Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 2441 - Kabanata 2450
2479 Kabanata
Kabanata 2441
Habang pauwi, dinala ni Julie si Fabian sa pinto ng kindergarten at pinasalamatan ito.“Salamat sa pagtatanggol sa akin kanina, Mr. Johnson.”Hindi ito masyadong dinamdam ni Fabian, ngunit nang makita niyang tumatanaw ng utang na loob si Julie, kalmado siyang nagsalita. “Wala ‘yun. Hindi mo ako kailangang pasalamatan, Ms. Charles. Kailangan pa rin kitang abalahin na bantayan si Lily tuwing weekday. Kapag may nangyari kay Lily, kailangan mo agad ipaalam sa akin.” Nakangiting tumango si Julie. “Mr. Johnson, ‘wag kang mag-alala. Babantayan ko nang maigi si Lily.” “Salamat.” Pagkatapos siyang pasalamatan ni Fabian, paalis na ito. Subalit, nang pagtalikod niya, nakita niya ang lalaking sinuntok niya kanina na galit na naglalakad patungo sa kanya kasama ang dalawang pulis. Binilisan nito ang kanyang lakad nang makita nitong paalis na si Fabian at tinuro si Fabian bago sabihin sa pulis sa tabi nito. “Officer, ‘yang lalaking ‘yan. ‘Yan ang nanuntok sa akin kanina. Tingnan niyo an
Magbasa pa
Kabanata 2442
Magalang ang pulis. Tumingin si Fabian sa lalaking arogante kanina at kalmadong tumango. “Sige,” walang-bahala siyang sumagot. Pagkatapos ay lumingon siya kay Julie na mukhang nag-aalala. “Ms. Charles, bumalik ka na sa classroom at pakibantayan si Lily. Salamat.” Nag-aalala si Julie at gustong magsalita, ngunit pakiramdam niya wala siyang karapatan. Kaya tumango na lamang siya.“Mr. Johnson, makakaasa kang aalagaan ko ang bawat estudyante sa klase.” Marahang ngumiti si Fabian. Hindi na siya nagsalita pa. Pagkatapos, nauna siya at naglakad paharap.Sinundan ng dalawang pulis si Fabian, pagkatapos tinawag nila ang lalaki para sumama.“Mr. Martinez, pakiusap sumama ka sa amin sa police station upang maakatulong sa imbestigasyon.” Natakot ang lalaki nang tingnan niya ang malaking katawan ni Fabian. Bigla na lang niyang gustong atrasan ito.“B-Bakit di na lang natin kalimutan ‘to?” gusto nang sukuan ng lalaki ang bagay na ito. Pakiramdam niya binangga niya ang maling tao.Sab
Magbasa pa
Kabanata 2443
Kumunot ang noo ng pulis nang nagdududa. “Sinaktan ba ni Fabian ang anak mo?” “H-Higit pa ito sa pananakit sa anak ko,” sinabi ng lalaki nang matapat.Nagtinginan ang dalawang pulis at naramdamang kailangan nilang bigyan-pansin ang bagay na ito. Pagkalipas ng isang sandali, lumabas ang pulis na kumastigo kay Fabian nang mukhang seryoso.Sumugod palapit ang lalaking nagngangalang Mr. Martinez upang magtanong tungkol sa nangyari.“Officer, anong nangyari? Aarestuhin niyo ba si Fabian at ikukulong?” Seryosong tumingin ang pulis sa lalaki. “Inamin ni Fabian noong simula pa lamang na sinaktan ka niya, at hindi niya sinubukang magpaliwanag, pero…” Kumirot ang dibdib ng lalaki. “Pero ano?”“Mr. Martinez, kakasuhan na ni Fabian kayong dalawa ng anak mo.” “...Ano? Gusto niyang kasuhan kaming dalawa ng anak ko?” “Tama.” tumango ang pulis bilang pagsang-ayon. “At tinawag rin niya ang kanyang lawyer na paparating na.” “...”“Mr. Martinez, inapi ba ng anak mo ang isang batang bab
Magbasa pa
Kabanata 2444
