"Narnia Melpomene Alvarez! You witch!"
Napaupo ako sa gulat, dahilan para mauntog ako sa ilalim ng sasakyan. Napahawak ako sa noo at hindi napigilang mapamura. Ay oo nga pala, nasa ilalim ako ng sasakyan, inaayos ang makina. Kung kailan pa naman tahimik ako dito, bigla akong ginulat ng boses na iyon. Napalingon ako sa kanan, kung saan nanggaling ang nakakainis na sigaw. Una kong napansin ang suot nitong kulay pulang heels. Sa heels pa lang, alam ko na agad kung sino ang walang hiyang gumugulo sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang baliw na babaeng iyon, pero binalikan lang ako ng matamis na ngiti—isang ngiting puno ng pang-aasar. Sabi ko nga, walang iba kundi si Azyl, with her signature Valentino heels. "Ano na naman ang problema mo, Azyl?" inis kong tanong, habang hinila ko ang sarili ko palabas mula sa ilalim ng sasakyan. "Problema? Wala. Gusto lang kitang kamustahin, bestie!" sagot niya, sabay ikot ng buhok niya gamit ang daliri. Oh, please. Kung may gusto itong sabihin, diretsohin na niya ako. Ayoko ng drama. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang galing sa kung saang high-end na lugar, nakadamit pa ng corporate attire na sobrang pula, parang si Jessica Rabbit. Naamoy ko naman ang pabango niyang Versace Crystal Noir. Amoy eleganteng halo ng bulaklak at exotic spices. May kakaibang init sa simoy nito, parang pinaghalong gardenia at amber na may banayad na musk. Isang uri ng amoy na mapapaikot ka para lang malaman kung sino ang nagmay-ari ng pabango. Isang klase ng pabango na nagsasabing — Oo, mahal ako—at ikaw, hindi. Napairap ako nang mahina. Ang sosyal ng pabango, pero ang ugali, pang-kanto. "Huwag mo akong tawaging 'bestie,' Azyl. Sabihin mo na kung ano'ng trip mo ngayon," matabang kong sagot, habang nililinis ang grasa sa kamay ko gamit ang panyo. Nakangiti pa rin siya, pero alam kong may balak na namang kalokohan ito. "Ay, huwag ka namang suplada, gurl. Sige na, may favor lang ako. Sasabihin ko na. Pero promise mo muna, hindi ka magagalit." Napapikit ako, pilit na humihinga ng malalim. Paano ba naman kasi, bawat beses na may hinihingi itong "favor," siguradong may kalokohan akong mapapasukan. "Ano na naman, Montero?" tanong ko, hindi maitago ang inis sa boses ko. Imbes na sagutin ako nang maayos, itong baliw, nagpapacute sa harap ko. Parang kilig na kilig pa habang iniikot ang buhok niya sa daliri niya. Siraulo ba 'to? "Isa pang pacute dyan, Montero! Kamao ang dadapo sa pisngi mo," banta ko sa kanya, sabay singhal. Pero imbes na matakot, pabebe lang itong tumawa, yung tipong nakakairita pa lalo. Tanginang buhay 'to. Di ba pwedeng isang araw lang walang nakakainis? "Narnia," panimula niya habang hinihimas ang braso ko na parang tropa. "Well, ito lang naman. Samahan mo ako later sa bar." "Bar?" tanong ko, pilit pinipigilan ang kilay kong huwag magtaas. "Oo! Sama ka na. Please? Ako na bahala sa drinks." Pacute nitong dagdag habang nagpu-puppy eyes pa sa harap ko. Kung di lang niya alam kung gaano kainis ang tingin ko ngayon, baka sinampal ko na siya ng wrench. Napatingala ako sa langit, umaasang baka sakaling bumaba si Lord para iligtas ako sa kabaliwan nito. "...tapos, act as my boyfriend, okay? I heard na magbabar daw si bebe boy ko eh," dagdag niya sabay kibot ng kilay. Mabilis akong napatingin sa kanya. Napakunot-noo ako. "Sino na namang 'bebe boy' ang pinapairal ng kahibangan mo ngayon, Montero?" "Ay naku, huwag mo nang