"Ayos ba?" tanong ko kay Azyl, na kakalabas lang ng banyo.
Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, at biglang napalakpak na parang nasa fashion show. "Bravo! Bravo! We look like an expensive couple," sabi niya na may halong pang-aasar, pero halatang impressed. Nakasuot ako ng maikling black satin slip dress. Na halos manipis na spaghetti straps and a cowl neckline. Napansin ko rin na medyo sumisilip ang balat ko sa ibaba ng kilikili, pero wala na akong pakialam. Pinaghalong simple pero classy. Pinaresan ko na rin ng YSL heels para kumpleto na ang datingan. Tumingin ulit siya sa akin at huminga ng malalim. "Inday, if I were into girls, naku baka na-in love na ako sa'yo ngayon pa lang." Napailing ako at naglakad papunta sa salamin para tingnan ang sarili ko. Kahit papaano, satisfied ako sa ayos ko. Perfect lang para sa gabi namin. "Ikaw? Ayos na ba?" tanong ko pabalik sa kanya habang sinisilip siya sa reflection ng salamin. "Hello? Ako pa ba? Look at this!" Saka pa siya nag-pose na parang model, suot ang fitted red satin dress na tila ginawa hindi para lang sa kanya kundi para ipakita ang bawat kurba ng katawan niya. Tinernuhan niya ng black stilettos Valentino at diamond earrings na lalo pang nagpatingkad sa kanyang itsura. "Baka mamaya ikaw pa ang mapagkamalan kong birthday girl," biro ko habang tumayo at inayos ang clutch bag ko. "As if! Dyosa owns this night. But tonight, my dear, we are her shining barkada and of course, the operation: Making jealous my bebe boy," sabi niya, sabay kindat. Napabuntong-hininga na lang ako. "Ewan ko sa’yo. Tara na nga." "Relax, Narnia! Tonight, we own the night. Forget your tools and cars, motors for once, okay? This is your time to shine," sabi niya sabay hila sa akin palabas ng kwarto. At sa isip ko, eto na naman kami. May feeling ako na ang simpleng birthday na ito ay magiging isa na namang bangungot na hindi ko makakalimutan. Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko 'tong babae na 'to. Siya lang naman ang makapal ang mukha na feeling close sa akin. Sumakay agad kami sa Audi Q5 niya at syempre siya ang nagdrive. Siya nagyaya eh. "Saang bar tayo?" tanong ko habang tinitingnan ang mga ilaw sa labas ng bintana ng Audi Q5 niya. Hindi ko talaga mapigilan ang sariling maging curious sa kung anong trip na naman ang pinasok ko ngayong gabi. Ngumiti siya nang nakakaloko at tumingin saglit sa akin bago bumalik sa kalsada. "Secret! Basta, trust me. Mag-e-enjoy ka, promise!" sagot niya na parang may iniisip na kalokohan. "Azyl, hindi ako fan ng mga sorpresa mo," sagot ko sabay taas ng kilay. "Minsan, ang mga enjoy mo, nauuwi sa problema ko." "Tss, nega ka na naman! Just go with the flow, Inday. Minsan lang tayo magpakasaya, okay?" sagot niya, sabay tapik sa braso ko. Huminga ako nang malalim at sinandal ang ulo sa headrest. "Fine, pero kapag may nangyaring kagaguhan, ikaw ang bahala sa lahat." Tumawa siya nang mahina, halatang aliw na aliw sa akin. "Noted, Narnia. Ako ang bahala. Basta relax ka lang tonight." Maya-maya pa, nakarating na kami sa harap ng isang bar na sobrang buhay na buhay sa dami ng tao sa labas. Euphoria Club ang pangalan. Kitang-kita ang neon lights nito, at ang tunog ng bass mula sa loob ay naririnig na kahit nasa parking lot pa lang