Nang marinig ni Julie ang sinabi ni Fabian, nagulat siya ngunit hindi niya ito pinakita. Sa labas, nanatili siyang mahinhin at kalmado. “Pwede naman ako mamaya, pero hindi ba ito abala sa’yo?” “Hindi. Basta ayos lang sa’yo, walang problema.” “Sige pala.” tumango si Julie at pumayag. Sa loob niya, pinaghahandaan na niya kung anong mga regalo ang dadalhin niya sa bahay ni Fabian.Pagkatapos, sumapit na ang gabi at tapos na ang kindergarten. Sakto ang dating ni Fabian sa labas ng kindergarten. Hinawakan ni Julie si Lillian sa kamay at dinala ito kay Fabian.“Mr. Johnson, may ibang bagay pa akong kailangang asikasuhin. Heto, pwede mo na munang ihatid pauwi si Lily.” “Okay, sige lang,” hindi nagsalita masyado si Fabian. Tumalikod lang siya at naglakad palayo habang hawak si Lillian.Natuliro si Julie nang tingnan niya ang likuran ni Fabian, ngunit kailangan niyang pansinin ang trabaho niya.Hinatid niya sa mga magulang ang mga bata nang maayos bago siya bumalik sa opisina upang
Magbasa pa
Kabanata 2445
Habang bumabyahe sila, hindi nagsalita si Fabian, kaya nanatiling tahimik si Julie.Paghinto ng kotse, palihim na nakahinga nang maluwag si Julie na para bang hindi na siya makahinga. Pagkababa niya ng kotse, nagkusa si Julie na kargahin si Lillian pababa ng kotse, ngunit mas mabilis si Fabian. “Ako na.” mapagpasyang lumapit si Fabian at dahan-dahang binuhat si Lillian habang tinuturo niya ang daan. “Pakiusap sumunod ka sa akin, Ms. Charles.” Nanigas si Julie sandali bago sumunod sa kanya.Nagtingin siya sa paligid ng lugar at napansin na kahit hindi magarbo o isang malaking villa ang lugar ni Fabian, mukhang isa itong mamahaling lugar. Lumitaw sa isipan ni Julie ang pinagmulan ni Fabian. Ang kanyang kapatid na si Yorick, ay isang dating malaking tao sa F Country, ngunit kalaunan ay nalamang may kinalaman ito sa ilegal na negosyo. Dahil hindi pa rin naaapektuhan si Fabian at nagnenegosyo na siya ngayon sa F Country, ibig-sabihin nito na wala siyang kinalaman sa negosyo ni Yor
Magbasa pa
Kabanata 2446
Ang gabing ito ay dapat isang hindi inaasahang pagkakataon. Akala niya ay makakasama niya si Fabian ng sila lang dalawa sa hapunan at kasama ang bata, ngunit hindi niya inaasahan na kasama din pati ang kaibigan ni Fabian. Ang kanyang presensya ang mukhang sumira sa vibes, pero hindi nagpakita ng anumang inis si Julie sa kanyang mukha. Nagpakita pa din siya ng isang disente, at mahinhin na ngiti sa kanyang mukha sa buong hapunan at sinubukan na alagaan si Lillian para ipakita sa kanila ang kanyang mga mabuting katangian, ngunit wala siyang pagkakataon para ipakita ito. Simula ng kumain sila, inasikaso ni Fabian si Lillian mismo hanggang sa matapos silang kumain. Ang kailangan lang naman gawin ni Lillian ay kumain ng maayos. Nilagay ni Fabian ang lahat ng pagkain sa plato nito, binalatan ang hipon para sa kanya, at tinanggalan pa nga niya ng tinik ang isda nito. Lubos ang pag-aaruga niya kay Lillian habang kumakain sila. Nang makita itong lahat ni Julie, hiniling niya tuloy na sa
Magbasa pa
Kabanata 2447
“Lily, matamis ba ang blueberry?”Kumurap ang mga mabilog na mga mata ni Lillian at inabot ang isang maliit na piraso ng blueberry bago ito sinubo sa bibig ni Fabian. Naunawaan ito ni Fabian at ngumiti habang binaba niya ang kanyang ulo para kainin ang blueberry na binigay nito sa kanya. Sa anumang dahilan, ang maasim na blueberry ay naging matamis. Tanging si Fabian lang ang nakakaalam kung bakit ito naging matamis. Nakita ni Evan ang nakakaantig na eksena at umupo kasama si Fabian.“Fab, sinasabi mo ba sa akin na wala kang gusto kay Miss Charles?” “Tumigil na ka na nga sa panghuhula. Paano naman ako magkakagusto sa guro ni Lily?” Tinanggi ito ni Fabian ng may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. “Nakakapanghinayang naman. Kung hindi, magiging maganda ito para sa negosyo mo.” Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Evan, pero kaagad itong napalitan ng ngiti. “Pero kung titingnan ang ugali mo, malamang ay wala naman magiging pagbabago para sayo.” Hindi naunawaan ni Fab
