Share

Chapter 45

Wala silang imikan sa loob ng sasakyan at kung hindi si Zach ang unang mabubukas ng usapan ay Saka lamang siya sasagot kapag may itatanong ito.

Ewan ba , parang hindi siya naging komportabe sa araw na ito. Lagi lang kasi silang dalawa ni Zach nag-aaway kaya ibinaling na lamang niya sa daan ang kanyang paningin. Nag-e-enjoy naman siya sa bawat tanawin na nadadaanan nilang dalawa.

Hindi na rin siya nagtanong sa binata kung saan ba silang dalawa pupunta. Mahaba ang naging biyahe nila kaya nakaidlip siya at nang magising Siya ay nakahiha na siya sa isang malambot na kama.

Hindi pamilyar sa kanya ang silid kaya bumangon siya. Wala namang magbago sa suot niya kanina kaya Wala siyang pag-aalala. Hinawi niya ang makapal na tela ng kurtina na nakatabon sa bintana. Tumambad sa kanya ang napakagandang tanawin sa labas, Papalubog na ang araw kaya nagkulay kahel ang kalangitan at repleksiyon sa dagat.

Alam niya ang lugar na ito dahil Minsan na rin siyang nakapunta rito noon.

Cypress Shores Beach
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status