LOGINLumabas ako sandali para bumili ng ice cream, Ngayon lang ako ulit kakain ng ice cream na mag isa.
Naglakad lang ako dahil gusto ko talagang mapag isa Muna, walang maingay, walang estorbo kapag nag iisip ako. Habang palapit ako ng palapit sa bibilhan ko ng ice cream may dalawang bata na naglalaro, babae at lalake. Doon ko nakita Ang sarili ko, ako at si Alex nag uunahan kami bumili ng ice cream, Hindi kami aalis hanggat may natitira pang ice cream. Ngumiti ako ng mapait at naitanong ko sa sarili ko na kailan kaya yon mauulit? Pikit Kong kinakalimutan pero paano kung sa bawat daan at napupuntahan ko ay nandon yong mga alala namin. Yong alaala na ako nalang Ang nakakaalala. Pagkabili ko, umupo Muna ako, natagalan Rin ako dahil nalibang ako sa mga batang naglalaro. Mga Isang Oras nagpasya na akong umuwi, pagdating ko sa bahay, TAHIMIK. Pero yung katahimikan sa bahay namin... iba. Yung tipong mas nakakatakot pa sa sigawan. "Anak?" Si Mama. Si *Elena*. Nakaupo sa sofa. Namumugto mata. Si Papa naman, si *Rolando*, nasa kusina. Uminom. "Galing ka na sa school?" tanong ni Mama. Pero hindi siya tumingin sakin. Tumango lang ako. "Hindi po, kanina pa kami nakauwi." . Wala ako sa mood para kausapin Sila, pakiramdam ko nga parang Wala na akong mga magulang kundi si kuya nalang, Ang Lola ko nasa probinsya Naman. Dumeritso nalang ako sa kwarto ko dahil alam Kong nag aaway Sila. Nawawalan ako ng gana, yong Minsan nalang Silang umuwi pero nag aaway pa. Pagpasok ko palang sa kwarto Bigla Kong narinig Ang usapan nila. Bigla akong tumigil sa paglalakad at pinakinggan Sila. "Nag-file na ko, Rolando." malamig boses ni Mama. "Nag-file ka ng ano?" bariton ni Papa. "Annulment." Nanlamig ako. Nabitawan ko yung ballpen ko na hawak ko na sana ilalapag ko na sa desk ko. "HA?!" sigaw ni Papa. "Annulment?! Dahil saan?! Dahil sa babae mo? Dahil wala kang kwenta maging ama?!" "Wag mo kong sisihin!" balik ni Mama. "Ikaw yung unang sumuko! Ikaw yung unang nawala! 10 taon tayo nagtiis para kay Leah tapos ngayon... pagod na ko!" "Pagod? Ako yung pagod, Elena! Pagod akong makita yung anak natin na parang multo sa bahay na to!" "Eh kasalanan mo yun!" "KASALANAN NATIN YUN!" Bumagsak yung plato. Basag. Napaupo ako sa sahig. Tinakpan ko tenga ko. Annulment. Ibig sabihin... hihiwalay sila. Ibig sabihin... wala na kaming pamilya. "Paano si Leah?!" sigaw ni Papa. "Si Leah?!" tumawa si Mama. Mapait. "Tingnan mo nga siya! Palagi nalang nakatitig sa wala! Palagi nalang umiiyak para sa lalaking yun! Alex! Alex! Yun lang naririnig ko!" Napahawak ako sa dibdib ko. Ako na naman. Ako na naman yung dahilan. Hindi ko na kinaya. Tumayo ako. Kinuha ko bag ko. "Leah? San ka pupunta?" habol ni Mama. Hindi ako sumagot. Tumakbo ako. Labas ng bahay. Ulan. Basa ako agad. Pero wala akong pake. Saan ako pupunta? Saan ako safe? Yung park. Yung lumang swing. Yung puno ng mango. Yung lugar namin ni Alex. 10 years. Dito kami nag-pinky promise. Dito niya sinabi "first love kita, Leah." Dito rin siya huling tumawa sakin bago yung aksidente. Umupo ako sa duyan. Basang-basa. "Alex..." bulong ko. "Bakit? Bakit lahat sila umaalis?" Sigaw ko. "BAKIT AKO PALAGI YUNG NAIWAN?!" "BAKIT KAYO PALA ANG MAGHIHIWALAY KASI DAHIL SAKIN?!" "BAKIT HINDI MO KO MAALALA?!" Umiiyak ako. Sumisigaw. Wala akong pake kung may makarinig. Pagod na ko. "BALIK MO SILA SAKIN!" "BALIK MO SI ALEX SAKIN!" "BALIK MO YUNG PAMILYA KO!" Tahimik. Tapos may yabag. Dahan-dahan akong lumingon. Nandun siya. Nakatayo sa ilalim ng puno. Basang-basa din. Nakatingin sakin. Si Alex. Nanigas ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Nanginginig