Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m
Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang
"Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b
Lumipas ang mga araw. Mga linggo. Buwan.Tahimik ang buhay ko sa silong ng mga pine tree, sa likod ng makakapal na kurtina ng hamog sa umaga. Araw-araw, naglalakad ako sa palibot ng resthouse, iniinom ang mainit na salabat, kinakausap ang anak sa tiyan ko, at dinidiligan ang mga pananim sa likod ng resthouse."Magiging matatag tayo, anak. Hindi tayo para sa kanila ngayon. Pero balang araw… kapag kaya ko na, kapag kaya mo na… babalik tayo. Hindi para magpaliwanag, kundi para tumayo sa sarili nating mga paa."Bawat hakbang palayo sa dati kong mundo ay hakbang patungo sa bago. Iba na ang ritmo ng buhay ko, ngayon. Simple. Payapa. Walang tinig ng galit, walang mata ng paninisi, at higit sa lahat—walang presensya ng lalaking sumira sa mundo ko.Pero kahit pilit kong takasan, gabi-gabi pa rin siyang bumabalik sa panaginip ko. Punyeta!Ang mga mata niya—galit, malungkot, puno ng tanong."Nasaan ka, Alvarez?"At sa panaginip ko, lagi ko siyang nilalampasan. Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko s
Dumilat siya at nginitian ako—yung ngiting nakakapundi, yung tipong may alam siyang hindi ko alam. Nairita ako agad, parang gusto ko na siyang itapon palabas. "I'm not a Maranzano for nothing," sabi niya, may halong kayabangan sa tinig. Yung tono na para bang ang apelyido niya ay license na para manghimasok sa buhay ng ibang tao. “Sagutin mo ng maayos, Alcyone. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo,” mariin kong sambit, sabay kunot ng noo. Umirap siya, saka nagkrus ng braso sa kanyang dibdib na para bang siya pa ang na-offend. "Connection, okay? Nothing else. Don’t worry, walang nakakaalam. Even your boyfriend.” Sinamahan pa niya ng irap at diin ang dulo, parang sinasadyang inisin ako. “Hindi ko siya boyfriend.” “Edi ex-boyfriend.” Kibit-balikat pa siya na parang wala lang. Walang pakialam kung sinasaktan niya ako sa sinabi niya. Napamura ako sa isip. Putang ina mo talaga, Alcyone. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang kumag na yun? Hindi man niya sinabi ang pangalan, alam kong si
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri
Ilang minuto kaming nagtalo bago naisipan bumili na lang ng pagkain sa labas. Naging okay na rin ang araw namin kahit inis pa rin ako sa kasama ko. Kinabukasan, sinumpong na naman ako ng ugaling buntis. Ang sarap itapon ni Alcyone sa dagat. Grabe mang-asar. Alam niyang buntis ako, inaasar pa talaga ako. Ang saya-saya raw niya kapag nakikita akong umiiyak. Tignan mo?! Tignan mo?! "You're not in love with him, gaga! Mahal mo lang ang tite ni Zuhair." Asar nito, habang hawak ang basong may natitirang juice, parang ready na ibato sa akin. Mas lalo akong naiyak. Di ako in love sa lalaking yun at mas lalong di ako in love sa tite niya! Ba't ba ako umiyak?! Piste! Sino ba kaseng nagsabing inlove ako sa lalaking yun?! "Why are you crying? Stop crying na kaya." "Paano kung tama ka? Mahal ko lang pala talong ni Eros at hindi siya?" tinig ko’y paos, garalgal. Tumingala ako habang pilit pinupunasan ang luha. “Paano kung... mahal ko lang pala yung talong ni Eros, at hindi siya?” Nanlaki ang
Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s
"Ahm, Melpomene?" Mabilis akong napalingon kay Eros. Seryoso ang boses, at nakakunot ang noo. Tinawag din niya akong Melpomene. Seryoso nga siya. Mabilis malaman kapag nagseseryoso si Eros. Kukunot ang noo, tapos kakamot sa batok—parang ngayon. Napansin kong medyo hindi siya mapakali. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama, habang ako’y nakaupo, inaayos ang mga gamit ni Aslan para sa photoshoot mamaya. Tahimik si baby, nakahiga sa crib at nakanganga habang mahimbing ang tulog. “Bakit?” Taka kong tanong, pinipigilang kabahan. Nagkibit-balikat siya saglit, tapos—yun nga, nagkamot sa batok. “Hmmm… My family wants to attend Aslan’s birthday and baptism.” Biglang kumislot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matataranta. The Smiths? Yung buong Smith clan? Hindi ko agad nakasagot. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitigan ko si Eros. Alam kong hindi rin siya kampante sa balitang ‘to. Pero malinaw ang intensyon niya—ayaw niya akong gulatin, kaya sinasabi niya ngayon
