All Chapters of A House With Heartthrobs (Tagalog Version): Chapter 61 - Chapter 70
108 Chapters
60
Pagod  "Ayaw mo talaga?" Pag-uulit niya. "Latrelle, please lang! Tigilan mo na ko."  Naglakad-lakad ako upang humanap ng masisilungan. Hindi naman ako nabigo dahil mayroon na maliit na kubo maliit sa ilog. "Magdahan-dahan ka lang!" Aniya Latrelle na hindi ko akalain na sumunod sa akin. "Ang kulit mo! Akala ko ba hindi mo na ko pagtri-tripan!?" Napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na iyon pero mukhang hindi yata malinaw sa kanya ang sinabi ko. "Hindi ko maiwasan na hindi. Pasensya ka na, lugaw girl." Pag-ngising sagot niya. "Bakit hindi ka sumama roon?" Tinuro ko ang pwesto kung saan nandoon si Marcus. Kumunot ang noo ko. Nakikipagbasaan siya kay Melissa ng tubig. "Ayoko. Panget ka-bonding. Akala ko pa naman manghuhuli tayong isda pero..." huminga ng malalim si Latrelle. "Paglalandian ang ginagawa nilan
Read more
61
Mahal KitaMay mga bagay na gusto kong maintindihan. Hindi ko maunawaan anong gusto ni T.H na ipahiwatig sa akin. Sa bawat salita niya at sa pagkilos niya. Gusto kong malaman ano bang gusto niya? Bakit kailangan magmukha akong baliw kakaisip kung anong totoong nararamdaman niya sa akin?Ang malalim niyang paghinga ay ramdam ko habang nakahiga ang kanyang ulo sa aking balikat. Pinagmamasdan naming dalawa ang mga taong kanya-kanyang gumagawa ng bonfire at tent. Malakas ang halakhakan ng ilan sa kanila. Ang iba naman ay katulad namin. Tahimik lang at gustong mapag-isa habang nakatambay sa lilim ng puno.Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos ni T.H kaya naman umayos ako ng upo. Bumangon siya para titigan ng maayos ang buwan. Para bang may mukha iyon at nakangiti sa aming dalawa. Katabi niya ang mga bituin na lalong nagbigay kagandahan sa kanya.Para bang inabot ni T.H ang buwan saka gumuhit ng hugis puso gamit ang mga bituin. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa
Read more
62
DareUmupo ang lahat malapit sa bonfire na ginawa ni Yuan. Ang katabi ko ay sina Jez at Melissa habang ang katapat ko naman ay sina T.H at Rosella. Nakapulupot siya sa braso ni T.H.Si Sasha ang nag-ayos ng mga papel sa bote. Tinakpan niyang mabuti iyon bago nilagay sa gitna. Nagpresenta si Latrelle na siya ang mag-iikot ng bote na hudyat na simula ng laro namin. Nu'ng una ay nagtawanan pa dahil masyadong mahina ang pagpapaikot ni Latrelle sa bote. Pero sa pangalawang pag-ikot nito ay naging maganda ang kinalabasan. Hindi masyadong mabagal at hindi rin naman mabilis. Unang tumuro ang nguso ng bote kay Drianne. Konsentrado ang lahat sa kung anong tanong ang mabubunot niya. Pakiramdam ko nga ay pinagpapawisan ako ng malamig lalo ng inalis niya ang takip ng bote saka nagsimulang bumunot ng tanong."Oh! That's my question for sure." Aniya Rosella. Pero sa tingin ko ay hindi sa kanya iyon dahil may isang taong nagpipigil ng tawa na hindi mal
Read more
63
Sleep here "I dare you to kiss me, T.H." Walang bakas na pagdadalawang-isip na sinabi ni Rosella. Tahimik ang lahat matapos ng sinabi niya. Tinignan nila ako na may halong lungkot. Gumuhit ang mapagkunwaring ngiti sa labi ko. Tinignan ako ni T.H. tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Rosella.  Kumunot ang noo niya sa babaeng katabi niya na halos abot-langit ang ngiti. "Now, what T.H?" Sabi ni Rosella. Lumunok ako ng dalawang beses saka yumuko. Unang lunok para sa pampatanggal ng kaba kung gagawin niya ba iyon. Huling lunok, upang bumaba ang sakit ng puso ko at mawala ng tuluyan. "Nahinga ka pa ba?" Tinapik ni Jez ang aking likod. Hindi ko alam Jez kung nahinga pa ba ko, o baka bigla na lang maputol ang paghinha ko kung sakaling parehas na mata ko mismo ang makakita kung paano halikan ni T.H si Rosella. "O‐oo n-naman!" Pilit kong sagot. "Ano ka ba! Tignan mo 'yung gagawin ni T.H. Huwag kang magmukmok. Lalo lang ma-tri-tr
Read more
64
Date Naalimpungatan ako dahil sa amoy ng masarap na sinangag. Kusang bumangon ang aking katawan kahit ako ay nakapikit pa. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Ngumiti ako ng makita si T.H sa harapan ko. May dalang pagkain at tubig. "Good morning. Kumain ka na." Matipid nitong bati. Nilapag niya ang pagkain at baso sa harapan ko. Nawala ang ngiti sa labi ko ng napagtanto ko kung anong nangyari kagabi at kung nasaan ako. Sinapo ko ang aking sentido. "T.H, sina Jez at Melissa? Hindi ko ba sila katabi kagabi?" Umiling siya habang sinusuklay ang kanyang buhok. "Dito ka natulog sa tent ko." Huminga ako ng malalim at napalunok. Tinitigan ko ang pagkain na binigay niya. Siguradong binili niya ito sa station ng mga pagkain malapit sa may entrance ng ilog. Kumulo ang tiyan ko kaya't pinili ko na lang munang kumain kaysa isipin ang iba pang bagay. 