boses. "Hinahanap kita," sabi niya. "Nakita kita tumakbo kanina." Tumayo ako. "Umalis ka." "Hindi," sabi niya. Lumapit siya. "Narinig ko lahat, Leah." "ANO?!" "Narinig ko yung sinigaw mo. Narinig ko yung tungkol sa parents mo. Narinig ko yung... tungkol sakin." Napalunok ako. Nahiya. Napahiya. "Wag kang makialam!" sigaw ko. "Hindi mo naman ako kilala diba? Hindi mo naman ako maalala diba?! Eh di wag!" "Leah—" "WAG MO KO TAWAGIN NG GANYAN!" putol ko. "Hindi mo karapatan! Hindi mo ko kilala!" Lumapit siya. Isa. Dalawa. "Tama ka," sabi niya. Mababa boses. "Hindi kita maalala. Pero..." Huminto siya sa harap ko. "Masakit makita kang umiiyak ng ganyan. At masakit... kasi parang kasalanan ko." "Kasalanan mo nga!" sigaw ko. "Kung hindi dahil sayo hindi ako ganito! Kung hindi ka naaksidente, buo pa rin pamilya ko! Kasi hindi ako magmumukmok! Hindi ako magiging ganito!" Pinunasan niya mukha ko. Hindi ko siya tinulak. "Pasensya na," bulong niya. "Kung pwede ko lang ibalik... ibabalik ko." Umiling ako. "Hindi mo na kaya. Wala na yung Alex na yun. Sabi mo diba?" Tumingin siya sakin. Matagal. Sa ulan. Sa dilim. "Uwi ka na," sabi niya. "Baka hanapin ka ng parents mo." "Kung hahanapin pa nila ko," sabi ko. Mapait. Tumalikod ako. "Leah," tawag niya. Lumingon ako. "Wala akong maalala," sabi niya. "Pero... hindi kita pababayaan ngayong gabi. Ihahatid kita." Hindi ako sumagot. Naglakad lang ako. At sumunod siya. Hindi magkahawak kamay. Hindi magkatabi. Pero magkasunod. Sa ulan. ---Nagising ako Bigla ng tumunog Ang alarm clock. 5 am na.. pero pakiramdam ko inaantok pa ako sobra. Hindi ko na inisip Kong ano yong nangyare kagabi dahil sa Ngayon iisipin ko nalang Kong paano ko iiwasan yong mga nangyare. Maalala niya kaya? Yong kiss? Bigla akong nag sign of Cruz.. Sana tulad ng nakaraan Hindi na Rin niya matandaan yong nangyare kagabi. Bigla akong tumayo at bumama sa kusina nong naamoy ko Ang longanesa. Pagbaba ko nagtimpla agad ako ng gatas. "Ma'am Leah, ako na po." sabi ni ate katulong namin. "Ako na ate.. tapusin mo na pagluluto mo mag almusal na ako." sabi ko. Tumango nalang Siya at bumalik sa kusina. Pagkatapos ko magtimpla ng gatas umupo na ako. Kinuha ko phone ko tapos nag message ako Kay kuya. "Good morning kuya." bati ko tapos may smiley pa nakalagay. " I miss you." sunod message ko. Sa totoo lang namiss ko agad Siya ilang araw palang na Wala Siya. "Good morning too baby. Okay lang si kuya mong pogi." reply nya Natawa ako sa
Dilim. Sobrang dilim ng kwarto ko. Nakahiga ako. Kakapikit ko lang. sa iyak kanina dahil kay Alex. Tapos biglang... `VRRR VRRR VRRR` Messenger. Maliwanag yung screen sa dilim. Nasasaktan mata ko. `Drake calling...` 10:02 PM. `Bakit siya tatawag ng ganitong oras?` Kabado agad dibdib ko. Sinagot ko. Boses barado pa talaga "Hello?" "Leah! Leah gising ka?!" Boses ni Drake. Hinihingal. Parang tumatakbo. "Oo... bakit?" tanong ko. Umupo ako sa kama. Nanginginig na kamay ko. Bakit tumawag ito? "Kasama mo ba si Alex?!" Sigaw niya. Yong sigaw na nag aalala. `Nanlamig ako.` "Ha? Hindi. Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko rito tapos Bigla akong napatayo. "Lasing na lasing siya" sabi ni Drake. Boses nanginginig din. "Kanina pa kami nag-iinuman sa bahay ni Zian. Tapos bigla siyang tumayo. Sabi niya 'uuwi na ko'. Tapos 2 oras na, hindi pa umuuwi. Hindi namin matawagan. Naka-off phone niya." `2 oras.` `Lasing.` tapos Gabi pa "San kayo nag-inum