"Isasabay na lang natin sa birthday ang binyag niya. Para isang gastos lang," sabi ko habang maingat kong isinusuot ang bagong diaper kay Aslan.Tahimik lang si Eros sa tabi ko, nakaupo sa gilid ng kama, pinapanood ang bawat kilos ko na para bang bumibilib siya sa simpleng ginagawa ko. Alam kong gusto niya itong gawin pero nakakabanas dahil parang nakalimutan niya atang ina pa rin ako ni Aslan. Pambihira!"Hoy, nakikinig ka ba, Smith?" medyo inis kong tanong, dahil wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.Nagkatinginan kami. Nataranta pa siya ng kaunti bago sumagot."Huh? Ah, oo naman. Ayos lang kahit hindi natin isabay. May pera naman ako, Narns. Pero kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Para isang big celebration na lang kay Aslan," sabi niya, ngumiti pa ng nakakaloko habang pinisil ang dulo ng ilong ko.Natawa ako ng mahina, pero agad kong binalingan ulit si Aslan.Napatingin ako sa maliit naming anak—ang buhay na patunay ng pagmamahalan namin.Namin.Hanggang ngayon, may m
Pagkatapos naming makalabas ng ospital, dumiretso kami sa mansyon ni Eros — sa wakas, sa bahay na para sa amin. At doon nagsimula ang bagong kabanata ng buhay ko: bed rest, breastfeeding, sleepless nights, at pagdilat sa madaling araw dahil umiiyak si Aslan, naghahanap ng gatas o yakap. Pagod ako, bugbog ang katawan, pero punô ng pagmamahal ang puso ko. At si Eros... Wala akong ibang maihiling pa. Hands-on siya sa lahat — sa pag-asikaso kay Aslan, sa pag-alalay sa akin, sa bawat maliit na bagay na akala ko ay kakayanin ko mag-isa. Bawat pag-iyak ni Aslan sa dis-oras ng gabi, si Eros ang unang bumabangon. Siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakalma, nagpapasyal sa hallway habang ako naman ay pinipilit ipikit ang mga mata kahit ilang minuto lang. Hinahanda niya ang hot compress ko kapag sumasakit ang likod ko, minamasahe ang binti ko kapag namamanhid na. Siya ang gumagawa ng mga bagay na hindi ko kailanman inakalang hihilingin ko sa isang lalaki. Ayaw niyang mabinat ako. Tila ba
Magulo ang buhok, para siyang sinapian ng tatlong kaluluwa dahil sa panic. Yung polo niya, hindi pantay ang pagkakabutones. Yung sapatos niya, isa nakatali, isa hindi. Parang nakalimutan niyang tao siya. Halos mapigtas ang leeg niya kakalinga ng tingin, desperado niyang hinahanap ako sa gitna ng puting kwarto. Nang magtagpo ang mga mata namin, parang may humila sa kanya — agad siyang lumapit sa akin, halos hindi na niya pinansin ang mga nurse na nagpipilit siyang suotan ng protective gown. "Baby..." bulong niya, nanginginig ang boses. Nanginginig ang kamay. Napakapit siya sa kamay ko, pinaghalo ang kaba at pagmamahal sa mga mata niya. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Putlang-putla ang gago at halatang blanko ang isip. Parang anytime pwede na siyang mawalan ng malay. Tangina, sino ba talaga ang nanganganak dito? Hindi nakakapag-isip ng tama ang lalaking 'to sa kapag ganito ang kalagayan ko. "Ayos lang ako," bulong ko, pilit na pinapakalma siya kahit ako halos mabaliw na sa s
Paglabas namin ng pinto, agad kong nakita ang nakahandang sasakyan — may driver, oo, pero hindi ko siya kilala. At hindi lang 'yon ang ikinagulat ko. May isang batang lalaki na nakatayo sa tabi ng kotse, mga pito o walong taon siguro ang edad. Maputi, kulay asul ang mga mata, seryoso ang mukha — at sa isang iglap, para akong nakakita ng batang Eros. Sino 'to? Nagkaanak ulit si Tita Cassy?! May hindi ba sila sinasabi sa akin?! "The bag is ready in the car, Mom," anito, seryosong-seryoso ang tono, para bang sanay na sanay sa emergency. Mom?? Napanganga ako. Nagkakamali ba ako ng dinig? Bago pa ako makapag-react, isang mas matinding contraction ang umatake sa akin, halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Napasinghap ako nang malalim at napakapit kay Athena. "Focus, Narnia. Dahan-dahan lang," bulong niya habang mahinahong inalalayan akong sumakay sa backseat ng sasakyan. Siya naman, parang isang sundalong sanay na sa gera, agad na tumabi sa akin at sinigurong nakaupo ako nang maayos.