kami. "Wow. Mukhang tahimik ang lugar," sarkastiko kong sabi habang bumababa ng sasakyan. "Pfft, tahimik? Parang hindi sanay sa bar. Witch, you're a bartender. Huwag kang killjoy!" sagot niya, sabay hawak sa braso ko at hinila ako papunta sa entrance. Pagkapasok namin, sinalubong agad kami ng malakas na musika at ilaw na umiikot-ikot. Halos di mo na marinig ang sarili mong boses. Tumingin ako sa paligid, at puro magagarang tao ang nandoon, mukhang mga bigatin. Pero mas nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Wait, si Dyosa?" tanong ko, sabay turo sa babaeng nakatayo malapit sa bar counter. Suot niya ang isang sparkling silver dress na parang sinadyang agawin ang spotlight. "Yes, the birthday girl!" sagot ni Azyl. "Kaya tara, lapit tayo." Habang papalapit kami, hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng gulo ang mangyayari ngayong gabi. Alam kong kapag nandiyan si Azyl at ang grupo niya, laging may nangyayarimg kakaiba sa tinawag nilang simpleng party. Pss. Kinawit ni Azyl ang balikat ni Dyosa kaya napalingon ito sa amin. Mabilis nanlaki ang mga mata nito nang makilala kami. Napatiling yumakap naman si Azyl dahilan para bumitaw siya sa akin. Umirap ako sa kawalan at di sinadyang napatingin sa paligid. Medyo maraming lalaki pero di ko alam kung si Dyosa ang nag-imbita sa kanila. May kapatid siyang sikat at alam naman natin na kapag sikat maraming kilala. Buti't hinayaan ni Dyosa. May napapasulyap sa gawi namin lalo na sa akin pero tinaasan ko sila ng kilay kaya umiwas ng tingin. Tumingin ako sa dalawa na busy sa kakausap sa isa't-isa kaya hinayaan ko na lang at naghanap ng pwesto. Pinili ko ang medyo madilim at malayo sa dance floor, kung saan hindi masyadong mapapansin ang presensya ko. Hindi naman sa antisocial ako, pero hindi ko trip ang spotlight. Habang nakaupo ako, napansin kong ang mga tao ay tila masyadong engrossed sa kani-kanilang mundo—mga sayawan, tawanan, at kaunting landian sa gilid. Napabuntong-hininga ako habang sinisilip ang menu ng bar. Wala akong balak uminom ng matapang, kaya naisip kong mag-order ng simpleng cocktail. Habang naghihintay sa server, napansin kong may lalaki na tila sumusulyap-sulyap sa direksyon ko. Tinaasan ko siya ng kilay, pero imbes na umiwas, ngumiti lang ito na parang ang lakas ng loob. Tumagilid siya ng kaunti, at doon ko napansin na hawak niya ang isang baso ng alak habang nakasandal sa counter. Ang hindi ko in-expect, lumapit siya. "Hi," casual na bati niya, pero may diin sa boses na parang sigurado siya sa sarili. Tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Matangkad, maayos ang damit, pero di ko trip ang datingan. "Sorry, occupied ako," sagot ko na may halong lamig. "Talaga? Mukha namang nag-iisa ka," hirit niya habang tumabi sa upuan ko. Nakakunot ang noo ko pero sinubukan kong maging kalmado. "Ang pagiging mag-isa ay hindi ibig sabihin na gusto kong may kasama," sagot ko pabalik, sabay balik ng tingin sa hawak kong menu. Nagbabakasakaling ma-gets niya ang hint. Pero imbes na umatras, tumawa pa siya. "Relax, hindi kita tinatakot. Gusto ko lang makipagkilala. I'm Leo." Iniabot pa niya ang kamay niya, na tila inaasahan kong makipagkamay. Hindi ko siya pinansin at tumingin ako sa paligid, hinahanap ang anyo ni Azyl o ni Dyosa. Sana naman