alamin. Basta!" Tumayo siya nang matuwid at tiniklop ang mga braso niya na parang napakaimportante ng misyon niya. "Hindi ko hahayaan na may ibang babae sa radar niya mamayang gabi. Kaya ikaw, ang fake boyfriend ko, samahan mo ako. Dapat ready kang maging gwapo at possessive boyfriend, okay?." Halos mabali ang leeg ko sa paglingon sa kanya. "Are you insane? Sa tingin mo ba may panahon ako para sa drama mo? Wala akong pake sa 'bebe boy' mo. May sarili akong buhay, Montero." Ngumiti lang siya ng matamis, halatang alam niyang matatalo na naman ako sa kahibangan niya. "Narnia, ikaw ang knight in shining armor ko. Hindi ka ba naaawa sa kaibigan mong helpless?" sabay pout pa talaga na parang bata. Tangina, bakit ba ako lagi niyang nadadala sa mga trip niya? Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. "Inday, baka nakalimutan mo. Mas malaman dede ko kesa sayo," Turo ko sa dibdib. "What the he—." "Mahaba buhok ako." Humawak ako sa dulo ng buhok ko. "That's fine." "Mas bata pa ako sa'yo." "Then, I'll be your sugar mommy." "Mas matangkad ka sa'kin." "Then wear your signature heels. My gosh!" "May pempem din ako. So, no. Sinong siraulo maniniwalang boyfriend mo ako, aber?" Aniko at tumalikod sa kanya. Inayos ko ang hood ng sasakyan habang ramdam kong nakasunod siya sa akin sa bawat lakad ko. "Yun lang ang problem?" sagot niya, nakapamewang at parang wala talagang intensyong tantanan ako. "Inday, alam ng boys na tomboy ka. Bi. Or Lesbian—whatsoever basta member ka ng rainbow. Not into boys. Chicks gusto mo. Kaya nga perfect! Hindi sila magdududa. Plus, you're hot! Who wouldn't believe na you're a perfect fake girlfriend—boyfriend of mine?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Wow, salamat ha. Ang sweet. Gagawin mo akong pawn para lang sa kakornihan mo? At bakit ako, ha? Ang dami mo namang kaibigan na mas willing gawin 'to. And no, kahit mahilig ako sa chicks, kung ikaw lang din pala magiging girlfriend ko—ay wag na lang." "Wow, huh, sakit nun! And to answer your question, because you're the only one na I trust, duh!," sagot niya, sabay hair flip pa talaga. "At saka, kunwari kapag may aaligid sa akin na boys, suntokin mo and dapat sa front ni bebe boy para cool." Umiling ako at sarcastic na tumawa. "Ha.ha.ha. Putangina, Montero. Napakaganda talaga ng mga rason mo. Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong gamitin, tapos." Tumawa siya ng malakas at pumalakpak pa. "Yes! You get me! So, sama ka na?" Tinitigan ko siya nang matagal, nag-iisip kung saan banda ako nagkamali sa buhay para maging kaibigan ang isang Azyl Montero. Saka ako sumuko, napabuntong-hininga, at tumango. "Fine. Pero kapag sumabog ang kalokohan mo, walang sisihan." Napangiti siya nang malaki, parang bata na nabigyan ng kendi. "Thank you, Alvarez! Alam kong maaasahan kita. You're the best!" "Oo na," sagot ko, habang iniisip kung anong klaseng gulo ang papasukin ko ngayong gabi. "May chika nga pala ako." Pagsisimula niya ng chismis, halatang excited. Nakita ko itong umupo sa silya malapit sa akin at nagdikwatro pa ng legs na parang nasa fashion show. Napapalingon na sa amin ang mga dumaang tao, pati na rin ang mga tambay. Pero di ko na lang pinansin. Kilala naman nila ang kausap ko ngayon—at sigurado akong iniisip na naman nilang girlfriend ko ang baliw na 'to. "Ano na naman?" tanong ko habang tuloy lang sa pagsuri ng makina ng sasakyan. "Nanalo na naman ang kapatid ni Zebe sa Circle of