Read more
65
T.H and Latrelle Sabay-sabay kaming umuwi bago magtanghali. Ang lahat ay tulog sa sasakyan maliban sa driver at sa akin. Ako lang yata ang may maayos natulog sa kanila. Sino ba namang hindi magiging mahimbing ang tulog kung isang T.H Manzriel ang katabi? Idagdag pang may date kami mamaya kaya dapat umidlip ako kahit kalhating minuto. Malayo pa naman ang biyahe kaya makababawi ako sa pagod ko kahapon.  Hiniga ko ang aking ulo sa balikat ni Melissa na nakapatong naman ang ulo sa may bintana ng sasakyan. Nakanganga siya habang natutulog at may kaunting laway ang lumabas mula sa kanyang bibig kaya naman pinunasan ko iyon ng gamit ng panyo. Niyakap ko siya gamit ng isa kong kamay at siniksik ang sarili ko sa kanya. Habang si Jez naman ay pinatong ang hita niya sa akin. Para akong palaman sa tinapay dahil sa kanilang dalawa. Malakas ang hagok ni Jez pero hindi ko alintana iyon dahil inisip kong kailangan fresh ang aura ko
Read more
66
Taste"Car keys mo, T.H." Nakalahad ang kamay ni Latrelle."Ako ng magdr-drive." Maikling sagot ni T.H at saka binuksan ang sarili niyang kotse.Kumunot ang noo ni Latrelle. Mukhang hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Sinipa niya ang maliliit na bato nasa harapan niya."Kung hindi lang nasira ang kotse ko. Kainis." Pagnguto niya sa kanyang sarili."Tara na." Sabi ni T.H. matapos niyang ibaba ang bintana ng kanyang kotse.Binuksan ni Latrelle ang pinto ng backseat pero hindi siya tumuloy na pumasok sa kotse. Nakatayo siya at nagmwestra na tumabi ako sa kanya. Pero, hindi ko iyon ginawa. Bagkus ay pumunta ako sa p
Read more
67
Rides   Tahimik na magkatabi ang dalawa. Gusumot ang mukha nila na parang isang papel. Habang ako ay umunang um-order sa kanilang dalawa. Nakasuot ng salakot ang mga serbidor at nakabarong ang mga ito habang mga babaeng nasa counter ay nakasaya. "Sinigang po at ginataang alimasag ang sa amin saka calamansi juice. Pakidagdagan na rin ng sorbetes."   "Ano pong flavor ng sorbetes, Ma'am?" Aniya ng serbidor habang sinusulat ang order ko.   Tinignan ko ang kanilang menu. "Keso na lang." Malapad ang ngiti ko.   "I'll pay for this one." Nilapag ni T.H ang kanyang credit card sa mesa. Ngumuso si Latrelle.   "Pabida naman." Bulong ni Latrelle sa kanyang sarili.   "Pasensya na po Sir sa ngayon po ay cash lang ang tinatanggap namin." Nagliwanag ang mukha ni Latrelle na para bang nanalo siya sa lotto. Maglalabas sana siya ng kanyang pera pero di hamak na mas mabilis ang
Read more
68
  Matapos ng pagbanyo nila ay pumunta naman kami sa sinehan. 'Yun ang pinag-usapan ng dalawa. Nagkwentuhan din sila sa kung anong palabas ang uso ngayong panahon. Ako naman ay nakiki-oo lamang sa mga binanggit nila pero sa totoo lang wala akong maintindihan. "Ikaw ba Kaoree anong gusto mong panoorin?" Sa wakas ay pinansin ako ni Latrelle. Parang silang dalawa ang nagda-date at ako ang kanilang chaperone. "Ako? Gusto ko ng horror sana." Nakangiti kong sabi. Nagkatinginan silang dalawa. "Sige." Matipid na sagot ni T.H. Pumila kami upang bumili ng ticket.  May ilan na mga babae na lumapit kay Latrelle. Sinamantala ni T.H ang pagkakataon saka hinalikan ako sa noo. "Gutom ka na ba?" Namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Enebe! Inayos niya ang takas na hibla ng aking buhok at nilagay iyon sa tagiliran ng aking tenga. "Medyo." Nahiya kong sagot.&nbs
Read more
69
Toothbrush Matapos ang panonood sa sinehan ay hinatid nila akong dalawa. Kantayawan ang agad na bumungad sa akin ng dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan. Lahat sila ay nakatingin sa akin lalo na si Jez na may pipino sa mukha. "Uy! Ikaw ha! Dalawang boylet 'yun girl! May pinagmanahan ka!" Sabi nito at saka pinisil ang tagiliran ko. "Kanino pa ba magmamana!" Proud kong sambit. "Eh, 'di sa'yo!" Dugtong ko sa sarili kong sinabi. "Akala ko pa naman may something kay Sasha at Latrelle." Dismayadong pagsingit ni Vana sa gitna ng usapan namin ni Latrelle. Naghahanda siya ng mga pinggan para sa hapunan. Sina Marcus at Yuan ang nakatoka sa pagluluto.  Sina Drianna at Sasha ay prenteng nakaupo habang nanonood ng television. Umikot ang tingin ko. Nasaan kaya si Melissa? "Anong nangyari sa date niyong tatlo?" Nakatawang tanong ni Marc
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status