may magligtas sa akin dito. Pero mukhang busy pa rin sila sa usapan nila. Napailing ako at humarap ulit kay Leo daw. “Look, Leo, wala akong balak makipagkilala ngayon. So, kung pwede, maghanap ka ng ibang mapupwestuhan,” direkta kong sabi, na mas may diin sa tono. Napangisi siya, pero sa wakas, umalis na rin siya. Napailing na lang ako at umorder ng Margarita. Habang hinihintay ang order ko, narinig ko ang usapan mula sa kabilang table. "Shit, dude! Marquis's ex girlfriend is here." "Damn! You're right!" "Of course! She's Dyosa's closest friend." "Damn, man! She's fucking hot." "Damn! Marquis's ex is really catch." Kumunot ang noo ko marinig ang pinaguguluhan ng mga lalaki sa banda ko. Tinignan ko sila ngunit ang mga mata nila ay nasa ibang direksyon. Kunot noo pa rin sinundan ng tingin ang tinitigan nila. Mas lalong kumunot ang noo ko makilala ang babaeng suot ang leopard mini dress. What the hell is she doing here? "Clythie," bulong ko sa sarili ko, pero sapat na para marinig ng server na naghahatid ng inumin. "Miss, may kailangan pa po ba kayo?" tanong nito, pero umiling lang ako, nakatuon pa rin ang tingin ko sa babae. Ang leopard mini dress ni Clythie ay literal na sumisigaw ng look at me. Kumpleto pa sa high heels na parang hindi naman pang-birthday party, kundi pang-catwalk. Kapansin-pansin ang confidence niya habang naglalakad papunta sa grupo nina Dyosa, at agad silang nagyakapan na parang matagal nang hindi nagkikita. Napatampal ako sa noo. Ang ganda niya, oo. Sobrang hot, oo. Siya ang ikalawang crush ko bukod kay Alexamarie. Pero s***a naman oh! Bakit ganyan suot niya? Ang dami tuloy mga asong ulol napapatingin sa kanya. Alam naman natin kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga aso na 'to! Jusko! Great. Just great. Napasandal ako sa upuan, pinipilit pigilan ang sarili ko na ma-bad trip. Alam kong wala akong karapatang magalit, pero hindi ko maiwasang maalala ang drama na iniwan niya noong naging sila ni Marquis. Ginawa ba naman akong comfort zone ng gaga. Ano ako? Your crying shoulders? Siraulo. Napabuntong-hininga ako, sabay inom ng Margarita. Napansin ko naman si Azyl na papalapit mula sa dance floor. Ngunit nawala ang atensiyon ko sa kanya nang may dalawang lalaki na kakapasok palang ng bar. Halos mabilaukan ako nang makita kung sino ang isa sa kanila. Puta! Anong ginagawa niya dito? Hindi ko maiwasang manigas sa kinauupuan ko. Kasama niya ang isa pang lalaki na mukhang kaibigan niya, parehong bihis na bihis na parang galing sa isang executive meeting. Pero ang siraulo—iba talaga ang dating niya. Parang sinadya niyang maglakad papasok ng bar na parang isang hari sa sariling kaharian. Nakasuot siya ng black button-down shirt na nakabukas ang ilang butones, sapat para makita ang hint ng defined chest niya. Ang slacks niya ay perpektong nakakabit sa katawan niya, at ang suot niyang relo ay mukhang isang milyon ang halaga. Hindi mo mahahalata sa hitsura niya na galing siya sa isang mundo ng gulo. Napahawak ako sa baso ko nang mas mahigpit. Why now? Why here? "Uy, Narnia," bulong ni Azyl na tumabi na pala sa akin. Napansin niya agad ang pagbabago ng ekspresyon ko at sinundan ng tingin kung saan ako nakatingin. "Oh my gosh, is that... Zuhair?" tanong niya, na parang hindi siya