Death," sabi niya, may halong inggit sa tono. "Sayang di ko napanood. Sampu pa naman sila sa loob ng circle." Napatingin ako sandali. Kilala ko si Zebe pero hindi masyado ang ibang kapatid niya. Alam ko lang na quadruplets sila—siya lang ang babae sa apat. Nasundan pa ng kambal na puro lalaki, at babae ang bunso. Bali pito silang lahat na magkakapatid. Tiyak ko, ang sinasabi niyang nanalo ay si Zuhair, yung rider na mahilig magpakalunod sa adrenaline rush. "Edi congrats sa kanya," sagot ko habang nag-aayos ng bolt. "Ang sarap mong kausap. Halatang fake ang excitement mo," iritadong sabi niya, sabay irap. "At yun nga, wala na akong ibang alam. Basta, later. Birthday kase ni Dyosa ngayon and she wants to celebrate her birthday sa bar for the first time. Finally! Wild and free na ang gaga. Dahil ikaw ang bunso ng grupo, she also wants you to come. And syempre, with me as my girlfriend—boyfriend err whatever."Narnia Melpomene Alvarez — SmithMalawak ang ngiti ko nang mabasa ko ulit ang invitation card mula kay pareng Thanatos at Athena.Putangina. Nakakilig pa rin kahit tatlong buwan na ang lumipas mula nang kinasal kami. Dinaan ko na talaga sa santong paspasan. Hirap na, baka hindi na ako tanggapin ni Alvarez—ay mali pala... Mrs. Smith na siya.Oo. Mrs. Smith.Ang nag-iisang asawa, iniirog, kabiyak, misis, bebelabs ko. Naks! Kinikilig na naman ako."Siraulo! Ba’t nakangiti ka diyan?! Akala mo hindi mo ako pinaiyak no’n!" sabay batok ng asawa ko.Yan na naman tayo. Paulit-ulit.Kasalanan ko ba kung naniwala siya sa prank ni Athena? Iba rin mag-manipula ‘yung babaeng 'yun, para bang scriptwriter sa teleserye. Anong akala niya, mamamatay talaga ako sa kamay ng mga gago? Eh sa akin nga natakot 'yung mga ‘yon.“Lah, hindi ah! Smith ka na talaga, Bebelabs. Tignan mo 'to..."Ipinakita ko sa kanya ang invitation card.Kumunot ang noo niya, tapos sumilip sa hawak ko.Binasa niya 'yung nakasulat. P
“She knows about your secret?” tanong ni Cain, malamig ang tono. “Paulit-ulit ba, Cain?” iritado kong sagot habang pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit, gusto niya bang paulit-ulit kong alalahanin kung paano ako sinuklaman ng babaeng mahal ko? “Oh, another devil falling down,” sabat pa ni Aamon, sabay ngisi na parang demonyo talaga. Sarap niyang sipain palabas sa penthouse ni Mikaelson. Walang ambag, puro angas. Mga gago talaga. Para kaming koleksyon ng mga sirang manika—isa-isa nang nagkakalas. Kami ni Mikaelson, kami lang pala ang tunay na tinamaan ng unos. Ang iba? Parang nanonood lang ng pelikula—peste. Ako? Tinatanggap ko ang galit ni Alvarez. Hindi ko na siya masisisi. Alam na niya ang lahat. At tangina—mas masakit pa sa lahat, buntis siya. Buntis siya ng anak ko habang sinasaksak ko siya sa likod ng mga lihim. At ngayon, galit na galit siya sa akin. At ako? Gago pa rin. Imbes na lambingin, sinabayan ko pa ng init ang galit niya. Wala na. Wala na yat
Galit siya. Oo. Galit na galit. At ang gago ko. Napahilamos ako sa mukha habang binibingi ako ng sarili kong inis. Napalingon ako kay Mikaelson at binigyan siya ng matalim na titig—tanginang damay ako Kung siraulo ako, gago naman siya. Wala na. Galit na sa akin si Alvarez, at kasalanan ito ni Mikaelson. Siya 'tong nagpabaya. Siya 'tong hindi naging alerto. Bakit niya hinayaang makidnap ang dalawa? Asan ang utak niya? Asan ang proteksyon? Ang responsibilidad? Mabigat akong bumuntong hininga. May problema kami ni Bebelabs dapat sa kanya ako nakafocus hindi sa iba. Oo. Ganyan nga dapat, Zuhair. May sarili tayong problema. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang ipaliwanag. Kailangan ko siyang hawakan. Pero paano? Putangina. Ramdam na ramdam ko ang iwas niya. Hindi nagpapakita. Hindi sumasagot. Ilang araw na. At nung muli kaming nagkita—lioness na lioness ang dating. Galit. Matatalim ang mga mata. Hindi ako pinansin. Mas lalong kinain ng guilt at frustration ang di
