LOGINAvelina Dizon
Malamig ang hangin sa tabing-dagat ng San Juan, La Union. Naglalakad ako sa basang buhangin habang bitbit ang lumang tsinelas na binili ko sa kanto kaninang umaga. Dito sa maliit na resthouse ng tita ko—isang lugar na kahit si Cyprian ay hindi alam na umiiral—ko piniling magpalipas ng mga unang araw ng bagong buhay ko.
Walang Grab. Walang GrabFood. Walang tunog ng mga kotse sa BGC. Tanging ang hampas lang ng alon sa pampang at ang paminsan-minsang tahol ng mga aso sa malayo ang naririnig ko.
Kinapa ko ang bulsa ng aking cardigan at inilabas ang isang mumurahing smartphone na binili ko sa kanto bago ako lumawas ng Maynila. Bagong prepaid SIM. Walang kahit anong messaging app bukod sa karaniwang text at call. Walang social media accounts.
Inilagay ko ang telepono sa maliit na wooden table sa beranda at umupo sa folding chair.
Inaasahan kong magkakaroon ako ng matinding panic attack. Inakala kong maiiyak ako nang matindi, na magwawala ang dibdib ko habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa Maynila ngayong mag-a-alas kwatro na ng hapon. Pero habang nakatitig ako sa papatagol na araw sa dagat, wala akong naramdamang kahit ano. Parang may isang piyesa sa loob ng dibdib ko na matagal nang napudpod sa kahihintay, at nung gabi ng Mayo 14, tuluyan na lang itong naputol nang walang ingay.
Isang linggo na ang nakalipas mula nung gabi na iyon.
Alam kong sa mga oras na ito, gising na gising na ang mundo ng St. Jude Medical Center. Siguradong busy si Cyprian sa kanyang mga grand rounds bilang bagong Chief of Surgery. Siguradong nakasabit na ang pangalan niya sa p***o ng pinakamalaking opisina sa ikalimang palapag.
Iniisip ko kung kailan niya kaya napansin na wala na ako?
Naisip ko tuloy nung nakaraang taon, nung nagkaroon siya ng 36-hour duty sa ospital. Pag-uwi niya ng condo nang madaling-araw, pumasok lang siya sa kwarto, hinubad ang sapatos, at dinaluhan ako sa kama nang hindi man lang tinatanong kung bakit gising pa ako sa oras na iyon. Para sa kanya, ang presence ko sa condo ay katulad lang ng aircon o ng ilaw sa hallway—isang bagay na lagging nandiyan, nag-e-exist lang para maging komportable ang pag-uwi niya.
Hindi niya nararamdaman ang pagkawala ko dahil sanay siyang hindi ako nag-iingay. Sanay siyang kapag may hindi kami pagkakaunawaan, ako ang nag-aadjust. Ako ang nagpapasensya. Ako ang naghahanda ng mainit na kape sa umaga kahit galit ako sa kanya nung gabi.
Ganoon ko siya pinalaki sa loob ng limang taon. Ginawa ko siyang spoiled sa atensyon ko habang tinitiis ko ang kawalan ng sa kanya.
Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking kamay kaya kinuha ko ang mug ng mainit na tsaa sa mesa. Inilapit ko ito sa aking labi at dahan-dahang humigop.
Siguro para sa kanya, nagtatampo lang ako. Baka iniisip niya na pumunta lang ako sa boutique ng kaibigan ko sa Makati o kaya nagpalipas lang ng sama ng loob sa isang spa. Baka nga nung nakita niya ang ringside at ang susi sa tabi ng malamig na hapag-kainan, nairita pa siya dahil kailangan pa niyang mag-isip kung paano ako susuyuin sa gitna ng napakabusy niyang schedule.
"Mag-e-explain din 'yan kapag lumipas ang galit," paniguradong iyon ang sasabihin niya sa sarili niya. Kasi sa utak ni Cyprian Legaspi, walang taong sa matino nitong pag-iisip ang iiwan siya. Siya ang magaling na siruhano. Siya ang gwapo, mayaman, at matagumpay na lalaki na kinaiinggitan ng lahat. Bakit naman siya tatalikuran ng isang Avelina Dizon na walang ibang ginawa kundi ang sumunod sa bawat kaway ng kamay niya?