makapaniwala. "Hala, bakit nandito yan?" "Hell if I know," sagot ko, pilit pinapanatili ang malamig na ekspresyon. Pero sa loob-loob ko, parang may isang malaking bagyong paparating. Nakita kong tumingin si Zuhair sa direksyon namin, at sa isang iglap, nagtagpo ang mga mata namin. Para akong na-freeze sa kinauupuan ko, hindi alam kung anong gagawin. Ngumiti siya—isang ngiti na halos hindi ko mabasa. May halong yabang, may halong misteryo. Teka, alam ba niyang ako ang tinitigan niya? Kilala niya ba kung sino ang nasa pwesto namin? Bakit parang hindi siya nagulat? Tangina naman. Ano bang trip nito?Narnia Melpomene Alvarez — SmithMalawak ang ngiti ko nang mabasa ko ulit ang invitation card mula kay pareng Thanatos at Athena.Putangina. Nakakilig pa rin kahit tatlong buwan na ang lumipas mula nang kinasal kami. Dinaan ko na talaga sa santong paspasan. Hirap na, baka hindi na ako tanggapin ni Alvarez—ay mali pala... Mrs. Smith na siya.Oo. Mrs. Smith.Ang nag-iisang asawa, iniirog, kabiyak, misis, bebelabs ko. Naks! Kinikilig na naman ako."Siraulo! Ba’t nakangiti ka diyan?! Akala mo hindi mo ako pinaiyak no’n!" sabay batok ng asawa ko.Yan na naman tayo. Paulit-ulit.Kasalanan ko ba kung naniwala siya sa prank ni Athena? Iba rin mag-manipula ‘yung babaeng 'yun, para bang scriptwriter sa teleserye. Anong akala niya, mamamatay talaga ako sa kamay ng mga gago? Eh sa akin nga natakot 'yung mga ‘yon.“Lah, hindi ah! Smith ka na talaga, Bebelabs. Tignan mo 'to..."Ipinakita ko sa kanya ang invitation card.Kumunot ang noo niya, tapos sumilip sa hawak ko.Binasa niya 'yung nakasulat. P
“She knows about your secret?” tanong ni Cain, malamig ang tono. “Paulit-ulit ba, Cain?” iritado kong sagot habang pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit, gusto niya bang paulit-ulit kong alalahanin kung paano ako sinuklaman ng babaeng mahal ko? “Oh, another devil falling down,” sabat pa ni Aamon, sabay ngisi na parang demonyo talaga. Sarap niyang sipain palabas sa penthouse ni Mikaelson. Walang ambag, puro angas. Mga gago talaga. Para kaming koleksyon ng mga sirang manika—isa-isa nang nagkakalas. Kami ni Mikaelson, kami lang pala ang tunay na tinamaan ng unos. Ang iba? Parang nanonood lang ng pelikula—peste. Ako? Tinatanggap ko ang galit ni Alvarez. Hindi ko na siya masisisi. Alam na niya ang lahat. At tangina—mas masakit pa sa lahat, buntis siya. Buntis siya ng anak ko habang sinasaksak ko siya sa likod ng mga lihim. At ngayon, galit na galit siya sa akin. At ako? Gago pa rin. Imbes na lambingin, sinabayan ko pa ng init ang galit niya. Wala na. Wala na yat
Galit siya. Oo. Galit na galit. At ang gago ko. Napahilamos ako sa mukha habang binibingi ako ng sarili kong inis. Napalingon ako kay Mikaelson at binigyan siya ng matalim na titig—tanginang damay ako Kung siraulo ako, gago naman siya. Wala na. Galit na sa akin si Alvarez, at kasalanan ito ni Mikaelson. Siya 'tong nagpabaya. Siya 'tong hindi naging alerto. Bakit niya hinayaang makidnap ang dalawa? Asan ang utak niya? Asan ang proteksyon? Ang responsibilidad? Mabigat akong bumuntong hininga. May problema kami ni Bebelabs dapat sa kanya ako nakafocus hindi sa iba. Oo. Ganyan nga dapat, Zuhair. May sarili tayong problema. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang ipaliwanag. Kailangan ko siyang hawakan. Pero paano? Putangina. Ramdam na ramdam ko ang iwas niya. Hindi nagpapakita. Hindi sumasagot. Ilang araw na. At nung muli kaming nagkita—lioness na lioness ang dating. Galit. Matatalim ang mga mata. Hindi ako pinansin. Mas lalong kinain ng guilt at frustration ang di