Magbasa pa
Kabanata 2448
Nang marinig ni Evan ang sinabi ni Fabian, napasimangot siya sa kalituhan. Sa kabilang banda naman, namula naman si Julie, naghihintay sa susunod na sasabihin ni Fabian. Malinaw na sa kanya ngayon ang lahat. Alam ni Fabian na may gusto siya sa kanya at sinadya niya na imbitahan siya para kumain ng hapunan habang alam ang bagay na iyon. At ang ibig sabihin nito? Halata naman. Kinabahan si Julie, at malakas ang tibok ng kanyang puso. Nilapit pa niya ang kanyang tenga at nagpatuloy sa pakikinig sa kung ano ang susunod na sasabihin ni Fabian. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang mga susunod na salita ni Fabian ang papatay sa lahat ng kanyang inaasahan at pantasya sa isang iglap. ‘Inimbitahan ko siya ng sa gayon ay wala na akong utang na loob sa kanya.” Biglang tumibok ang nasasabik na puso ni Julie. ‘Ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa akin?’Napatingin siya kay Fabian na puno ng gulat. Hindi niya maisip at ayaw niyang isipin kung
Magbasa pa
Kabanata 2449
Umaalingawngaw pa din sa kanyang tenga ang mga sinabi ni Fabian. Hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin ni Fabian sa kanyang tanong, ngunit ang una niyang inaasahan ay muli nanamang umusbong sa kanyang puso. “Wala akong boyfriend.” Hindi nag-atubili si Julie na sumagot, at mabilis ang tibok ng kanyang puso. “Maganda kung ganun. Hindi ko palalampasin ang isang magaling, mahinahon, at mabuting babae na kagay mo, Miss Charles.” “...” Talagang naguluhan si Julie. Pati si Evan ay nagulat sa sinabi ni Fabian. Anong nangyayari dito? Hindi ba’t sinabi ni Fab na hindi siya interesado kay Julie? Bakit niya sinabi to ngayon? Habang nagtataka sila, narinig nila si Fabian na nagpatuloy sa pagsasalita. “Evan, ginawa ko na ang lahat bilang kaibigan mo. Nag-imbita na ako ng isang mabuting babe para sayo. Ikaw na ang bahala sa lahat.” "...""..."“Kung hindi dahil sa wala akong balak na makipagdate ngayon, hindi ko ipapakilala ang isang mabuting babae na kagaya niya sayo.”
Magbasa pa
Kabanata 2450
Direkta si Evan. Hindi siya nagpapaligoy-ligoy pagdating kay Fabian. Hindi din ito itinanggi ni Fabian, pero hindi tanggap kung paano ito sinabi sa kanya ni Evan. “Isa siyang mabuting babae, mas maganda pa kaysa sa mga libertine na babae na palagi mong kasama. Hindi lang yun, nagkataon na nagkita na kayong dalawa noon. Kilala mo din ang kanyang ama. Baka tinadhana pala kayong dalawa.” Nagtaas ng kilay si Evan. “Young Master Fabian, gusto mo pa din akong i-reto sa kanya? Pero kailangan mong linawin to. Interesado siya sayo.” “Hindi ko din naman siya lubos na kilala. Higit pa doon, baka gusto lang niya ang itsura ko,” malamig na sinabi ni Fabian. Pagkatapos ay nagtawag siya ng isang katulong para dalhin na si Lillian pabalik sa kwarto nito para maligo. Hindi sang-ayon si Evan sa pananaw ni Fabian. “Ito lang ay dahil sa atraksyon sa itsura ng isang tao, kaya nakakaramdam ang isang tao ng kagustuhan para lubos pang makilala ang isang tao sa isang personal na lebel. Fab, wala ka p
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status