"Mga pre... ayoko pang mamatay."Tahimik. Saglit lang, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan.Hanggang sa nagsalita rin sila, halos sabay."Finally, Zuhair."Napailing si Hades. ”We thought life meant nothing to you anymore.""You're not bored with the world now?”Umiling ako, mabigat ang dibdib. "Bored pa rin. Pero hindi ang mundo ang tinutukoy ko."“Then what are you talking about?""It’s who, Hades.”Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko'y ngayon lang ako naging totoo—hindi bilang Bratva, hindi bilang Don, hindi bilang anak ng Mafia.Bilang Zuhair Eros Smith.Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama siya. Ng matagal. Gusto ko siyang makita araw-araw, hawakan ang kamay niya, marinig ang boses niya bago ako matulog. Gusto kong makita ang anak namin lumaki."She's pregnant." Buntis siya.Nagkatinginan sila, gulat.Ako? Napatango lang. Paano ko nalaman?Napangisi ako, mapait.Obsessed ako sa kanya. Hininga pa lang niya, alam ko kung kailan may mali. Kilos pa kaya niya? Laman a
Asaran. Galit-galitan. Nagpipikonan.Enemies kung baga sa isa’t-isa, pero lovey-dovey sa kama.Putangina talaga.Binabaliw ako lalo ng babaeng 'to.Gago ako. Oo.Challenging siya—yan ang alam ko.Pero ‘di ko akalaing mahuhulog ako sa kanya.Mas malalim pa sa impyernong pinanggalingan ko.The Pakhan summoned me.Gabi ‘yon. Malamig. Tahimik. Pero alam ko, may paparating na unos."Narnia Melpomene R. Alvarez. Familiar, Bratva Smith?"Putangina!Ramdam kong sumikip ang dibdib ko.‘Wag siya… kahit sino, ‘wag lang siya.Pero tuloy ang Pakhan, malamig ang tono."She’s the daughter of the consiglierie of the Italian-American Mafia. One of the old allies of the former American Mafia.""She's planning something. She's moving quietly. I want you to ruin her, Smith. Destroy her plans. Break her."Napatigil ako.Sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila—na ang babaeng gusto nilang wasakin......ay ang babaeng mahal ko.Pero hindi pwede ang feelings sa mundong ‘to.Walang
"Blood in, blood out." "You need to get the American Mafia, Zuhair. That's the only way to join the Bratva." Malamig ang boses ni Pakhan—parang bakal na binalot sa pelus. Kalma, pero walang kahit katiting na lambing. ‘Yung tono niya? Hindi lang basta utos. Isa siyang hamon, isang hatol, at isang sentensya ng kamatayan sa iisang linya. Napakuyom ako sa ilalim ng lamesang gawa sa pulidong kahoy. Amoy ng sigarilyo’t usok ang umikot sa silid habang nakatitig sa akin ang mga counselor—tahimik na mga hukom, mabigat ang mga mata, parang baril na nakatutok. “Buong Mafia?” tanong ko, may halong tawa sa loob ko pero walang lumabas sa bibig ko. “Gusto mo akong pabagsakin sila… mag-isa?” Pakhan leaned forward, tapping the ash off his cigar, eyes narrowed. “Isa kang Smith. Huwag kang umakto na parang sibilyan. May kapangyarihan ang dugo mo, pero kailangang patunayan mo. Walang upuan sa Bratva ang libre. Kailangang palitan ng tamang dugo.” Ang American Mafia. Isang gubat ng katiwalian,