"Mga pre... ayoko pang mamatay."Tahimik. Saglit lang, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan.Hanggang sa nagsalita rin sila, halos sabay."Finally, Zuhair."Napailing si Hades. ”We thought life meant nothing to you anymore.""You're not bored with the world now?”Umiling ako, mabigat ang dibdib. "Bored pa rin. Pero hindi ang mundo ang tinutukoy ko."“Then what are you talking about?""It’s who, Hades.”Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko'y ngayon lang ako naging totoo—hindi bilang Bratva, hindi bilang Don, hindi bilang anak ng Mafia.Bilang Zuhair Eros Smith.Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama siya. Ng matagal. Gusto ko siyang makita araw-araw, hawakan ang kamay niya, marinig ang boses niya bago ako matulog. Gusto kong makita ang anak namin lumaki."She's pregnant." Buntis siya.Nagkatinginan sila, gulat.Ako? Napatango lang. Paano ko nalaman?Napangisi ako, mapait.Obsessed ako sa kanya. Hininga pa lang niya, alam ko kung kailan may mali. Kilos pa kaya niya? Laman a
Asaran. Galit-galitan. Nagpipikonan.Enemies kung baga sa isa’t-isa, pero lovey-dovey sa kama.Putangina talaga.Binabaliw ako lalo ng babaeng 'to.Gago ako. Oo.Challenging siya—yan ang alam ko.Pero ‘di ko akalaing mahuhulog ako sa kanya.Mas malalim pa sa impyernong pinanggalingan ko.The Pakhan summoned me.Gabi ‘yon. Malamig. Tahimik. Pero alam ko, may paparating na unos."Narnia Melpomene R. Alvarez. Familiar, Bratva Smith?"Putangina!Ramdam kong sumikip ang dibdib ko.‘Wag siya… kahit sino, ‘wag lang siya.Pero tuloy ang Pakhan, malamig ang tono."She’s the daughter of the consiglierie of the Italian-American Mafia. One of the old allies of the former American Mafia.""She's planning something. She's moving quietly. I want you to ruin her, Smith. Destroy her plans. Break her."Napatigil ako.Sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila—na ang babaeng gusto nilang wasakin......ay ang babaeng mahal ko.Pero hindi pwede ang feelings sa mundong ‘to.Walang
"Blood in, blood out." "You need to get the American Mafia, Zuhair. That's the only way to join the Bratva." Malamig ang boses ni Pakhan—parang bakal na binalot sa pelus. Kalma, pero walang kahit katiting na lambing. ‘Yung tono niya? Hindi lang basta utos. Isa siyang hamon, isang hatol, at isang sentensya ng kamatayan sa iisang linya. Napakuyom ako sa ilalim ng lamesang gawa sa pulidong kahoy. Amoy ng sigarilyo’t usok ang umikot sa silid habang nakatitig sa akin ang mga counselor—tahimik na mga hukom, mabigat ang mga mata, parang baril na nakatutok. “Buong Mafia?” tanong ko, may halong tawa sa loob ko pero walang lumabas sa bibig ko. “Gusto mo akong pabagsakin sila… mag-isa?” Pakhan leaned forward, tapping the ash off his cigar, eyes narrowed. “Isa kang Smith. Huwag kang umakto na parang sibilyan. May kapangyarihan ang dugo mo, pero kailangang patunayan mo. Walang upuan sa Bratva ang libre. Kailangang palitan ng tamang dugo.” Ang American Mafia. Isang gubat ng katiwalian,