"Group 4!" sigaw ni Ma'am Santos. "Kayo na sunod! 2 minutes!" Tumayo kaming lahat. Lumapit si Alex sakin. Mabilis. "Bilis," bulong niya. Tumingin ako. "Leah," sabi niya. "Hindi tayo close. Pero team tayo ngayon. Kaya natin to." Tumango ako. "Wala naman," sabi ko. "Next up, Group 4! With their presentation: 'LEVITATING'!" `Palakpak.` `Sigawan.` Naglakad kami. 8 kami. Line. Ako sa gitna. Alex sa kanan ko. Vinz sa kaliwa ko. Yuna sa tabi ni Alex. Mika, Drake, Zian at Michelle sa likod. Ilaw. Mainit. Pero kita ko lahat ng mukha. Tumugtog "Levitating". Dark muna. Spotlight sakin. Kamay ko sa dibdib. Tapos dahan-dahang itinaas. Parang hinihila pataas. Ulo ko nakayuko. Pag angat ng beat... Sumabog ilaw. Lumitaw sila. Vinz at Drake sa harap. Naka-arms cross. Mika, Zian, Yuna sa likod. Alex sa tabi ko. *BULUNGAN SA AUDIENCE:* "Uy si Leah yan!" "Ang ganda ng pasok!" "Kumalat!" bulong ko. Vinz at Drake
Pag pasok namin sa school ilang minuto lang sumunod na Rin Sina Alex pumasok.Maya Maya lang ay pumasok na si ma'am."Class!" sigaw ni Ma'am Santos. Lahat napatingin. "May changes tayo sa groupings para sa Foundation Day," sabi ni Ma'am. "Para mas balanced." `Kinabahan ako.` bakit Naman papalitan eh okay na yon eh."New Group 4:" "Leah - Leader" "Alex" "Vinz" "Yuna" "Mika" "Drake" "Zian" "Michelle "Tumahimik Ang buong klase, Napatingin ako kay Alex. Walang reaction blangko Ang Mukha nito habang nakatingin sa black board.Napatingin rin ako kay Vinz. Napakunot noo. Napatingin ako kay Yuna. Mas masama Ang Mukha nito."Practice kayo bukas Sabado 4pm," sabi ni Ma'am. "Monday na presentation. Last chance to. Walang aabsent. Gets?" "Yes ma'am," sabay kaming 8. Pagkatapos lumabas agad si ma'am."Anong nangyari?" bulong ni Mika sakin. "Bakit binago?" "Hindi ko alam," sabi ko. Sa totoo lang ayaw ko talaga makasa si Alex Lalo na sa practice.Gusto ko na umiwas tapos ga
Tanghali. Mainit sa labas. Pero malamig sa loob ng library. Pagod ako. Pagod sa quiz kanina. Pagod kay Yuna na panay tingin sakin kanina at pang aasar... Pagod sa bahay. Sa away nina Mama at Papa. Sa kompanya. Kaya dito ako. Library. Tahimik. Walang tao. Walang drama. Umupo ako sa pinakadulo. Yung mesa na malapit sa bintana. Kumuha ako ng libro. "Business Management for Beginners". Gusto ko matuto. Para pag graduate ko, matutulungan ko si Kuya. Para hindi na kami malugi. Kapag naisip ko Ang kompanya mas Lalo akong na stress.May isa pa akong kailangan. "Financial Recovery for SMEs" Nasa pinakataas na shelf. Tumayo ako. Inunat kamay ko. Kulang. Isang dangkal. "Ang taas naman," bulong ko. Talon ako. Wala pa rin. Ulit. Wala pa rin. Napabuntong hininga ako. Kukunin ko na sana yong upuan para patungan koBiglang may kamay. Mas mahaba. Mas maputi. Kinuha yung libro. Tapos iniabot sakin. "ito." Pamilyar na boses. Malamig. Pero hindi masungit. *Alex.* N
6:00 PM. Pagbaba ko sa motor ni Vinz... May ilaw yung bahay. "Ma'am Leah!" sinalubong ako ni *Ate Nena* yung kasambahay namin. "Kaka-uwi mo lang? Kumain ka na ba?" "Hindi pa Ate," sabi ko. "Nasaan sina Mama at Papa?" Ang alam ko uuwi Sila ngayon "Wala pa. Pero sabi ni Ma'am, uuwi daw sila ngayon." Tumango ako. 1 buwan na kaming tatlo lang dito sa bahay. Ako, si Kuya Warren pag day-off, at si Ate Nena. Dahil si ate lily umuwi dahil nagkaproblema daw. Si kuya Naman Wala parin... sabi nya Sakin kaninang Umaga may surpresa daw syang sasabihin Sakin. 7:30 PM. `Bukas ng gate.` Sabay dumating si *Mama* at *Papa*. Gulat ako. Tagal na hindi sila sabay umuwi. "Anak," sabi ni Mama. Pagod mukha. "Leah," sabi ni Papa. Seryoso. Umupo kami sa sala. Si Ate Nena nag-serve ng kape. "Leah," sabi ni Mama. "Kailangan namin sabihin sayo." Kinabahan ako. "Nalulugi yung kompanya," sabi ni Papa. Direcho. "Yung printing business. Malaki utang. Last notice na bukas