Napangiti ako nang tipid—isang bitter na ngiti na agad ding nawala.
Hindi niya naiintindihan na ang totoong pag-alis ay hindi kailangang maging maingay. Ang totoong pagbitaw ay hindi nangangailangan ng sigawan sa gitna ng sala o pagtatapon ng mga gamit sa bintana. Ang pinakamakatotohanang katapusan ng isang relasyon ay kapag napagdesisyunan mo na lang na masyadong mahalaga ang sarili mong kapayapaan para ipagpalit sa isang taong hindi ka man lang kayang ilagay sa kanyang mga pangarap.
Dahan-dahan kong ibinaba ang mug sa mesa. Lumapit ako sa gilid ng beranda at pinalihis ang tingin sa mga alon na humahampas sa mga bato sa ibaba.
Naisip ko ang sarili ko limang taon na ang nakararaan—isang babaeng may sariling mga pangarap sa larangan ng interior design, may sariling mga kaibigan, at may sariling mga ngiti na hindi nakadepende sa kung uumuwi ba ng maaga ang kasintahan o hindi. Pilit kong ibinaon ang babaeng iyon para lang maging perpektong partner sa buhay ng isang lalaking walang ibang nakikita kundi ang sarili niyang ambisyon.
Nakalimutan ko na kung paano tumawa nang malakas nang hindi nagaalala na baka maabala ko ang pag-aaral niya para sa kanyang board exams. Nakalimutan ko na kung paano maglakbay nang hindi nagaalala kung sino ang mag-aayos ng kanyang mga suit para sa Lunes.
Pero ngayong hapon, habang nakatayo ako rito at nag-iisang nanonood ng paglubog ng araw, naramdaman ko ulit ang malamig na hangin sa aking mukha. Wala akong kailangang lutuing hapunan. Wala akong kailangang i-remind na tawagan ang kanyang ina. Wala akong kailangang hintayin hanggang madaling-araw.
Kinuha ko ang maliit na notebook sa aking bag at binuksan ito sa unang pahina. Kumuha ako ng bolpen at isinulat ang unang linya ng panibagong blueprint para sa isang maliit na coffee shop na matagal ko nang gustong buksan sa tabing-dagat.
Tumulo ang huling patak ng liwanag sa kalangitan at tuluyan nang dumilim ang paligid. Nilagay ko ang bolpen sa gilid ng notebook, tumayo mula sa upuan, at pumasok sa loob ng bahay para ihanda ang sarili kong hapunan.
Avelina DizonIsang buwan na ang nakakalipas.Sa gitna ng amoy ng bagong giling na barako coffee at ang malalaking kahoy na mesa sa loob ng kaka-open lang na "Soler Cafe"—ang maliit kong Negosyo sa tabing-dagat ng San Juan—may natanggap akong tawag sa landline ng shop.Inabot ko ang receiver habang nakatayo sa likod ng espresso machine. "Soler Cafe, magandang hapon."Natahimik ang kabilang linya nang dalawang segundo. Bago pa man may magsalita, narinig ko ang mahinang paghinga sa kabilang dulo—isang mabigat, pagod, at pamilyar na paghinga na kilalang-kilala ko kahit pikit ang mga mata ko."Ave?"Si Cyprian.Hindi ko alam kung paano niya nahanap ang landline ng isang maliit at bagong bukas na cafe sa La Union. Siguro ginamit niya ang lahat ng koneksyon niya. Siguro nagbayad siya ng private investigator, o baka ginulo niya ang lahat ng mga kakilala ko sa Maynila para lang makuha ang linyang ito.Hindi ako sumagot. Pinanatili ko lang ang tingin sa basong ginagawa ko sa counter."Ave... p
