkakalas. Kami ni Mikaelson, kami lang pala ang tunay na tinamaan ng unos. Ang iba? Parang nanonood lang ng pelikula—peste. Ako? Tinatanggap ko ang galit ni Alvarez. Hindi ko na siya masisisi. Alam na niya ang lahat. At tangina—mas masakit pa sa lahat, buntis siya. Buntis siya ng anak ko habang sinasaksak ko siya sa likod ng mga lihim. At ngayon, galit na galit siya sa akin. At ako? Gago pa rin. Imbes na lambingin, sinabayan ko pa ng init ang galit niya. Wala na. Wala na yat
Galit siya. Oo. Galit na galit. At ang gago ko. Napahilamos ako sa mukha habang binibingi ako ng sarili kong inis. Napalingon ako kay Mikaelson at binigyan siya ng matalim na titig—tanginang damay ako Kung siraulo ako, gago naman siya. Wala na. Galit na sa akin si Alvarez, at kasalanan ito ni Mikaelson. Siya 'tong nagpabaya. Siya 'tong hindi naging alerto. Bakit niya hinayaang makidnap ang dalawa? Asan ang utak niya? Asan ang proteksyon? Ang responsibilidad? Mabigat akong bumuntong hininga. May problema kami ni Bebelabs dapat sa kanya ako nakafocus hindi sa iba. Oo. Ganyan nga dapat, Zuhair. May sarili tayong problema. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang ipaliwanag. Kailangan ko siyang hawakan. Pero paano? Putangina. Ramdam na ramdam ko ang iwas niya. Hindi nagpapakita. Hindi sumasagot. Ilang araw na. At nung muli kaming nagkita—lioness na lioness ang dating. Galit. Matatalim ang mga mata. Hindi ako pinansin. Mas lalong kinain ng guilt at frustration ang di
"Mga pre... ayoko pang mamatay."Tahimik. Saglit lang, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan.Hanggang sa nagsalita rin sila, halos sabay."Finally, Zuhair."Napailing si Hades. ”We thought life meant nothing to you anymore.""You're not bored with the world now?”Umiling ako, mabigat ang dibdib. "Bored pa rin. Pero hindi ang mundo ang tinutukoy ko."“Then what are you talking about?""It’s who, Hades.”Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko'y ngayon lang ako naging totoo—hindi bilang Bratva, hindi bilang Don, hindi bilang anak ng Mafia.Bilang Zuhair Eros Smith.Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama siya. Ng matagal. Gusto ko siyang makita araw-araw, hawakan ang kamay niya, marinig ang boses niya bago ako matulog. Gusto kong makita ang anak namin lumaki."She's pregnant." Buntis siya.Nagkatinginan sila, gulat.Ako? Napatango lang. Paano ko nalaman?Napangisi ako, mapait.Obsessed ako sa kanya. Hininga pa lang niya, alam ko kung kailan may mali. Kilos pa kaya niya? Laman a
Asaran. Galit-galitan. Nagpipikonan.Enemies kung baga sa isa’t-isa, pero lovey-dovey sa kama.Putangina talaga.Binabaliw ako lalo ng babaeng 'to.Gago ako. Oo.Challenging siya—yan ang alam ko.Pero ‘di ko akalaing mahuhulog ako sa kanya.Mas malalim pa sa impyernong pinanggalingan ko.The Pakhan summoned me.Gabi ‘yon. Malamig. Tahimik. Pero alam ko, may paparating na unos."Narnia Melpomene R. Alvarez. Familiar, Bratva Smith?"Putangina!Ramdam kong sumikip ang dibdib ko.‘Wag siya… kahit sino, ‘wag lang siya.Pero tuloy ang Pakhan, malamig ang tono."She’s the daughter of the consiglierie of the Italian-American Mafia. One of the old allies of the former American Mafia.""She's planning something. She's moving quietly. I want you to ruin her, Smith. Destroy her plans. Break her."Napatigil ako.Sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila—na ang babaeng gusto nilang wasakin......ay ang babaeng mahal ko.Pero hindi pwede ang feelings sa mundong ‘to.Walang
"Blood in, blood out." "You need to get the American Mafia, Zuhair. That's the only way to join the Bratva." Malamig ang boses ni Pakhan—parang bakal na binalot sa pelus. Kalma, pero walang kahit katiting na lambing. ‘Yung tono niya? Hindi lang basta utos. Isa siyang hamon, isang hatol, at isang sentensya ng kamatayan sa iisang linya. Napakuyom ako sa ilalim ng lamesang gawa sa pulidong kahoy. Amoy ng sigarilyo’t usok ang umikot sa silid habang nakatitig sa akin ang mga counselor—tahimik na mga hukom, mabigat ang mga mata, parang baril na nakatutok. “Buong Mafia?” tanong ko, may halong tawa sa loob ko pero walang lumabas sa bibig ko. “Gusto mo akong pabagsakin sila… mag-isa?” Pakhan leaned forward, tapping the ash off his cigar, eyes narrowed. “Isa kang Smith. Huwag kang umakto na parang sibilyan. May kapangyarihan ang dugo mo, pero kailangang patunayan mo. Walang upuan sa Bratva ang libre. Kailangang palitan ng tamang dugo.” Ang American Mafia. Isang gubat ng katiwalian,