"Athena!" Gulat kong bulalas makita ang babaeng nasa sala. "Ba't ka nandito? Nasaan si Eros?" "He left for a meeting with some mafias." Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa laban ng women's volleyball sa TV. "May kailangan ka ba?" Huminto ako sa harap ng screen, ang tanging paraan para makuha ang atensyon niya. Sumilip siya sa gilid ko. "There's no need to show off your big belly, Narnia. I know you're nine months pregnant and ready to give birth." "Alam mo pala eh. Ba't hinayaan mong umalis si Eros? Paano kung manganak ako ngayon?" Umirap si Athena at nag-inat pa habang nakaupo. "Hindi ka naman biglang hihiga diyan sa sahig. Relax ka lang, Narnia." Napapikit ako sa sobrang inis. "Hindi 'to biro, Athena. Paano kung sumakit na 'to bigla? Paano kung mabasag 'yung panubigan ko?!" Tumayo siya sa wakas, pero hindi pa rin nawawala ang mabigat na aura niya. Nilapitan niya ako at tinapik ang balikat ko. "Chill. Naka-standby 'yung driver. May nakahanda nang emergency bag. Ready na
"Naman!" Napatawa siya, pero mabilis ding naging seryoso ang mukha niya. "Gusto ko kasi... meaningful ang pangalan niya. Yung tipong may kwento." Tumango ako, iniisip ko rin naman yun. "Kung babae, anong gusto mong pangalan?" tanong niya, habang marahan niyang hinihimas ang tiyan ko. Nag-isip ako sandali. "Hmm... Gusto ko ng pangalan na malakas pero maganda. Parang... Althea. Ang ibig sabihin nun, healer. Maganda, diba?" "Althea..." Tila sinasabi niya sa isip niya. "Ganda nga. Bagay sa anak natin. Kasi... ikaw din naman yung healer ko." Hindi ko napigilan ang mapangiti, at bahagyang gumuhit ang init sa pisngi ko. "E kung lalaki?" balik-tanong ko naman sa kanya. Nag-isip siya ng ilang segundo bago ngumiti. "Gusto ko....Aslan." "Aslan?" Kumunot ang noo ko, halos mapatigil sa paghinga. "Nang-iinis ka ba?" Umiling siya agad-agad, pero bakas sa mukha niya ang pigil na tawa. "Hindi, seryoso ako! Aslan. Di ba cool? Para siyang hari... parang sa Narnia." Napataas ako ng ki
"Iba kasi magalit kapag buntis. Mararanasan nila ang galit ng isang buntis," ani Eros, habang nagmo-mop ng sahig sa sala, kaswal na para bang walang sinabi. Mabilis kong pinihit ang ulo ko papunta sa direksyon niya, halos mapigtas ang leeg ko sa bilis ng reaksyon. Sumingkit ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa narinig. "Teka lang, may sinabi ka ba d'yan?!" bulyaw ko, ang boses ko halos tumalsik sa hangin. Napaayos siya ng tayo, para bang nadulas, at mabilis na umiling habang nanlaki ang mga mata. "Wala, madame. Wala po akong sinabi," inosenteng sagot niya, may kasamang kunwaring ngiti na lalo lang nagpataas ng kilay ko. Umirap ako, halatang di kumbinsido, bago muling bumalik sa pagsusulat sa Pregnancy Notebook ko. "Pakibilisan mo, ha? Maglalaba ka pa pagkatapos mo d'yan," utos ko habang sinusulat ko ang mga updates sa maliit kong journal. Narinig ko ang mumunting bulong niya mula sa likuran ko. "Gusto mo ba ng snacks, Bebelabs? Ay, wag pala, masama sa tiyan..." pero hindi ko
Napakagat ako sa labi, pinipigilang humagulgol. Pinilit kong maging matatag, pero ang mga salitang binitiwan niya ay tila kalasag na winasak ang binuo kong napakakapal na pader."Marami akong kasalanan, Smith," mahina kong sabi, halos pabulong na lang.Kumunot ang noo niya. Dahan-dahan siyang tumingala sa akin, bakas sa mga mata niya ang isang emosyon na matagal ko nang hinahanap—pag-unawa. Walang galit, walang paninisi. Puro pagmamahal at sakit.Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa.Marahan siyang yumuko at hinalikan ang bilugan kong tiyan. Napasinghap ako. Parang biglang naglaho ang lahat ng ingay sa mundo. Nakalimutan kong huminga. Tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa.Ganito pala ang pakiramdam.Ganito pala ang pakiramdam ng may isang taong tatanggapin ka kahit basag na basag ka na. Ganito pala ang pakiramdam ng may isang nilalang sa loob mo, isang maliit na buhay na bunga ng pagmamahalan ninyo—at siya, ang ama nito, buong pusong tinatanggap ang lahat.“Hindi mo kailan