Avelina DizonDalawang linggo matapos kong lumipat dito sa La Union, pumasok ako sa isang maliit na hardware store sa bayan para bumili ng mga pintura at sandpaper para sa ginagawa kong wooden signage. Simple lang ang buhay ko rito—gising sa umaga, lakad sa tabing-dagat, kape, at tuloy-tuloy na pag-aayos ng maliit na pwestong lilinisin ko para sa balak kong cafe.Habang naghihintay ako sa counter para magbayad, nakatutok ang mata ko sa lumang TV na nakasabit sa dingding ng hardware store. Nakabukas ito sa isang local news segment tungkol sa ginanap na medical summit sa Maynila.At doon, lumabas ang mukha ni Cyprian.Akin ang paningin pero ang pakiramdam ay tila nanonood lang ako ng isang stranger. Suot niya ang paborito niyang navy blue suit—ako ang pumili niyon noong huling anibersaryo namin. Maayos ang gupit ng buhok niya, perfectly combed back, at ang tindig niya habang kinakapanayam ng mga reporter ay puno ng kumpiyansa."...Dr. Legaspi, as the newly appointed Head of Surgery, ano
Avelina DizonMalamig ang hangin sa tabing-dagat ng San Juan, La Union. Naglalakad ako sa basang buhangin habang bitbit ang lumang tsinelas na binili ko sa kanto kaninang umaga. Dito sa maliit na resthouse ng tita ko—isang lugar na kahit si Cyprian ay hindi alam na umiiral—ko piniling magpalipas ng mga unang araw ng bagong buhay ko.Walang Grab. Walang GrabFood. Walang tunog ng mga kotse sa BGC. Tanging ang hampas lang ng alon sa pampang at ang paminsan-minsang tahol ng mga aso sa malayo ang naririnig ko.Kinapa ko ang bulsa ng aking cardigan at inilabas ang isang mumurahing smartphone na binili ko sa kanto bago ako lumawas ng Maynila. Bagong prepaid SIM. Walang kahit anong messaging app bukod sa karaniwang text at call. Walang social media accounts.Inilagay ko ang telepono sa maliit na wooden table sa beranda at umupo sa folding chair.Inaasahan kong magkakaroon ako ng matinding panic attack. Inakala kong maiiyak ako nang matindi, na magwawala ang dibdib ko habang iniisip kung ano n
Avelina DizonMay kakaibang katahimikan ang pag-iimpake kapag wala ka nang balak bumalik pa.Hindi katulad ng karaniwang pag-alis para magbakasyon kung saan nagmamadali ka at nag-aalala na baka may makalimutan ka, ang pag-iimpake para sa isang permanenteng paglisan ay may kasamang kakaibang sistema. Malamig. Mabilis. Walang bakas ng pag-aalinlangan.Binuksan ko ang malaking maleta na nakatago sa ilalim ng kama sa aming kuwarto—o mas tamang sabihing sa kuwarto niya.Inilagay ko roon ang aking mga personal na damit, ang mga librong ako mismo ang bumili, at ang sarili kong mga dokumento: passport, birth certificate, mga lumang kontrata sa trabaho, at ang bank book ng sarili kong ipon.Hindi ko ginawad kahit isang tingin ang mga mamahaling regalong ibinigay sa akin ni Cyprian sa nakalipas na limang taon. Ang mamahaling designer handbag na binili niya para sa aming ikatlong anibersaryo? Iniiwan ko. Ang diamond necklace na ibinigay niya noong nakaraang Pasko para lang bumawi dahil nakalimut
Avelina DizonMalamig na ang beef bourguignon na limang oras kong niluto.Nangangapal na ang sebo sa gilid ng babasaging plato, at ang mamahaling bote ng Cabernet Sauvignon na inihanda ko tatlong oras na ang nakararaan ay nananatiling nakasara sa gitna ng hapag-kainan.Tinitigan ko ang kandilang dahan-dahang natutunaw sa ibabaw ng mesa. Huling patak na lang ng kandila bago ito tuluyang mamatay, sakto sa pag-iling ng pader na orasan sa sala.11:48 PM.Ilang minuto na lang, matatapos na ang Mayo 14.Ngayong gabi ang taunang Surgical Excellence Awards ng Philippine Medical Association. Ngayong gabi pormal na igagawad kay Dr. Cyprian Legaspi ang parangal bilang pinakabatang Chief of General Surgery sa kasaysayan ng St. Jude Medical Center.Limang taon. Limang taon kong pinanood kung paano ibuhos ni Cyprian ang bawat patak ng dugo, pawis, at oras niya para sa pangarap na ito. Limang taon kong tinitiis ang mga malamig na gabi, ang mga nakanselang date, ang mga pangakong napako dahil may big







